You are on page 1of 10

Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kaukulang ito maipapakita ang iba't ibang bahagi na may kaugnay sa literatura

tungkol sa isasagawang pananaliksik, may kaugnay din Ito sa pag aaral o datos na

makakalap ng mga mananaliksik. Ang paglalahad ng iba't ibang ideya ay makikita rin sa

bahaging ito na galing sa iba't ibang libro at babasahin.

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Pantaleon (2019), ang pagsusulat ay ang pagsalin sa papel o sa ano

mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,

simbolo, larawan ng tao, o grupo ng tao sa layuning maipahiwatig ang kanyang

kaisipan. Ang pagsusulat ay nakakatulong upang makilala mo ang mga letrang iyong

isusulat at sa pamamagitan ng pasusulat ay nahahasa ang iyong abilidad na makapag

isip ng mga bagay na pwedi mong ilapat sa iyong pasusulatan.

Ayon Kay Luces (2018), una sa lahat, dapat muna nating malaman Ang

kahalagahan ng pagbabasa. Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan

at pagtataya my mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ang pagbabasa ay proseso

ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Samakatuwid, sa

pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba't ibang kasanayan ng isang indibidwal

sapagkat Ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa

kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na nahuhubog ng kanyang

pagkatao.
Ayon kay Batara (2020), hindi naman siguro kaila sa ating lahat kung gaano

kahalaga ang pagiging literate, o marunong magbasa. Bukod sa makakatulong ito sa

pag-aaral, ito ay mahalaga sa pang-araw araw nating pamumuhay. Isipin nyo,

marunong magbasa ngunit Alam niyo ba na dito sa Pilipinas, marami pa rin ang hindi

marunong magbasa? Lalong-lalo na sa mga mag-aaral ng grade 7 sa mga public

school.

Ayon sa ABS-CBN (2019), ngayon parang nakaasa na ang lahat sa teknolohiya, tila

naisasantabi na ang pagbabasa, partikular na sa mga kabataan. Ayon kay Barbara

Server-Veloso, isang guro at family-life-and-children-development expert, mahalagang

sanayin ang isang bata pagbabasa.

Ayon ka Breakthelight (2014), sinasabi na ang Pilipinas ang isa sa may

pinakamataas na antas ng karunungang bumasa at sumulat sa buong Asya. Tinatayang

nasa 93.4% ang ating simple literacy rate samantalang 84.1% ang functional literacy

rate. Mataas Kung ikukumpara sa mga Arabong bansa katulad ng Sudat at Afghanistan

subalit mas mababa kung itutulad sa mga mauunlad na bansa tulad ng Hapon at Israel

na halos nasa 100 porsyento na.

Ayon kay Pastera (2020), kapag ikaw ay nagbabasa, marami kang bagay na

malalaman. Kapag madami kang natutunan, malayo ang iyong mararating. Marami

silang mag-ulan sa mga mambabasa ng mga bago, mapanlikha at nagbibigay-

kaalamang mga bagay. Ayon sa artikulong aking nabasa, halos 774 million na hindi

marunong magbasa. Totoo na ang karanasan ay mahusay na guro ngunit impossible

naman na kailangan pa natin subukan ang lahat ng bagay sa bawat araw. Sa


pagbabasa, nakakarating tayo sa iba't ibang dimensiyon na nakaupo lamang sa tabi.

Nagkakaroon tayo ng iba't ibang mga personalidad. Kumabaga naiisip natin na tayo

ang karakter sa ating binabasa. Iilan din iyan sa mga bagay na ating nakukuha sa

pamamagitan lamang ng pagbabasa.

Ayon kay Sanchez (2017), ang pagbasang may komprehensyon o pagbasang may

pag-unawa ay pagbuo ng kahulugan habang nagaganap ang interaksyon sa teksto.

Sinasabing kung walang pag-unawa ay walang pagbasang nagaganap. Kapag tayo'y

nagbabasa, ang mga istratehiya natin sa pag-unawa ang dagliang nagbubunsod sa atin

upang maiugnay ang ating kaalaman at karanasan sa mga impormasyon sa teksto

upang makabuo tayo ng isang pagpapakahulugan. Ang pag-unawa/komprehensiyon ay

isang masalimuot na proserong pangkaisipan. Hindi Ito natututunan sa isang upuan

lamang. Nangangailangan ito ng tuloy-tuloy na pag-aaral at paggamit.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon kina Laurente, J., Suniega, D., Villalobos, M. ( 2014 ). KAKAYAHAN SA PAG-

UNAWA NG GRADE V SA PAGBASA NG KWENTO GAMIT ANG “GALLERY WALK

HUMAN APPROACH”.Isangpananaliksik, University of Northern Philippines, College of

Teacher Education major in General Education. Tagapayo: Nancy S. Manegdeg, MAT

Fil. Layunin ng pananaliksik na ito na mapaunlad ang kakayahan sa pag-unawa sa

pagbasa ng kwento gamit ang “Gallery Walk Human Approach” ng dalawampu’tpitong

( 27) mga mag-aaral ng Grade V Seksyon Hyacinth ng University of Northern

Philippines, Laboratory Grade School sa Taong Panuruan 2013-2014. Layunin din

nitongmatukoy kung may makabuluhangpagkakaiba sa kakayahan sa pag-unawa sa

pagbasa ng kwentobatay sa sumusunod na “ competency”. pagtukoy sa detalye,


paghula, sanhi at bunga, paglutas ng suliranin, pagbibigay opinyon, paggawa ng

kongklusyon, pagtukoy sa pangunahingideya, sekwensyal. Isang teacher made test

nabinubuo ng 30 na aytem ang ginawa ng mga mananaliksik at ginamitupangmalaman

ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pagbasa ng kwento. Ang

kabuuang 30 aytem ay may pagpipilan at nakatuon sa walong“ competencies” sa

pagbasa na pinagtibay ng kanilangtagapayobilang instrument ng pag-aaral. Ang mga

natipongdatos ay inanalisa at binigyanginterpretasyon gamit ang mean, standard

deviation, gain ratio at t-test Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay napatunayan na

umunlad ang kakayahan sa pag-unawa ng Grade V Hyacinth mula sa “ Katamtaman

ang Husay”sa pretest at “ Mahusay” sa posttest. Nakitana

mayroongmakabuluhangpagkakaiba ang mean sa pretest at posttest. Samakatuwid,ang

Gallery Walk Human Approach ay epektibo sa pagpapaunlad sa kakayahan ng mag-

aaral sa pag-unawa sa pagbasa ng kwento. Inirekomenda ng mga mananaliksik na

dapatgamitin ang “Gallery Walk Human Approach”sa pagtuturo ng

pagbasaupangmapaunlad pa lalo ang kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa

pagbasa ng kwentobatay sa sumusunod na “competency”pagtukoy sa detalye,

pagbibigay ng opinyon, paggawa ng kongklusyon, pagtukoy sa pangunahingideya at

sekwensyal. Inirekomendarinnagamitin ang “Gallery Walk Human Approach”sa iba

pang asignaturaupang mas lalo pang mapaunlad ang kanilangkakayahan sa pag-

unawa.

Ayon kina Ledesma, A., Albay, E.(2013). ang mga kabataan na mahilig magbasa ng

mga libro at iba pang babasahing materyal na may kaugnayan sa kanilang sariling
interes ay nagpapakita lamang na ang pagbasa ay isang pamamaraan sa pagkatuto at

pagkakaroon ng interaksyon sa awtor na sumulat sa binasang teksto. Sa pagbasa,

mapapalawak at mapapaunlad ang kritikal na pag-iisip at pag-uunawa. Pangunahing

layunin ng pagbabasa ng paghugot ng impormasyon sa tekstong binasa. Nagbabasa

tayo ng diyaryo halimbawa dahil gusto nating malaman ang pinakasariwang balita.

Nagbabasa tayo ng mga teksbuk dahil kailangan natin ang impormasyon maroon upang

makipagbahagi ng kaalaman sa klase. Nagbabasa tayo ng mga kwento, tula, sanaysay

at nobela dahil ibig nating makibahagi sa buhay ng ibang nilalang na inilalarawan sa

ganitong uri ng teksto. Ibig nating maaliw sa pagtikim ng isang bahagi ng buhay ng iba.

Ngunit, hindi sapat na kumuha lamang ng impormasyon o humango ng kasiyahan sa

tekstong binabasa. Upang maging tunay na kapaki-pakinabang ang ating pagbabasa,

kailangang maging malay tayo sa mapanuri o kritikal na pagbasa.

Ayon kay Salcedo. (2018). isang uri ng sining ng pagbasa, sinong na napakakulay at

puno ng buhay. Sa pagbasa mararating ng isang mambabasa ang isang mundo, isang

mundo na nagbibigay ng iba't ibang karanasan na maaaring hindi maranasan sa

mundong ginagalawan. Tumatalakay ang saliksik na ito sa antas sa pag-unawa sa

pagbasa sa mga tekstong babasahin sa Filipino 11 ng mga piling mag-aaral ng Senior

High School ng Integradong Mataas na Paaralang Luis Palad batay sa pauna at

pangwakas na eksperimentasyon. Sa paunang eksperimentasyon kung saan

nagpabasa ang mananaliksik ng mga tekstong babasahin sa Filipino 11 sa dalawang

pangkat; control at experimental. Sinundan ng pagpapasagot sa talatanungang

kinapapalooban ng mga taong batay sa nilalaman ng mga teksto. Itinala ang mga iskor

ng mga tagatugon at ginamitan ng unpaired t-test upang masukat ang pagkakaiba ng


resulta sa paunang eksperimentasyon. Lumabas sa resulta na mas mataas na 0.0001

Ang P-value na nangangahulugang walang makabuluhang pagkakaiba ang resulta nito.

Sa pangwakas na eksperimentasyon, muling nagpabasa ang mananaliksik ng mga

teksto sa dalawang pangkat. Matapos ang pagpapabasa nagpapagawa ng grapikong

presentasyon ng mga tekstong binasa ang mananaliksik sa experimental group upang

masukat ang pagbabago sa antas sa pag-unawa sa pagbasa ng mga tagatugon sa

pangkat. Muling itinala ang iskor at ginamitan ng unpaired t-test. Lumabas sa resulta na

mas mababa sa 0.0001 ang P-value na nangangahulugang lubos na makabuluhang

pagkakaiba ang resulta ng dalawang pangkat. Ginamitan din ng unpaired t-test ang

resulta ng pauna at pangwakas na eksperimentasyon sa experimental group kung saan

mas mababa din sa 0.0001 Ang P-value na nangangahulugang lubos ang

makabuluhang pagkakaiba ng resulta sa dalawang eksperimentasyon sa nasabing

pangkat. Sa kabuuan, binigyang-konklusyon ng mananaliksik na malaki ang

implikasyon ng paggamit ng mga graphic organizer sa pagpapataas ng antas ng pag-

unawa sa pagbasa sa mga tekstong babasahin sa Filipino 11. Iminumungkahi ng

mananaliksik sa gamitin ng mga mag-aaral ang mga graphic organizers sa paglinang

ng kasanayan sa pagbasa sa Filipino.

Ayon kay Ravago (2015). Ang pagbasa ay likas sa mga Pilipino dahil sa

mabubuting dulot nito. Isa na rito ang magbigay aliw mula sa mga kwento at

kasaysayan ng lahat ng bagay at nilalang sa mundo, totoo man o kathang-isip lamang.

Sa mga kuwento ring ito nagmumula ang mga kaalaman na kailangan ng tao dahil sa

taglay nitong impormasyon at ang kaisipan naman ay nagiging gabay sa pakikihamon

sa buhay. Sa buhay ng bawat tauhan, sa papel na ginagampanan at kung saan


naganap ang kuwento nakasalalay kung paano naiuugnay ng mambabasa ang mga

pangyayari sa kanilang pagkatao at sa kasalukuyang panahon.

Ayon kina Aclan, Anzures, et.al(2019). Isa sa mga pinakamahalagang

kakayahan na kailangang matutunan ng isang indibibdwal ay ang pagbasa ay

mayroong malawak na pag-unawa. Ito ang kanilang magiging sandata upang maging

matagumpay sa buhay. Pagkatungtong pa lamang ng mga bata sa paaralan ay

nililinang na ang kaninang abilidad sa pagbasa sa tulong ng kanilang mga guro at sa

gabay ng kanilang mga magulang. Sa pamamagitan ng pagbasa nahahasa ang iba't

ibang kasanayan ng isang indibidwal. Ito ay hindi pagtingin lamang sa nakalimbag na

simbolo, bagkus isang pagtuklas sa mga kahulugang nakapaloob dito. Gayunpaman,

nararapat lamang na naiintindihan natin ang bawat tekstong binabasa upang makabuo

tayo ng konklusyon sa ating isipan.


SANGGUNIAN

Pantaleon. (2019). Ang Kahalagahan ng Pagbasa at Pagsulat. Nakuha noong Disyembre 15,2019.

https://stishakespearegroup3.wordpress.com/2019/01/28/ang-kahalagahan-ng-pagbasa-at-
pagsulat/amp/

Luces (2018). Bakit mahalaga ang mag-aral ng panitikan. Nakuha noong Nobyembre 30,2019.

https://www.pressreader.com/philippines/panay-news/20181008/281586651547062

Batara (2020). Karamihan sa grade 7 ay hindi marunong magbasa. Nakuha noong Enero

2,2020.https://ph.theasianparent.com/hindi-marunong-magbasa-grade-7/amp

ABS CBN NEWS (2019). ALAMIN: Paano sanayin ang bata sa pagbabasa?. Nakuha noong Disyembre

10,2019.https://news.abs-cbn.com/life/04/19/19/alamin-paano-sanayin-ang-bata-sa-pagbabasa

Breakthelight (2014). Ang Kahalagahan ng Antas ng Pagkatuto ng Pilipinas. Nakuha noong Nobyembre

13,2019.https://breakthelight.wordpress.com/2013/10/22/ang-kalagayan-ng-antas-ng-
pagkatuto-sa-pilipinas/amp/

Pastera (2020). Ang Pagbasa ay Susi ng Karunungan. Nakuha noong Disyembre 23,2019.

https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&url=https://maykarunungan.home.blog/2019/02/13/ang-pagbabasa-
ay-susi-ng-
karunungan/amp/&ved=2ahUKEwjt6aC_rOfmAhWMJaYKHTuhCeQ4ChAWMAV6BAgIEAQ&usg=
AOvVaw2V48

Sanchez (2017). Pagbasang May Pag-unawa o Reading Comprehension. Nakuha noong Enero 4,

2020.https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&url=http://udyong.gov.ph/index.php%3Foption%3Dcom_content
%26view%3Darticle%26id%3D8920:pagbasang-may-pag-unawa-o-reading-comprehension
%26catid%3D90%26Itemid
%3D1267&ved=2ahUKEwiurfWZrefmAhWPv5QKHR43BRcQFjALegQIAhAD&usg=AOvVaw2eDoj2
S3J0qV641QgYCBFrYpQptTNFIhotQ1XLSc

Laurente, Suniega, Villalobos. (2014). Kakayahan sa Pag-unawa ng Grade 5 sa Pagbasa ng Kwento Gamit

ang "Gallery Walk Human Approach". Nakuha noong Nobyembre 14, 2019.
https://www.researchgate.net/publication/317063521_KAKAYAHAN_SA_PAG-
UNAWA_NG_GRADE_V_SA_PAGBASA_NG_KWENTO_GAMIT_ANG_GALLERY_WALK_HUMAN_A
PPROACH

Ledesma, A., Albay, E. (2013). ANG KAUGNAY NG BILIS SA PAGBASA NG AKADEMIKONG TEKSTO AT ANG

KAKAYAHAN SA PAG-UNAWA NG MAG-AARAL SA SATERSYARYA NG SOUTHERN CHRISTIAN


COLLEGE. Nakuha noong Disyembre 2o,2019.https://www.scribd.com/doc/152922684/final-
thesis-boknoy333333333333333333333333333

Salcedo. (2018). KABISAAN NG PAGGAMIT NG GRAPHIC ORGANIZERS SA PAGBUBUOD NG

TEKSTO SA PAGPAPATAAS NG ANTAS NG PAG-UNAWA SA PAGBASA NG MAG-AARAL SA


ABM 1-B. Nakuha noong Disyembre 12,2019. pp. 7-8

Ravago. (2015). EPEKTO NG PAMARAANG KOMIKS SA ANTAS NG KOMPREHENSYONG SA

PAGBASA BILANG BAHAGI NG PANGANGAILANGAN SA TITULONG MASTER NG SINING


SA PATUTURO NG FILIPINO. Nakuha noong Enero 2,2020.
https://www.academia.edu/31234619/EPEKTO_NG_PAMAMARAANG_KOMIKS_SA_ANT
AS_NG_KOMPREHENSYON_SA_PAGBASA_Bilang_Bahagi_ng_Pangangailangan_sa_Titul
ong_Master_ng_Sining_sa_Pagtuturo_ng_Filipino

Aclan, Anzures, et.al. (2019). EPEKTO NG MABABANG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NG MGA

MAG-AARAL NG BAITANG LABING-ISA HUMANIDADES SA KANILANG AKADEMIKONG


PERFORMANS SA SHS WITHIN NASUGBU EAST CENTRAL SCHOOL. Nakuha noong
Nobyembre 25,2019.https://www.scribd.com/document/414539986/Epekto-ng-
mababang-komprehensyon-sa-pagbasa-ng-mga-mag-docx

You might also like