You are on page 1of 2

Prep in Filipino

1. Ang pagsulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na


tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat
ng mga tanda o sagisag (kilala bilang sistema ng pagsulat).
2. Ang kahulugan ng Akademiko o Academic ay may kaugnayan
sa, o nauugnay sa isang akademya o paaralan lalo na ng mas
mataas na pag-aaral.
3. kabaligtaran ng akademiko Yun na ung pagbibigay ng sariling opinyon,
karanasan. halimbawa naman ng mga sulating pang di-akademiko ay
mga magazines,diary,reflection paper.

Mga Layunin ng Pagsulat


 Ang layunin ng pagsulat ay magpahayag ng mga guni-guni, makulay,
matayutay, matalinghaga at masimbolong mga pangyayari na batay sa
mayamang imahinasyon ng may-akda.
 Layunin nitong makaakit, mapaniwala at mapasang-ayon ang
mambabasa batay sa ideya na ipinahayag sa teksto.
 Ang layunin ng pagsulat ay maglahad, magbigay impormasyon at
magbigay linaw o paliwanag sa paksa sa isang teksto.
 Ang layunin ng pagsusulat ay makikita sa daloy ng paghahanay ng mga
ideya o kaisipan sa isang teksto.

Kahalagahan ng Pagsulat  
Mahalagang mapag-aralan ang pagsulat. Ang kasanayan na ito ay
makakatulong sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao lalo na sa pakikipag-
ugnayan sa ibang tao o pakikipagkomunikasyon.

Apat na Kahalagahan ng Pagsulat ayon kay Arrogante (2000)

1. Kahalagahang Panterapyutika  
2. Kahalagahang Pansosyal  
3. Kahalagahang Pang-ekonomiya  
4. Kahalagahang Pangkasaysayan  

Limang Pangunahing Pamamaraan sa Pagsusulat:


1. Impormatibo
2. Ekspresibo
3. Naratibo
4. Deskriptibo
5. Argumentatibo

 Ang Unang-una, kailangang matiyak kung anong wika ang gagamitin sa


pagsulat. Marami sa ating mga Pilipino ang nabiyayaan ng talento sa
pagsulat gamit ang ibang wika, tulad na lang ng Ingles

 Mahalaga din na matukoy ang layunin ng isusulat. Kailangang matiyak


ang talagang motibo ng pagsulat nang sa gayon ay maganap ang
pakay nito.

 Kailangan ang Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat, tulad


ng mga paggamit ng titik, at kung ito ba ay dapat malaki o maliit na titik,
dapat wastong baybay, bantas o kaya ay wastong pagbuo ng
pangungusap.

 Ang pinakahuli ay ang kasanayan sa paghabi ng buong sulatin. Dapat


ang buong kasulatan ay dapat organisado at ito maayos mula sa
panimula hanggang sa wakas.

You might also like