You are on page 1of 11

HANDOUTS SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK

PLAGIARISM
❖ Ang pangongopya ay pandaraya at di-katanggap-tanggap sa pananaliksik. Maaari din itong humantong
sa mga problemang legal. Iwasan ito para huwag mapasok sa gulo at gusot .
❖ Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit sa wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng
ibang nang walang pagkilala.

MGA ANYO o URI ng PLAGIARISM


➢ Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba
• Pagpapalit ng pangalan ng awtor
• Pagpapalit ng katumbas na salita sa mga salitang ginamit sa akda.
➢ Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at hindi
kinilala ang awtor.
➢ Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba
❖ Ang pamagat ng anumang akda ay isang patent o copyright na maaaring angkinin ng nakaisip
nito.Kung sakaling gustung-gusto mo ang isang pamagat, pero alam mong mayroon nang gayong
pamagat, pigilin mo na ang sarili mo.Marami ka pa namang mapipili.

PAGSULAT
❖ Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalagang malinang sapagkat sa pag-aaral mo bilang isang estudyante,
ang pagsulat ay hindi lamang simpleng pagtataya ng ideya na inilalapat sa papel o minamakinilya sa
kompyuter.May prosesong nakalangkap sa akademikong pagsulat na iisaisahin sa bahaging ito, kasama
ang pagtalakay ng uri, anyo sa layunin at organisasyon ng teksto.
❖ Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa
paraang pasulat, limbag at elektroniko.

DALAWANG YUGTO NG PAGSULAT


1. PANGKOGNITIBO- nasa isip lahat natin ang ating mga isusulat. Nagkakaroon ng artikulasyon ang
mga ideya, paniniwala at iba pa sa dahilang masusing dumaraan ito sa isipan ng tao napag-isipan,
naisapuso o naunawaan bago naisulat.
2. PROSESO NG PAGSULAT- nagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis ang mga ideya at konseptong
nasa isipan ng tao habang unti-unting naisusulat ito sa papel. Nagkakaroon ng kaganapan ang yugtong
pangkognitibo sa pagsulat na mismo. Magkakambal ang dalawang yugtong ito sa dahilang sabay na
ginagamit ito sa pagsulat.

TATLONG PARAAN AT AYOS NG PAGSULAT


➢ Pasulat o Sulat-kamay- na kasama rito ang liham, tala ng leksyon sa klase, talaarawan at iba pa
➢ Limbag tulad ng nababasa sa jornal, magasin, aklat, ensayklopidya
➢ Elektroniko na ginagamit sa pagsulat ng liham o kaya’y magsulat/magmakinilya sa kompyuter ng mga
artikula, balita, dokumento, pananaliksik na ginagawa at iba pa.

IBA’T IBANG URI NG PAGSULAT


1. Pormal. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at
detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa. May sinusunod na proseso ang pagsulat at laging
gingamit dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto. Karaniwang mga halimbawa nito ang
akademikong pagsulat ng sanaysay, pamanahunang papel, at tesis. Piling–pili ang mga salitang
ginagamit sa pagsulat ng mga sulating pormal.
2. Di-Pormal. Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya
at may pagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa. Ang ilang halimbawa
nito ay di-pormal na sanaysay, talaarawan, kwento at iba pa.
3. Kumbinasyon. Malayo na rin ang narating ng malikhain at akademikong pagsulat sa bansa lalo na
sa hanay ng mga kabataang manunulat na nagsasagawa ng eksperimento ng estilo, nilalaman at
pormat ng pagsulat. May mga iskolarling papel na gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng jornal,
liham at iba pang personal na sulatin kaya posibleng magkaroon ng kumbinasyon ng pormal at di-
pormal na uri ng pagsulat.

ANYO NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN


1. Paglalahad- tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga pangyayari,
sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa.
2. Pagsasalaysay- nakapokus ito sa kronolohikal opagkakasunud-sunod na daloy ng pangyayaring aktwal
na naganap.Isa pa ring pokus ang lohikal na pagsulat.Nakasalalay sa may-akda ng maikling kwento o
nobela ang mahahalaga at kapana-panabik na bahagi ng salaysay.Gumagamit ng iba’t ibang istilo o
istruktura ng pagbuo ng kwento ang mga manunulat ng panitikang nasa anyong tuluyan.
3. Pangangatwiran-pinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa
isang isyu na nakahain sa manunulat.
4. Paglalarawan- isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng
isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.
PROSESO NG PAGSULAT
Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana ang kakayahang ito.
Pinag-aaralan sa kolehiyo ang proseso ng pagsulat upang maging epektibo at makabuluhan ang gawaing pang-
komunikatibo at pang-akademiko.Tingnan natin ang anim na yugto sa proseso ng pagsulat:
1. Pagtatanong at Pag-uusisa. Ang mga sulating papel sa kolehiyo’y nagmumula sa isa o maraming
tanong. Maaaring galing ang isang tanong sa guro na nagnanais makuha ang opinyon ng mga
estudyante tungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.Kung ang kahingian
naman sa klase ay isang sulating pananaliksik o tesis, kanariwang maraming tanong ang nag-uudyok
para sulatin ang mga kasagutan para rito. Nabubuo rito ang paksa ng sulatin. Hindi ganap ang
pagtatanong lamang kung kaya’t ang mausisang isipan ang nagbibigay-daan para makahanap ng
sagot sa tanong.Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang masinop na pananaliksik.
2. Pala-palagay.Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng pananaliksik, sa isang banda,
unti-unting nabubuo ang pala-palagayng manunulat sa paksang susulatin. Habang wala pang tiyak na
balangkas at daloy ng pagtalakay sa pagsang susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang
manunulat.
3. Inisyal na pagtatangka. Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang saklaw ng
pananaliksik na gagawin. Ito ang yugto na tatangkain ng manunulat na ayusin ang panimulang datos,
pala-palagay at iba pang impormasyon para makabuo ng balangkas. Ang pagsulat ng balangkas ng
pananaliksik o anumang dokumento ay palatandaan na may direksyon na ang pagsulat na gagawin
ng isang manunulat.Kapag may balangkas na, babalik muli ang manunulat sa aklatan upang tiyak
nang makuha ang kailangang sanggunian, o di kaya’y pupunta na sa mga taong may ekspertong
kaalaman hinggil sa paksa para kapanayamin.
4. Pagsulat ng unang borador.Kung handa na ang lahat ng sanggunian at maayos na ang daloy ng
paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas nito, maaring sulatin na ang unang borador.Dito na
ibubuhos ng manunulat ang kanyang kasanayan, kaalaman at kakayahan upang mabuo ang papel.
5. Pagpapakinis ng papel. Kung tapos na ang unang borador, muli’t mulingbabasahin ito para makita
ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng salita, gramatika at ang daloy ng pagpapahayag,
impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon.
6. Pinal na papel.Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng papel, pwede
nang ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa’t susuri nito.

ORGANISASYON NG TEKSTO
Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay binubuo ng apat na bahagi.
1. Titulo o Pamagat. Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng
pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro.
2. Introduksyon o Panimula. Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ng
pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel.
3. Katawan. Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang pangangatwiran,
pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad ay matatagpuan sa bahaging ito.
4. Kongklusyon.Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.Isinasaad din sa bahaging ito
ang napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa
papel o sa pananaliksik.

Goodluck
Mam Rizch

Handouts Sa Pagbasa At Pagsusuri Ng Iba’t Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik


❖ DISENYO NG PANANALIKSIK
➢ Ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng
bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan. Ito ang nagtitiyak na masasagot ng
mananaliksik ang suliranin at matutupad ang layunin na itinakda nito.
➢ Naglalaman ng paraan ng pangongolekta, presentasyon, at pagsusuri ng datos.
➢ Ayon sa Business Dictionary(2011), ang disenyo ng pananaliksik ang detalyadong balangkas kung
paano isasagawa ang imbestigasyon.

❖ MGA DISENYO NG PANANALIKSIK


KUWANTITATIBO
➢ Tumutukoy sa sistematiko at empirical na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong
panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamamaraan na
gumagamit ng kompyutasyon. Kapaki-pakinabang ito sa mga nagnanais mag-aral at mag-imbestiga
ng mga malakihan at pangkalahatang padron ng pagkilos at pag-uugali ng tao.
➢ Hal: sensus sa populasyon, panlipunang indikasyon tulad ng antas ng kawalan ng trabaho, dami ng
naghihirap, at mga impormasyong pang-ekonomiya.
KUWALITATIBO
➢ Ang kwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin
ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.ang
disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging naka batay sa mas
malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura,
intitusyon, at ugnayan pantao na hindi maaraing mabilang o masukat.
➢ Layunin nitong magpakita ng malinaw at detalyadong salaysay ng karanasan ng tao.
➢ Madalas na metodong ginagamit sa ganitong uri ay pakikisalamuhang obserbasyon (participatory
observation), pakikipanayam, at pagsusuri sa nilalaman.
DESKRIPTIBO
➢ Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at
kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, at paano na may kinalaman
sa paksa bg pag-aaral. Hindi ito makakatugon sa tanong na “bakit” sapagkat naglalarawan lamang ito
ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap.
➢ Halimbawa:
1. Bumaba o tumataas ba ang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan?
2. Persepsiyon ng mga mag-aaral sa Divorce Bill
DISENYONG ACTION RESEARCH
➢ Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo,
polisiya, at iba pa sa layunin palitan itong mas epektibong pamamaraan. Habang isinasagawa ang
pananaliksik ay bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung paanong
makapagbibigay ng makabuluhang rekomendasyon. Kailangan din ang mga serye ng ebalwasyon
kung nakakamit o hindi ang ideyal na awtput.
➢ Halimbawa: Anong estratehiya ang pagtuturo ang painakaepektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral
na may suliranin sa pandinig?
HISTORIKAL
➢ Ang historical na pananaliksik ay gumaganit ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos
upang makabuong mga kongklusyon hinggil sa nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensya,
pinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay. At ang
panagdaang proseso kung paanongang nakaraan ay naging kasalukuyan.
➢ Halimbawa: Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
PAG-AARAL NG ISANG KASO/KARANASAN (CASE STUDY)
➢ Ang pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang unawain ang isang particular
na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral.
Ginagamit ito upang paliitin, maging ispesipiko, o kaya’y pumili lamang ng isang tiyak na
halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa.
➢ Madalas na nagiging paksa ang mga institusyon gaya ng simbahan, paaralan, at iba’t ibang uri ng
negosyo, mga kapatiran, o kaya ay grupo ng mga homoseksuwal, adik sa droga, delingkuwenteng
kabataan, gang, OFWs, guro atbp.
➢ Halimbawa: Kaso ng isang doktor na piniling maging caregiver sa Estados Unidos
KOMPARATIBONG PANANALIKSIK
➢ Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing ng anomang konsepto, kultura,
bagay, pangyayari, at iba pa. madalas na ginagamit sa mga cross-national na pag-aaral ng ganitong
uri ng disenyo upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan,
kultura at institusyon.
➢ Madalas na nagiging hamon para sa mga mananaliksik na gumagamit ng ganitong disenyo ay ang
pagtatakda ng mga parametro ng pananaliksik sapagkat maaaring hindi gumagamit ng magkatulad na
kategorya ng dalalwang lipunan o kulturang pinaghahambing o kaya naman ay may ibang
pagpapakahulugan sa isang kategorya. Halimbawa: maaaring magkaiba ang depinisyon ng
kabayanihan, kaligayahan, o pagluluksa sa ibang relihiyon o kultura.
➢ Halimbawa: Komparatibong pagsusuri ng mga editorial cartoon ng Philippine Star at Philippine
Daily Inquirer sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas
PAMAMARAANG NAKABATAY SA PAMANTAYAN (NORMATIVE STUDY)
➢ Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang disenyo ng normative dahil
naglalayon itong maglarawan ng anomang paksa. Gayunpaman, naiiba ang disenyong ito hindi
lamang simpleng deskripsyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-diin sa pagpapabuti o
pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan.
➢ Halimbawa: Pagsusuri ng Kakayahan sa Matematika ng mga Mag-aaral ng Magsaysay High School
Batay sa itinakdang Kompetensi ng DepEd
ETNOGRAPIKONG PAG-AARAL
➢ Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian,
pamumuhay at iba’t ibang gawi ng osang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito.
Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan ditto sa
pamamagitan nga pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, at iba pa.
➢ Nangangailangan ito ng field study na isang pamamaraan ng pagtatala ng mga datos at pangyayari sa
pamamagitan ng pandama.
➢ Halimbawa: Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Milinaryong Kilusan sa Banahaw
DISENYONG EKSPLORATORI
➢ Isinasagawa ang disenyong eksplorati kung walapang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa
isang paksa o suliranin. Ang pokus nito ay upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang
paksa na maaring magbigay daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik.
➢ Layunin nitong makapaglatag ng mga bagong ideya at palagay o kaya ay makabuo ng mga
tentaibong teorya o haypotesis tungo sa malalim na pagkaunawa sa paksa.
➢ Panimulang Pag-unawa sa Masaker sa Mamasapano Kaugnay sa Usapang Pangkapayapaanng
Mindanao
❖ METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Ang metodolohiya ay sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng
imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.
Kung ang disenyo ay tumutukoy sa kabuuang balangkas at pagkakaayos ng pananaliksik, ang
pamamaraan naman ay kung paanong mabibigyang-katuparan ang disenyo.
1. PAMAMARAAN ng PANANALIKSIK:
a. SARBEY
➢ Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na
populasyon o sampol ng pananaliksik. Ginagamit din ito sa mga siyentipikong layunin tulad ng
marketing research, sikolohiya, kalusugan at medisina at sosyolohiya.
➢ Ginagamitan ng payak na questionnaire at madalas na deskriptibo ang disenyo.

b. PAKIKIPANAYAM O INTERBYU
➢ Pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o may personal na pagkaunawa sa
paksa. Maaari itong:
• Structured interview o nakabalangkas na pakikipanayam- halos eksakto o tiyak ang pagtatanong
gaya ng mga nasa talatanungan, ang kaibahan nga lamang ay pasalita ang pamamaraan nito at
binabasa ng mananaliksik ang mga tanong sa tagasagot.
• Semi-stuctured interview o pakikipanayam na bahagyang nakabalangkas- nagbibigay ng kontrol sa
mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy ng panayam. Ginagamitan lamang ito ng gabay na
tanong upang maging maayos at sistematiko.
• Unstructured o walang estruktura- layunin nitong galugarin ang nararamdaman ng kalahok at
maaaring maging paksa ang kuwentong-buhay o particular na karanasan ng kalahok.
c. DOKUMENTARYONG PAGSUSURI
➢ Ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng
pananaliksik. Maaaring pagmulan ng pagsusuri ang mga pampublikong tala, iba’t ibang uri ng media,
biyograpiya, katitikan ng pulong o mga tala ng mga pangyayari sa kumperensiya o kongreso, iba’t
ibang genre ng panitikan atbp. biswal na dokumento
➢ Ang mga uri nito ay: Pagsusuri sa nilalaman (content analysis), pagsusuring semyotiko (semiotics),
pagsusuring diskorsal (discourse analysis) at interpretatibong pagsusuri (interpretative analysis).
d. NAKABALANGKAS NA OBSERBASYON AT PAKIKISALAMUHANG OBSERBASYON
➢ Nangangailangan ng field study gaya ng etnograpiya.
2. LOKAL AT POPULASYON NG PANANALIKSIK- Kabilang dito ay kung sino, tagasaan, o kaya’y
institusyon o organisayon na kalahok. Ang impormasyon gaya ng edad, propesyon, kasarian atbp. Depende
sa pangangailangan ng pananaliksik.
3. KASANGKAPAN SA PAGLIKOM NG DATOS- ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumenting
gagamitin na nakabatay sa disenyo at pamamaraan. Kung pakikipanayam (talaan ng tanong), obserbasyon
(checklist) , sarbey ( questionnaire).
4. PARAAN NG PAGLIKOM NG DATOS- Nilalaman nito ang hakbang- hakbang na plano at proseso sa
pagkuha ng datos.
5. PARAAN NG PAGSUSURI NG DATOS- Kung kuwantitatibo, nakapaloob ditto ang estadistikal na
pamamaraan para sa kompyutasyon at pagsusuri ng datos. Kung kuwalitatibo, tinutukoy rito kung paanong
isasaayos at bubuuin ang mga kategorya o maliliit na paksa na magpapaliwanag sa datos na nakalap.

Goodluck

Handout sa Pananaliksik

Pananaliksik – bilang isang disiplina ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa.


– maaaring pang-isahan o kaya’y panggrupo
– sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag
oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin,
pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao
Aquino – ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impor-
masyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan
Manuel at Medel – ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon
para malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong paraan
Parel – ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga
tanong na ginawa ng mananaliksik
Treece at Treece – ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa
mga suliranin; tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyon
Atienza atbp. – (UP) bumuo ng isang praktikal na depinisyon na ang pananaliksik ay ang
matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral
tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at
lipunan
MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK

• Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.

• Kontrolado – Ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong mabuti at
ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta.

• Empirikal – Lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o
mapasinungalingan ang binuong hiptesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat.

• Pagsusuri – Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.


➢ Kwantitatibo – nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang
➢ Kwalitatibo – tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro

• Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal – Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may sapat na batayan
at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.

• Ginagamitan ng hipotesis – Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa


lamang ng pag-aaral.
➢ Ayon kay Gay, ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang
tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganapna o magaganap
pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa
isasagawang pag-aaral.

URI NG PANANALIKSIK
❖ Basic research- makapagbigay ng agarang resulta para sa karagdagan impormasyon sa isang kaalamang umiiral

❖ Action Research- ginagamit na batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa sa pananaliksik


❖ Applied Research- ginagamit o inilalapit sa majority ng populasyon

Mananaliksik – may mga tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang-alang upang maging


matagumpay sa gagawing pananaliksik.

KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK

• Masigasig – Kung hindi masigasig ang isang mananaliksik sa paghahanap ng tamang impormasyon,
maaaring mahilaw ang pagtalakay sa gagawing pananaliksik.

• Masinop – Sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga impormasyon.


• Masistema – Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang lahat ng gagawin
niya sa pananaliksik.

• Mapamaraan – Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik.

• Magaling magsiyasat – Tinitimbang na mabuti kung nararaopat o di-nararapat isama.

• May pananagutan – Mahalagang isulat ang pangalan ng mga taong ito upang hindi maparatangan ng
pangongopya lamang sa isinulat ng ibang tao.

RESPONSIBILIDAD NG ISANG MANANALIKSIK


• Huwag mangopya (plagiarism) ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik.
• Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik.
• Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong pinaghanguan ng ideya o
mga impormasyon.
• Gumawa ng bibliyograpiya sa mga ginamit na sanggunian.
• Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta.
• Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik.

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

• KALIGIRAN NG PANANALIKSIK
➢ Panimula – mababasa dito ang presentasyon o paglalahad ng suliranin. Binabanggit din sa bahaging
ito ang saklaw ng pag-aaral sa paksang pagtutuunan ng pag-aaral.
➢ Paglalahad ng Suliranin – makikita ang pangkalahatang suliranin ng paksang pag-aaralan. Bukod
dito, makikita rin ang mga tiyak na katanungan na kailangang masagot sa sulating pananaliksik.
➢ Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral – tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong
pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.
➢ Batayang Konseptwal/Teoretikal – ipinaliwanag ni Kerlinger na ang teoretikal/ konseptwal na
balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na
konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa sistematikong pananaw ng
phenomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon ng mga baryabol sa paksang pag-aaralan.
➢ Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralan – inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang
tagatugon na gagamitin sa isasagawang pag-aaral, saan at kalian ito gagawin. Ipinaliwanag nina
Sevilla atbp. na ang limitasyon ay isang bahagi o aspekto ng pagsisiyasat na makaiimpluwensya sa
resulta ng pag-aaral na maaaring makasama subalit di na ito kontrolado ng mananaliksik.
➢ Kahulugan ng mga Katawagan – may dalawang paraan.
❖ Konseptwal na Pagpapakahulugan – (ayon kina Sevilla atbp.) matatagpuan sa mga
diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na kahulugan ng salita na nauunawaan
ng maraming tao.
❖ Operasyonal na Pagpapakahulugan – (ayon kay Kerlinger) eksperimental at
nasusukat.

• MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Pamantayan sa paghahanap ng mga datos na kailangan sa pananaliksik:
➢ Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik.
➢ Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning sanggunian.
➢ Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatutugon sa paksa.

• PAMAMARAAN
➢ Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disensyo o metodolohiya sa pagsasagawa
ng pananaliksik na maaaring palarawan, historikal o kaya’y eksperimental. Ipinapakita rin dito
ang paraan ng pagkuha ng datos gaya ng pagbuo ng talatanungan, pagsasagawa ng sarbey,
pagmamasid o case study.

• PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


➢ Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik.

• PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDAYON


➢ Hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay isinasama sa bahaging ito. Pinipili lamang ang mga
mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral at inilahad ang konklusyon sa pag-aaral na ginawa.

Goodluck
Mam Rizch

You might also like