You are on page 1of 49

Pagsulat ng

Abstrak
Inihanda ni G. Chester E. Ceriales
Mga layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

• natatalakay ang kahulugan ng abstrak;


• naiisa-isa ang mga katangian at layunin nito;
• nakababasa at nakasusuri ng halimbawa nito;
• naipaliliwanag ang detalye ng bawat hakbang sa
pagsulat nito; at
• nakapagsasaliksik at nakapagbibigay ng
halimbawang abstrak batay sa isang
pananaliksik na nabasa.
Abstrak
 maikling lagom ng isang pananaliksik,
tesis, rebyu, daloy ng kumperensiya, o
anomang may lalim na pagsusuri ng
isang paksa o disiplina
Abstrak
Villanueva at Bandril (2016)

 tinutulungan nito ang mga mababasa na


madaling matukoy ang layunin ng pag-aaral
 matatagpuan sa unang bahagi ng
manuskrito
Abstrak
The American Heritage ® Dictionary of the
English Language, Ikalimang Edisyon (2020)

 “to draw away,” “pull something away,” o


“extract from”
Abstrak
 pagsulat ng panibagong sulatin na
tumutugon sa isang namamayaning
sulatin — matagumpay na saliksik o
pag-aaral
Abstrak  Introduksyon
Philip Coopman (1997)
 Mga
kaugnayan na
 bagaman ito ay maikli Literatura
lamang, tinataglay nito  Metodolohiya
ang mahalagang elemento  Resulta
o bahagi ng sulating  Kongklusyon
akademiko
Villanueva at Bandril (2016)
 Ang haba ng abstrak ay nagbabago ayon sa
disiplina at kahingian ng palimbagan.
Karaniwan na ang haba ay mula 100
hanggang 500 salita pero bihirang humigit sa
isang pahina at may pagkakataong ilan
lamang ang pananalita.
 Naglalaman ito ng apat na mahalagang
elemento sa natapos na gawain:

tuon ng metodolohiya ng
pananaliksik pananaliksik

resulta o pangunahing
kinalabasan ng kongklusyon at mga
pananaliksik rekomendasyon
Gumagamit ito ng wikang nauunawaan ng
lahat bilang pagtugon sa lawak ng target na
mambabasa.

Naglilista ng mahahalagang konsepto o key


terms upang magsilbing gabay ng
mambabasa sa mabilis na pag-unawa sa
nilalaman ng isang pag-aaral.
nirestrukturang abstrak
 lohikal ang pagkakaayos at may kaugnayan sa
kaligiran, introduksiyon, layunin,
metodolohiya, resulta, at kongklusyon

‘di nirestrukturang abstrak


 binubuo ng isang talata na hindi gumagamit
ng mga kaugnay na paksa
University of Melbourne na “Writing an Abstract:
Understanding and Developing Abstracts” (2010)
Pamimili
 Ito ay nagsisilbing gabay ng mambabasa upang
mapadali ang kaniyang paghahanap ng
kinakailangang datos mula sa isang sinaliksik na
papel.
 Ito rin ay nagiging pamantayan ng pagpapasya
ng mambabasa sa kagustuhang mabasa ang
kabuoan ng papel.
Kakayahang Magsuri
 Una, natututo ang mga mananaliksik na maging
maingat sa pagkuha ng impormasyon para sa
lagom. Iniiwasan ng isang mananaliksik ang
maging maligoy sa paglalahad ng kaniyang
paksang sinasaliksik.
 Ikalawa, nagiging mapanuri ang mga mambabasa
sa nilalaman ng pinal na papel.
Indexing
 Sa kasalukuyan, karamihan sa akademikong
journal ay gumagamit na ng database na
nagiging batayan ang nilalaman ng abstrak
upang mabilis na mahanap sa archives ang
kailangang papel.
 Nakatutulong din rito ang mga susing salitang
inilalagay sa ibaba o sa pagtatapos ng abstrak.
Pangangailangang Akademiko

 Madalas, ito ay nagiging akademikong


pangangailangan sa pagsuri at pagsulat ng
mga pamanahong papel, tesis, at disertasyon.

 Tumutulong ito sa mabilis na paglalahad ng


kaluluwa ng pinal na papel.
Publikasyon
 Ang pagsulat ng abstrak ay nagsisilbing kasangkapan ng
mga propesyunal sa iba’t ibang larang upang mapaunlad
ang kasanayan at karanasang pampananaliksik.

 Nagsisilbing pangunahing pangangailangan ang abstrak


na natapos na o ang kasalukuyang pag-aaral upang
ilahad ito sa mga kumperensiya at/o forum, mailathala sa
iba’t ibang research journals, o para sa research grants.
Tandaan:
Hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang
isip ang pinagmumulan ng proseso ng kognisyon.
Samakatwid, magkatambal ang pagsulat at pag-iisip.
Nakapaloob sa pag-iisip ang kalipunan ng kaalaman buhat sa
biyolohikal at kaalamang idinulot ng karanasan. Taglay rin ng
lawak ng pag-iisip ang imahinasyon na pangunahing sangkap
sa pagpapalawak ng isang uri ng sulatin. Pinabibisa pa ito ng
tamang gamit ng salita, kataga, ekspresyon, at kalipunan ng
pangungusap na binuo ng kaisipan ng isang tao (Villanueva at
Bandril, 2016).
Halimbawa:

Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon


Halaw sa binuong Abstrak ni Kyle Jharry D. Santos

Abstrak
Tinatalakay sa artikulong ito ang isyu ng wikang Filipino bilang midyum
ng intelektuwalisadong wika. Mula rito ay ibinubukas ang suliranon sa
pagtatalaga ng wikang Filipino bilang wika sa iba’t ibang larangan sa
dahilang hindi nito kayang lumikha ng mga panumbas sa mga teknikal
idad ng mga disiplinang ito. Dagdag pa ang katangian nitong
tumatanggap sa iba’t ibang wikang banyagang hindi rin kayang
tumabasan ng wika at sa mga isipang nakasandal sa kolonyalismo.
Kung kaya, humantong ang pagtalakay sa pagpapatibay na ang
akademya lamang ang nakauunawa sa mga kaalaman ng iba’t ibang
larangan at ng wika. Ang pagsangguni sa “Sikolohiyang Pilipino” ang
naging tanging daan upang mailapat sa lokalidad ng bansa ang mga
kanluraning teorya. Sa huli, binibigyang-diin ang mahalagang gampanin
ng akademya at mga palaaral o dalubhasa. Tungkulin ng akademya
ang mapalawak at mapalalim ang kaalamn, habang ang mga palaaral
at dalubhasa ang naglalapat at naglilinang sa ideolohiya ng lipunan.

Mga susing salita: wika, intelektuwalisasyon, intelektuwalisadong wika,


Sikolohiyang Pilipino, ideolohiya
Palarawan o Deskriptibong Anyo
The University of Adelaide (2014)

 Ito ay naglalarawan ng mga pangunahing


ideya ng isang pananaliksik.

 Nakapaloob dito ang kaligiran, paksa ng papel


at layunin nito.
Palarawan o Deskriptibong Anyo

 Hindi na isinasama pa ang resulta ng naging


pag-aaral maging ang mga pamamaraan at
kongklusyong nabuo.

 Sa halip na buod, nagmimistulang balangkas


ng pag-aaral ang deskriptibong abstrak.
Halimbawa:
Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral sa Ikalabindalawang
Baitang sa mga Pampublikong Paaralan

Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na mabigyang-linaw ang tiyak na epekto
ng social media sa mga mag-aaral partikular na sa ikalabindalawang baitang
sa mga pampublikong paaralan. Layunin ng pag-aaral na ito na mabigyang
pokus ang positibo at negatibong epektong dulot nito sa 1) pag-aaral, 2)
personal na buhay, at 3) pakikipagkapuwa-tao ng mga mag-aaral. Tatalakayin
din sa papel na ito maging ang kahalagahan ng 1) tamang paggamit ng social
media at 2) pagkakaroon ng limitasyon sa paggamit nito.
Pangkaalaman o Impormatibong Anyo
The University of Adelaide (2014)
 Ang pokus ng impormatibong abstrak ay mailahad
ang mahahalagang ideya o datos mula sa kabuuang
pag-aaral.

 Nakapaloob dito ang paksa, layunin, kaligiran,


metodolohiya, kinalabasan ng pag-aaral at
kongklusyon.
Pangkaalaman o Impormatibong Anyo
Writing Center: University of Carolina at Chapel Hill
 Bagaman maikli, komprehensibong inilalahad dito
ang mga bahagi ng isinagawang pag-aaral.

 Nagbabago rin ang bilang ng mga salita depende sa


paksa o larang na pinili ngunit kadalasa’y bihirang
sumobra sa sampung bahagdan (10%) ang kabuuang
pag-aaral.
Halimbawa:

Relasyon ng mga Salik ng Readability sa Komprehensyon ng mga


Mag-aaral sa Tekstong Pagbasa sa Elementarya: Isang Pagsusuri

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagsusuri kung may tiyak na


relasyon ba ang mga salik ng readability gaya ng a.) bilang ng mga
salita, b.) font, c.) font size, at d.) oras sa komprehensyon o pag-unawa
ng mga mag-aaral sa tekstong binasa. Ang mga kalahok sa pag-aaral
na ito ay mga piling mag-aaral mula sa baitang 5. Pipili ang
mananaliksik ng dalawang seksyon mula sa nabanggit na baitang.
Pagbabasahin ng mananaliksik ang mga mag-aaral ng isang teksto
nang apat (4) na beses.
Sa unang beses, ang materyal ay may marami/kaunting bilang ng mga
salita. Sa ikalawang beses, ang materyal ay gagamitan ng kakaibang
font. Sa ikatlong beses, ang materyal ay gagamitan ng maliit/malaking
font. Sa ikaapat na beses oorasan ang mga kalahok sa kanilang
pagbabasa. Gagamitin ding batayan ng mananaliksik ang WIKAHON
na isang kagamitan sa pagbasa para sa elementarya. Ang pagsusuri
sa readability ng teksto ay makatutulong upang matugunan ang
pangangailangan sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.
Matapos ang mga isinagawang pagsusuri, lumabas sa resulta ng pag-
aaral ng mananaliksik na magkaiba ang komprehensyon ng dalawang
seksyon na ginamitan ng magkaibang mga salik ng readability.
Tip:
Maging payak at simple sa paggamit ng mga
salita sa pagbuo ng abstrak. Isa sa layunin ng
abstrak ay mas mapadali ang pag-unawa ng
mga mambabasa sa nilalaman ng pag-aaral.
Iwasan ang paggamit ng mga tayutay at huwag
magiging paligoy-ligoy sa pagbibigay ng mga
impormasyon.
1. Isulat muna ang Papel Pananaliksik
 Tiyakin na naisaayos at naisapinal muna ang binuong
pananaliksik sapagkat sa kabuoang pananaliksik na
ito magmumula ang abstrak.

 Tiyakin na nairebisa na o hindi kaya ay naalis na ang


nilalaman na hindi angkop sa pananaliksik nang sa
gayon ay maging malinaw ang paglalahad sa
abstrak.
 Isang paalala rin na ang abstrak ay inilalagay sa
bukod na papel at nasusulat sa paraang maikli, hindi
maligoy ngunit tiyak.

 Ayon sa APA Style manual, ang abstrak ay may haba


lamang na 150 hanggang 250 na salita ngunit
depende pa rin sa iba’t ibang dyornal.

 Isinusulat din ito nang isang talata lamang at walang


indensyon.
2. Isaayos ang Pagkakasunod-sunod ng Bahagi
ng Abstrak na tulad ng sa Papel Pananaliksik

 Sa isang batayang pananaliksik, nangangailangan


lamang ng iyong simpleng pagsusuri sa mga
pinagkunang babasahin upang makalikha ng
argumento batay sa iyong nabasa.
 Sa ganitong sitwasyon ay maaari mo nang ibuod ang
mga pangunahing argumentong nagmula sa iyong
mga nabasa upang mailahok sa bubuoing abstrak.
 Samantala, kung ang pananaliksik ay mas detalyado
at batay sa sariling sarbey, pag-aaral o
eksperimento, nangangailangang matukoy ang
sumusunod na bahagi:

● Ang Suliranin at ang Dahilan ng Pagsisiyasat


Nito
● Metodolohiya o Hakbang na Isinagawa
● Resulta o Natuklasan
● Kongklusyon at Implikasyon
 Maaari ding magbasa ng ilang halimbawang
abstrak mula sa iba’t ibang dyornal na
pampropesyonal upang makakuha ng ideya
kung paano ito isinusulat ng mga awtor.
3. Bumuo ng Burador ng Abstrak

 Tukuyin ang dahilan sa pagsulat ng abstrak


 Itala ang kahalagahan ng pananaliksik at
pamamaraan upang makuha ang interes ng
mga mambabasa na tapusin ang nilalaman
ng likha.
 Itala ang suliranin
 Ilahad ang suliraning nais bigyang kalutasan ng
ginawa. Gayundin, ipakita ang sakop ng pag-aaral at
ang nais na patunayan dito.

 Ilahad ang metodolohiya


 Ang abstrak ng isang siyentipikong pag-aaral ay
naglalaman ng mga tiyak na modelo o lapit na ginamit
sa kabuoan ng pag-aaral. Samantala, may ilang mga
abstrak na maaaring naglalarawan lamang ng mga
uri ng ebidensiyang ginamit sa pananaliksik.
 Ipakita ang resulta
 Ang abstrak ng isang siyentipikong gawain ay maaaring
maglahok ng mga tiyak na datos na nagpapakita ng mga
resulta ng isang pag-aaral. Samantala, ang iba pang mga
abstrak ay maaaring tumalakay ng mga natuklasan sa
isang mas malawak na paraan.

 Isaad ang mga implikasyon


 Isaad ang mga pagbabagong dapat ipatupad mula sa
resulta ng mga natuklasan sa pag-aaral. Ilahad din ang
ambag nito sa lawak ng kaalamang kinabibilangan ng
paksang napili.
4. Ipabasa sa Kakilala ang Isinulat na
Abstrak

 Mahalagang maipabasa sa iba o sa kakilala


ang isinulat na abstrak nang sa gayon ay
matulungan ka sa mga posibleng pagkakamali
o mga nilalaman na nararapat ayusin na hindi
mo napansin habang ito ay iyong isinusulat.
5. Rebisahin ang Isinulat na Abstrak

• Nakuha ba ng abstrak ang interes ng mga potensyal


na mambabasa ng papel?
• Ang abstrak ba ay nakasulat nang naaayon sa
tuntunin ng wika at gramatika?
• Ang abstrak ba ay nakapagbabahagi sa mga
mambabasa ng ideya kung ano ang paksa nito at
bakit ito nararapat basahin?
• Nailalarawan ba ng pamagat ng abstrak ang paksa
ng pag-aaral?
• Naipahahayag ba nang malinaw ng abstrak ang
paksa ng papel at ang mga tanong sa pananaliksik?
• Inilalahad ba sa abstrak kung paano isinagawa ang
pananaliksik?
• Naipahihiwatig ba ng abstrak ang kahalagahan ng
pag-aaral sa mga mambabasa? Nailalarawan ba ng
abstrak ang tatalakayin sa papel na pananaliksik?
• Ang abstrak ba ay nakapagbibigay ng buod kaugnay
ng natuklasan sa pag-aaral?
• Naaayon ba ang abstrak sa bilang o dami ng salitang
hinihingi?
• Nagtataglay ba ang abstrak ng lima (5) hanggang
sampung (10) susing salita o parirala na
sumasalamin sa nilalaman ng papel na pananaliksik?
• Dapat bang tanggapin ang abstrak?
Mga sanggunian:
 Batnag, Aurora E., Constantino, Pamela C., & Zafra, Galileo S. Filipino sa
Piling Larangan (Akademik). Manila, Recto: REX Bookstore, 2016.
 Dela Cruz, Mar Anthony Simon. “Ang Etsa-Puwera sa mga Akda ni Jun Cruz
Reyes / The Noble and the Mad: The Marginalized in the Work of Jun
Cruz Reyes.” Manila: Malay, 2014.
 Reyes, Jun Cruz. Etsa-Puwera. Quezon City, Diliman: University of the
Philippines Press, 2000.University of Melbourne. “Writing an Abstract:
Understanding and Developing Abstracts,”
 The University of Melbourne (University of Melbourne, December 7, 2012),
https://www.unimelb.edu.au/, nakuha noong Marso 28, 2020.
 Villanueva, Voltaire M. & Bandril, Lolita T. Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larangan. Quezon City,Araneta Avenue: Vibal Group, Inc., 2016.
 Santos, Khyle Jharry D. “Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon”.
Halimbawa ng Abstrak at Balangkas (Academia.edu, 2020),
https://www.academia.edu/, nakuha noong Abril 22, 2020
 Austero, C.S. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Valenzuela City: Mutya Publishing
House, 1999. Cherry, K. APA Style and Writing. How to write an APA
Abstract. 2020 https://www.verywellmind.com/how-to-write-an- abstract-
2794845 nakuha noong Abril 12, 2020
 Garcia, L.C. Paradaym: Pananaliksik sa Wikang Filipino. Malabon City: Jimcyzville
Publications, 2012.
 Gonzales, E.S. et al. Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Malabon City:
Mutya Publishing House, Inc., 2013. How to Write a Great Abstract for your
Academic Paper. IEREK Press. 2018
https://www.ierek.com/news/index.php/2018/04/01/4- easy-steps-write-
winning-abstractacademic-research/ nakuha noong Abril 12, 2020
 Koopman, Philip “How to Write an Abstract” The Writing Center. Carnegie
Mellon University,1997 http://writingcenter.unc.edu/files/2011/12/Abstracts-The-
Writing- Center.pdf nakuha noong Marso 21, 2020.
Mga layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

• natatalakay ang kahulugan ng abstrak;


• naiisa-isa ang mga katangian at layunin nito;
• nakababasa at nakasusuri ng halimbawa nito;
• naipaliliwanag ang detalye ng bawat hakbang sa
pagsulat nito; at
• nakapagsasaliksik at nakapagbibigay ng
halimbawang abstrak batay sa isang
pananaliksik na nabasa.

You might also like