You are on page 1of 67

Akademik

• Ang akademiko ay isang institusyon na


kinabibilangan ng mga iskolar, artista at
siyentista na ang layunin ay isulong,
paunlarin, palawakin ang kaalaman at
kasanayan pangkaisipan upang manatili ang
matataas na pamantayan ng particular na
larangan na tahanan ng mga iskolar.
•Ito rin ay tumutukoy sa edukasyon,
iskolarsyip. Institusyon o pag-aaral na
nagbibigay tuon sa pagbasa, pagsulat at
pag-aaral , kaiba sa praktikal o teknikal
na gawain.
• Pagsulat ng iba`t ibang anyo ng
sulating lilinang sa mga kakayahang
magpahayag tungo sa mabisa ,
mapanuri, at masinop na
pagsuuslat sa piling larangan.
Akademikong Pagsulat

•Ang akademikong pagsulat ay intelekuwal


na pagsulat na naaangat sa anatas ng
kaalaman ng mga mamababasa. Hindi ito
opsiyon para sa mga akademiko at
propesyonal. Ito ay isang pangangailangan.
Intelektuwal na pagsusulat
• Ito ay uri ng pagsulat na kailangan ang
mataas na antas ng pagiisip:
• Magpanuring pag- iisip
• May kakayahang mangalap , mag-
organisa ng impormasyon o datos.
ANG PAGSUSULAT
• Pagsasalin sa papel o sa anumang
kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuo ng salita,
simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga
tao sa layuning maipahayag ang kanyang
kaisipan.
MGA IBA`T IBANG DAHILAN NG
MGA TAO SA PAGSUSULAT
Para sa kanila , ito ay nagsisilbing libangan
sapagkat sa pamamagitan nito ay
naibabahagi nila sa iba ang kanilang ideya
at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o
kasiya-siya para sa kanila.
•Ayon sa mga mag-aaral ang
kalimitahang dahilan ng pagsususlat
ay ang matugunan ang
pangangailangan sa pag-aaral bilang
bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.
•Sa mga propesyonal namang manunulat
tulad ng awtor, peryodista, sekretarya,
guro at iba pa, ito ay kanilang ginagawa
bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o
trabaho na kanilang ginagampanan sa
lipunan.
Ayon kay Mabilin (2012)
- Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng
kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa
isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito
ay maaaring mapagsalin-salin sa bawat
panahon.
•Maaaring mawala ang alaala ng
sumulat ngunit ang kaalamang
kanyang ibinahagi ay mananatiling
kaalaman.
• Sa mga makrong kasanayan tulad ng pakikinig ,
pagbabasa at panonood, madalas ang isang
indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o
nagdaragdag ng kaalaman sa kanyang isipan.
Subalit sa pagsasalita at pagsusulat ang taong
nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga
kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na
paksa sa pamamagitan ng kanilang sinabi at
sinulat.
Bakit tayo sumusulat?
• Ang kakayahan sa pagsulat ay isa sa mga makrong
kasanayan na dapat malinang sa isang indibidwal. Sa
pagsulat, hindi tayo makapagpapanggap. Hindi
katulad sa pakikinig, tumango lamang sa nagsasalita
o tumangu-tango ay masasabing nakikinig na kahit
iba ang iniisip at hindi nahahalata; sa pagbabasa,
makisabay lang sa pagbabasa ng iba o tingnan ang
libro, iisiping nagbabasa na rin;
•sa pagsasalita, malimit ang mga katagang
“ah…eh… ma’am/sir nasa dulo na po ng
dila ko, hindi ko lang po masabi eh!”, at
mangingiti lang ang guro…lusot na. Sa
pagsulat, malalaman ng iyong isip kung
ano ang nararamdaman mo at ito ang
mababasa. Wala kang maililihim at walang
maitatago.
• Sa pang-araw-araw nating pagharap sa buhay, hindi
maitatanggi na may ilang ginagawa tayo na mas
mabisang maipapahayag sa paraang pagsulat
kumpara sa pagsasalita. Katulad sa mga gawaing
pagpapautang, pakikipag ugnayan sa mga taong nasa
malayong lugar,
, pagpapatibay sa mga kasunduan, at
pagtatapat ng pag-ibig sa taong minamahal na
hindi magawang sabihin ay madaling
naisasagawa bilang patunay sa pamamagitan
ng pagsulat.
Layunin at kahalagahan ng
pagsulat
• Ayon kay Royo , na sumulat sa aklat ni Dr. Eriberto
Astorga , Jr. na Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik
(2001), Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa
paghubog sa damdamin at palaisipan ng tao. Sa
pamamagitan nito, naipapahayag niya ang kanyang
damdamin, mithiin, pangarap , agam-agam,
bungang-isip at mga pagdaramdam.
•Dahil din sa pagsulat , nakilala ng tao ang
kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan
at kalakasan, ang lawak at tayog ng
kanyang isipan at ang mga naaabot ng
kanyang kamalayan.
Ang pangunahing Layunin ng pagsulat ay ang
mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala,
kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat.

- Kaya naman napakahalaga ng bukod sa


mensaheng taglay ng akdang susulatin kailangan ng
katangiang mapaghikayat upang mapaniwala at
makuha ang atensiyon ng mga mambabasa.
• Ayon naman kay Mabilin sa kanyang aklat na
Traspormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012) , ang layunin sa
pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati
sa dalawang bahagi.
Una, ito ay maaaring maging personal o
ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat
ay nakabatay sa pansariling pananw,
karanasan , naiisip o nadarama ng manunulat.

Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring


magdulot sa bumabasa ng kasiyahan ,
kalungkutan , pagkatakot o pagkainis dependi
sa layunin ng taong sumusulat.
•Ang karaniwang halimbawa nito ay ang
ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay,
maikling kuwento , tula , dula awit at iba
pang akdang pampanitikan .
Pagalawa , ito ay maaari namang maging
panlipunan o sosyal kung saan ang layunin
ng pagsulat ay makipag-ugnayan sa ibang
tao o sa lipunang ginagalawan.

Ang ibang tawag sa launing ito ng


pagsusulat ay Transaksiyonal.
Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham ,
balita , korespondensiya , pananaliksik , sulating
panteknikal , tesis at iba pa.
Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak
na layunin at ito ay wlang iba kundi ang layuning
makipag-ugnay sa tao sa lipunan.
Kahalagahan o mga benepisyo na
maaaring makuha sa pagsusulat

• Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng


mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan
ng ohetibong paraan
• Malinang ang kasanayan sa pagsusuri
ng mga datos na kakailanganin sa
isinasagawa imbestigasyon o
pananaliksik.
• maghuhubog ng isipan sa mga mag-aaral
sa mapanuring pagbasa pamamagitan ng
pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga
kaisipang isususlat batay sa mga nakalap
na impormasyon.
•Mahihikayat at mapaunlad ang kaakyahan
sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at
mahalagang datos na kakailanganin sa
pagsulat
•Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas
ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon
ng pagkakataong maka-ambag ng
kaalaman sa lipunan.
•Mahuhubog ang pagpapahalaga sa
paggalang at pagkilala sa mga gawa at
akda ng kanilang pag-aarat at
akademikong pagsisikap.
• Malilinang ang kasanayan sa pangangalap
ng mga impormasyon mula sa iba`t ibang
batis ng kaalaman para sa akademikong
pagsusulat
Mga Gamit o pangangailangan sa pagsulat

Wika
 Paksa
 Layunin
 Pamamaraan ng Pagsulat
Kasanayang pampag-iisip
 Kaalaman sa wastong pamamaraan ng
pagsulat
 Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin
Wika
• Ang wika ang magsisilibing behikulo
upang maisatitik ang mga kaisipan ,
kaalamn , damdamin , karanasan ,
impormasyon at iba pang nais ilahad
ng isang taong nais sumulat.
Paksa
• Mahalagang magkaroon ng isang tiyak
na paksa o tema ng isusulat. Ito ang
magsisilbing pangkalahatang iikutan ng
mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
Layunin

• Ang layunin ang magsisilbing giya mo sa


paghabi ng mga datos o nilalaman ng
iyong isusulat.
PAMAMARAAN NG PAGSULAT

• Una maaaring gumamit ng paraang


“impormatibo” kung saan ang
pangunahing layunin nito ay magbigay ng
impormasyon o kabatiran sa mga
mambabasa.
• Pangalawa ay ang paraang“ekspresibo “
kung saan ang manunulat ay naglalayong
magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala,
ideya , obserbasyon at kaalaman hinggil sa
isang tiyak na paksa sa kanyang sariling
karanasaan o pag-aaral.
• Pangatlo ay ang pamamaraang “naratibo”
kung saan ang pangunahing layunin nito ay
magkuwento o magsalaysay ng mga
pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak
na pagkakasunod-sunod.
• Pang-apat ay ang pamamaraang
“deskriptibo” kung saan ang pangunahing
pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga
katangiaan , anyo, hugis ng mga bagay o
pangyayari batay sa mga nakita, narinig,
natunghayan, naranasan at nasaksihan.
• Panghuli ay ang pamamaraang
“argumentatibo” kung saan ang pagsulat
ay naglalayong manghikayat o
mangumbinsi sa mga mambabasa.
Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon
at mga isyu ng argumentong dapat
pagtalunan o pag-usapan.
kasanayang pampag-iisip

• Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang


kakayahang mag-aanalisa o magsuri ng mga datos
na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging
ng mga impormasyong dapat isama sa akdang
isusulat.
• Kailangang maging lohikal din ang
kanyang pag-iisip upang makabuo siya ng
malinaw at mabisang pagpapaliwanag o
pangangatwiran. Higit sa lahat kailangang
maging obhetibo siya sa pagsusuri at
pagpapaliwanag ng mga impormasyon at
kaisipang ilalahad sa sulatin.
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng
pagsulat
• Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon
ng sapat na kaalaman sa wika at retorika particular sa
wastong paggamit ng Malaki at maliit na titik, wastong
pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng
makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at
masining at obhetibong paghabi ng mga kasipan upang
makabuo ng isang mahusay na sulatin.
Kasanayan sa Paghabi ng buong sulatin


Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag
ang mga kaisipan at impormasyon sa isang
maayos , organisado, obhetibo at masining
na pamamaraan mula sa panimula ng akda
o komposisyon hanggang sa wakas nito.
Mga uri ng pagsulat
Malikhaing pagsulat (creative writing)
• Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw ,
makapukaw ng damdamin at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
Karaniwang bunga ito ng malikot na isipan ng
sumusulat na maaring batay sa tunay na
pangyayari o kaya naman ay bunga ng
imahinasyon o kathang –isip lamang .
Teknikal na pagsulat ( technical writing)
• Ang uring ito ay ginagawa sa layuning
pag-aralan ang isang proyekto o kaya
naman ay bumuo ng isang pag-aaral na
kailangan para lutasin ang isang problema
o suliranin.
PROPESYONAL NA PAGSULAT
( Professional writing)
• Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa
mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na
larangang natutuhan sa akademya o paaralan.
Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga
sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon
o bokasyon sa isang tao.
Dyornalista na pagsulat (journalistic writing)
• Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng balita ,
editorial , artikulo at iba pa. Mahalagang ang mga taong
sumusulat nito tulad ng mga journalist, mamamahayag,
reporter at iba pa ay maging bihasa sa pangangalap ng
mga totoo at makabuluhang balita.
Reperensiyal na pagsulat (Referential
writing)
• Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga
pinagkuhang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng
konseptong papel , tesis at disertasyon. Layunin din ng
pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga
sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang
kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.
Akademikong pagsulat
• Ang akademikong pagsulat ay isang
intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing
ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng
kaalaman ng isang indibidwal sa iba`t
ibang larangan.
Mga katangian dapat taglayin
ng akademikong pagsulat
• 1.Obhetibo
- Una sa lahat ang akademikong pagsulat ay dapat
na maging obhetibo ang pagkasulat. Kailangang ang
mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng
ginagawa pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang
pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na
opinyon o paniniwala hingil sa paksang tinalakay.
• Iwasan ang paggamit ng mga pahayag
na batay sa aking pananaw o ayon sa
aming haka-haka o opinyon
2. PORMAL
• Dahil nga karaniwang ginagamit sa
akademikong pagsulat ay ang
akademikong Filipino , nangangahulugan
lamang ito ng pagiging pormal ito. Iwasan
ang paggamit ng mga salitang kolokyal o
balbal.
• Sa halip, gumamit ng ng o himig ng
paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon
ay dapat na maging pormal din.
3. Maliwanag at organisado
• Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay
nararapat na maging malinaw at organisado. Ang
mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos
na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugany
ng mga pangungusap na binuo nito. Ang mga
talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan.
• Hindi ito dapat masamahan ng mga kaisipang hindi
makatutulong sa pagpapaunlad ng paksa. Maging ang pag-
uugnay ng mga parirala o pangungusap ay dapat na
pilimpili nnag sa ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang
sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. Bukod sa
katangiang kaisahan at maayos na pagkakasunod-sunod ng
mga kaisipan ,ang punong kaisipan o main topic ay dapat
mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin.
4. May paninindigan

• Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang


paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan,
ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng
paksa. Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay
mahalagang mapanindigan niya hanggang sa
matapos niya ang kanyang isusulat.
• Maging matiyaga sa pagsasagawa ng
pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos
para matapos ang pagsulat na napiling paksa.
5. May pananagutan

• Ang mga ginagamit na mga sanggunian ng


mga nakalap ng datos o impormasyon ay
dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala.
Mahalagang maging mapanagutan ang
manunulat sa awtoridad ng mga ginamit sa
sanggunian.
• Bukod sa ito ay isang paraan ng pagpapakita
ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo
bilang bahagi ng etika ng akademikong
pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin, ito
rin ay makatutulong upang higit na
mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng
iyong ginawa
IBA`T IBANG URI NG
AKADEMIKONG SULATIN
•ABSTRAK •PANUKALANG
• SINTESIS/ BUOD PROYEKTO
• BIONOTE •TALUMPATI
•AGENDA
• KATITIKAN NG PULONG
•POSISYONG PAPEL
• REPLEKTIBONG SANAYSAY
• PICTORIAL-ESSAY
•LAKBAY-SANAYSAY

You might also like