You are on page 1of 11

APP 003 : FILIPINO SA PILING LARANGAN

AKADEMIKONG PAGSULAT
2ND SEMESTER | S.Y. 2023 - 2024 TRANSCRIBED BY: RESTY CHRISTENSEN
LECTURER: MR. ZAPANTA

CONCEPTS/QUESTIONS EXPLANATION
Impormasyon tungkol sa Impormasyon tungkol sa Akademikong Pagsulat:
Akademikong Pagsulat - Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mataas na antas
ng kasanayan.
- Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura,
karanasan, reaksyon, at opinyon ng manunulat.
- Tinatawag din ito na intelektwal na pagsusulat, na layunin mailahad nang
maayos ang mga sulatin at ang tema.
- Ginagamit ito para maipahayag ng manunulat ang kanyang mga ideya,
opinyon, at pananaliksik sa isang sistematiko at malinaw na paraan.

Layunin ng Akademikong Layunin ng Akademikong Pagsulat:


Pagsulat 1. Malinang ang mga kaalaman ng mga mag-aaral.
2. Masunod ang partikular na kumbensyon.
3. Maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik.
4. Maitaas ang antas ng mga kasanayan.
Salik sa Akademikong Pagsulat 1. Ang manunulat at ang kaniyang layunin
2. Ang mambabasa at ang paksa.
Pinagkaiba ng Akademiko at Di- Pinagkaiba ng Akademiko at Di-Akademikong Pagsulat:
Akademikong Pagsulat
Akademiko:
- Organisado ang ideya at may pagkakasunod-sunod ang estruktura ng mga
pahayag.
- Obhetibo at nasa pangatlong panauhan ang pagkakasulat.

Di-Akademiko:
- Hindi malinaw ang estruktura at hindi kailangang magkakaugnay ang mga
ideya.
- Subhetibo at nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat.
Pagbibigay Kahulugan Pagbibigay-kahulugan
Maanyo:
• Ito ay tumutukoy sa isang makatuwirang pagpapahayag ng
mga salita na nagbibigay ng malaking kaalaman.

• Ito ay tumutugon sa mga patakaran ng anyong nasa


diksyunaryo at ensayklopedya.

Tatlong bahagi
• Katawagan ( form)
o Salitang ipinaliliwanag o binibigyang- kahulugan.
▪ Halimbawa: Ang Parabula

• Klase o Uri (genus)


o Kategoryang kinabibilangan o pangkat na binubuo ng
mga katulad na bagay.

▪ Halimbawa: Ang Parabula ay isang maikling


kuwento.
• Mga katangiang ikinaiiba ng salita (difference)
o Paglalarawan na ikinaiiba ng salitang binibigyang-
depinisyon sa iba pang salita o katawagan.
▪ Halimbawa: Ang parabula ay isang maikling
kuwento na naglalayong mailarawan ang isang
katotohanang moral o espirituwal sa isang
kuwento.

Pasanaysay:
• Ito ay isang uri ng depinisyon na nagbibigay ng karagdagang
pagpapaliwanag sa salita.
• Ito ay kawili- wili, makapangyarihan at makapagpapasigla kaya
higit itong binabasa ng mga mambabasa.
• Walang tiyak na abala ito basta’t makapagpapaliwanag lamang
sa salitang binibigyang kahulugan.
• Halimbawa:
o Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang
sumunod o sumuway sa sariling kalooban.
o Ang tinatawag nating malaya ay yaong panginoon
ng kanilang kalooban.

Sanhi at Bunga:
• Ito ay ang pagtunton sa pinagmulan ng isang bagay maging
ang dahilan at epekto nito.
• Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensiya at
katwiran sa teksto.

Proseso:
• Ito ang pagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng isang
bagay o kung ano ang mabuting paraan upang matamo ang
isang layunin.
Mga proseso ng pagsulat Bago Sumulat
• Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang
unang hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang
isusulat.

Pagsulat ng Burador
• Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi
isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali.

Pagrerebisa
• Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa
mga payo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o
mga nagsuri.

Pag-eedit
• Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling,
estruktura ng pangungusap, wastong gamit ng salita at mga
mekaniks sa pagsulat.

Paglalathala
• Ito ang panghuling hakbang na kung saan ibabahagi ang
nabuong ponal na kopya ng sulatin sa mga target na
mambabasa.
Halimbawa ng Akademikong Akademikong Sulatin: Posisyon at Katangian
Sulatin 1. Abstrak
- Layunin: Mapaikli o mabigyan ng buod ang akademikong papel.
- Katangian: Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa
pagkakasunod-sunod ng nilalaman.

2. Sintesis
- Layunin: Ibigay ang overview ng akda.
- Katangian: Organisado ayon sa sunod-sunod na pangyayari sa
kwento.

3. Bionote
- Layunin: Magbigay ng personal profile ng isang tao, kasama ang
academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
- Katangian: May makatotohanang paglalahad sa isang tao.

4. Memorandum
- Layunin: Ipaalam ang mga impormasyon ukol sa gaganaping
pagpupulong o pagtitipon.
- Katangian: Organisado at malinaw para maunawaan ng mabuti.

5. Agenda
- Layunin: Ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong
na magaganap para sa kaayusan at organisadong pagpupulong.
- Katangian: Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng
pagpupulong.

6. Panukalang Proyekto
- Layunin: Maglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad.
- Katangian: Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig, at may
malinaw na ayos ng ideya.

7. Talumpati
- Layunin: Manghikayat, tumugon, mangatwiran, at magbigay ng
kabatiran o kaalaman.
- Katangian: Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig, at may
malinaw na ayos ng ideya.

8. Katitikan ng Pulong
- Layunin: Tala o rekord ng mahahalagang puntong nailahad sa isang
pagpupulong.
- Katangian: Organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
puntong napag-usapan at makatotohanan.

9. Posisyong Papel
- Layunin: Ipaglaban kung ano ang alam mong tama at tatakwil ng
kamalian na hindi tanggap ng karamihan.
- Katangian: Nararapat maging pormal at organisado ang
pagkakasunod-sunod ng ideya.
10. Replektibong Sanaysay
- Layunin: Nagbabalik tanaw at nagrereplek ng personal na
karanasan sa buhay o sa mga binasa at napanood.
- Katangian: Nangangailangan ng reksyon at opinyon ng manunulat.

11. Piktoryal na Sanaysay


- Layunin: Kakikitaan ng mas maraming larawan kaysa sa mga salita.
- Katangian: Organisado at may makabuluhang pagpapahayag sa
litrato na may 3-5 na pangungusap.

12. Lakbay Sanaysay


- Layunin: Magbalik tanaw sa paglalakbay ng manunulat.
- Katangian: Mas maraming teksto kaysa sa mga larawan.
SUMMARY
APP 003 : FILIPINO SA PILING LARANGAN
ABSTRAK AT SINTESIS
2ND SEMESTER | S.Y. 2023 - 2024 TRANSCRIBED BY: RESTY CHRISTENSEN
LECTURER: MR. ZAPANTA

CONCEPTS/QUESTIONS EXPLANATION
Ano ang Abstrak? • Ang abstrak ay isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng
akademikong papel tulad ng tesis, siyentipikong papel, teknikal
na lektyur, at report.
• Layunin ng sulating abstrak na mabigyang-diin ang
pinakamahalagang aspeto ng orihinal na teksto sa maikling
pahayag para maakit at bigyan ng pangkalahatang pag-unawa ang
mga mambabasa.
• Ang mga bahagi ng abstrak ay makikita sa mga bahagi ng
pananaliksik, sapagkat ito ay nagbibigay ng buod ng isang
pananaliksik.
• Ang pagsulat ng abstrak ay dapat maikli lamang.
Elemento ng Abstrak Elemento ng Abstrak:
• Kailangan may malinaw na pakay o layunin ang manunulat para
magkaruon ng interes ang mambabasa.
• Dapat mayroong malinaw na katanungan na mabibigyan ng
konkretong kasagutan.
• Kailangang mayroong metodolohiya na ginagamit sa buong
abstrak.
• May resulta na mababasa sa buod ng abstrak, isinasaalang-alang
ang mga katanungan o problema.
• Dapat mayroong implikasyon na makikita at magagamit ng
bumasa ng abstrak para sa mga aral na maaaring gamitin sa
hinaharap.

Ano ang Sintesis? • Ang salitang "SINTESIS" ay hango sa Griyego na "syntithenai" (syn-
magkasama, tithenai- ilagay), ibig sabihin, sama-samang ilagay.
• Ito ay isang anyo ng pag-uulat ng impormasyon sa maikling paraan
sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng ideya.
• Ginagamit ito sa pagbuo ng tekstong naratibo tulad ng maikling
kuwento.
• Dapat itong maliwanag at organisado ayon sa pagkakasunod-
sunod ng pangyayari sa kuwento.

Dalawang Uri ng Sintesis:


1. Padayagram na Anyo
• Napagsama-sama ang mga impormasyon gamit ang
grapiko.
• Halimbawa:
o Graphical representation ng teorya ng wika.

1. Patalatang Anyo
• Sa paraang talata, nailalahad ang impormasyon.
• Halimbawa:
o Ayon kay Gleason, ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa
komunikasyon. Mahalaga ito sa pakikipag-ugnayan
natin sa ibang tao.
SUMMARY
APP 003 : FILIPINO SA PILING LARANGAN
AGENDA AT PANUKALANG PROYEKTO
2ND SEMESTER | S.Y. 2023 - 2024 TRANSCRIBED BY: RESTY CHRISTENSEN
LECTURER: MR. ZAPANTA

CONCEPTS/QUESTIONS EXPLANATION
Agenda Agenda:

• Ang agenda ay isang mahalagang elemento sa pagpupulong.


• Ito ang listahan ng mga bagay na tatalakayin o tinatalakay sa isang
pormal na pagpupulong.
• Ito ay mga plano o gustong gawin sa isang bagay.
• Maaring gamitin bilang checklist para matiyak na sakop ng
talakayan ang lahat ng impormasyon.
Mga Bahagi ng Agenda Mga Bahagi ng Agenda:

1. Pamagat
• Kailangang ipahayag ang pamagat na naglalaman ng paksa ng
pulong.
• Dapat ito ay payak, maikli, at hindi mabulaklak.
• Times Roman o Calibri font style ang inirerekomenda.

2. Petsa, Lokasyon, at mga Dadalo


• Isulat sa agenda ang petsa, lokasyon, at mga dadalo sa pulong.
• Ito ay para malaman ng hindi dumalo kung sino-sino ang mga
dumalo at kung saan nangyari ang pulong.

3. Layunin ng Agenda
• Kailangang magkaroon ng layunin ang agenda.
• Dapat mabasa ito ng mga magsisidalo para makapaghanda sa
pulong.

4. Iskedyul
• Nagpapakita kung paano tatakbo ang pagpupulong.
• Nagdudulot ng kaayusan sa pulong.
• Maglaan ng oras para sa "Tanong-sagot" at pagbabalangkas ng
diskusyon.
• Maglaan ng oras para sa "Tanong-sagot" at pagbabalangkas ng
diskusyon.
• Ito ay dapat isama sa balangkas ng iskedyul.

5. Tungkulin
• Nakasulat dito ang papel ng mga dadalo sa pulong.
• Ito ay para malinaw sa kanila at mapaghandaan ang kanilang
sasabihin.

Panukalang Proyekto Panukalang Proyekto:

• Ito ay isang paghiling o paghingi ng tulong na pinansiyal para


maisagawa ang isang proyekto.
• Dapat magbigay ng dahilan kung bakit kinakailangan ang bawat
bagay sa listahan para madesisyonan ng donor.
• Ginagamit ito para maipaliwanag at kumbinsihin ang
namumuhunan o sponsor.
• Ang mga detalye tulad ng kahalagahan, katangian, at iba pang mga
datos ay mahalaga sa sulatin na ito.
• Sa pagsulat ng panukalang proyekto, kailangang bigyang-pansin
ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang nais mong maging proyekto?


2. Ano ang mga layunin mo sa panukalang proyekto?
3. Kailan at saan mo ito dapat isagawa?
4. Paano mo ito isasagawa?
5. Gaano katagal mo itong gagawin?
6. May sapat bang puhunan o kapital para sa proyekto?
Mga Bahagi ng Panukalang Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto:
Proyekto
1. Titulo ng Proyekto (Project Title)
a. Ang pamagat ay dapat tiyak, maikli at malinaw.

2. Proponent ng Proyekto (Project Proponent)


a. Isinulat ang indibidwal o organisasyong naghaharap ng
panukalang proyekto, kasama ang adres, telepono o
cellphone, e-mail, at lagda.

3. Pagpapahayag ng Suliranin
a. Inilalahad kung anong uri ng proyekto ang nais
(pananaliksik, pagsasalin, pagpapalimbag, patimpalak,
seminar/kumperensya, pang-araling-aklat, at/o malikhaing
pagsulat).

4. Kabuuang Pondong Kailangan (Total Budget Needed)


a. Detalyadong badyet na kailangan sa pagsasagawa ng
proyekto.

5. Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale)


a. Background at kahalagahan ng proyekto.

6. Deskripsyon ng Proyekto (Description of the Project)


a. Maikling deskripsyon ng proyekto, kategorya o uri nito.
Layunin (panlahat at tiyak) at talatakdaan ng mga gawain.

7. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project Benefits)


a. Mga kapakinabangang dulot ng proyekto at sino-sino ang
makikinabang.

8. Planong Dapat Gawin


a. Magkasunod-sunod na hakbang sa pagsasagawa ng
panukalang proyekto.
Gabay Sa Pagsulat Ng • Malinaw na nakasulat kung paano at kailan matatapos ang
Panukalang Proyekto proyekto.
• Ipakita ang pangangailangan ng komunidad.
• Maayos, malinis, at walang nakasulat na impormasyong walang
kinalaman sa proyekto.
• Patunayang ang proyekto ay karapat-dapat na tustusan.
SUMMARY
APP 003 : FILIPINO SA PILING LARANGAN
KATITIKAN PULONG AT BIONOTE
2ND SEMESTER | S.Y. 2023 - 2024 TRANSCRIBED BY: RESTY CHRISTENSEN
LECTURER: MR. ZAPANTA

CONCEPTS/QUESTIONS EXPLANATION
Katitikan ng Pulong • Ang katitikan ng pulong ay tinatawag na minutes of meeting sa
wikang Ingles.
• Ito ay isang dokumento o sulatin na naglalaman ng mahahalagang
pinag-usapan, pinagkasunduan, mga diskusyon, at desisyon na
nangyari sa isang pagpupulong.
• Ginagamit ito sa mga opisyal o formal na pagpupulong, at
nagsisilbing gabay at sanggunian sa mga susunod na pulong.
Kahalagahan ng Pagsusulat ng 1. Opisyal na ulat ng mga pagtalakay.
Katitikan ng Pulong 2. Basehan para sa susunod na talakayan.
Nakasaad sa Katitikan ng Pulong Nakasaad sa Katitikan ng Pulong:
• Paksa
• Petsa
• Oras
• Lugar o pook ng pulong
• Oras ng pagsisimula at pagtatapos
• Mga napag-usapan
• Mga dumalo at hindi dumalo sa pulong
Dapat Tandain o Gawin sa Dapat Tandain o Gawin sa Pagsusulat ng Katitikan ng Pulong:
Pagsusulat ng Katitikan ng
Pulong • Inililista ang mga adyenda na napag-usapan isa-isa habang
namamahagi ng ideya ang mga dumalo.
• Lahat ng kalahok ay dapat magbahagi ng kanilang kaalaman,
punto, at opinyon.
• Pag-usapan nang maayos ang mabubuti at masamang dulot ng
mga naibigay na mungkahi.
• Magkaruon ng opisyal na ulat o talaan.
• Isulat ang mga salita na sinabi sa pulong, hindi dapat baguhin ang
mga ito.
• Malinaw ang pagkakasulat ng mga napag-usapan sa pulong.
• Piliin ang mga importanteng bahagi ng talakayan sa pulong.
Bahagi ng Katitikan ng Pulong Bahagi ng Katitikan ng Pulong:

• Pamagat, lugar, petsa, at oras


• Pangalan ng mga dumalo at hindi dumalo, kasama ang kanilang
katungkulan
• Mga napag-usapan o adyenda sa pulong
• Pangalan at lagda ng sumulat ng katitikan ng pulong
Bionote • Talatang naglalaman ng maikling deskripsiyon tungkol sa may-
akda.
• Karaniwan ay dalawa hanggang tatlong pangungusap.

Layunin Layunin:
• Ginagamit para sa sariling profile ng isang tao, kasama ang
academic career at iba pang nalalaman ukol sa kanya.
Mga Katangian Ng Ayos Na Mga Katangian Ng Ayos Na Bionote:
Bionote
• Maikli ang nilalaman.
• Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw.
• Kinikilala ang mambabasa.
• Gumagamit ng baligtad na tatsulok mula sa pinakamahalaga
hanggang sa hindi gaanong pinakamahalaga.
• Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian.
• Binabanggit ang degree kung kailangan.
• Matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.
Taglay Nito Ang Pinakamaikling Taglay Nito Ang Pinakamaikling Buod Ng Mga Tagumpay, Pag-aaral,
Buod Ng Mga Tagumpay, Pag- Pagsasanay Ng May Akda:
aaral, Pagsasanay Ng May Akda
• Pananaliksik
• Antolohiya
• Pag-apply sa Scholar
• Pagdalo sa mga workshops
• Journal
• Blog at websites
Dalawang Katangian Ng Dalawang Katangian Ng Bionote/Tala Ng May-akda:
Bionote/Tala Ng May-akda
Maikling Tala ng May-Akda:

• Ginagamit para sa journal at antolohiya.


• Maikli ngunit siksik sa impormasyon.
• Nilalaman: Pangalan ng may-akda, pangunahing trabaho,
edukasyon, akademikong parangal, dagdag na trabaho,
organisasyon na kinabibilangan, tungkulin sa komunidad, mga
proyekto na ginagawa.

Mahabang Tala ng May-Akda:

• Mahabang prosa ng isang Curriculum Vitae.


• Karaniwan naka-dobleng espasyo.
• Ginagamit sa encyclopedia, Curriculum Vitae, aklat, tala sa aklat ng
pangunahing manunulat.
• Nilalaman: Kasalukuyang posisyon, pamagat ng mga nasulat,
listahan ng parangal, edukasyong natamo, pagsasanay na
sinalihan.
SUMMARY

You might also like