You are on page 1of 16

Republika ng Filipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


SA FILIPINO SA PILING 11/12
LARANG: AKADEMIK

PAMAGAT NG PAKSA: KAHULUGAN,


KALIKASAN, AT KATANGIAN NG PAGSULAT
NG SULATING AKADEMIK (LAYUNIN, GAMIT
AT KATANGIAN)
________________________________________________________________________
Linggo 1-3

KUWARTER 1 / 3 MELC BLG. 2

MELC: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:


a. Layunin b. Gamit c. Katangian. CS- FA11/12PB-Oa-c-101.

Pangalan ng Guro: ANA MARIA H. ALTARES

Paaralan: TEODORO HERNAEZ NATIONAL HIGH SCHOOL

1
PAUNANG SALITA

Magandang araw sa iyo! Marahil ay nakahanda ka sa pag-aaral. Ito ang unang Sariling
Linangan Kit na papag-aralan mo sa Filipino sa Piling Larangan- Akademik.

Sisikapin ng kit na ito na matulungan kang higit mong malinang ang iyong mga
kasanayan at pag-unawa sa Akademikong Pagsulat. Huwag kang mag-alala. Tulad ng sinabi
ko, tutulungan ka ng kit na ito.

Paano mo gagamitin ang kit na ito?


1. Una sa lahat, ingatan mo ang kit na ito. Huwag mo itong dudumihan at dapat
pangalagaan mo ito.
2. Basahin at unawaing mabuti ang panuto bago simulan ang bawat gawain at pagtataya.
3. Sikaping masagot mo ang lahat ng mga gawain at pagtataya sa limang araw para
mahasa at madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.
4. Pagkatapos, ipapasa mo ito sa iyong guro para maiwasto ito.

2
Kasanayang Pampagkatuto

Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: a. Layunin b.


Gamit c. Katangian (CS- FA11/12PB-Oa-c-101)

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

1. Nakakikilala ng mga sulating akademiko;


2. Nakasusuri ng mga sulating akademiko ayon sa layunin, gamit, at
katangian;
3. Nakapagpapaliwanag sa layunin, gamit, at katangian ng mga
sulating akademiko;
4. Nakapagpapahalaga sa mga layunin, gamit, at katangian ng mga
sulating akademiko.

AGTSA

BALIK-ARAL/PAGGANYAK

Mapagpalang araw ng Pagkatuto! Bago mo tuklasin ang


aralin ito, subukan mo munang alalahanin ang iyong dating
kaalaman. Handa Ka na Ba? Kung ganoon, subukan ng
natin ang talas ng iyong pag-iisip? Sagutin ang pagsasanay
sa ibaba. Tandaan! Huwag matakot magkamali dahil hindi
lahat ng bagay ay alam na natin, kundi mas marami ka pang
malalaman.

Ano ang Akademikong Pagsulat?


Ano- ano ang mga katangiang dapat taglayin ng
Akademikong Pagsulat?
Ilan ang napili ninyong halimbawa ng sulating akademiko?
Binabati ko kayo dahil sa pagpili ng mga sulating akademiko.
Ngayon ating kilalanin ang mga sulating akademiko.

3
MAIKLING PAGTALAKAY

Binabati kita! Natapos. Ngayon naman, ihanda ang sarili para


sa ating aralin.
Sa kit na ito, kinakailangan mong malaman at tandaan ang mga
uri ng akademikong sulatin.

Iba’t ibang Uri ng Akademikong Sulatin


AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN
SULATIN
Abstrak Ito ay karaniwang ginagamit sa Hindi gaanong mahaba,
pagsulat ng akademikong papel organisado ayon sa
para sa tesis,papel siyentipiko at pagkakasunod sunod ng
teknikal, lektyur at report. nilalaman.
Layunin nitong mapaikli o
mabigyan ng buod ang mga
akademikong papel.

AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN


SULATIN
Sintesis
Ang kalimitang ginagamit sa Kinapapalooban ng overview
mga tekstong naratibo para ng akda. Organisado ayon sa
mabigyan ng buod, tulad ng sunod -sunod na pangyayari sa
maiklling kuwento. kuwento.

AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN


SULATIN
Bionote Ginagamit para sa personal May makatotohanang
profile ng isang tao, tulad ng paglalahad sa isang tao.
kaniyang academic career at iba
pang impormasyon ukol sa
kaniya.

4
AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN
SULATIN
Agenda Layunin nitong ipakita o ipabatid Pormal at organisado para sa
ang paksang tatalakayin sa kaayusan ng daloy ng
pagpupulong na magaganap pagpupulong.
para sa kaayusan ng at
organisadong pagpupulong.

AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN


SULATIN
Panukalang Proyekto Makapaglatag ng proposal sa Pormal, nakabatay sa uri ng
proyektong nais ipatupad. mga tagapakinig at may
Naglalayong mabigyan ng malinaw na pagkakaayos ng
resolba ang mga problema at idea.
suliranin.

AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN


SULATIN
Talumpati Ito ay isang sulating Pormal, nakabatay sa uri ng
nagpapaliwanag ng isang mga tagapakinig at may
paksang naglalayong malinaw na pagkakaayos ng
manghikayat, tumugod, mga idea.
mangatwiran, at magbigay ng
kabatiran o kaalaman

AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN


SULATIN
Katitikan ng Pulong Ito ay ang tala o rekord o Ito ay dapat na organisado
(halimbawa) pagdodokumento ng mga ayon sa pagkakasunud-sunod
mahahalagang puntong ng mga puntong napag-usapan
nailahad sa isang pagpupulong. at makatotohanan.

5
AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN
SULATIN
Posisyong Papel Ito ay naglalayong maipaglaban Ito ay nararapat na maging
kung ano ang alam mong tama. pormal at organisado ang
Ito ay nagtatakwil ng kamalian pagkakasunod-sunod ng idea.
na hindi tanggap ng karamihan.

AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN


SULATIN
Replektibong Ito ay uri ng sanaysay kung Isang replektib na karanasang
Sanaysay saan nagbabalik tanaw ang personal sa buhay o sa mga
manunulat at nagrereplek. binasa at napanood.
Nangangailangan ito ng
reaksyon at opinyon ng
manunulat.

AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN


SULATIN
Larawang Sanaysay Kakikitaan ng/mga Organisado at may
Pictorial Essay larawan/retrato kaysa sa mga makabuluhang pagpapahayag
salita. sa retrato na may 3-5 na
pangungusap.

AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN


SULATIN
Lakbay Sanaysay Ito ay isang uri ng sanaysay na Mas marami ang teksto kaysa
makakapagbalik tanaw sa sa mga larawan.
paglalakbay na ginawa ng
manunulat.

6
PAGSASANAY

Naintindihan mo ba ang iyong binasa?


Ngayon naman, nais kong malaman kung nauunawaan at natandaan
mo ba ang kahulugan ng pagsulat at akademikong sulatin.

Pagsasanay 4

I. Panuto: Hanapin sa loob ng crossword puzzle ang mga sumusunod na salita.


Kopyahin ang pormat at isagawa ito sa sagutang kuwaderno.

N K A R T S B A T A
A U D L E P A A U Y
W B Y E N D L R G A
A I E P R U O U N S
R O N A M I N E O Y
A N D P W A R A L A
L O A R E K Y P U N
O T K E Y O R R P A
I E S I S E T N I S

ABSTRAK SINTESIS BIONOTE ADYENDA TALUMPATI

PULONG SANAYSAY PROYEKTO PAPEL LARAWAN

II. Ibigay ang hinihingi ng bawat aytem sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
kuwaderno.

1. Ito ay mayroong layuning makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad.


2. Kung ang agenda ay ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong, ang
pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa pulong.
3. Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama.
4. Ito ay nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at malinaw ang pagkakaayos ng mga
idea.
5. Ito ay may layuning mapaikli ang mga akademikong papel.

7
Pagsasanay 5

Panuto: Suriing mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang kuwaderno.

1. Namasyal ang magbabarkadang sina Christian, Cyril, Glen, at Shaina sa Del Pilar,
Ilocos Sur. Dahil sa taglay na ganda ng lugar, nais idukomento ni Christian ang naging
paglalakbay na iyon. Alin sa mga sumusunod ang kailangan niyang sulatin?

A. replektibong sanaysay C. lakbay-sanaysay


B. katitikan ng pulong D. bionote

2. Nais ipagmalaki ni Gav ang Vigan, Ilocos Sur dahil dito matatagpuan ang isa sa
pinakamagandang heritage village sa buong Filipinas. Upang maitampok ang
naggagandahang mga lumang bahay na bato, ano ang kailangang gawin?

A. bionote C. abstrak
B. larawang sanaysay D. lakbay-sanaysay

3. Nais makatiyak ni Michelle na mapagkakatiwalaang aklat ang kaniyang


pinagsasanggunian ng kaniyang pananaliksik. Kaugnay nito, palagi niyang binabasa
ang maikling tala ng awtor sa likuran ng mga libro. Alin sa mga sumusunod na sulating
akademiko ang maikling tala na ito?

A. abstrak C. lakbay-sanaysay
B. bionote D. talumpati

4. Sa krisis pangkalusugan dulot ng COVID-19, maraming natakot at nabahala dahil sa


nakamamatay na sakit na ito. Dahil dito, maraming nalimit at napagnilayan ang mga
tao at isa na rito si Ronin. Upang hindi makalimutan ni Ronin ang karanasang ito
kasama ang kaniyang mga pagninilay, anong sulating akademiko ang dapat niyang
sulatin?

A. buod C. replektibong sanaysay


B. panukalang proyekto D. larawang sanaysay

8
5. Nagkaroon ng pagpupulong ang mga mayor sa Ilocos Sur tungkol sa pagbabalik ng
General Community Quarantine sa Ilocos Sur. Ito ay may kaugnayan sa biglaang
padami ng mga nahawa ng virus na COVID-19. Upang maitala ang mga napag-usapan
sa pag-uusap na iyon, alin sa mga sumusunod ang sulatin ang kailangang ihanda ng
kalihim?

A. abstrak C. talumpati
B. panukalang proyekto D. katitikan ng pulong

6. Upang maibalik ang asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo, ang mga guro ng
Filipino sa kolehiyo ay naghanda ng mga sulatin ukol sa kanilang paninindigan para
sa pagpapanatili ng nabanggit na asignatura. Alin sa mga sumusunod na sulatin ang
maaaring inihanda ng mga guro?

A. talumpati C. replektibong sanaysay


B. posisyong papel D. lakbay-sanaysay

7. May gustong gawing programa ang organisasyon ni Ted para sa pagdiriwang ng Araw
ng Paaralan o High School Day. Kaugnay nito, siya ay nagsulat ng mga gawain para
dito. Upang maging pormalisado ang programang gagawin, aling sulatin ang
kailangang ihanda ni Ted?

A. panukalang proyekto C. larawang sanaysay


B. buod D. lakbay-sanaysay

8. Sa bahaging ito ng pananaliksik nina Bryan, Romina, at Cassandra makikita ang


pinakabuod ng kanilang isinagawang pag-aaral. Aling sulating akademiko ang
binabanggit dito?

A. buod C. sintesis
B. abstrak D. posisyong papel

9
9. Pinabasa ni G. Garry Gomez ang kaniyang mga mag-aaral ng isang maikling kuwento.
Ang kuwentong iyon ay pinamagatang “Kung Sisikat pa ang Araw sa Silangan” na
kaniya ring isinulat. Bilang gawain ng kanilang klase, itatala ng mga mag-aaral ang
mga mahahalagang mga pangyayari batay sa binasang kuwento. Kaugnay nito, ano
ang posibleng sulatin ng mga mag-aaral kaugnay ng gawain?
A. buod C. katitikan ng pulong
B. sintesis D. panukalang proyekto

10. Pinanood ni Gng. Mercelina Lino ang kaniyang klase ng tatlong talk show na may
kaugnayan sa mga pamamaraan kung papaano mapauunlad ang study habits o gawi
ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, bilang gawain ng mga mag-aaral,
sinabi niya na pagsama-samahin ang mga idea ng mga tagapagsalita sa napanood na
talk show. Alin sa mga sulating akademiko ang maaaring iugnay sa ipinagawang
gawain ng kanilang guro?
A. sintesis C. talumpati
B. abstrak D. posisyong papel

Pagsasanay 6

I. Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod at tukuyin kung anong sulating
akademiko ito. Ipaliwanag din kung bakit ito ang iyong sagot batay sa
layunin, gamit at katangian ng akademikong sulating isinulat. Isulat ang
sagot sa sagutang kuwaderno.
1.

Kung iisipin may isang KATOTOHANAN na hindi natin


napapansin na ang lahat ay nagsisimula sa isang munting
hakbang. HAKBANG na kung saan ang iyong mga sariling
paa ang siyang magdadala tungo sa iyong kinabukasan.
Kung saan ito ang magiging daan mo para ikaw ay
magbabago. At kapag ikaw ay natuto ng humak-
bang at makapaglakad., ikaw na mismo ang gagawa ng
iyong kapalaran.

w.w.w.google.com

10
2.

Petsa : ika- 6 ng Agosto


Para sa : Mga Senior High School Students
Mula kay : Christian C. Gandeza
Presidente ng Senior High School Building
May mangyayaring pulong sa Agosto 10, sa ika-8 ng umaga sa Senior Building ng
Grade 12 – A. Ang mga opisyal sa nasabing silid-aralan ang magdadala ng mga
kakailanganing kagamitan at meryenda sapagkat mahabang an gating tatalakayin sa
pagpupulong.
AGENDA:
1. Pagsisimula
a. Panalangin
b. Bating Pambungad
2. Pag-apruba ng Agenda
3. Pag-apruba ng Katitikan
4. Mga isyu sa katitikan ng nakaraang pulong
5. Mga update sa mga gaganaping programa o okasyon sa paaralan
a. Foundation Day
b. Christmas Party
c. Graduation Day

3. 543.files wordpress,com

https:/images.app.goo.gl/erWrExRD6brqqtEa6

11
4.

15 August 2018 / 4:20 PM- 5:30 PM


UP Solar Room 12

Attendance Agenda

AIT Rep to the USC Lavaile I. Committee Updates


Chairperson Jarlego II. IGP’s
Secretariat Councilor Bicos III. Freshie Rep Elections
EdRes Councilor Calderon IV. Vice Chair Elections
Finance Councilor Cruz V. Partnerships
WAM Councilor David VI. Buwan ng Wika
Mass Media Councilor Salazar VII. Post FWA
4th Year Level Rep. Bas VIII. Other Matters
3rd Year level Rep. Maano
2nd Year Level Rep. Carreon
FULL MINUTES
August 15 GA:bit.ty/AITSCI819GA Aug15
AI:AITSC GA: bit.ty/AITSCI819GA

5.

https:/images.app.goo.gl/erWrExRD6brqqtEa6

12
PAGLALAGOM

Tandaan na ang mga iba’t ibang akademikong sulatin ay may layunin,


gamit at katangian.

APLIKASYON

Bakit mahalagang kilalanin at pag-aralan ang iba’t ibang akademikong sulatin?

13
PAGTATAYA

I. Basahin ang mga sumusunod at tukuyin kung tama o mali. Isulat ang T sa patlang
kung wasto ang pahayag at M kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno.

______1. Ang abstrak ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel gaya
ng tesis.
______2. Ang buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo.
______3. Ang maikling kuwento ay isang tekstong naratibo.
______4. Ang bionote ay parang talambuhay pero higit na maikli ito.
______5. Memo ang tawag sa tatalakayin sa isang pulong.
______6. Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong.
______7. Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng isang problema.
______8. Ang lakbay – sanaysay ay tinatawag ding travel-essay o travelogue.
______9. Ang talumpati ay karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig.
______10. Nagbabalik-tanaw ang manunulat sa replektibong sanaysay.

II. Punan ang mga kahon ng tag-iisang gamit, layunin, at katangian ng mga sulating
akademiko. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Sulating Akademiko Gamit at Layunin Katangian


Bionote
Abstrak
Agenda
Pictorial- Essay
Katitikan ng Pulong

III. Sagutin nang maiksi at malinaw:


Alin sa mga Sulating Akademiko ay pinakagusto mong sulatin at bakit?

14
Puntos Pamantayan

5 Ang ideyang nabuo ay talagang organisado,maingat na


naisulat, wasto at angkop ang wikang ginamit.
4 Ang ideyang nabuo ay organisado,maingat na naisulat, wasto
at angkop ang wikang ginamit.
3 Ang ideyang nabuo ay bahagyang organisado,naisulat nang
may bahagyang kaaingatan,may kawastuhan at may
kaangkupan ng wikang ginamit.
2 Ang ideyang nabuo di organisado ,di naisulat nang kaingatan,
di wasto at di angkop ang wikang ginamit.
1 Ang ideyang nabuo ay hindi lubos organisado,hindi lubos
maayos ang pagkakasulat at mahirap maintindihan, at walang
kaangkupan ng wikang ginamit.

15
SANGUNIAN

Dayag, Alma M. at Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor Pinagyamang


Pluma Filipino sa Piling Larang (Akademik)2016

16

You might also like