You are on page 1of 20

AKADEMIKONG

PAGSULAT
■PAGSULA
T
Ayon kay Mabilin (2012)

■ Isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman


ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at
babasa sapagkat ito’y maaaring magpasalin –
salin sa bawat panahaon. Maaaring mawala ang
alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang
kanyang ibinahagi ay mananatili kailanman.
■LAYUNIN AT
KAHALAGAHAN
NG PAGSULAT
Ayon kay Royo (2001), sa aklat ni Dr.
Eriberto Astorga na (Pagbasa, Pagsulat at
Pananaliksik)
■ Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa
paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa
pamamagitan nito, naipahahayag niya ang
kanyang damdamin, mithiin, pangarap,
agam – agam, bungang – isip, at mga
pagdaramdam.
Ayon naman kay Mabilin (2012) –
Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino
■ Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang
bahagi.
■ Una: Maaaring Personal o Ekspresibo – layunin ng pagsulat ay nakabatay
sa pansariling pananaw, karanasan, iniisip o nararamddaman ng manunulat.
Maaaring magdulot sa mambabasa ng Kasiyahan, Kalungkutan, pagkatakot
o pagkainis depende sa layunin ng sumulat. (Sanaysay, Maikling Kuwento,
Tula, Dula, Awit at atbp akdang pampanitikan).
■ Ikalawa: Panlipunan o Sosyal – layunin ng pagsulat ay makipag –
ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang iba ng tawag sa
layuning ito ay Transaksiyonal. (Pagsulat ng liham, balita,
korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon
atbp).
Kahalagahan ng Pagsulat
■ Masasanay ang kakayahang mag – organisa ng mga kaisipan at
maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan.
■ Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.
■ Mahuhubog ang isipan ng mga mag – aaral sa mapanuring
pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng
mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
■ Mahihikayat at mapaunlad ang kakayahan sa matalinong
paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at
mahalagang datos na kailanganin sa pagsulat.
Kahalagahan ng Pagsulat
■ Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong
kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag –
ambag ng kaalaman sa lipunan.
■ Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala
sa mga gawa at akda ng kanilang pag – aaral at
akademikong pagsisikap.
■ Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga
impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa
akademikong pagsusulat.
Mga Gamit o Pangangailangan sa
Pagsulat
■ Wika - behikulo upang ■ Paksa – mahalagang
maisatitik ang mga magkaroon ng isang
kaisipan, kaalaman at tiyak na paksa o tema
damdamin, karanasan, ng isusulat.
impormasyon at iba pang Pangkalahatang iikutan
nais ilahad ng isang ng mga ideyang dapat
taong nais sumulat.
mapaloob sa akda.
Mga Gamit o Pangangailangan sa
Pagsulat
■ Layunin – layunin ■ Pamamaraan ng Pagsulat –
may limang pangunahing
ang magsisilbing paraan sa pagsulat
giya (guide) ng 1. Paraang impormatibo

mga datos o 2. Paraang ekspresibo


3. Paraang naratibo
nilalaman ng 4. Paraang deskriptibo
iyong isusulat. 5. Paraang argumentatibo
Mga Gamit o Pangangailangan sa
Pagsulat
■ Kasanayang Pampag – iisip ■ Kaalaman sa wastong
– dapat taglayin ng pamamaraan ng pagsulat – may
manunulat ang kakayahang sapat na kaalaman sa wika at
mag – analisa o magsuri ng retorika particular sa wastong
mga datos na mahalaga o di paggamit ng maliit at malaking
titik, wasatong baybay, gamit
– gaanong mahalaga, o
ng bantas, pagbuo ng
maging ng mga makabuluhang pangungusap,
impormasyong dapat isama pagbuo ng talata, masining at
sa akdang isusulat. obhetibong ng kaisipan.
Mga Gamit o Pangangailangan sa
Pagsulat
■ Kasanayan sa paghabi ng Buong sulatin –
tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga
kaisipan at impormasyon sa isang maayos,
organisado, obhetibo, at masining na
pamamaraan mula sa panimula ng akda o
komposisyon hanggang sa wakas nito.
Mga Uri ng Pagsulat

Malikhaing Pagsulat
Teknikal na Pagsulat
■ Layunin nitong maghatid ng aliw, ■ Layuning pag – aralan ang
makapukaw ng damdamin at isang proyekto o kaya naman
makaantig ng imahinasyon at
isipan ng mambabasa. (e.g. ay bumuo ng isang pag – aaral
maikling kuwento, malikhaing na kailangan para lutasin ang
sanaysay, dula, tula. Komiks, isang problema o suliranin.
iskrip ng teleserye, kalyeserye,
musika, pelikula. (e.g. Feasibility Study)
Mga Uri ng Pagsulat

Propesyonal na Pagsulat Dyornalistik na Pagsulat


■ Sulating may kinalaman sa isang ■ Sulating may
tiyak na larangang natutuhan sa kinalaman sa
akademiya o paaralan. (e.g. pamamahayag. (e.g.
Lesson Plan, pagsusuri sa
Kurikulum, medical report, balita, ediitoryal,
narrative report tungkol sa lathalain, artikulo
physical examination) atbp)
Mga Uri ng Pagsulat
■ Reperensiyal na Pagsulat

■ Layunin ng sulating ito na biyang pagkilala ang mga


pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng
konseptong papel, tesis at disertasyon. (e.g. RRL at
RRS).
Mga Uri ng Pagsulat
■ Akademikong Pagsulat

■ Isang intelektuwal na pagsulat, gawaing nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng


isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.
■ Ayon kay Carmelita Alejo et. al, (2005), sa aklat na Pagbasa at Pagsulat tungo sa
Pananaliksik, ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na particular na
kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa ideyang pinangangatwiranan. Layunin
nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginawang pananaliksik.
■ Ayon naman kay Edwin Mabilin et.al (2012), ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o
bunga lamang ng akademikong pagsulat.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
■ Pormal – Hindi ginagamitan ng impormal na pananalita. Maliban
na lamang kung ang naturang pananalita ay bahagi ng isng pag –
aaral.
■ Obhetibo – ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang
antas ng kaalaman ng mga mag – aaral sa pagbasa at pagsulat sa
iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang
impormasyong gusting ibigay at ang argumento sa mga ideya na
sumusuporta sa paksa (Alejo et.al, 2005).
■ May Paninindigan – ang akademikong pagsulat ay kailangang may
paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag – aaral o
mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinedepensahan,
ipinapaliwanag at binibigyang-katwiran ang mahalagang layunin, at
inilalahad ang kahalagahan ng pag – aaral.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
■ May pananagutan – mahalagang matutuhan ang pagkilala sa
mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang
plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa
ilalim ng ating batas.
■ Mat kalinawan – ang sulating akademiko ay may
paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat
na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang
pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.
Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong
Pagsulat
■ Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng
ulat.
■ Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto na
magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
■ Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag – aaral ayon sa pananaw ng may – akda kasabay
rin ang pag – unawa ng mga mag – aaral bilang mambabasa.
■ Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga
naisagawang pag – aaral.
■ Malinang ang kasanayan ng mga mag – aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng
akademikong sulatin.
■ Matukoy na ang akademikong pagsulat ay isang kurso na lumilinanag sa pagiging inobatibo ng
mga mag – aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
■ Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng
portfolio.
Uri ng Akademikong Sulatin

■ Abstrak ■ Katitikan ng Pulong


■ Sintesis/Buod ■ Posisyong Papel
■ Bionote ■ Replektibong
■ Panukalang Proyekto Sanaysay
■ Talumpati ■ Pictorial – essay
■ Adyenda ■ Lakbay - sanaysay

You might also like