You are on page 1of 44

Mga Paksa?

PAGBASA TAGASURI ANG PAPEL NG KRITIKO LAPIT PAMPANITIKAN


AT O AT
PAGSULAT TAGAYARI? KRITIKA SA LIPUNAN

MANAGE PROFILES
SOSLIT HOME TV SHOWS MOVIES MY LIST

PAGBASA AT PAGSULAT
https://www.slideshare.net/shekainalea/pagbasa-788254
54

PLAY i MORE INFO


LAYUNIN:
a. Naibibigay ang kahulugan, katangian, kahalagahan ng pagbasa
at pagsulat;
b. Naipaliliwanag ang mga uri ng pagbasa at pagsulat ;
c. Natatalakay ang mga kasanayang malilinang.
https
://ihelptostudy.com/pagbasa-at-pagsulat-tungo-sa-pananaliksik-thesis-2.h
tml
PAGBASA

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-pagbasa-kahulugan-kahalagahan-paraan-proseso/
KAHULUGAN NG
•PAGBASA
Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng
pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao
na harapin ang mga di- inaasahang suliranin sa buhay.
• Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong
lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at
pag-iisip.
• Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon
na nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito’y isang
aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga
suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
KAHULUGAN NG
PAGBASA
 Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga
nakalimbag na simbolo ng kaisipan.
Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na
sagisag ng mga kaisipan.
 pagkilala at pagkuha ng mga ideya at
kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo.
Bakit ka nagbabasa?
Mga Dahilan ng Pagbabasa:
• may nagbabasa upang kumuha ng dagdag
kaalaman o karunungan.
• may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang
nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-iwanan
ng takbo ng panahon.
• may nagbabasa upang maaliw o malibang ,
mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na
nararamdaman, at iba pa.
PROSESO NG
PAGBASA
• Persepsyon. Pagkilala sa mga nakalimbag na
simbolong nabasa.
• Komprehensyon. Pagpoproseso at pag-unawa sa
binasa.
• Reaksyon. Paghatol o pagpasya ng kawastuhan,
kahusayan at aral sa teksto.
• Asimilasyon. Iniuugnay ang kaalamang nabasa sa
dating kaalaman o karanasan.
URI NG
PAGBASA
 Ayon sa paraan (Mabilis, Pahapyaw, Pagsusuri,
Pamumuna, Tahimik, Pasalita, Masinsinan)

 Ayon sa layunin (Nakapagtuturo at Naglilibang)


AYON SA
PAMAMARAAN
 Mabilisang pagbasa (Skimming)-ang pinakamabilis na
pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa
mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw
na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalimbag na
babasahin. Tinatawag din itong pinaraanang pagbasa at
pinakamabilis na paraan ng pagbasa.
Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
 Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman
ng isang aklat.
 Pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa
pananaliksik (key word).
 Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman.
AYON SA

PAMAMARAAN
Pahapyaw na Pagbasa (Scanning)- tumutukoy sa paghahanap
ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri
ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng
sumulat dahil sa mahalaga rito’y makita ang hinahanap sa
madali at mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng
telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga
paupahang establisemento, pagtingin sa resulta ng mga
eksamen , numerong nanalo sa swipstiks, lotto, atbp. 
AYON SA
PAMAMARAAN
 Pagsusuring Pagbasa (Analytical reading)- nakasalalay sa mga
materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit
dito ng matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang
kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang
mapanuring pag-iisip.
AYON SA
PAMAMARAAN
 Pamumunang Pagbasa (Critical reading)- Dapat na matiyak
ng mambabasa na naunawaan ang buong nilalaman ng
akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang
binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa
pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda.
Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura ng mga
pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat
ng may- akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng
paksa at may-akda.
AYON SA
PAMAMARAAN
 Tahimik na Pagbasa (Silent reading)- mata lamang ang
gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang
paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha
ng bumabasa ng teksto.

 Pasalitang pagbasa (Oral reading)-pagbasa ito sa teksto na


inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na
lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga
tagapakinig.
AYON SA
PAMAMARAAN
 Masinsinang Pagbasa – hindi ito “undertime pressure” na
pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat
na panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng
pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto.

Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa


pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad ang buod, aral at
pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang
kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.
AYON SA
LAYUNIN
 Pagbasang nakapagtuturo – nagbabasa ang isang tao dahil
mayroon siyang nais malaman o marating. Kailangan natin
ang layuning ito upang maragdagan ng bago ang ating dating
kaalaman. Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat
larangan na ating tinatahak. 

 Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam gawing


libangan dahil nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito
ang pagkain ng ating isipan at may kaligayahang naidudulot
sa ating buhay.
Mahalagang Kasanayan sa Pagbasa
 Pagkilala sa mga salita (Word Perception)
Kakayahang umunawa sa iba’t ibang kahulugan ng
salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas.

 Pag-unawa (Comprehension). Kakayahan sa pag-


unawa mula sa payak hanggang sa mas mabigat at
masalimuot na bahagi ng akda.
Mahalagang Kasanayan sa Pagbasa
 Pagpapahalagang literari (Literary Appreciation) may
kakayahang umunawa at pagkagiliw sa
pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at
napapanahong isyu.

 Pananaliksik at Pandiksyunaryong kasanayan


(Research & Dictionary Skills). May kakayahan sa
paghahanap o pagsisiyasat sa mga bagay at
kaalamang di-makita o matagpuan.
Sanggunian: https://www.slideshare.net/RoelDancel/4-na-makrong-kasanayan-65959478
PAGSULAT
https://teknikalbokasyonalnasulatin.wordpress.com/
KAHULUGAN NG
 PAGSULAT
Ito ay sistema ng komunikasyong interpersonal, na gumagamit
ng mga simbolo at inuukit/isinusulat sa isang makinis na bagay
tulad ng papel, tela, o di kaya’y isang malapad at makapal na
tipak ng bato. (Badayos 1999) 

 Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay


kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay
isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t
ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.
Ano ang kahalagahan ng
Pagsusulat?
Kahalagahan ng Pagsulat
• Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay,
pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga
eksperimentasyon at paglikha ng mga papel
pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.

• Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng


liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas
pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa
paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga
kliyente at marami pang iba.
PROSESO NG
PAGSULAT
 Bago ang Pagsulat (Pre-writing)

 Aktuwal na Pagsulat (Writing)

 Pagrerebisa (Revising)

 Pag-edit (Editing)
PROSESO NG
PAGSULAT
 Bago ang Pagsulat (Pre-writing). Lahat ng pagpaplanong
aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag-iisip ng mga ideya,
pagtukoy ng estratehiya ng pagsulat at pag-oorganisa ng mga
materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa
yugtong ito.
 Aktuwal na Pagsulat (Writing). Sa puntong ito, ang iyong mga
ideya ay kailangang maisalin sa bersyong preliminari ng iyong
dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende
kung gaano mo kinakailangan. Sa pagsulat ng burador,
iminumungkahing sundin mo ang iyong balangkas nang bawat
seksyon. Palawigin mo ang iyong mga parirala sa
pangungusap.
PROSESO NG
PAGSULAT
 Pagrerebisa (Revising). Ito ay proseso ng pagbabasang muli
sa burador nang makailang ulit para sa layuning
pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaring
sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng mga
pangungusap at lohika ng presentasyon.
 Pag-edit (Editing). Ito ang pagwawasto ng mga posibleng
pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, gramar, gamit
at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling yugto sa
proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na
dokumento.
MGA URI NG
PAGSULAT
 Akademik
 Teknikal
 Journalistic
 Reperensiyal
 Propesyonal
 Malikhain
MGA URI NG
PAGSULAT
 Akademik. Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin
nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan. 
•  kritikal na sanaysay
• lab report
• eksperimento
• term paper o pamanahong papel
 Teknikal. Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng
impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin.
• ulat panlaboratoryo
• manwal ng kompyuter
MGA URI NG
PAGSULAT
 Journalistic. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal,
kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa
mga pahayagan o magasin.
 Reperensiyal. Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda
ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa.
• Bibliography, index, note cards
 Propesyonal. Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang
tiyak na propesyon.
• police report
• investigative report
• legal forms
• medical report
MGA URI NG
PAGSULAT
 Malikhain. Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus
dito ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring
piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat.
• tula
• nobela
• maikling katha
MGA URI NG
PAGSULAT
 Kaisahan (Unity). Ito ay ang pagkakaroon ng isang ideya sa
loob ng talata.
Upang makamit ito:
a) Tukuyin ang ideyang nais mong idebelop;
b) Ipahayag ang ideyang ito sa isang pamaksang pangungusap
na maaari pang idebelop ayon sa iyong layunin; at
c) Suportahan ang pamaksang pangungusap ng mga
pangungusap na makadebelop sa ideya.
MGA URI NG
PAGSULAT
 Pagkakaugnay (Coherence). Ito ay tumutukoy sa
pagkakauganay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng isang
talataan. Sa lebel ng pangungusap, tumutukoy ito sa
pagkakasundo ng paksa at panaguri; sa lebel ng talata,
tumutukoy ito sa kohisebnes ng daloy ng mga pangungusap
sa talataan.
Upang magamit ang kohirens, kailangang :
a) Gumamit ng epektibong metodo ng debelopment o paraan
ng pagpapahayag ;
b) Organisahin ang mga pangungusap mula simula hanggang sa
wakas sa tulong ng epektibong pattern ng organisasyon; at
c) Gumamit ng mga epektibo na salitang transisyunal.
MGA URI NG
PAGSULAT
 Diin (Emphasis). Ito naman ay tumutukoy sa pagbibigay ng
angkop at sapat na diin sa bahagi ng komposisyong
nangangailangan niyon.
Makakamit ito sa pamamagitan ng:
a) pagtukoy ng mga ideya o bahagi ng talataang dapat bigyan
ng diin
b) epektibong pagpili ng metodo ng pagbibigay-diin (sa
pamamagitan ng posisyon o proporsyon); at
c) Epektibong paggamit sa napiling metodo ng pagbibigay-diin.
Sanggunian:https://www.slideshare.net/sjbians/proseso-atyugtongpagsulat
PAGTATAYA
Anong akda o aklat na
nabasa mo ang
pinakatumatak saiyo?
Bakit?
 Gawin ang isa sa mga sumusunod ngayong araw:
a. Magpost sa social media ng pangungusap na makapagbibigay
ng inspirasyon sa kapwa mo mag-aaral sa gitna ng
pandemya;
b. Magbigay ng positibong komento sa isa sa iyong kaibigan;
c. Magbigay ng appreciation note sa isa sa kasamahan sa bahay.
Pagkatapos ay i-share sa story(ng social media ninyo) ang sagot o
larawan ng reaksiyon nila. Maaari akong i-mention. Ilagay rin sa
comment section ng post na ito ang larawan at/o sagot nila.
P P T ni:

Hennecy B. Cabrejas
Instruktor I

You might also like