You are on page 1of 18

Kalikasan, Kahulugan

at
Proseso ng Pag-sulat
ANG PAGSULAT AY ISANG ANYO O
KASANAYAN SA KOMUNIKASYON.
Ang pagsulat, di tulad ng pagsasalita ay pormal na pinag-aaralan. Sa
pagsusulat ay iniuugnay ang mga kasanayang pangkomunikasyon.
Naibibigay ng pagsulat ang ilang kawili-wiling gumigising sa iskema ng mga
estudyante bago sumulat.

Ang pagkatuto ay may batayang panlipunan at prosesong interaktibo.


Nangangahulugan ito na ang kognisyon o pag-unawa ay naaapektuhan ng
maraming salik gaya ng iskema ng mag-aaral at ng konteksto. (Lalunio,
1990)
Sa pamamagitan ng pagsulat mabibigyan ang tao na
makapag-interak o sumagot iba't ibang diskursong
pangkomunikasyon. Itinuturo ng kasanayan sa pagsulat ang
paglinang ng kakayahan sa pagsasalita.

Ayon kay Peck at Buckhingham, ang pagsulat ay extensyon ng


wika. Anumang natutunan sa makrong pakikinig, pagsasalita at
pagbasa ay nagiging output ng pagsulat. Ang pagsulat ay isang
sistema para sa isang komunikasyong interpersonal sa
gumagamit ng simbolo.
Proseso ng Pagsulat
1. Pag-iisip o pagtiyak sa tapik o paksa.

2. Malayang pagtatala ng mga ideya tungkol sa paksa.

3. Paglilimit ng paksa at pagsulat nito sa isang pangungusap

4. Pagpili at pagwawaksi ng mga ideya

5. Pag-aayos ng mga ideya batay sa isang balangkas


6. Pagsulat ng unang draf

7. Muling pag-iisip at muling pagsulat kung kinakailangan

8. Pagsulat sa isa o mahigit pang bagong draf

9. Pagwawasto ng mga kamalian.


Pagsulat
Panimula
Sa mga lumang kurikulum, laging iniuugnay ang pagsulat
bilang isang sining ng o isang napakahalagang karanasan sa
buhay ng tao. Laging sinabi ng mga guro na walang taong
hindi nakaranas humawak ng panulat para magpahayag ng
kanyang o iniisip o nadarama. Iniuugnay ng mga guro sa
gawaing pasulat ang salitang emosyon, pagkatuwa,
pagkalungkot, pagkagalit, at pagkatakot. Isang kasanayang
dapat matamo ng mga mag-aaral sa silid-aralan ay ang
kasanayan sa pagsulat.
Ito ang maituturing na isa sa pinakamabisang paraan ng pagpapahayag
na naiisip at nadarama ng bawat mag-aaral. Bagamat hindi lahat ay
nabibigyan ng pagkakataong maging manunulat, ang bawat tao'y may
kakayahang sumulat.

Mahalagang makapagsulat ang tao upang lalong tumibay ang kanyang


paniniwala o paninindigan sa paksang nais niyang pag-ukulan ng pansin.
Sa pamamagitan ng pagsulat, nailalabas ng isang tao ang mga
damdaming nais kumawala sa kanyang dibdib. Naipapahayag niya ito
nang walang pag-aalinlangan o pag-aatubili.
Ang Pagsulat Noon at Ngayon
Ngunit napatunayan sa maraming pag-aaral na bihira sa mga mag-aaral
ang nakapagtatamo ng sapat na kakayahan sa pagsulat dahil ang pokus
sa pagtuturo ng pagsulat ay ang aspektong mekanikal, anyo o porma ng
sulatin, pagbaybay at, maging gramatika, partikular ng wastong
paggamit ng mga salita.

Sinanay ng mga guro ang mga tagapagtaguyod ng linggwistika upang


magamit ang kakayahang komunikatibo ng gawaing target ng mga iba't
ibang sitwasyon. Nang tuwirang ituro ang pamaraang ito sa mga gurong
nagtuturo ng wika, nalinang ang iba't ibang kasanayan sa pagsulat gaya
ng pagsasagawa ng mga gawain bago magpasulat (pre-writing
activities) at ang mga gawain pagkatapos magpasulat (post-writing
activities) para sa pagtataya sa sinulat na komposisyon ng mga
mag-aaral.
Sa paraang ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga guro na
maipaunawa at maipa-internalays sa kanyang mga mag-aaral
ang paraan ng pagsulat.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
1. Isulat ang paksa na malapit sa kawilihan o interes.

2. Isulat ang mga paksang may taglay ka nang kaalaman o di kaya'y nais
pang malaman.

3. Isaalang-alang ang maraming teknik sa pangangalap ng mga ideya bago


isulat ang iyong draf

4. Tiyakin ang target ng awdyens para sa iyong sulatin at lagi itong isaisip
habang nagsusulat.

5. Tiyakin din ang layunin ng pagsulat at ano ang ibig mong matamo sa iyong
sulatin. Ito ba'y nagbibigay ng impormasyon? nanghihikayat?
nagbibigay-aliw? nangangatwiran?
6. Isantabi muna ang mga detalye sa unang draf. Sikaping mailapat muna sa
papel ang iyong mga ideya.

7. Paulit-ulit na basahin ang iyong isinusulat. Basahin ito nang tahasan na


parang nakita mo lamang ito sa unang pagkakataon.

8. Ipabasa sa iba ang iyong isinulat at humingi ng mga puna o mungkahi

9. Huwag matakot magdagdag, magbawas, o maglipat ng mga ideya sa iba't


ibang bahagi ng sulatin.

10. Kapag maayos na ang paglalahad ng mga ideya, iwasto ang pagbabalarila,
bokabularyo, ispeling at pagbabantas upang makatiyak sa kawastuban at
kadalisayan ng buong sulatin.
Salamat po!
INihanda nina:

JHovenelle Concepcion
Ryna Marimon
realyn natal
gerome origenes

You might also like