You are on page 1of 21

PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

ARALIN 2.4

I. KONTEKSTO

LAYUNIN SA PAGKATUTO:
1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik [F11PU-IIg-88]
2. Nakasusulat ng panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa [F11EP-IIj-35]
Mahalagang Kaisipan: Sa pamamagitan ng pananaliksik, nahahasa ang ating kakayahan na mag-isip at magsuri
ng datos.
PAGPAPAHALAGA: Kakayahan

II. KARANASAN

A. Pagtuklas
Panuto: Masdan nang mabuti ang mapa na nasa ibaba. Mag-isip ng mga salita o parirala na pumapasok sa
iyong isipan kapag narinig mo ang salitang ‗pananaliksik’. Isulat ang iyong sagot sa mga bilog na nasa gilid.

Pananaliksik

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 80


B. Mahalagang Konsepto

Ano ang Pananaliksik?


Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig
bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian.
Ayon naman kay Galero-Tejero (2011), ang pananaliksik ay may tatlong
mahahalagang layunin: una, isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya;
pangalawa, mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa
teoryang
ito; pangatlo, isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema
o suliranin.
Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-
kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang
masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho.
Ang isang pananaliksik ay maaaring maglayon na: makatuklas ng mga bagay na makatutulong sa
lipunan, makahanap ng solusyon sa mga problema, mapabuti ang umiiral na sistema at makalilinang ng
bagong instrumento, makapagbibigay ng mga batayan ng desisyon at pagpaplano, mauunawaan ang
tungkol sa mga bagay na ibig malaman, mapauunlad at mapabuti ang mga pamumuhay, at mapabibilis at
maisasaayos ang mga gawain.

Responsibilidad ng Isang Mananaliksik


1. Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik. May batas tayo na
nagpaparusa sa tuwirang pangongopya ng impormasyon na hindi kinikilala ang tunay na sumulat nito.
Tinatawag itong plagyarismo o plagiarism. Ayon kay Atienza at iba pa, ang plagiarism ay:
*Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi ginamitan ng batas na panipi at hindi
binanggit ang pinaghanguan;
*Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang pagkakapahayag ngunit hindi
kinilala ang pinaghanguan;
*Pamumulot ng mga ideya mula sa iba‘t ibang mananaliksik o manunulat at pinagsama-sama lamang
ang mga ito subalit hindi itinala ang pinaghanguang datos;
*Pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika na inangkin at hindi itinala sa salin ang mga ito;
*Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi kinikilala ang pinagbabatayan ng
ibang mananaliksik subalit inangkin na siya ang naghagilap ng mga datos na ito.
2. Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik. Isa itong pagkilala sa
awtoridad ng nasabing manunulat.
3. Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong pinaghanguan ng ideya o mga
impormasyon.
4. Gumawa ng bibliograpiya sa mga ginamit na sanggunian bilang pagpapatunay na may sapat na batayan
ang ginawang pananaliksik.
5. Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta ng isinagawang pag-aaral.
6. Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik. Sa ganitong paraan, maiiwa-
san ang anumang pagtatangka na manipulahin at dayain ang isinasagawang pag-aaral.
Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 81
Ano ang Konseptong Papel?
Bilang paghahanda ng sulating pananaliksik, mahalagang paghandaan ang pagbuo ng konseptong
papel. Ito ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksyon ang patutunguhan ng paksang nais
tutukan, maliban sa paghahanda ng konseptwal na balangkas sa pagsusuri ng paksa, mahalaga ring ilahad
kung paano isasakatuparan ang paksa. Sa prosesong ito, ang konseptong papel o tinatawag ding preliminary
proposal ang unang mahalagang hakbang bago magpatuloy sa pagsusulat. Ito ay gabay upang maipakita ang
potensyal ng isang gagawing pag-aaral na hindi lalagpas sa limang pahina.

Mga Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel

I. Rasyonale

Ito ang unang bahagi ng konseptong papel. Nakatala sa bahaging ito ang mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa paksa, kung saan at paano nagsimula ang ideya. Kailangan ipaalam sa bahaging ito
na ang magsasagawa ng pananaliksik ay may ganap na kaalaman sa paksang naisip saliksikin. Layunin ng
konseptong papel na tulungan ang mga mananaliksik na paunlarin ang kanilang interes at upang ipakita na
ang gagawing panukala ay karapat-dapat na isakatuparan. Samakatwid, napakahalaga ng papel ng
pinakaunang pangungusap na ilalahad sa bahaging ito. Tiyaking mababanggit ang naunang pag-aaral na may
kaugnayan sa aksa o proyektong napili at na may kinalaman sa paksang sasaliksikin. Sa bahagi ring ito
babanggitin kung sino at paano makikinabang ang mga mambabasa sa pananaliksik.

II. Layunin

Sa bahaging ito inilalahad at inilalarawan ang suliraning nais tutukan. Inilalahad dito ang mga
impormasyon tungkol sa kahalagahan ng paksa. Kailangan lamang na mapatunayan na may saysay ang
gagawing pananaliksik.

Paksa: Pananaw ng mga Gurong Nagtuturo ng Mother Tongue Bilang Bahagi ng K-12 Kurikulum sa
Paaralang Sentral ng Mercedes
Pangkalahatang Layunin: Nilalayon ng pag-aaral na matukoy ang pananaw at saloobin ng mga gurong
nagtuturo ng mother tongue
Mga tiyak na layunin/suliranin/tanong:
1. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng Mother Tongue sa pagtuturo?
2. Ano ang kaibahan sa pagitan ng bagong kurikulum at dating kurikulum sa larangan ng pagtuturo‘t
pagkatuto?
3. Alin ang lalong mabisa sa larangan ng edukasyon: Bagong kurikulum o dating kurikulum?
4. May napapansin ba ang mga guro sa pagbabagong nagaganap sa kilos at ugali ng mga bata sa loob ng silid-
aralan kapag Mother-Tongue ang gagamitin sa pagtuturo? Kung mayroon, bakit ito nangyayari?

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 82


Halimbawa #1:

Epekto ng Global Warming: Isang Malaking Banta sa Seguridad

I. Rasyonale

Isang malaking suliranin sa sangkatauhan ang paglala ng kalagayan ng mundo. Patuloy na lumalaki
ang bilang ng populasyon at patuloy rin ang pagtaas ng kunsumo at suplay ng enerhiya ng mga
mamamayan na ang karaniwang pinagkukunan ay fossil fuels. Dahil sa paggamit ng fossil fuels, pinalalala nito
ang pag-init ng mundo na nagbubunga ng pag-iiba-iba ng klima.

Ang pisikal na epekto ng global warming katulad ng pagpapalit-palit ng panahon ay isang mahalagang
isyu, at ang potensyal na impact nito sa seguridad ng mga bansa tulad sa mga bansang nasa Third World.

Isang mahalagang bahagi ng banta sa kapayapaan at seguridad ay ang posibleng maganap na alitan sa
borders ng bawat bansang apektado. Ang patuloy na pagtunaw ng yelo na nagiging sanhi ng pagtaas ng
bahaging tubig at unti-unting paglubog ng mababang lugar ay maaaring magbunga ng isang malaking
pagbabago sa anyong lupa. Bunsod nito unti-unti na ring lulubog ang mga coastline na magreresulta ng
pag-iiba ng shipping routes at magiging suliranin na rin ang pagbugso ng migration bunga ng paglikas mula sa
lugar na lumubog. May malaking impact din ito sa kabuhayan ng mga mamamayan lalo na sa agrikultura.
Magkakaroon ng kakulangan sa supply ng pagkain at sa mga pangunahing pangangailangan ng mga
mamamayan.

Ang pokus ng konseptong papel na ito ay tutuon lamang sa implikasyong pangseguridad na epekto
ng global warming bunga ng pagpapalit ng klima. Marami nang pag-aaral ang naisagawa tungkol sa global
warming subalit ang pagiging banta sa seguridad ng isang bansa ay hindi pa ganap na napagtutuunan ng
pansin. Isang malawakang kampanya ang kailangang palaganapin sa pamamagitan ng midyum na maaabot
ang interes ng mga mamamayan. Mahihikayat ang mga kalahok na magsuri at magbigay ng solusyon nang
sa gayon ay hindi na umabot pa sa isang trahedya ang pagsasawalang-bahala ng mga tao.

II. Layunin ng papel na ito ang:

1. Matukoy ang potensyal na solusyon upang mapigilan ang patuloy na paglala ng global warming.

2. Magkaroon ng debate upang matukoy ang implikasyong pangseguridad ng pagpapalit ng klima.

3.Makabuo ng malawakang estratehiya upang mapigilan ang bantang maaaring ibunga ng global warming

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 83


Halimbawa #2:
Paano Ginagamit ang E-Textbooks sa Loob ng Silid-Aralan

Ayon kina Bernie Trilling at Charles Fadel sa kanilang aklat na 21st Century Skills: Learning for Life in
our Times (2009), ang kasalukuyang siglo ay nagdala ng mgabagong set ng indibidwal na lubhang naiiba sa
kanilang magulang. Sila ang mga digital native. Sila ang unang set ng henerasyon na napaliligiran ng digital
media. Sila rin ay naiibasa mga ―natutong gumamit‖ ng teknolohiya sa paglipas ng panahon o mga digital
immigrants. Inilarawan nina Trilling at Fadel ang mga digital native bilang unang henerasyon sa kasaysayan
na mas marami pang nalalaman tungkol sa mga impormasyong digital at teknolohiyang
pangkomunikasyon o digital information and communications technologies kaysa sa mga mas nakatatanda sa
kanila. Ayon sa kanila, binago nito ang dinamika sa paaralan dahil ang mga mag-aaral na ang mga digital
mentor at ang mga guro at magulang na ang mga part-time na mga mag-aaral. Dahil sa pagkalantad ng mga
digital native sa mundong digital, sila ay naglalatag bagong set ng pangangailangan sa ating sistemang
pang-edukasyon.

Ayon muli kina Trilling at Fadel, may mga kakayahang pang-21 siglo o 21st century skills na
kinakailangang matamo ng mga mag-aaral. Hindi lamang ang pagiging bihasa sa mga natukoy na
kakayahan o identified skils tulad ng problem solving at critical thinking ang kabilang sa kakayahang ito, kundi
maging ang pagiging bihasa sa mga makabagong kakayahan tulad ng digital media literacy. Ipinaliwanag
din nila Trilling at Fadel na may tatlong set ng kakayahan na kinakailangang matamo ng mga mag-aaral
sa ika-21 siglo. Ito ay ang life and career skills, learning and innovation skills, at information, media, and technology
skills.

Nais ng papel na ito na magpokus sa information, media, and technology skills lalo na at ang ilan sa mga
silid-aralan sa Pilipinas ay nagsisimula nang maging hi-tech hindi lamang sa pamamagitan ng paggamit ng
teknolohiya upang gumawa ng mga teaching aid at instructional material, kundi sa pamamagitan rin ng
unti-unting pagpapalit sa mga inimprentang teksbuk ng electronic textbook o e-textbook. Nais ng papel na
ito na malaman kung paano ginagamit ng mga guro at mga mag-aaral ang e-textbook sa pagtuturo at
pag-aaral sa loob ng silid-aralan bilang manipestasyon ng kanilang information, media, and technology skills at
kung ano ang impak ng teknolohiyang ito sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob at labas ng mga
silid-aralan.

Sa kasalukuyan, magkakaiba ang lebel ng information, media, and technology skills ng mga guro at
mag-aaral sapagkat iba-iba rin ang kanilang exposure sa mga makabagong teknolohiya. Dahil dito,
ipinahahayag ng papel na ito na ang paggamit ng e-textbook sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral at
mga guro ay nakadepende sa kanilang information, media, and technology skills.

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 84


Halimbawa #3:

Hardin at Gubat Bilang Botika: Imbentaryo at Pagsusuri sa mga Tradisyonal na Halamang Gamot
sa Probinsiya ng Quezon

I. Rasyonale

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa archipelago na malao‘y tinawag nilang Islas
Filipinas at ngayo‘y Pilipinas na, ang mga mamamayan sa kapuluang ito‘y may sarili nang sibilisasyon.
Bahagi ng kanilang sibilisasyon ang paggamit ng mga halamang gamot para sa iba‘t ibang
karamdaman. Ilan sa mga tradisyonal na halamang gamot gaya ng dahon ng lagundi para sa ubo ay
kinikilala na ngayong epektibo, ayon na rin sa mga siyentipikong pananaliksik. Sa pagtaas ng presyo
ng gamot sa Pilipinas bunsod ng mahigpit na implementasyon sa batas sa mga patent sa gamot,
monopolyo ng iilang malalaking korporasyong lokal at global na produksiyon at distribusyon ng
gamot, lalong nagiging kaakit-akit sa mga Pilipino ang malawakang paggamit ng halamang gamot na
mas mura at karaniwa‘y mahahanap sa kani-kanilang komunidad, lalo na sa mga probinsiyang gaya ng
Quezon.

II. Layunin

Pangunahing layunin ng papel na magsagawa ng imbentaryo ng mga tradisyonal na


halamang gamot sa probinsiya ng Quezon. Layunin din ng pananaliksik na ito na sagutin ang mga
sumusunod na katanungan:

1. Bakit maraming Pilipino ang muling bumabalik sa paggamit ng halamang gamot?

2. Paano naging bahagi ng kulturang Pilipino ang paggamit ng mga halamang gamot?

3. Ano-anong tradisyonal na halamang gamot ang ginagamit pa rin ngayon sa probinsiya ng


Quezon?

4. Batay sa opinyon ng mga albularyo at mga doctor, epektibo ba ang mga ito?

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 85


Paglilimita ng Paksa
Mga katanungan na makatutulong upang malimita ang paksa:
1. Paano ko ipahahayag ang paksa sa mas malinaw at tiyak na paraan?
2. Ano-ano ang mga kawili-wiling mahahalagang aspeto ng paksa?
3. Sa anong pagkakasunod-sunod kailangan kong ilahad ang iba‘t ibang aspeto, at paano ko pag-uugnay-
ugnayin ang mga ideyang ito?
4. Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
Mga Salik na Makapaglilimita ng Paksa
Pangkalahatang Paksa: Ang Paggamit ng Gay Lingo
1. Perspektiba (epekto, persepsyon, pananaw, salik, suliranin, bentahe at disbentahe, kalagayan, atbp.)
Nilimitahang Paksa: Ang Epekto ng Paggamit ng Gay Lingo
2. Panahon
Nilimitahang Paksa: Ang Epekto ng Paggamit ng Gay Lingo sa kasalukuyan.
3. Uri
Nilimitahang Paksa: Ang Epekto ng Paggamit ng Gay Lingo sa Kasalukuyang Panahon.
4. Edad
Nilimitahang Paksa: Ang Epekto ng paggamit ng Gay Lingo sa mga Kabataang may edad 14-16 sa kasalu-
kuyang Panahon.
5. Kasarian
Nilimitahang Paksa: Ang Epekto ng Paggamit ng Gay Lingo sa mga Kabataang Kalalakihan may edad 14-16 sa
Kasalukuyang Panahon.
6. Lugar
Nilimitahan Paksa: Ang Epekto ng Paggamit ng Gay Lingo sa mga Kabataang Kalalakihan na may Edad 14-16
sa Pamantasang Ateneo de Zamboanga sa Kasalukuyang Panahon.
7. Pangkat/Grupo
Nilimitahang Paksa: Ang Epekto ng Paggamit ng Gay Lingo sa mga Kabataang Kalalakihan na may edad 14-16
sa Pamantasang Ateneo de Zamboanga sa Kasalukuyang Panahon.
Karagdagang halimbawa:
1. Malawak o Pangkalahatang Paksa: Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral
Nilimitahang Paksa: Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang Epekto nito
sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko
Lalo pang nilimitahang paksa:
Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa ikasampung baiting ng gregorio del
pilar high school at ang Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko
2. Malawak o Pangkalahatang Paksa: Persipsiyon sa mga taong may tattoo sa katawan
Nilimitahang Paksa: Persipsiyon ng kabataan sa mga taong may tattoo sa katawan
Lalo pang nilimitahang paksa:
Persipsiyon ng kabataan nasa edad 13-16 sa mga taong may tattoo sa katawan

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 86


C. Gawain sa Pagkatuto
A. Paglilimita ng Paksa
Panuto: Sa ibaba ay may sampung nakasulat na paksa na maaaring gawan ng isang pananaliksik. Gawing
tiyak ang pamagat ng pananaliksik sa pamamagitan ng paglilimita ng paksa. Gumamit ng 3 hanggang
5 salik sa paglilimita ng paksa. Isulat sa ibaba ang mga salik na ginamit at salungguhitan ang mga
salik sa nilimitahang paksa. Pumili lamang ng limang lilimitahan mula sa 10 ibinigay na paksa.
Tingnan ang halimbawa upang iyong maging gabay.
Paksa: Ang Teknolohiya sa Pagpapalaki ng mga Magulang sa Kanilang mga Anak
Nilimitahang Paksa:
Epekto ng Telebisyon sa Pagpapalaki ng mga Magulang sa Kanilang mga Anak na Lalaki na
may Edad 8-13 sa Barangay Tuazon
Salik: perspektiba, uri, kasarian, edad, at lugar

1. Madalas na paglalaro ng video games ng mga 6. Ang Kasalukuyang Mass Media


mag-aaral 7. Ang Paggamit ng Halamang Gamot
2. Ang Pagkahumaling sa Internet Dating 8. Ang Paggamit ng Teknolohiya sa Kasalukuyan
3. Epekto ng social media sa mga mag-aaral 9. Ang paggamit ng e-book (electronic book) ng
4. Ang Edukasyon sa Pilipinas mga batang mag-aaral
5. Ang Karapatan ng mga Kababaihan 10. Pagkakaroon ng kasintahan habang nag-aaral
pa sa high school

1. Paksa:
Nilimitahang Paksa: _______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
Salik: ___________________________________________________________________________________

2. Paksa:
Nilimitahang Paksa: _______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
Salik: ___________________________________________________________________________________

3. Paksa:
Nilimitahang Paksa: _______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
Salik: ___________________________________________________________________________________

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 87


B. Pag-iisa-isa sa hakbang ng pagbuo ng konseptong papel
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong bahagi ito ng
konseptong papel. Lagyan ng bilang 1 kung ang bahaging ito ay rasyonale at 2 naman kung ito ay
layunin.

1. ________ May mga epekto ang paglalaro ng video games sa mga batang nasa elementarya.

________ Tutukuyin ang epekto ng paglalaro ng vedio games sa mga batang nasa elementarya.

2.________ Ang paggamit ng marijuana bilang gamut sa ilang sakit ay ipinapanukala ng ilang eksperto

________ Susubuking alamin ang benepisyo at panganib sa paggamit ng marijuana bilang gamot o
medisina.

3.________Sa pamamagitan ng camera at editing app ng smartphone ay makagagawa ng isang maikling


indie film

________ Tutukuyin ang paraan ng pagbuo ng aikling indie film gamit lang ang camera at editing app
ng smartphone

4. ________ Aalamin ang mga ingredient o sahog sa paggawa ng hotdog.

________ Ang hotdog ay isa sa mga paboritong almusal ng mga kabataan, subalit, ano-ano nga ba ang
ingredient o sahog sa paggawa nito?

D. Paglalagom sa Natutuhan
Magaling! Natapos mo na ang mga gawain sa pagkatuto. Ngayon naman ay tingnan natin kung ano-ano
ang iyong natutuhan mula sa binasang aralin sa pamamagitan ng gawaing ito.
Isahang Gawain

…sa tulong ng…


Aking nabatid na…
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 88


III. REPLEKSYON

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pahayag. Bigyan ng pagpapaliwanag.
#1 Bakit mahalagang maging maingat ang isang mananaliksik sa pagbuo ng kanyang
pananaliksik? _______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

#2 Bilang isang mag-aaral, ano ang nakikita mong kahalagahan ng pananaliksik at


paano ito makatutulong sa iyong pag-aaral? __________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

A. Responsibilidad ng Mananaliksik
Panuto: Ikaw ay bibigyan ng apat na sitwasyon. Basahin ito at unawain nang mabuti. Pumili ng dalawa mula
sa lima at isulat sa nakalaang kahon ang iyong gagawin bilang isang responsableng mananaliksik. Isulat
din ang bilang ng pinili mong sitwasyon. Ang iyong sagutang papel ay matatagpuan sa susunod na
pahina. (dagdag ng gawain, pipili at bubuo ng panimulang paksa para sa pananaliksik– lilimitahan)
1. Mababa ang marka ni Emil sa Filipino 2 at kung siya ay magpapabaya, tiyak na babagsak siya sa
asignaturang ito. Ang tanging paraan para maitaas ang kanyang marka ay nakasalalay sa pamanahong
papel na isusumite nila sa kanilang propesor. Hindi seryoso si Emil sa takdang petsa ng pagsusumite
ng pamanahong papel. Isang araw bago dumating ang takdang petsa ng pagsusumite ay kinausap ka ni
Emil na ipapa-xerox niya ang iyong ginawa at babaguhin na lamang niya ang pangalan ng gumawa.
Ano ang iyong gagawin?
2. Sa mga gawaing ibinigay sa inyo sa Filipino ay ang pagsulat ng kuwento. Nakita mo ang isa mong
kamag-aral na pinalitan ang pamagat ng isang kuwento ng kilalang manunulat sa magasin. Isinulat din
niya ang kanyang pangalan. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
3. Nalaman mong nagpagawa ng pamanahong papel sa iba ang iyong kamag-aral. Nagbayad siya para ma-
kasumite sa inyong propesor. Magbigay ng reaksyon kung tama ang ganitong gawain.
4. Nawala ang pamanahong papel na ginawa mo at nakita mong hawak na ito ng iba. Pinalitan ang unang
pahina nito kaya‘t hindi pangalan mo ang nakasulat dito. Paano mo mapatutunayan sa iyong propesor
na ninakaw ang iyong pamanahong papel?
5. May proyekto kayo sa Filipino tungkol sa paggawa ng isang simpleng pananaliksik. Napili ng klase na
magsagawa ng sarbey kung dapat bang magpataw ng karagdagang buwis ang ating pamahalaan para
tumaas ang ekonomiya ng ating bansa. Isa ka sa komite na magsasagawa ng sarbey. Tatlo sa iyong
kasama sa komite ang nagmungkahi na kayo na lang ang sumagot sa sarbey at iba-ibahin na lamang
ang pirma. Magbigay ng sariling paninindigan kung makatwiran ang ganitong mungkahi.

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 89


IV. AKSYON

Bilang ng napili: ____


2

_______________________________________________________________________________________________________________
Sasabihin ko sa aming guro na kinuha nya ito sa internet, ang ginawa ng kamag-aral ay isang plagiarism o
_______________________________________________________________________________________________________________
illegal na pangongopya maslalo na ito ay bawal kapag walang pahintulot ng may-ari
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________

Bilang ng napili: ____


5

_______________________________________________________________________________________________________________
Hindi makatwiran ang ginawa ng aking mga kasama pag nahuli sila ng kanilang guro ay maari silang makulong
_______________________________________________________________________________________________________________
dahil sa pagpeke ng mga pirma sa sarbey.
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________

B. Pagbuo ng Sariling Pamagat


Panuto: Mula sa pagsasanay na ginawa sa gawain sa pagkatuto, ikaw ngayon ay pipili ng paksa ng iyong
pananaliksik. Pumili ng paksa na may kinalaman sa wika (gay lingo, jejemon, coño, taglish atbp.).
Limitahan ito gamit ang 4 o mahigit na salik sa paglilimita ng paksa.

Paksa:____________________
Nilimitahang Paksa: _______________________________________________________________________________
Sa kasalukuyan ang mga Mag-aaral na babae at lalaki na edad 16-19 sa Ateneo De

_____________________________________________________________________________________________________
Zamboanga ay gumagamit ng wikang coño at jeje

Salik:
1. ____________ : _________________________________
Perspektibo madaming mag-aaral na gumagamit ng cono at jeje

2. ____________
Panahon : _________________________________
Sa kasalukuyan

3. ____________
Uri : _________________________________
Wikang Coño at Jeje

4. ____________
Edad : _________________________________
16-19

5. ____________ : _babae at lalaki


Kasarian __________________
6. ____________
Lugar : _________________________________
Ateneo De Zamboanga

7. Pangkat/Grupo
____________ : _________________________________
Mga Mag-aaral

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 90


V. EBALWASYON

A. Maramihang Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at bilugan
ang titik na katumbas ng iyong sagot.
1. Ano ang tawag sa isang papel na tinatawag ding preliminary proposal bago magsagawa ng aktwal na
pananaliksik?
A. Action plan B. Arkibo C. Konseptong papel D. Taripa
2. Sa isang preliminary proposal, sa anong bahagi matatagpuan ang paglalahad sa paksa na pag-aaralan, mga
nakalap na kaugnay na pag-aaral o literatura pati na rin ang motibasyon ng pag-aaral?
A. Inaasahang bunga B. Layunin C. Metodolohiya D. Rasyonale
3. Sa isang preliminary proposal, sa anong bahagi matatagpuan ang mga tanong na nais sagutin ng mga
mananaliksik kaya isasagawa ang isang pag-aaral?
A. Inaasahang bunga B. Layunin C. Metodolohiya D. Rasyonale
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali sa mga salik ng paglilimita ng paksa?
A. Edad B. Kondisyon C. Lugar D. Uri
5. Anong salik ng paglilimita ng paksa ang tumutukoy sa panahong sakop ng pag-aaral?
A. Kondisyon B. Lugar D. Panahon D. Uri
6. Anong salik sa paglilimita ng paksa ang sinalungguhitan? ―Pananaw ng mga mag-aaral ng ABM edad 16-18
Pamantasang San Nicholas sa ‗no pet bottles policy‘ na ipinapatupad ng paaralan.
A. Edad B. Panahon C. Perspektiba D. Uri
7. Anong salik sa paglilimita ng paksa ang sinalungguhitan? ―Pananaw ng mga mag-aaral ng ABM edad 16-18
Pamantasang San Nicholas sa ‗no pet bottles policy‘ na ipinapatupad ng paaralan.
A. Edad B. Grupo/Pangkat C. Kasarian D. Uri
8. Anong salik sa paglilimita ng paksa ang sinalungguhitan? ―Pananaw ng mga mag-aaral ng ABM edad 16-18
Pamantasang San Nicholas sa ‗no pet bottles policy‘ na ipinapatupad ng paaralan.
A. Edad B. Grupo/Pangkat C. Kasarian D. Uri
9. Anong salik sa paglilimita ng paksa ang sinalungguhitan? ―Pananaw ng mga mag-aaral ng ABM edad 16-18
Pamantasang San Nicholas sa ‗no pet bottles policy‘ na ipinapatupad ng paaralan.
A. Grupo/Pangkat B. Kasarian C. Lugar D. Uri
10. Anong salik sa paglilimita ng paksa ang sinalungguhitan? ―Pananaw ng mga mag-aaral ng ABM edad 16-18
Pamantasang San Nicholas sa ‗no pet bottles policy‘ na ipinapatupad ng paaralan.
A. Kasarian B. Kondisyon C. Grupo/Pangkat D. Lugar

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 91


PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Pagsusulit 1: Maramihang Pagpipilian


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Anong sitwasyong pangwika ang makikita sa mga programang pantelebisyon tulad ng mga teleserye, pantanghaling
palabas, news and public affairs, reality show atbp?
A. Paggamit ng wikang Filpino C. Paggamit ng kolokyal
B. Paggamit ng wikang Ingles D. Paggamit ng wikang rehiyonal
2. Alin sa mga sumusunod na salik ang may malaking ambag kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay
nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino?
I. Pagsubaysay sa mga dayuhang channel III. Pagsubaybay sa mga pantanghaling palabas

II. Pagsubaybay sa mga teleserye IV. Pagsubaybay sa mga rehiyonal na pagbabalita


A. I at II B. II at III C. III at IV D. II, III, at IV
3. Anong uri ng dyaryo ang mas binibili ng masa na ginagamitan ng wikang mas higit nilang nauunawaan?
A. Broadsheet B. Editoryal C. Magasin D. Tabloid
4. Sa mga pelikula, karaniwan nang makahanap ng mga may pamagat na nasa Ingles. Ngunit kapag pinag-usapan ang
wikang ginagamit bilang lingua franca, anong wika ang ginagamit?
A. Filipino B. Impormal C. Ingles D. Wikang rehiyonal
5. Bakit sinasabing may malaking hamon para sa mga taong nasa likod ng mass media sa paggamit ng wikang Filipino?
A. Pasan nila ang responsibilidad na gamitin ang wikang Filipino sa mga pelikula
B. Pasan nila ang responsibilidad na gamitin ang wikang Filipino sa pamagat ng mga pelikula
C. Pasan nila ang responsibilidad na gamitin ang wikang Filipino nang tama at wasto.
D. Pasan nila ang responsibilidad na gamitin ang wikang Filipino nang puro at walang halong ibang wika
6. Anong wika ang pangunahing ginagamit sa pamahalaan?
A. Filipino C. Ingles
B. Impormal D. Wikang rehiyonal

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 92


7. Anong anyo ng kulturang popular ang madalas na marinig sa mga kabataang magkakaibigan at nagkakaibigan?
A. Fliptop B. Hugot Lines C. Pelikula D. Pick-up Lines
8. Sa aling sitwasyong pangwika karaniwan nakikita ang WUN, TTYL, OTW, JGH atbp?
A. Sitwasyong pangwika sa paaralan C. Sitwasyong pangwika sa telebisyon
B. Sitwasyong pangwika sa radyo D. Sitwasyong pangwika sa tex
9. Anong uri ng mga kataga ang mga sinalungguhitan sa tanong bilang 8?
A. Balbal B. Jejemon C. Kolokyal D. Pinaikli
10. Ang fliptop ay isang anyo ng kulturang popular. Alin sa mga sumusunod ang pinakamakapaglalarawan ng
sitwasyong pangwika sa fliptop?
A. Kailangan gumamit ng purong wikang Ingles
B. Kailangan gumamit ng purong wikang Filipino
C. Maaring gumamit ng magkahalong wikang Ingles at Filipino
D. Gumagamit impormal na wika at pananalita

Pagsusulit 2: TAMA o MALI


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama
at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
__________1. Ang mga producer ng pelikula ay naglalayong mang-aliw sa masa at kumita ng malaking halaga.
__________2. Kung hindi taglay ng isang tao ang lahat ng apat na kakayahang pangkomunikatibo ay hindi siya
makapagpapayahag ng kanyang saloobin.
__________3. Ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang
mga tuntuning pang-ortographiya ay ang kakayahang sosyolingguwistiko.
__________4. Ilan sa mga programang pantelebisyon na gumagamit ng mga wikang rehiyonal ay ang mga news and
public afairs na kinabibilangan ng mga programa sa pagbabalita.
__________5. Lahat ng fliptop ay gumagamit ng wikang Filipino.
__________6. Tanging ang mga taong may pinagdadaanan lamang ang maaaring makabuo ng mga hugot lines.
__________7. Ang fliptop ay gumagamit ng mga mapanlait, bulgar na salita at impormal na pananalita.
__________8. Isang malaking salik sa pagpapalaganap ng wikang Filipino ang pagsubaybay sa mga pelikulang Pinoy na
gumagamit ng wikang Filipino.
__________9. Ang layunin sa pagpapadala ng text ay upang maiparating ang ating mensahe sa iba kahit nasaan
man sila kaya naman walang tuntunin na sinusunod sa pagbabaybay sa text.
__________10. Sa kakayahang sosyolingguwistiko, binanggit ni Dell Hymes na kailangan isaalang-alang natin ang lugar
kung saan tayo nakikipag-usap upang magkaroon ng epektibong komunikasyon.

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 93


P roject B ased L earning

FILIPINO • Baitang 11 • Ikalawang Markahan

Performance Standard

Ang mag-aaral ay inaasahang makasulat ng panimulang pananaliksik sa mga penomenang kul-


tural at panlipunan sa bansa.

GRASPS

Magsaliksik ng mga natatanging kultura sa inyong


sariling bayan, lalawigan, rehiyon o saan mang bahagi ng
G OAL bansa.

R OLE Program Researcher

A UDIENCE Guro at mag-aaral

Naatasan ka ng iyong pinuno na magsaliksik ng mga


natatanging kultura sa inyong sariling bayan, lalawigan, rehiyon, o
saan mang bahagi ng bansa. Ito ay itatampok sa isang sikat na
programa sa nasabing estasyon. Makatutulong ito upang higit na
S ITUATION
mapahalagahan ng mga Pilipino ang ating kultura at iba pang
pagkakakilanlan ng bansa. Ang iyong nabuong sulating papel ay
bibigyang kritik muna ng iyong pinuno at kapwa Program
Researcher.

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 94


Magsaliksik ng mga natatanging kultura sa inyong sariling
P ERFORMANCE bayan, lalawigan, rehiyon, o saan mang bahagi ng bansa. Maaaring
makipag-ugnayan sa Social Development Office.
Ang mga mag-aaral ay tatayain sa pamamagitan ng 4Cs‘
gamit ang bilang 1 - 4, kung saan 4 ang may pinakamataas na marka
S TANDARD
at 1 ang pinakamababa.
1. Talatanungan (Communication)
Malinaw at wasto ang pagkabuo ng talatanungan upang
makakalap ng mga datos hinggil sa paksang pinag-uusapan. Naiba-
hagi ang anomang kaisipan na kinakailangan upang maisagawa
nang wasto ang pananaliksik
2. Partisipasyon (Collaboration)
Ang bawat kasapi ng pangkat ay nakapagbahagi ng kani-
kanilang gampanin sa pagbuo at pagsasaayos ng pananaliksik.
3. Nilalaman (Critical Thinking)
Ang isinagawang pananaliksik ay makabuluhan at may
kaugnayan sa paksang pinag-uusapan. Nagbibigay ng wastong
mungkahing solusyon hinggil sa suliraning kinahaharap.
4. Pinal na Produkto (Creativity)
Ang isinagawang pananaliksik ay may malinaw na daloy ng
mga datos na may kaugnayan hinggil sa paksang pinag-uusapan.
5Cs'
Culture: Ang bawat mag-aaral ay mas nakikilala ang kultura ng
iba‘t ibang pangkat maging ang wikang kanilang ginagamit.

PERFORMANCE TASK 1
1.1 Pagpili ng paksa/pamagat

Ang mga mag-aaral inaasahang matukoy ang target na kulturang pag-uusapan at sasaliksikan sa pama-
magitan ng pagpili ng paksa.

1.2 Ang mga mag-aaral ay kakalap ng makabuluhang impormasyon hinggil sa paksang pinag-uusapan. Sa
pamamagitan ng pagbuo ng burador (draft), susuriin ang mga datos upang makakuha ng mahahalagang
kaisipan na maaaring gamitin sa pagbuo ng artikulo hinggil sa aspektong kultural at linggwistiko.
FINAL PRODUCT
Ang mga mag-aaral ay makasulat ng panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa.

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 95


PERFORMANCE TASK

Pagbuo ng pamagat at pangangalap ng datos (80 puntos)

Panuto: Ang FPBA ay ang pagbuo ng rasyonale at layunin. Bago mabuo ang mga bahaging ito, kailangan
munang pumili ng paksa, limitahan ito at mangalap ng datos. Pumili ng isang paksa na may kaugnayan
sa wika.

Pormat: Short bondpaper (8.5x11), Times New Roman, size 12, 1.5 spacing, 1 inch margin sa lahat ng gilid,
magkabilaang pantay.

Halimbawa:

Paksa: Paggamit ng taglish

Nilimitahang paksa:

Ang epekto ng paggamit ng taglish sa katatasan sa wikang Filipino ng mga mag-aaral ng HUMSS edad 17-18
sa Pamantasang Ateneo de Zamboanga

Mga salik:

Perspektiba: epekto

Uri: taglish

Grupo/pangkat: mag-aaral ng HUMSS

Edad: 17-18

Lugar: Pamantasang Ateneo de Zamboanga

*Pagkatapos maglimita ng paksa ay mangalap ng lima o mahigit na kaugnay na pag-aaral o literatura (datos).
Isaalang-alang ang wastong pagsangguni sa pagkuha ng datos (in-text citation).ga nakalap na datos:

FINAL PERFORMANCE-BASED ASSESSMENT

Pagbuo ng Rasyonale at Paglalahad ng Suliranin/Layuin (80 puntos)

Panuto: Bumuo ng rasyonale at layunin (2-3 pahina) tungkol sa nabuong pamagat at gamitin ang mga
nakalap na datos sa pagbuo ng rasyonale. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang konsepto sa
araling ito.

Pormat: Short bondpaper (8.5x11), Times New Roman, size 12, 1.5 spacing, 1 inch margin sa lahat ng gilid,
magkabilaang pantay.

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 96


Pamantasang Ateneo de Zamboanga
Mataas na Paaralang Senior
Fr. Eusebio G. Salvador, SJ Campus, Kalye La Purisima, Lungsod Zamboanga
Performance Tsek # 1
Rubrik sa Pagbuo ng Pamagat at Pangangalap ng Datos
Panuntunan:
Ang bawat isa ay magiging bahagi ng pangkat na may tigtatlong miyembro.
Pumili ng paksa ng isang pananaliksik na may kaugnayan sa wika at gumamit ng 5 o higit na salik sa paglilimita ng paksa.
Mangalap ng mga kaugnay na datos sa napiling paksa, isaalang-alang ang wastong pagsangguni sa pinagkunan.

Nilalaman Pinakamahusay Mahusay Katamtaman Mahina Puntos


(4)
Kaugnayan ng Ang pamagat ay Ang pamagat ay Ang pamagat ay Ang pamagat ay
pamagat sa may malinaw na may kaugnayan sa walang gaanong walang kaugnayan
wika kaugnayan sa wika kaugnayan sa sa wika
X3=
Paglimita ng Gumamit ng li- Gumamit ng tatlo Gumamit ng isa Hindi gumamit ng
paksa mang (5) salik sa hanggang apat(3- hanggang dala- paglilimita ng
X4=
paglilimita ng 4) na salik sa wang (1-2) salik paksa kaya masya-
paksa. Sapat paglilimita ng sa paglilimita ng dong malawak ang
upang maging paksa. Sapat paksa kaya may paksa
tiyak na tiyak ang upang maging kalawakan ang
paksa tiyak ang paksa paksa
Kaugnayan ng Lahat ng inilahad May isa hanggang May tatlo hang- Ang mga datos na
datos sa paksa na datos ay may dalawang (1-2) gang apat (3-4) na inilahad ay walang
kaugnayan sa datos ang walang datos ang walang kaugnayan sa
paksa, sapat upang kaugnayan sa kaugnayan sa paksa, hindi ma- X5=
maging malinaw paksa, nakapag- paksa dahilan linaw kung ano
na malinaw ang bigay ng katamta- upang hindi ang paksa
napiling paksa mang linaw sa gaanong maging
napiling paksa malinaw ang
paksa
Wastong Ang lahat ng May isa hanggang May tatlo hang- Ang mga datos na X3
paglalahad ng inilahad na datos dalawang (1-2) gang apat (3-4) na inilahad ay walang
datos ay may maayos na datos ang hindi datos ang hindi maayos na pagka-
pagkakasangguni naging maayos naging maayos kasangguni sa
(citation)
mula sa ang ang pinagkunan
pinagkunan. pagkasangguni sa pagkasangguni sa
pinagkunan. pinagkunan.
Sapat na Nakapagbigay ng May tatlo hang- May isa hanggang Walang ibinigay X3
bilang ng datos lima o mahigit gang apat (3-4) dalawang (1-2) na datos
(5+) na datos datos na ibinigay datos na ibinigay
Wastong gamit Walang mali sa May 1-3 na mali May 4-6 na mali May 7 o mahigit X2
ng gramatika gamit ng mga sa gamit ng mga sa gamit ng mga na mali sa gamit
at bantas salita, salita, salita, ng mga salita,
pagbabantas, pagbabantas, pagbabantas, pagbabantas,
pagbabaybay, pagbabaybay, pagbabaybay, pagbabaybay,
maliit at malaking maliit at malaking maliit at malaking maliit at malaking
titik at nasunod titik at nasunod titik at nasunod titik at nasunod
ang format ng ang format. ang format. ang format.
balangkas.
Kabuuan /80

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 97


Pamantasang Ateneo de Zamboanga
Mataas na Paaralang Senior
Fr. Eusebio G. Salvador, SJ Campus, Kalye La Purisima, Lungsod Zamboanga
Performance Task # 1
Pagsulat ng Konseptong Papel (Rasyonale at Layunin)
Panuntunan:
Ang bawat pangkat ay bubuo ng konseptong papel hinggil sa napiling paksa na may kaugnayan sa wika. Ang papel ay maglalaman
ng dalawang bahagi: Rasyonale at Layunin.
Ang mga nakalap na datos sa nakaraang Performance Tsek ay ilalagay sa rasyole upang maging pansuporta sa gagawing pag-aaral.
Isaalang-alang ang wastong pagsasangguni sa mga datos na nakuha.
Paalala: Ang datos na walang pagsasangguni ay hindi nagpapatibay sa kabuoang paksa.

Maglagay ng sanggunian ng mga nakalap na datos sa pinakahuling bahagi ng. Siguraduhin lamang na ilahad ang sanggunian sa
APA ikaanim na edisyon na pormat.
Ang konseptong papel ay dapat mapuno ang dalawang papel ngunit hindi lalagpas sa tatlong (3) pahina.

Nilalaman Pinakamahusay (4) Mahusay Katamtaman Mahina Pun-


tos
Paksa Ang paksa ay na- Ang paksa ay na- Ang paksa ay hindi Ang paksa ay hindi
papanahon at ang papanahon at ang gaanong na- napapanahon, hindi
pananaliksik ay mag- pananaliksik ay mag- papanahon, higit sa makapagdaragdag ng
bibigay ng maraming bibigay ng karagdagang dalawa ang target na panibagong kaalaman.
karagdagang kaalaman. kaalaman. May dala- pangkat. Hindi malinaw ang
X2=
May target na isang wang target na pangkat. target ng pag-aaral

Rasyonale Masinsinan ang pag- Katamtaman ang pag- Di-gaanong nata- Taliwas sa paksa ang
talakay sa paksang na- talakay ng paksang na- lakay ang paksang pagtatalakay
X4=
pili. pili. napili.
Kaugnay na Higit sa limang (5+) May tatlo hanggang May isa hanggang Walang inilakip na
Pag-aaral o kaugnay na pag-aaral limang (3-5) kaugnay dalawang (1-2) kaugnay na pag-aaral.
datos ang inilakip na na pag-aaral ang inil- kaugnay na pag-aaral
nagpapatibay lalo sa akip na nagpapatibay sa ang inilakip, hindi
gagawing pananaliksik. gagawing pananaliksik. gaanong napagtibay
X4=
ang pananaliksik.
Layunin Angkop na angkop ang Angkop ang mga layun- Di-gaanong angkop Di-angkop ang mga
mga layuning nabuo ing nabuo batay sa nata- ang mga layuning layuning nabuo batay
batay sa natalakay na lakay na paksa sa ra- nabuo batay sa nata- sa natalakay na paksa.
paksa sa rasyonale. syonale. lakay na paksa sa X3=

Pagkakabuo Maayos na maayos ang Maayos ang pagkakala- Di-gaanong maayos Walang kaayusan ang
pagkakalahad ng mga had ng mga ideya at ang paglalahad ng paglalahad ng mga
ideya at impormasyon. impormasyon. mga ideya at impor- ideya at impormasyon.
masyon. X4=
Mekaniks/ Walang mali sa gamit May 1-3 na mali sa May 4-6 na mali sa May 7 o mahigit na
Gramatika ng mga salita, gamit ng mga salita, gamit ng mga salita, mali sa gamit ng mga
pagbabantas, pagbabay- pagbabantas, pagbabay- pagbabantas, salita, pagbabantas,
bay, maliit at malaking bay, maliit at malaking pagbabaybay, maliit pagbabaybay, maliit at
titik. titik. at malaking titik. malaking titik.
Pormat Lahat ng pormat na May isa hanggang dala- May tatlo hanggang May limang (5) por- X1=
ibinigay ay nasunod wang (1-2) pormat ang apat (3-4) na pormat mat na hindi nasunod
hindi nasunod ang hindi nasunod
Kabuuan /80

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 98


SANGGUNIAN:

Atanacio, H.C., Lingat, Y.S., & Morales, R.D. (2009). Pagsulat at Pagbasa Tungo sa Pananaliksik. C
& E Publishing, Inc.

Aurelio, R. Q., Dungo, C. S., Geronimo, D. M., & Pesigan, N. C. (2017). Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. MaxCor Publishing House Inc.

Bernales, R. A., Cordero, M. B., Cabanlong, A. S., Golosinda, M. L., Mayor, G. L., Lopez, L. M.,
Balunsay, J. R., Madrid-Tindugan, S., & Gasic, R. M. (2018). Malayuning Komunikasyon.
Mutya Publishing House, Inc.

Bernales, R. A., Pascual, M. A., Ravina, E. A., Cordero, M. B., Soriano, J. N., Abenilla, G. G., &
Gonzales, A. M. (2016). Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Mutya Publishing House,
Inc.

Dayag, A. M. (2016). PINAGYAMANG PLUMA Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc.

Diwa Learning Systems Inc. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Diwa Learning Systems Inc.

Montera, G. G., & Plasencia, N. R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura.


University of San Carlos Press.

Reyes A.R (2016), Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Diwa Learning
Systems INC.

Taylan, D. R., Petras, J. D., & Geronimo, J. V. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino (1st ed.). Rex Book Store Inc.

Sanggunian ng mga larawan:

Fliptop battle thumbnail hango sa https://www.youtube.com/watch?v=x0fnpDyVm9s

Radio picture hango sa https://flypaper.soundfly.com/discover/what-actually-is-the-difference-


between-am-and-fm-radio/

Pick-up line hango sa https://www.pinterest.ph/pin/352477108322385041/

Brigada hango sa https://www.amfmph.com/brigada-news-fm-dxby-89-9-zamboanga-16250.html

Fliptop photography hango sa https://canto.ph/know-what-true-local-hip-hop-means-at-the-


fliptop-festival-2020/

Fliptop Crowd hango sa http://www.philippineasiannewstoday.com/frontpageslider/pinoy-rap-


alive-well-philippines/attachment/fliptop-4/

Iba pang website na pinagkunan ng larawan at icon:

https://www.iconfinder.com/

https://www.slidescarnival.com/

https://www.wikipedia.org/

Fil111- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 99

You might also like