You are on page 1of 38

_____

Akademikong
______ _____
Pagsulat

_____
Akademikong Pagsulat
 Isang intelektuwal na pagsulat. Isang Gawain na nakatutulong sa
pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang
larangan.
 Ayon kay Carmelito Alejo et al. (2005), sa aklat na Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang akademikong pagsulat ay may
sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng
suporta sa mga ideyang pinangangatwiranan. Layunin nitong
maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginagawang pananaliksik.
Layunin ng Pagsulat

 Mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga


karanasan ng taong sumusulat.
 Ayon kay Mabilin (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat sa
dalawang bahagi: personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng
pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o
nadarama ng manunulat. Panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng
pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang
ginagalawan na tinatawag ding transaksiyonal.
Kahalagahan ng Pagsulat

 Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa


pamamagitan ng obhetibong paraan.
 Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa
isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.
 Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan
ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap
na impormasyon.
 Mahihikayat at mapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa
pagsusulat
 Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at
pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa
lipunan.
 Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa
at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
 Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula
sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
Mga uri ng Pagsulat

 Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)


 Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
 Propesyonal na pagsulat (Professional Writing)
 Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)
 Reperensiyal na Pagsulat ( Referential Writing)
 Akademikong Pagsulat (Academic Writing)
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

 Wika
 Paksa
 Layunin
 Pamamaraan ng Pagsulat
 Kasanayang pampag-iisip
 Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
 Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin
Mga katangiang dapat taglayin ng
Akademikong Pagsulat

Obhetibo
Pormal
Maliwanag at organisado
May paninindigan
May pananagutan
Iba’t Ibang Uri ng Akademikong
Sulatin

1. Abstrak 7. Memorandum
2. Sintesi/buod 8. Katitikan ng pulong
3. Bionote 9. Posisyong papel
4. Panukalang proyekto 10. Replektibong sanaysay
5. Talumpati 11. Pictorial – essay
6. Adyenda 12. Lakbay - sanaysay
Indibiduwal na gawain

Basahin ang tekstong Makrong Kasanayan sa


Pagsulat. Itala ang mga kahulugan ng pagsulat
na binanggit sa teksto.
Karagdagang gawain

Maghanap ng isang halimbawa ng isang


akademikong artikulo na nakasulat sa wikang
Filipino hinggil sa isang paksang interesante para
saiyo.
Mahalagang Konsepto ng
Akademikong Pagsulat

1. Ginawagawa ng mga Iskolar at para sa mga Iskolar.


2. Nakalaan sa mga paksa at mga tanong na pinag-uusapan o
interesante sa akademikong pag-unlad.
3. Nararapat na maglahad ng importanteng argumento.
Paraan ng Pagpapahayag ng ideya sa
Akademikong Pagsulat
1. Paglalahad(Ekspositori)
2. Paglalarawan (Deskriptiv)
3. Pangangatwiran (Argumentativ)
4. Impormatibo
5. Naratibo
Think-Pair-Share

Maghanap ng kapareha at ibahagi ang nilalaman


ng iyong napiling akademikong artikulo.
Ipahayag kung paano ipinahayag ang mga ideya
sa akademikong artikulong pinili.
Pangkatang Gawain
 Base sa mga ginawang talakayan, gumawa ng isang Concept Tree na tumatalakay
sa mga sumusunod:
1. Proseso
2. Anyo
3. Gamit ng pagsulat
Karagdagang gawain
Magsaliksik sa internet:

Etika at responsibilidad ng Mananaliksik


Mga usapin tungkol sa plagiarism.
Mga gawaing maituturing na isang
plagiarism.
Paunang Gawain
Ano ang etika at responsibilidad sa:

Paglalarong basketball
Paghahanap ng trabaho
Pakikipag-ugnayan sa klase
Kung mangyaring ikaw ay nasa sumusunod na
senaryo ano ang gagawin mo?
 Isa kang journalist, ilalabas mob a sa publiko ang isang
balitang may kaugnayan sa “pagkasira” ng imahe ng Pangulo
ng Pilipinas?

Isakang manunulat ng inyong campus paper. Paano mo


ipaaabot nang may paggalang sa administrasyon ang
mga sirang pasilidad sa inyong paaralan?
Tungkulin at Etika ng Mananaliksik
 Matiyaga
 Mapamaraan
 Sistematiko
 Maingat
 Analitikal
 Kritikal
 Matapat
 Responsable
Etika at Responsibilidad ng isang
Mananaliksik o Manunulat
 Kilalanin mo ang ginamit mong ideya.
 Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o
walang permiso.
 Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon, lalo
na kung negatibo ang mga ito o makakasirang-puri sa taong
iniinterbyu.
 Huwag kang mandaya. Isang “krimen” ang pandaraya sa
pananaliksik.
Plagiarism at Responsibilidad ng isang
Mananaliksik o Manunulat
Plagiarism
ang teknikal na salitang ginagamit sa wikang
Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng
ibang nang walang pagkilala.
Iba’t Ibang anyo ng Plagiarism

Tahasang pag-angkin ng gawa ng iba.


Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may
kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at
hindi kinilala ang awtor.
Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba.
Indibidwal na Gawain:
Base sa ginawang pananaliksik. Pumili ng Tatlong Akademikong Sulatin na
gusto mong gawin. Punan ng impormasyon ang graphic organizer.
Karagdagang Gawain:

1. Ano ang Hiram na Salita?


2. Mga tuntunin sa Paghihiram ng
Salita.
Ano ang gagawin mo kung ang
salitang gagamitin mo sa pagsusulat
ay isang banyaga?
Ang Panghihiram ng mga Salita

Hiram na Salita

Paggamit ng salitang banyaga na walang


katumbas na salita sa wikang Filipino.
Tuntunin sa Paghihiram ng Salita

a.Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang


banyaga.

Halimbawa:

Hiram na Salita Filipino

Attitude Saloobin
Rule Tuntunin
Ability Kakayahan
Wholesale Pakyawan
West Kanluran
Tuntunin sa Paghihiram ng Salita

b. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa.

Halimbawa:

Hiram na Salita Katutubong Wika


Hegemony Gahum (Cebuano)
Imagery Haraya (Tagalog)
Husband Bana (Hiligaynon)
Muslim priest Imam (Tausug)
Tuntunin sa Paghihiram ng Salita

c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na salita mula sa Espanyol, Ingles at iba pang wikang banyaga
at saka baybayin sa Filipino.

Halimbawa:
Ingles Filipino
Centripetal Sentripetal
Commercial Komersyal
Advertising Advertayzing
Radical Radikal
Tuntunin sa Paghihiram ng Salita

Iba pang Wika Filipino


Coup d’etat Kudeta
Chinelas (Espanyol) Tsinelas
Kimono (Japanese) Kimono
Glasnost (Russian) Glasnost
Blitzkrieg (German) Blitzkrieg

Espanyol Filipino
Cheque Tseke
Litro Litro
Liquid Likido
Tuntunin sa Paghihiram ng Salita

2. Gamitin
ang mga letrang C, Ñ, Q, X, F, J, V, Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon sa
mga sumusunod na kondisyon.

a. Pantanging ngalan

Halimbawa

Tao Lugar Gusali Quirino Canada Ceñeza Bldg. Julia Valenzuela


City State Condominium

Sasakyan Pangyayari
Qantas Airlines First Quarter Storm Dona Monserat El Niño
Tuntunin sa Paghihiram ng Salita

b. Salitang teknikal o siyentipiko

Halimbawa:

Cortex x-ray Enzyme Zoom


Quartz Joules Filament Vertigo
Marxism Infrared
Tuntunin sa Paghihiram ng Salita

c. Salitang may natatanging kahulugang kultural

Halimbawa:

Cañao (Ifugao) – pagdiriwang


Senora (Espanyol) – ale
Hadji (Maranao) – lalaking Muslim na nakapunta sa Mecca
Masjid (Maguindanao) – pook dalanginan, moske
Vakul (Ivatan) – panakip sa ulo bilang panang-galang sa ulan at init, yari sa palmera
o dahon ng saging
Ifun (Ibanag) – pinakamaliit na banak Azan (Tausog) – unang panawagan sa
pagdarasal ng mga Muslim
Tuntunin sa Paghihiram ng Salita

d. Salitang may irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o


higit pa na hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng
tunog.

Halimbawa:

Bouquet Plateau Champagne


Laissez faire Rendezvous Monsieur
Tuntunin sa Paghihiram ng Salita

e. Salitang may internasyonal na anyong


kinikilala at ginagamit

Halimbawa:

Taxi Exit Fax


Tuntunin sa Paghihiram ng Salita

3. Gamitin ang mga letrang F. J, V. Z para katawanin ang mag tunog,


/f/, /j/, /v/, /z/ kapag binabaybay sa Filipino ang mga salitang hiram.

Halimbawa:

Fixer -------------------- fikser


Subject -------------------- sabjek
Vertical -------------- vertical
Zipper -------------------- ziper
Tuntunin sa Paghihiram ng Salita

4. Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X sa mga salitang hiniram


nang buo.

Halimbawa:

Cornice Xenophobia Cell


Cataluña Reflex Requiem
Magkaparehang Gawain

Gumawa ng tiglilimang halimbawa ng


paghihiram ng salita sa bawat tuntunin
ng paghihiram ng salita. Huwag
gagayahin ang mga nakalistang
halimbawa na nasa modyul.

You might also like