You are on page 1of 7

MODYUL 1 – ARALIN 2: REBYU SA MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

MGA NILALAMAN:

1. Pagpili ng Batis ng Impormasyon


2. Pagbasa at Pagbubuod ng Impormasyon
3. Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik
4. Pagsasalin, Paraphrasing atbp
5. Pagbabalangkas

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mgapartikular na katanungan ng tao


tungkol sa lipunan at kapaligiran. - Neuman (binanggit nina Evasco et al., 2011)

Bukod sa sentral na layunin ng pananaliksik na tumuklas ng mga bagong kaalaman na magagamit ng tao,
malaki rin ang pakinabang ng isang mananaliksik mula sa mismong proseso ng pagtuklas. Sa
pamamagitan nito, lumalawak at lumalalim ang kaniyang karanasan kundi sa lipunang nagsisilbing
konteksto ng kaniyang pananaliksik.

MGA KASANAYAN SA PANANALIKSIK

Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay binubuo ng iba't ibang yugto at proseso. Kinapapalooban ito ng
iba't ibang kognitibong kasanayan tulad ng pagbasa at pagsulat. Mahalaga ang paghahasa ng iba't ibang
kasanayan upang mapagtagumpayan ang pananaliksik.

PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON

Saan ako makakahanap ng Impormasyon?

 Silid-Aklatan
 Arkibo
 Online

Kinakailangan ang iba’t ibang datos at impormasyon gaya ng estadistika, ilustrasyon, pinara-phraseng
impormasyon at mga tiyak na sipi sa pagbuo ng pananaliksik. Mahalaga ang pagkilala sa pinagmulan ng
mga datos upang ipakita ang paggalang sa mga mananaliksik na nakapaglathala ng kanilang mga
pananaliksik. Narito ang ilang gabay kung paano namimili ng sanggunian ang isang mananaliksik.

1. Tiyaking ito ay akademikong sanggunian.

Ang mga akademikong sanggunian ay may mas mabigat na salalayan sapagkat isinulat ito sa layuning
magbigay linaw sa iba't ibang miyembro ng akademikong komunidad tulad ng mga mag-aaral. propesor,
at mga iskolar hinggil sa isang paksa

2. Tukuyin ang uri ng sanggunian.

Upang matukoy kung anong sanggunian ang may katangiang akademiko, kailangang matukoy ang uri
nito. Ang mga artikulo sa journal, aklat, at edukasyonal na ulat ay mga karaniwang uri ng akademikong
sanggunian. Maaaring ito ay nakalimbag o online. Ang mga akdang ito, nalimbag man o online, ay
dumadaan sa editoryal na proseso bago mailathala. Ang iba’t ibang website ay maaari ding magamit sa
akademikong pagsulat.

3. Alamin kung ito ay primarya o sekondaryang sanggunian.

Ang primaryang sanggunian ay nagbibigay ng direktang katibayan tungkol sa paksa na iyong sinasaliksik.
Ang mga impormasyong makukuha sa primaryang sanggunian ay galing sa mismong taong nakasaksi ng
pangyayari.

HALIMBAWA: sining, talumpati, kinalabasan ng eksperimento, mga legal

Ang sekondaryang sanggunian ay anumang bagay na naglalarawan, nagsasalin o nagsusuri ng


impormasyon mula sa primaryang sanggunian.

HALIMBAWA: artikulo sa journal, dyaryo, libro o aklat

2. PAGBABASA AT PAGBUBUOD NG IMPORMASYON

KAHULUGAN NG PAGBASA

Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang
mabigkas nang pasalita.

Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag. (Austero et al.
1999)

IBA’T IBANG URI NG PAGBASA

1. ISKANING

Pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles.

HALIMBAWA: Pagtingin sa dyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination.

2. ISKIMING

Pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagawa ng isang tao.

HALIMBAWA:

Ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap.

Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa


panganagailagan tulad ng pamanahong papel atbp.

3. PREVIEWING

Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri niya muna ang kabuuan at ang
estilo at wika ng sumulat.
Ang ganitong paraan at pang-unawa ay makakatulong sa mabilis na pagbasa at pang-unawa sa babasa.

4. KASWAL

Pagbasa ng pansamantala o di-palagian.

HALIMBAWA:

Habang may inaantay o pampalipas oras.

5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON

Ito’y pagbasang maay layunin malaman ang impormasyon.

HALIMBAWA:

 Pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin kung may pasok o wala.

 Pagbasa ng aklat sa layuning masagot ang takdang aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na
mapalawak ang kaalaman

KAHULUGAN NG PAGBUBUOD

 Siksik at pinaikling bersyon ito ng teksto.

 Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.

 Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod na teksto.

MGA HAKBANG SA PAGBUBUOD

1. Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.


2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan. Tukuyin ang paksang
pangungusap o pinakatema.
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto.
5. Makakatulong ang salitang nagbibigay-transisyon sa mga ideya gaya ng: gayunpaman, kung
gayon, bilang pangwakas.
6. Huwag na magsingit ng mga opinyon.
7. Suriin ang dayagram sa ibaba.

BUOD

Pangunahing Ideya

Paksang Pangungusap

Paksang Pangungusap

Paksang Pangungusap

Konklusyon
3. PAGPILI NG PAKSA NG PANANALIKSIK

Inisa isa ni Sicat De Laza (2016) ang sumusunod na katangian ng maka Pilipinong pananaliksik:

1. Ang maka Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa
Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.
2. Pangunahing Isinasaalang-alang sa maka Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang may
interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.
3. Komunidad ang laboratoryo ng maka Pilipinong pananaliksik.

Mula sa gabay sa pamimiling paksa para sa maka Pilipinong pananaliksik narito naman ang ilang
batayang kaalaman na dapat isaalang-alang sa wastong pamimili at paglilimita ng paksa. Bago tuluyang
buuin ang tanong ng pananaliksik na gagabay sa buong pag aaral, makabubuting sagutin muna ang
sumusunod na mga tanong:

1. May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa?


2. Paanong lilimitahan o paliliitin ang paksa na malawak ang saklaw?
3. Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa napiling paksa?
4. Gagamit ba ng sistematiko at siyentipong paraan upang masagot ang tanong?

LIMANG KONSIDERASYON SA PAGPILI NG PAKSANG PAMPANANALIKSIK

● Kakayahang Pinansyal

● Limitasyon ng Panahon

● Kasapatan ng Datos

● Interes ng Mananaliksik

● Kabuluhan ng Paksa
4. PAGSASALIN, PARAPHRASING ATBP

Pagsasalin

“Ang lahat ng pagsasalin ay serye ng pagpapasya” -Virgilio Alimario

Pangkalahatang Payo sa Pagsasalin

1. Maghanap ng panumbas sa Filipino o wikang katutubo.


2. Manghiram sa Espanyol
3. Manghiram sa Ingles
4. Lumikha

Halimbawa: Budget – Presupuwesto – Badyet – Laang Gugugulin

Paraphrasing

 Muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin


at palinawin ito para sa mambabasa.

Narito ang isang halimbawa ng paraphrase:

 Ayon kay Bienvenido Lumbera (2000), Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, mahalaga
ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa na magiging daluyan ng mga aspirasyon at
pagpapahalaga ng mga karaniwang mamamayan. Ito ay dahil mas katanggap tanggap ang
paggamit ng wikang Ingles sa iba't ibang sangay ng pamahalaan at paaralan, na wikang hindi
nauunawaan ng mamamayan.

Ang paraphrase na ito ay nagmula sa sumusunod na sipi:

 Ang usapin ng wikang pambansa ay usaping kinasasangkutan ng buhay ng milyon milyong


Pilipino na hindi nakapagsasarinig ng kanilang adhikain at pananaw sa kadahilanang ang nasa
pamahalaan. paaralan at iba’t ibang institusyong panlipunan ay sa Ingles nagpapanukala at
nagpapaliwanag (p. 130).

Abstrak

 isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang komperensya o anumang pag-aaral sa
isang tiyak na disiplina o larangan. Tinatawag din itong presi o synopsis. Sa ilang publikasyon,
tinatawag din itong presi o sinopsis.

Narito ang isang halimbawang abstrak mula sa isang pananaliksik:

Abstrak

 Ang papel na ito ay pagtatangkang magbuo ng makabuluhang adyenda sa pananaliksik sa


Anuling Pilipinas, sa pamamagitan ng panimulang rebyu ng literatura at pananaliksik sa loob at
labas ng bansa. Pokus ng papel na ito ang mga usaping makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas sa
siglo 21. Multidisiplinari ang dulog at saklaw ng papel kaya't ang mga iminumungkahing paksa
sa pananaliksik ay tumatawid sa mga disiplinang gaya ng agham pampolitika, teknolohiya,
medisina, inhenyeriya, araling pangkalikasan, araling pangkultura, ekonomiks at iba pa Sa
pangkalahatan, ambag ito sa intelektwalisasyon ng Filipino bilang wika ng pananaliksik sa iba't
ibang larangan.

Rebyu

 isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman,
estilo, at anyo ng pagkakasulat nito.

5. PAGBABALANGKAS

Nagsisilbing gabay upang maging maayos ang pagtatalakay at paglinang sa paksang igagawan ng
pananaliksik.

SA AKLAT NA KOMUNIKASYON II (ATIENZA ET AL.)

 Paraan ng pag-aayos ng mga ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos.
 Pansamantala o panimula lamang ito sa yugtong ito dahil habang nadadagdagan ang mga
materyales at mga ideya ay nagkakaroon ng rebisyon at pagbabago ang balangkas.

SA AKLAT NA KOMUNIKASYON II (ATIENZA ET AL.)

 Makapabigay ng tulong at direksyon sa mananaliksik dahil sa sistematikong paraan nito.

ARROGANTE, 1992

 Sistema ng isang maaayos na pagkakahati-hati muna ng kaisipan ayon sa lohikal na


pagkakasunod-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsulat.

 Makikita ang paghahanay ng mga ideya o kaisipan na nakapaloob sa paksa na nagsisilbing gabay
sa isang ganap na paglalahad.

I. Panimula
II. Paglalahad ng Suliranin
III. Halaga ng Pag-aaral
IV. Layunin
V. Rebyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
VI. Teoretikal na Balangkas
VII. Metodolohiya
VIII. Saklaw at Delimitasyon
IX. Daloy ng Pag-aaral
X. Batis

You might also like