You are on page 1of 13

LITERATURA 3

Reporter:
Lerma, Cristopher M.
BEEd-III
PANGANGAILANGAN SA
EPEKTIBONG PAGSULAT
Ano ang pagsulat?
Ang pagsulat ay ang pinagsamang aktibidad ng isipan at kamay sa paglikha ng isang babasahin.
Maaaring pagsulat sa papel o kung sa makabagong panahon ay ang pag-type sa computer. Ang
pagsulat ay maaaring isa sa mga kinagigiliwang libangan ng iba, at ang iba naman ay naging
hanapbuhay na nila.
Anu-ano pa nga ba ang mga gamit at pangangailangan sa pagsulat?
Unang-una, kailangang matiyak natin kung anong wika ang ating gagamitin sa pagsulat. Marami
na sa ating mga Pilipino ang nabiyayaan ng talento sa pagsulat gamit ang ibang wika, tulad na
lang ng Ingles. Ang importante ay malinaw, maayos, at nagpaparating ng mensahe ang inyong
isinulat.
Kailangan ay mayroong malinaw na paksa upang may ideya na ang mga mambabasa sa kung ano
ang nais iparating ng sumulat.Mahalaga ring matukoy ang layunin ng isinulat. Kailangang
matiyak ang motibo ng pagsulat nang sa gayon ay maganap ang pakay nito.

 Pangangailangan sa epektibong pagsusulat:

1. Informative o pagpapabatid ng kaalaman – hal. Balita, Announcements


2. Narrative o pagsasalaysay – hal. Maikling Kwento
3. Expository o paglalahad o paglalabas ng katotohanan – hal. Lathalain
4. Descriptive o paglalarawan – hal. Travel Brochures
5. Argumentative o pakikipagtalo – hal. Debate, Editoryal
6. Persuasive o paghihikayat – hal. Ads
7. Procedural o prosidyural – hal. Manual
Isa ring mahalagang gamit sa pagsulat ay ang kasanayang pampag-iisip, kung saan dapat taglay
din ng manunulat ang kakayahang mag-analisa at maging lohikal din sa pag-iisip upang makabuo
ng malinaw at mabisang pangangatwiran.
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat, tulad ng paggamit ng wastong paggamit ng
titik, kung ito ba ay dapat malaki o maliit na titik, wastong baybay, bantas o wastong pagbuo ng
pangungusap.
At ang huli ay ang kasanayan sa paghabi ng buong sulatin. Ang buong kasulatan ay dapat
organisado at maayos mula sa panimula hanggang sa wakas.
PAGPAPAYAMAN NG
TALASALITAAN
 MGA PAMAMARAAN SA PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN

1. Klino o Cline – ito ay pag-aayos ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang
ipinahahayag nito.

Halimbawa
ngiti sama ng loob paghihikahos
bungisngis inis paghihirap
tawa hinanakit pagdaralita
halakhak galit pagkadukha
poot
2. Cloze
Sa uring ito, hindi ginagalaw ang titulo at ang unang pangungusap ng isang sipi.
Pumapasok ang pagpapayaman ng talasalitaan sa pamamagitan ng paghula kung anong
tamang salita ng angkop gamitin o ipuno sa puwang na matatagpuan sa tuwing ikasiyam na
salita maliban kung ito’y pantanging ngalan o bilang kaya.
Pinapaboran ang dayad sa pagsasagot sa cloze. Pinagpapareha ang mga estudyante para
pag-usapan ang angkop na salitang marapat gamitin. Pinag-uusapan pagkatapos sa tulong
ng guro ang mga sagot na tinatanggap at di tinatanggap.

Halimbawa:
Damang-dama ng lahat na naroroon ang ________ na naghahari sa kapaligiran habang
isinasagawa ang ________ ng mga barungbarong na matagal nang ________ roon simula
pa nang ang mga kapatid na Muslim ay ________ sa Mindanao bunga ng hidwaan ng
gobyerno at ng MNLF.
Ang mga posibleng sagot ay:

1. kaguluhan
tensyon
kalituhan
karahasan

2. paggiba
demolisyon
pagwasak
paglilipat

3. nakatayo
nakatirik
nakapwesto
nakaiskwat

4. lumayo
lumikas
lumayas
tumalilis
3. Kolokasyon
Higit na mapapalitaw ang kahulugan ng isang salita kung ito’y kasama ng iba pang salita.
May mga salitang nagsasama-samang palagi sa isang konstruksyon at mayroon namang
nagsasama-sama paminsan-minsan.

Halimbawa:

buwig ng saging
pumpon ng bulaklak
kawan ng ibon
ligaya at lumbay
trono ng hari
marangyang piging
magarang damit
maaliwalas na mukha
4. Klaster
Ito ang pagsama-sama ng magkakatulad na bagay sa iisang grupo. Mga salita ito na
magkakaugnay-ugnay sa iisang ideya.

5. Konsultasyon
Para matiyak na wasto ang kahulugang ibinatay sa konteksto, mahalagang konsultahin ang
sangguniang aklat, diksyunaryo at iba pang sanggunian na angkop sa gulang ng mag-aaral.

6. Mga Kard
Paggawa ng maliliit na kard sa bawat salitang inaakala ng mag-aaral na mahirap tandaan.
Mahalagang isulat sa kard and salita, ang kahulugan nito, ang paggamit sa pangungusap at
ilang kolokasyon.
7. Konteks
May iba’t ibang uri ng palatandaan kontekstwal na maaring mapagbasehan ng kahulugan.

a. Depinisyon
Ang kahulugan o depinisyon ng bagong salitang pag-aaralan ay nakapaloob sa binabasa.

Halimbawa:
Sa butas ng nitso ay dahan-dahang inilagak ang bangkay.

b. Paghihinuha
Ang estudyante ay inaasahang makagawa o makabuo ng isang palagay/ opinion/ konklusyon mula sa
mga katotohanan o katwiran.

Halimbawa:
Ang paligid ay kakikitaan ng paghihikahos ng mga tao. Nakabilanggo sa daigdig ang barungbarong,
lusak na estero, nanlilimahid na babae’t lalaki.
Mahihinuha rito ang kahulugan ng paghihikahos sa tulong ng mga salitang lusak at nanlilimahid.
c. Paghahambing/ Kontras
Ito ang pagbibigay-halaga sa mga salitang naghuhudyat ng pagkakaiba tulad ng pangatnig
na subalit, pero, at ngunit, na nagpapahiwatig ng kaibahan ng kahulugan ng isang salita sa
isa pang salita.

Halimbawa:
Kapurit nga ang natirang pagkain ngunit nagkasya pa rin sa maraming nakasahod na
kamay.

d. Pagsusuri
Ang pagsusuri sa pagkakabuo ng mga salitang-ugat at panlapi, nahuhulaan ng mag-aaral
ang kahulugan ng salitang pinag-aaralan.

Halimbawa:
tao-tauhan, panalag-sinalag, digma-mandirigma
8. Pagkamalikhain
Sapagkat ang wika ay kinapapalooban ng personal at malikhaing kaisipan, inaasahang
makakaisip ang guro ng pamaraan upang matulungan ang mag-aaral na maging
malikhain.

Halimbawa:
Maaaring magpakita ang guro ng iba’t ibang larawan at hayaan ang mga batang pumili ng
isang larawang nais nilang talakayin. Bigyan ang mga bata ng ilang minuto, tawagin sa
harapan, at ipatalakay ang larawang napili. Sa ganito, iba’t ibang talasalitaan ang
maririnig at matutuhan ng mga mag-aaral.

You might also like