You are on page 1of 7

Sanayang Papel sa Filipino 12

Pagsasanay 1: (Akademikong Pagsulat)


Mahahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang papel.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang
sanayang papel na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.

Simulan mo!
Magandang buhay sa iyo, siguro sobrang bagot muna ngayon sa
iyong buhay dahil sa pandemya na ito lahat nang iyong mga plano ay hindi naituloy
subalit ‘wag mag-aalala dahil ang lahat ng bagay ay may aral na nais iparating o
ipaabot sa iyo upang maging mabuting ehemplo ka sa lipunan na iyong ginagalawan.
Kung sakaling mahirap sagutin ang mga gawain sa sanayang papel na
ito, huwag mag-aalinlangang kumonsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng sanayang papel na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kasanayan. Kaya mo ito!

Gawain: 1 Alpabeto ng Konsepto


Ang gawaing ito ay pagtatala, pag-iisa-isa at pagpapalutang ng isang
kaisipan na magtatampok sa kamalayan, kaisipan, kalinangan , kasaysaysan , at
iba pang ideolohiya upang palutangin ang isang konsepto kaugnay ng tema.
Panuto: Tukuyin kung ano ang nais palutanging kaisipan ng akademikong sulatin
sa pagtatala ng mga salita mula sa alpabetong tagalog. Isulat ito sa isang buong
papel.
Alpabeto ng Akademikong Pagsulat
A-
B-
K-
D-
E-
G-
H-
I-
L-
M-
N-
O-
P-
Q-
R-
S-
T-
U-
W- Page 1 of 7
Y-
Alam ba?

Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog


sa mga mag-aaral. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng Komunikasyon
sa Akademikong Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng
kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum
ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat
na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ito ay isang
pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag
ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel
o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsusulat,
maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin , paniniwala , at layunin ng tao sa
tulong ng mga salita ,ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang
isang akda o sulatin.
Subalit may mga taong mga eksperto sa larang ng pagsulat na nagsasabi na
“Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga
elemento.” winika nina: Xing at Jin.

Samantalang para kay Badayos


“Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap
para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o
pangalawang wika man.”

Ayon kay Keller:


“Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan
ng nagsasagawa nito.”

Ibinagi naman ni Donnal Murray


“Ang pagsulat ay isang eksplorasyon- pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa
porma at ang manunulat ay gumagwa nang pabalik- balik nagtutuon sa isa
sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan
kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang
mahusay.”

“Writing is rewriting”. Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat – “A


good writer is wasteful”. Metapora ni Murray: He saws and shapes and cuts
away, discarding wood… The writer cannot build a good strong piece of writing
unless he has gathered an abundance of fine raw materials.

Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat:


“Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula
sa kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”

Page 2 of 7
Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat
Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng
tao ay may kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o
komposisyon. Narito ang mga iilan:
1. Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais
ipabatid ng taong nais sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika
ang gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa ng
akda. Nararapat magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at
payak na paraan.
2. Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng
isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin.
Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat
upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa
akda o komposisyong susulatin.
3. Layunin- magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman
ng iyong isusulat.
4.Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang
mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa
layunin o pakay sa pagsusulat.

a. Paraang Impormatibo- magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa


mga mambabasa. Kilala rin sa tawag na expository writing. Ito ay
naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Ang
pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.

b. Paraang Ekspresibo- naglalayong magbahagi ng sariling opinyon,


paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na
paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral. Kilala sa tawag
na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga
mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala.

c. Pamaraang Naratibo- pangunahing layunin nito ay magkuwento o


magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na
pagkakasunod-sunod. Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang
pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang
malikhain o masining na akda.

d. Pamaraang Deskriptibo- pangunahing pakay ng pagsulat ay


maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay
sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito’y
maaaring obhetibo at subhetibo. Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na
nakita, narinig, nabasa o naranasan.

e. Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi


sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng
argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
5. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa
upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa
pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at
mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.

Page 3 of 7
6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat- sa pagsulat ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong
paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo
ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng
isang mahusay na sulatin.
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin-tumutukoy sa kakayahang
mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas
na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang
komposisyon.

Mga Uri ng Pagsulat

1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)


Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at
makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.

2. Teknikal na pagsulat (Technical Writing)


Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng
isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o
suliranin.

3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)


Ang uri ng pagsulat na ito na may kinalaman sa mga sulating sa
isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.

4. Dyonarnalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)


Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag.

5.Reperensiyal (Referential Writing)


Layunin ng sulating ito na bigyang -pagpapakilala ang mga
pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong
papel, tesis, at disertasyon.

6.Akademikong Sukatin (Academic Writing)


Ang akademikong pagsulat ay isng intelektuwal na pagsulat ito’y
nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t
ibang larangan.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

1. Obhetibo- Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga


impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon
sa aming haka-haka o opinyon.

2. Pormal- Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip,


gumamit ng mga salitang pormal na madali ng maunawaan ng mga
mambabasa. Ang tono o ang himig ng impormasyon ay dapat maging pormal
din.

Page 4 of 7
3. Maliwanag at Organisado- Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw
at organisado ng mga kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na
pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na
binubuo nito. Ang pangunahing paksa ay dapat nabibigyang-diin sa sulatin.

4. May Paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang


nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang
mapagbago-bago ng paksa. Ang layunin nito ay mahalagang mapanindigan
niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa
pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang
pagsulat ng napiling paksa.

5. May Pananagutan- Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na


datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay
isang etika at pagbibigay galang sa awtoridad na ginamit bilang sanggunian.

Magtulungan tayo!

Gawain 2: Pasulat nang Pasulat nang Pasulat si Titser


Panuto: Ilista ang lahat ng pasulat (sanaysay o tuluyan ang anyo) na gawaing
ibinigay sa inyo g inyong guro ng/sa Filipino mulang Grade 1 hanggang Grade 10.
Isulat ito sa dulo ng araw. Isulat ito sa isang buong papel.

Mga
gawaing
Pasulat

Page 5 of 7
Magagawa mo!

Gawain 3: Hulaan mo Ako


Panuto: Kilalanin ang uri ng sulating inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang pagbuo ng isang pag-aaral o proyekto ang pangunahing layunin ng pagsulat


na ito.

2. Ang paraang argumentatibo , impormatibo , naratibo , deksriptibo , at ekspresibo


ay nakapaloob sa pangangailangan na ito.
3. Anyo ito ng pagsulat na ang layunin ay maghatid ng aliw at makpukaw ng
damdamin at makaantig ng imahinasyon.

4. Isang gamit sa pagsulat kung saan pangkalahatang umiikot ang pangunahing


ideyang dapat nakapaloob sasinusulat.

5. Ito ay ang pagsulat na dapat mahasa sa mga propesyonal gaya ng mga doctor,
nars, inhenyero, at iba pa.
6. Ito ay nagsisilbing giya sa pagbuo ng kaalaman at nilalaman ng pagsulat

7. Ito ay nagsisilbing midyum o behikulo upang maisatitik ang pagsulat.

8. Layunin ng pagsulat nito ay nakabatay sa sariling pananaw , karanasan , naiisip


o nadarama gaya ng tula, dula, awit , at iba pang katulad.

9. Sulatin itong may kinalaman sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng balita ,


editorial , lathalain , at iba pa.
10. Ito ay ang institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit
ng mataas na kasanayan at karunungan.
Gawain 4: Mga Uri ng Pagsulat sa Pangkalahatan
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pagsulat ang bawat tiyak na halimbawa sa
bawat bilang . Isulat ang sagot sa isang kapat na papel (1/4 na papel)

A. Akademiko D. Propesyonal
B. Teknikal E. Reperensyal

C. Dyornalistic F. Malikhain

1. Epiko 6. Banghay-aralin
2. Reseta 7. Abstrak

3.Pangulong-Tudling 8. Excuse Letter

4. Talababa 9. Balagtasan
5. Panunuring Pampanitikan 10. Bibliyograpiya

Page 6 of 7
SUSI SA PAGWAWASTO:
Gawain 3: Hulaan mo Ako Gawain 4 Mga Uri ng Pagsulat sa
Pangkalahatan
1. Teknikal Pagsulat 1.F

2.Akademikong Pagsulat 2.D

3. Malikhaing Pagsulat 3.C


4. Akademikong Pagsulat 4.E

5. Propesyonal Pagsulat 5.A

6.Reperensyal na Pagsulat 6.D


7. Akademikong Pagsulat 7.E

8.Malikhaing Pagsulat 8.A


9.Dyornalistik na Pagsulat 9.F
10. Propesyonal na Pagsulat 10.E

Sanggunian:
Pagsulat sa Fililpino sa Piling Larangan: Akademik. (2016). Makati City Diwa
Publishing House
Akademik) (pp. 140-159). Quezon City : Phoenix Publishing House Inc. .

Dayag, A. M. (2017). Pinagyamang Pluma : Filipino sa Piling Larang Akademik .


Quezon City : Phoenix Publishing House .

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang : Akademik . (2016). Makati City : Diwa


Publishing House .
Teacher's Guide Deped Modyul sa Piling Larang . (2016). Pasig City: Bureau of
Learning Resources DepEd Central Office .

Villanueva, V. M. (2018). #ABKD Ako Bibo Kase Dapat . Makati City : VMV11483
Book Pub

Page 7 of 7

You might also like