0% found this document useful (0 votes)
108 views14 pages

Report

Ang mga dokumento ay tungkol sa iba't ibang aspeto ng akademikong pagsulat. Binigyang diin ang kahulugan at kalikasan ng akademikong pagsulat, etika at responsibilidad sa pagsulat, at iba't ibang uri ng akademikong sulatin tulad ng talumpati at sanaysay.

Uploaded by

morton shen
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
108 views14 pages

Report

Ang mga dokumento ay tungkol sa iba't ibang aspeto ng akademikong pagsulat. Binigyang diin ang kahulugan at kalikasan ng akademikong pagsulat, etika at responsibilidad sa pagsulat, at iba't ibang uri ng akademikong sulatin tulad ng talumpati at sanaysay.

Uploaded by

morton shen
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

REPORT #1: “Ang Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat”

Kasanayan sa Pagsulat

Mga Taong may Pananaw sa Pagsulat:

Ayon kina Xing at Jin, “Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na


naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba
pang mga element”

Sinabi ni Badayos “Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na


totoong mailap para sa nakakarami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o
pangalawang wika man”
Sinabi ni Keller: ‘’Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito”

Ayon naman kay Donald Murray: “Writing is rewriting: Paglalarawan ni


Murray sa mabuting manunulat. “A good writer is wasteful” Metapora ni Murray:
He saws, shapes, and cuts away, discarding wood. The writer cannot build a good
strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw
materials. Dagdag pa niya,” Ang pagsulat ay isang eksplorasyong pagtuklas sa
porma at ang manunulat ay gumagawa nang pabalik-balik na nagtutuon sa isa sa
mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano
ang kaniyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang mahusay.”

Kahulugan ng Akademikong Pagsulat

Akademikong Pagsulat- ay tumutukoy ito sa pagsulat na isinasagawa para


sa maraming kadahilanan.
- Ay ano mang pagsulat na isinasagawa upang makatupad
sa isang pangangailangan sa pag-aaral. Sa madaling sabi,
kinapapalooban ito ano mang itinakdang gawaing
pasulat sa isang setting na akademiko.
- Ginagamit din ang akademikong pagsulat para sa mga
publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik o
inilalahad sa mga komperensya.

Halimbawa ng lunsaran na ginagamit sa akademikong


pagsulat maaari itong:

Impormatibong Pagsulat
> Report ng Obserbasyon
>Estadistika
>Balita
> Teknikal
> Bisnes report

Mapanghikayat na Pagsulat

 Pagsulat ng Proposal
 Konseptong Papel
 Editoryal
 Sanaysay
 Talumpati

Mga Sulating gumagamit ng iba’t-ibang pamamaraan sa


paglulunsad tulad ng:

 Paglalarawan- Anyo ng pagsulat na nagsasaad ng obserbasyon, uri,


kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay,
tao, lugar o pangyayari.
 Pagsasalaysay -Anyo ng pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-
sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktwal na naganap.
 Pangangatwiran -Anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o
opinion o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang nakahain sa
manunulat.
 Paglalahad -Anyo ng pagsulat na nagbibigay linaw sa mga pangyayari,
sanhi, bunga at pagbibigay ng mga halimbawa.
Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

Katotohanan – nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman


at metodo ng disiplinang makatotohanan.
Ebidensya – Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga
mapagkakatiwalaang ebidensya uang suportahan ang katotohanang kanilang
inilalahad.
Balanse – Nagkakasundo ang halos lahatng akademyana sa paglalahad ng mga
haka, opinion at argumento ay kailangang gumamit ng wikang pagkiling, seryoso
at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.

Proseso sa Pagsulat ng mga Akademikong Sulatin

BAGO SUMULAT
1. Malayang Pagsulat (Freehand writing)
2. Pagtatanong (Questioning)
3. Paglilista o Pagtatala (Listing)
4. Pagpapangkat (Clustering)
5. Pagbabalangkas (Outlining)

HABANG SUMUSULAT
1. Magsimula sa isang paksang pangungusap
2. Suportahan ang mga paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan
3. Ayusin at pansinin ang mga pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya
4. Isulat ng malinaw o error free ang mga pangugusap

PAGKATAPOS SUMULAT
1. Isaalang-alang ang mga sumusunod sa pagrerebisa: kohirens, kaisahan,
empasis, kasapatan, kasanayan sa wika at pagbuo ng pangungusap.

REPORT #2: “ETIKA AT RESPONSIBILIDAD SA PAGSULAT”


Etika- sa salitang griyego na “’ETHOS” na karakter- character sa ingles, o
pagkatao.
-kaugnay sa moralidad konsepto ng tama at mali, Mabuti at masama, taong
nabibilang ito.
Layunin ng talakayan
*Maisa-isa ang mga bagay sa etika sa pananaliksik
*Maunawaan ang ibig sabihin ng plagiarism
*matukoy ang responsibilidad ng mananaliksik
Mga bagay sa etika sa pananaliksik
1. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik
-ang pag-angkin sa kaisipan at ideya ng ibang tao o labag sa intellectual or
properly code.
2. Boluntaryong partisiasyon ng mga kalahok
-bigyang Kalayaan sa pagsali sa iyong isinasagawang pananaliksik. Bago ka
magsimula ipaliwanag sa mga kalahok ang isinasagawang pananaliksik upang mas
lalo siyang magkaroon ng pag-unawa.
3. Pagiging kumpidensyal at pagkukubli sa pagkakilanlan ng kalahok
-kailangang ipaunawa sa mga kalahok na anumang mga impormasyon na makuha
sa kanila ay magiging confidential at kailangan kunin ang kanilang permiso ukol
dito. Isaalang-alang ang data privacy act.
4. pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik
-isa sa mga pangyayari ngayon sa mundo ng pananaliksik ay yaong hindi ibinibigay
ang resulta ng pananaliksik sa mga kalahok at mga respondebte, nagkakaroon
tuloy ng kaisipan ang komunidad na parang nagagamit lang sila para sa mga pag-
aaral na isinasagawa.
Ang plagyarismo o sa Ingles ay plagiarism
-ito ay tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at ideya nang walang
kaukolang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan at ito ay ang pag-angkin sa ideya
ng iba.
Halimbawa ng Plagyarismo
*Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba
*Hindi paglagay ng maayos na pinipi sa siniping pahayag
*Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalita ng teksto
ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala.
*Pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos
bumuo na sa iyong produkto.
Mga kaugnay ng plagyarismo
1. Kawalan ng ideya sa klikasan ng plagyarismo
2. Pagmamadaling matapos ang pananaliksik
3. Kakulangan sa pag-aral sa plagyarismo
Parusang maaring ipatas sa plagyarismo
*Pinakamagaang parusa para estudyante ay pwede silang ibagsak lagpak na
marka para sa kurso.
*Kung matindi ang pagnanakaw maaring patalsikin ang estudyante sa unibersidad
*Maari ring ihabla ang sinuman ang pangongopya batay sa intellectualproperty
right law at maaaring sistensyahan ng multa o pagkabilanggo.
Responsibilidad ng mananaliksik
1. Ang mananaliksik ay nangangailangang maglagay ng mga sanggunian o
reference, upang hindi masabing nangopya lamang ito.
2. Ang manaliksik ay kailangang siguruhing na ang nakalap na impormasyon ay
tugma sa paksa na kanilang pag-aaralan.
3. Ang pagiging handa ay isa sa mga responsibilidad ng mananaliksik, maging
tapat, pursigido, matatag at mahinahon sa pagsagawa ng pananaliksik.
4. Alamin ang limitasyon ng pananaliksik nang sa ganon ay hindi ito masobrahan o
lumayo sa paksa.
Pagbabalangkas at Pagbubuod

Report #4: ‘Pagsulat ng katitikan ng pulong”


*Tatlong talakayan na nagsisilbing gabay sa ating talakayin.
1. Natutukoy ang mahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng
katitikan ng pulong.
2. Naisaalang-alang ang retika sa binubuong akademikong sulatin ayon sa yugto
ng pagkakasulat.
3. Nakasulat ng isang katitikan ng pulong batay sa inilaang sitwasyon.
Ang katitikan ng pulong o (minute of the meeting)
*Ito ang oisyal na tala ng isang pulong na kalimitang isinasagawa ng pormal,
obhetibo at komprehensibo.
* Nagsisilbing prima facie evidence
Tatlong Estilo at uri ng ktitikan ng pulong
1. Ulat ng katitikan
2. Salaysay ng katitikan
3. Resolusyon ng katitikan
Mahalagang bahagi ng katitikan ng pulong:
1. Heading
2. Mga kalahok o dumalo
3. Action Item’s o usaping napagkasunduan
4. Pagtatapos
5. Iskedyul
6. Lagda
(Mga dapat gawin ng taong naatasang kumuha ng katitikan ng pulong)
1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong.
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
3. May sipi ng mga panggalan ng mga taong dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sii ng adyenda at katitikan ng pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda
6. Naglalagay ng tumpak at kumpletong Heading
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan
8. Itala ang mga mosyon o pormal na sulosyon ng maayos
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyonan ng kaponan
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos pagkataos ng pulong
Report #5: “Pagsulat ng Talumpati”
Talumpati – isang masining na pagpapahayag ng kaisipan o opinion ng isang tao
tungkol sa isang paksa.
Hal.
Tungkol sa Edukasyon
Tungkol sa Kabataan
Tugkol sa Kahirapan
6 na uri ng talumpati
1. Talumpating Nagpapakilala – ito ay panimulang talumpati at pagpapakilala sa
iyong sarili.
2. Talumpating Panlibang – ito ay may hangarin na magbigay ng kasiyahan sa mga
makikinig.
3. Talumpating Pampasigla – Pagbibigay inspirasyon sa mga nakikinig.
4. Talumpating panghikayat – pangunahing layunin ng talumpating ito na himukin
ang mga tagapakinig na tanggapin ang posisyon ng mananalumpati sa
pamamagitan ng pagbibigay katwiran at ebidensya.
5. Talumpating pagbibigay-galang – tanggapin ang bagong kasapi na samahan o
organisasyon ang pangunahing layunin ng talumpating ito.
6. Talumpating nagpaparanggal – layunin nito na magbigay ng pagpapahalaga o
pagsaludo sa isang tao o samahan.
3 Bahagi
>Simula
>Gitna o Katawan
>Katapusan
Paano gumawa ng Talumpati
1. Pumili ng magandang paksa
2. Tipunin ang mga materyales na maaari o pwedeng gamitin para makagawa ng
mga impormasyon.
3. Simulan ang pagbabalangkas ng idea at hatiin ito sa tatlong bahagi
4. Maging sensitibo
5. Iwasan din nating maging “Boring” ang ating talumati

Report#6: “Pagpapaliwanag ng sanaysay”


Sanaysay – ayon kay Alejandro G. Abadilla ang sanaysay ay nakasulat na
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
“sanay” – mga kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa.
Mga uri ng Sanaysay
Porma – seryosong paksa, masusing pag-aaral
Di-pormal – mga opinion, kuro-kuro

Sangkap ng Sanaysay
1. Tema at nilalaman
2. Anyo at istruktura
3. Wika at istilo
Bahagi ng Sanaysay
1. Panimula – ang pinakamahalangang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang
unang titingan ng mga mambabasa.
2. Katawan – sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahalagang
puntos sat ema at nilalarawan ng sanaysay.
3. Wika – magsasara ng talakayang naganap sa katawan ng sanaysay, sa bahaging
ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga
tinatalakay.

Report #7: “Poisyong papel”


*Ang posisyong papel ay kagaya ng isang debate na nag lalayong maipakita ang
katothanan at katibayan ng isang tiyak sa isang kadalasan ay napapanahon at
nagdudulot ng nagkaibang pananaw.

Katangiang Posisyng Papel


1. Depinadong isyu
2. Klarong posisyon
3. Mapangumbinsing argumento
4. Matalinong Katwiran
5. Angkop na tono
6. Kontra argumento
7. Solidong Ebidensya

Kahalagahan ng posisyong papel – Makatutulong sa paglahad ng opinion na


naninindigan hingil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas akademya,
political, at iba-iba pang mga larangan.
-nahihikayat ang mga mambas ana magkaroon ng kamulatan sa argumentong
inihain sa kanila.
- Mainam na mga kontekstong nangangailangan na detalyadong impormasyon
upang lubos na maintindihan ang pananaw ng isang tao.
-ginagamit sa pampolitikong kompanya mga organisasyon ng gobyerno sa mundo
ng diplomasyon at mga hakbang na nalalayong baguhin ang mga pagpapahalaga
ng komonidad at organizational branding.

Pormat o Teknik
1. Pagpili ng paksa batay sa interest
2. Magsagawa ng paunang pananaliksik
3. Hamonin ang iyong paksa
4. Magpatuloy upang mangolikta ng sumusuportang katibayan
5. Lumikha ng isang balangkas
Report#8: “Posisyong Papel”
>Pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobesyal na isyu sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o
posisyon.
>Nangangailangan ng pangangatwiran na maaring maugnay sa paglalahad ng
dahilan upang makabuo ng patunay.
Natatakwil ng kailangan, at pagbibigay katanungan sa opinion.
*Dalawang konsepto ng Posisyong papel

*PROPOSISYON
-Pahayag ng pagtanggi o pag sang-ayon
*Argumento
-Dahilan o ebidensya ,ula sa nilatag na argumento
Mga hakbang sa pafsulat ng posisyong papel
1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa nailing paksa
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng thesis o posisyon
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya
6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel

Mga bahagi ng posisyong Papel


1. Panimula
-pamagat
-pahayag na tesis
-Pinaguukulan
-pinagmulan
2. Countergument
-Argumentong taliwas sa tesis
3. Posisyon o panig sa isyu
-argumento
-proposisyon
4. Konklusyon
-Lagom ng posisyon
-rekomendasyon
-petsa ng paggawa
-sanggunian
Report#9: “Mga bantas”
1.Tuldok (.) - ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos, sa
mga salitang dinadaglat at pagkatapos ng mga tambilang at titik.
2.Tandang Pananong (?) - ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na
patanong at sa bahaging pag-aalinlangan at ito'y inilalagay sa panaklong.
3.Tandang Padamdam (!) - ginagamit sa katapusan ng mga salita o pangungusap
na pandamdam o nagpapahayag ng matindi o masidhing damdamin.
4.Panipi (" ") - ginagamit sa mga tuwirang sinsabi ng nagsasalita at sa mga
pamagat o pangalan ng mga paksa.
5.Kudlit (') - ginagamit na pananda ng nawawalang letra o mga letra sa dalawa o
mahigit pang salitang magkasunod.
6.Kuwit (,) - ginagamit pagkatapos ng panawag at sa magkasunod na mga salita o
parirala na nasa loob ng pangungusap.
7.Tutuldok (:) - ginagamit matapos maipauna ang pagpapakilala sa mga
sumusunod na paliwanag, halimbawa, katuturan, banggit o talaan.
8.Tulduk-tuldok (...) - ginagamit kung may salita o mga salitang iniwawaglit sa
pangungusap.
9.Tuldukuwit (;) - ginagamit sa pagitan ng magkakaugnay na mga mahahalagang
sangkap ng isang mahabang pangungusap. Karaniwang ginagamit pagkatapos ng
mga sugnay na ang kasunod ay ang mga salitang kaya, samakatuwid, gayon din,
gayon man, anupa't, bukod
10. Gitling (-) – ginagamit ang gitling sa loob ng salita sa sumusunod ng
pagkakataon
11. Panklong () – ginagamit na pangkulong sa mga pinawiwikang salita o parilala.
Report#10: “Lakbay sanaysay”
lakbay-sanaysay, o travel essay sa Ingles, ay isang uri ng sanaysay na karaniwang
nagpapahayag ng karanasan o paglalakbay ng may-akda na kanyang nagawa sa
isang punto ng kanyang buhay.
Mga Dahilan sa pagsulat ng Lakbay sanaysay
-Upang maitaguyod ang isang lugar at kumite sa pagsulat.
-makagawa ng gabay para sa mga taong nais maglakbay din sa lugar.
-Makapagtala ng sariling kasanayan sa paglalakbay.
-makapag dokumento ng kultura at heograoiya ng isang lugar sa masining o
malikhaing paraan.
PAANO SUMULAT NG MAKABULUHAN AT MASINNG NA LAKBAY SANAYSAY
1. Magsulat bilang isang manlalakbay hindi iisang turista.
2. magkaroon ng interaksyon sa mga tao sa panahon ng paglalakbay.
3. gumugol ng panahon sa pananatili
4. Magtala ng karanasan sa iyong dyornal
5. ibahaging masining ang nagging karanasan
6. ibahagi ang mga reyalisasyon
7. Maging mapanuri sa wika at estilo ng pagsulat

MGA URI NG LAKBAY SANAYSAY


1. PORMAL- ito ay seryosong talakayin na nagtataglay ng masusing pagsusuri ng
taong sumulat. Nagbibigay impormasyon ukol sa isang tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari.
2. Di- PORMAL – tumatalakay naman ito sa topikong karaniwan personal, at pang
araw-araw na kasiya-siya o mapang aliw para sa mambabasa.

Report#11: “Panghalip”

You might also like