You are on page 1of 61

ARALIN 1:

MALIKHAING PAGSULAT VS.


TEKNIKAL,AKADEMIK AT IBA
PANG ANYO NG PAGSULAT
TAGAPAGULAT:
MARTILLANA JASTIN
ABADESA ANGELINE
EVANGELISTA ANNIE
Tiyak na Layunin:
■ Nababatid ang kahulugan ng malikhaing
pagsulat
■ Natutukoy ang iba’t ibang Anyo ng pagsulat
■ Natutukoy ang pagkakaiba iba ng malikhaing
pagsulat sa iba pang anyo ng pagsulat
PAGSUSULAT

■ isang paraan upang kaisipan ng tao ang kanyang


maipapahayag sa pamamagitan ng mga simbolo
o ang proseso ng pagsasatitik ng wika.
■ Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa
pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming
pagtatangka at pag- uulit ng manuskrito.
Isa sa mga uri into:
Malikhaing Pagsulat
-sa Ingles ay (creative writing) ay karaniwang
propesyunal, pamamahayag, pang akademiya, o
teknikal na mga anyo ng panitikan, na
pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang
pagpagsasalay sa, pagpapaunlad ng tauhan, at
paggamit ng mga tropong pampanitikan.
IBA PANG ANYO NG PAGSULAT
■ ✓TEKNIKAL NA PAGSULAT- isang uri ng
tekstong ekspossitori na nagbibigay ng
impormasyon para sa komersyal o teknikal na
layunin. Lumilikha ang manunulat ng
dokumentaryong para sa teknolohiya at agham.
Gumagamit ng mga teknikal na salita sa
nagpapaliwanag para sa mga mambabasa.
Mills at Walter (1981) – Para sa kanila, ang teknikal na pagsulat ay
mailalarawan sa apat na katangian :
■ 1. Eksposisyon tungkol sa mga siyentipikong disiplina at ng mga teknikal
na pag- aaral na kinasasangkutan ng siyensya
■ 2. May katangiang pormal at tiyak na element.
■ 3. Mayroon itong attityud na mapanatili ang kanyang imparsyaliti at
obdyektibiti.
■ 4.Mahalaga ang pagbibigay ng konsentrasyon sa mga teknik sa
pagsulat sa mga tiyak at komplikadong sistema ng paglalahad ng
impormasyon sa particular,definisyon,deskripsyon ng
mekanismo,deskripsyon ng isang proseso klasipikasyon at
interpretasyon.
Halimbawa:
■ Ulat Panlaboratoryo
■ Kompyuter
■ Finance
■ Computer hardware
■ ✓ AKADEMIK NA PAGSULAT- Ito ay
isang intelektwal na pagsulat dahil sa layunin
nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman
ng mga estudyante sa paaralan. Ito ay
nangangailangan ng mas mataas na antas ng
kasanayan. Ito ay isang makabuluhang
pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura,
karanasan, reaksyon at opinion base sa
manunulat, gayundin ito ay tinatawag din na
intelektwal na pagsulat.
Halimbawa:
■ kritikal na sanaysay
■ Term Paper o pamanahong papel
■ Panunuring pampanitikan
■ Suring Basa
Katangian ng Akademikong Pagsulat:

■ Kompleks
■ Pormal
■ Tumpak
■ Obhetibo
■ Eksplisit
■ Wasto
■ Responsible
■ Malinaw ang Layunin
■ Malinaw na Pananaw
■ May Pokus
Halimbawa:
■ Kritikal na sanaysay
■ Panunuring Pampanitikan
■ Term Paper o Pamanahong Papel
■ Suring- Basa
■ Tesis
■ Project Feasibility Study
■ Abstrak
■ Sipnosis
■ Aklat
■ Pagsasaling Wika
■ Akademikong Sanaysay
■ Konseptong Papel
■ Antolohiya
■ ✓Journalistik
-saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial,
kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang
nakikita sa pahayagan o magasin. Ito rin ay estilo
ng pagsulat kung saan ito ay naglalaman ng mga
importante at detalyadong impormasyon tungkol sa
mga iba't- ibang pangyayari sa loob at labas ng
bansa.
Uri ng Journalistik na Pagsulat
■ 1. Pansariling Tala
- pagtatala ng mga pang araw araw na
karanasan.
Halimbawa: Talaarawan o Diary
■ 2. Gamit saPahayagan
- layunin nito n makapaglathala sa
pahayagan.
Halimbawa: News o balita, editoryal, komemtaryo,
dokumentaryo, lathalain
✓Reperensyal
- uri ng pagsulat na naglalayonh
magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa
isang paksa.
Halimbawa:
■ Teksbuk
■ Pamanahong Papel
■ Disertasyon o Tesis
■ Interbyu
■ Bibliyograpiya
■ Indeks
Mga katangian Ng Pagsulat Ng
Reperensyal
■ Nagbibigay ng pangunahing ideya ang tesis
■ Nababatay sa katotohanan ang ebidensya
■ Walang kinikilingan sa paghahatid ng impormasyon
■ Ang konklusyong lohikal ay nalilikha mula sa mga
inilatag na katotohanan
✓Propesyonal
■ Ito ay isang uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib
sa isang tiyak napropesyon. Saklaw ng ganitong uri
ng pagsulat ang alinmang nakasulat
nakomunikasyon na ipinalaganap o ipinaskil sa
publikoIto'y binubuo ng mga tekstong dinubuho
upang tuluyan o hindi tuluyang makaapekto sa mga
mambabasa na tumugon, mang-udyok,
magturo,manghikayat, magbigay impormasyon,
kaalaman at mga pananaw, magpatibay ng mga
ibinabahaging hangarin at iba pa.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat Ng
Pamanahong Papel
■ 1. Alamin ang mga pangangailangang ibinigay ng
propesor sa pagbuo ng pamanahong papel.Bahagi
rito ang pipiling paksa, pormat at istilo ng
pananaliksik, deadline at iba pang kasunduan (oras
ng konsultasyon, bilang ng pahina atbp.)
■ 2. Siguraduhing naaprubahan ng iyong propesor ang
paksang napili.
■ 3. Tupdin ang mga iminungkahing hakbang sa
■ pagbuo ng pananaliksik papel. Ang pagmamadali o
shortcut ay makakaapekto sa kalidad ng
pananaliksik papel
■ 4. Laging kilalanin ang pinagkunan ng mga
impormasyon. Ito ay maaaring awtor, aklato nasa
anyong multi media. Iwasan ang pladyerismo.
■ 5. Itago ang lahat ng mga sangguniang ginamit
■ 6. Tiyakin na ang tentatibong bibliograpiya ay
updated Itala ang pinakahulingsanggunian na
ginamit. Mainam na gumamit ng talahanayan.
■ 7. Magkaroon nang maayos na sistema.
■ 8. Alamin ang kahinaan at harapin ang kinatatakutan.
■ 9.Magtakda ng iskedyul o timetable
■ 10. Sumangguni sa propesor kung may paglilinaw at mga
tanong.

Malikhain
- masining
ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang
imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring fiksyonal at di-
fiksyonal ang akdang isinusulat.
Halimbawa:
pagsulat ng tula
Nobela
maikling katha
PAGSULAT BATAY SA
NAKIKITA, NAAAMOY,
NARIRINIG, NADARAMA AT
NALALASAHAN Taga-pagulat:
Lissavel Del Agua
Jay r Milano
Mary Jhoy Garay
Makikita na may pagkakaugnay ang wika sa limang pandama (senses) at
ang lahat na ito ay may pagkakaugnay sa kultura. Katulad na lamang sa
paksa ng paggamit sa limang pandama – paningin, pandinig, pang-amoy,
panlasa at pandama at bigyan ang mga ito ng ibang kahulugan base sa
ibig natin sabihin. May ilan ding mga kategorya kung saan madalas
gamitin ang mga salitang ito sa ibang kahulugan. Ilan na rito ay ang
paglalarawan sa isang relasyon o sa karanasan. Sa partikular na aspeto
ng panlasa, itatangka ang paglista ng iba’t ibang mga salita at parirala
mula sa iba't ibang wika sa Pilipinas na tumutugon sa ganang relasyon o
karanasan. Kasama na rin dito ang mga katumbas ng mga salita –
matamis, maalat, maasim at iba pang lasa sa Tagalog – sa ilang mga
pangunahing wika sa Pilipinas Sa pagsulat ng batay sa nakikita, naaamoy,
naririnig, nadarama at nalalasahan pumapasok ang paglalarawan.
Ang paglalarawan ay isang paraan ng pang araw-araw na
pagpapahayag na dapat nating matutunan. May tatlong paraan
ng paglalarawan: Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng
pagpapahayag ng mga kaisipan o pala- palagay. Maaring tungkol
sa tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. Ginagamitan ito ng
makulay, mahuhugis at maaanyo at ibang mapapandamang
(naamoy, nalalasahan, naririnig) pananalita
⚫ batay sa pandama – nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan,
at narinig
⚫ batay sa nararamdaman – bugso ng damdamin.
⚫ batay sa observasyon – batay sa observasyon ng mga
nagyayari.
Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng
mga kaisipan o pala-palagay. Maaaring tungkol sa tao, hayo,
bagay, lugar at pangyayari. Ginagamitan ito ng makulay,
mahuhugis at maanyo at ibang mapapandamang (naaamoy,
nalalasahan, naririnig) pananalita.

Mga Uri ng Paglalarawan


1. Konkreto / Karaniwan / Obhetibong Paglalarawan-nagbibigay
lamang ng impormasyon sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng
saloobin at ideya ng paglalarawan. Ibinibigay lamang nito ang
karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas ng
pangkalahatan.
2. Masining / Subhetibong Paglalarawan – ito’y naglalaman ng
damdamin at pananaw ng sumusulat. Ibinibigay niya ang isang
buhay na larawan ayon sa kanyang nakikita at nadarama.

3. Teknikal na Paglalarawan – pangunahing layunin ng siyensiya


ang mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang
malaman mula sa mundo at kalawakan.

Ang Mahalagang Kasangkapan ng Masining na Paglalarawan


■ Pandama – sa paglalarawan dapat gamiting mga pananalita
ay yaong nararamdaman ng limang pandama. Makukulay at
mahuhugis o maanyo ang dapat kasangkapaning mga salita.
■ Paghahambing- Malaki ang naitutulong ng paghahambing o
pagtutulad o pagwawangis sa paglilinaw ng mga bagay-bagay
na inilalarawan. May agwat, may bilang, may kulay, may anyo,
may hugis, may amoy, may lasang nadarama
■ Angkop na Salita – kailangang tiyak na katangian ng bagay na
inilalarawan o kung hindi man, yaong magpapahiwatig ng bagay
■ Pagtatambis- ito ay maaaaring salita o mga pariralang hindi
tuwirang tumutukoy, sadyang lumilihis sa literal na kahulugan.
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA
PAGLALARAWAN
1. May tiyak at kawili-wiling paksa
2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa
paglalarawan. Iba’t Ibang pananaw na magagamit.
a. distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng agwat o layo nito
b. kung nasa loob o labas
c. ayon sa sariling palagay o damdamin ng naglalarawan bunga ng
kanyang karanasan o ng karanasan ng ibang tao.
d. Ayon sa sariling palagay batay sa kanyang narinig o nabasa.

5. Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam: Paningin;


pandinig: pang-amoy; panlasa at panalat.
6. may kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan
7. May tiyak na layunin sa paglalarawan.Mga Uri ng
Paglalarawan
Mga Gabay sa Malikhaing
Pagsulat
Tagapag-ulat:
Mary Grace A. Garcia
Paglalatag ng Emosyon sa Isinusulat

Malawak na Kaisipan o Imahinasyon


Magbigay ng Aral, Libang o Impormasyon

Wastong salita, baybay, at bantas


Pre - writing
• Nagaganap ang paghahanda sa pagsulat.
• Pagpili ng paksang isusulat.
• Pangangalap ng datos o impormasyong
kailangan sa pagsulat.
• Pagpili ng tono at perspektibong
gagamitin.
Actual Writing

• Isinasagawa ang aktwal na pagsulat.


• Pagsulat ng burador o draft.
• Pagsasaayos ng panimula, katawan, at
pangwakas na talata.
Rewriting

• Nagaganap ang pag - edit at pagrebisa


ng draft batay sa wastong gramar
at pagkakasunod - sunod ng mga
ideya o lohika.
Mga Salik ng Masining na
Diksyon o Pagbigkas
1. Lakas ng Pagbigkas
•Kung bumibigkas, may mga
pagkakataong mangangailangan ng
malakas at mahinang bigkas batay sa
hinihingi ng kalagayan, sitwasyon o
ibigay ng bumibigkas.
2. Bilis ng Pagbigkas
•Ang bilis ng pagbigkas ay may
kaugnayan sa damdaming nais ihatid
ng bumibigkas.
Halimbawa, kung nais mo ay
humingi ng tulong anong paraan ng
pagbigkas ba ang dapat gamitin?
Mabilis ba o mabagal?
3. Linaw ng Pagbigkas
•Iwasan ang "pagkain ng mga salita.
Magagawa ito kung sa pagbigkas ay
bubuin ang mga patinig sa bawat pantig ng
salitang binibigkas.
4. Hinto
•Ang pahinto sa iba't ibang bahagi ng mga
pahayag ng isang bumibigkas ay
nakapagpapadagdag sa kalinawan ng kanyang
sinabi.
5. Kilos at kumpas
•Ang pagbigkas na tinutulungan ng kilos
at kumpas ay higit na nagiging kawili-wili
sapagkat buhay na buhay ang nagsasalita
at ito ay ginagamit upang mapalutang ang
mensaheng gustong ihatid sa mga
nakikinig.
PAGGAMIT / PAGBUO
NG IMAHE
Taga pag ulat:
Marilyn Decosto
Shiela May Dugan
A. Paggamit at Pagbuo Ng Imahe

■ Ang Imahe o metapora ay ginagamit upang sabihin ang isa pang


gustong sabihin sa pamamagitan ng paggamit sa mga salita,
katangian at kaugnay na konotasyon o denotasyon sa sentral na
imahe nagagawa ng isang makata o manunulat na magpahayag ng
isa pang diwa.
■ Isang tuwirang paghahambing ng imahe o metapora na ang dalawang
bagay na pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa at
ipinapahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag,
katangian o gawain ng isang bagay sa bagay na ihahambing.
Pagkakaiba Ng Imahen o Metapora Sa
Pagtutulad
PAGTUTULAD
Ang imahe o metapora
■ Para kang baboy.
(metaphor) ay naiiba lamang
sa pagtutulad (simili) ■ You are like a pig.
Sa di paggamit ng mga salita o
pariralang pagtutulad. IMAHE o METAPORA
■ Baboy ka!
■ You’re a pig!
■ Sa paggamit at pagbuo ng imahe o metapora, bilang isang
manunulat pinapayagan ka ng mga metapora na gawing
komplikado ang mga bagay hangga’t maaari. Pinapayagan ka
ng mga metapora na magdagdag ng pambihirang halaga mula
sa pinaka- karaniwang bagay.

B. Mga Tayutay
■ Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang
bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Ito’y isang paraan
ng pagpapaganda sa sining ng pagsulat at paggamit ng mga
anyong pananalita. Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwan
paggamit ng salita upang gawing mabisa, matalinhaga,
makulay at kaakit – akit ang pagpapahayag.
1. Simili o Pagkakatulad
– di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay
ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng,
tila, sing – sim, magkasing at iba pa.
Halimbawa:
■ Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad.
■ Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.
2. Metapora o Pagwawangis
- tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng
pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa
mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng mga bagay na
inihahambing.
Halimbawa:
■ Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
■ Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
3. Personipikasyon o Pagtatao
- ginagamit upang bigyang buhay, pagtaglayin ng mga katangiang
pantao; talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalita na nagsasaad ng kilos.
■ Ang mga bituin ay kumikindat sa akin.
■ Sumasayaw ang dahon sa pag ihip ng hangin.
4. Apostrope o Pantawag
- Isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
■ Parang nabiyak ang aking ulo sa kakaisip sa ginawa mo.
■ Ang pagmamahal ko sayo ay singlayo ng buwan.
5. Pag uulit o Aliterasyon
- ang unang titik o unang pantig ay pare – pareho.
Halimbawa:
■ Ulan, ulan kami’y lubayan na.
■ Masarap magluto ang aking manugang.
6. Anapora
Pag uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o
isang sugnay.
Halimbawa:
■ Ang bagay ay gawa ng lahat, para sa lahat at galing sa lahat.
■ Mas makapangyarihan ang pamahalaan, kontrolado ng
pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.
7. Panghihimig o Onomatopeya
- Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan.
Halimbawa:
■ Ang busina ng bus ay nangingibabaw sa kalye.
■ Naririnig ko ang tiktok ng orasan.
8. Pag – uyam o Ironiya - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang
nais iparating sa huli, madalas nakakasakit ito ng damdamin.
Halimbawa:
■ Napakaganda niya kapag nakatalikod.
■ Maganda ang boses niya kasing – ganda ng kokak ng palaka.
9. Senekdoke o Pagpapalit Saklaw – Isang bagay, konseptong
kaisipan, Isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Halimbawa:
■ Kahit sirain mo pa ang aking kamay. ( kamay – pangarap)
■ Hanggang mawasak mo ang aking puso. ( puso – damdamin).
10. Pagpapalit tawag o metonymy - lto’y pagpapalit ng katawagan
ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa
kaugnayan.
Halimbawa:
■ Iniligtas niya ako, siya ang aking superman.
■ Ang anghel sa kanilang tahanan ay malusog na sanggol.
11. Pasukdol - pataas ng paghahanay ng mga kaisipan ayon sa
kahalagahan nito mula sa pinaka mababa patungo sa pinaka
mataas na antas.
Halimbawa:
■ Tumatanggap siya ng mga palakpak ( papuri ) sa kanyang
tagumpay.
■ Ibinigay sa kanya ang korona ( posisyon ) ng pagkapangulo.
12. Pagtanggi o Litotes
– gumagamit ng hindi na nagbabadya ng pagsalungat o di pag
sang ayon. Ito ay may himig ng pagkukunwari, isang kabaliktaran
ng ibig sabihin.
Halimbawa:
■ Siya ay hindi isang kriminal.
■ Hindi mo ako maloloko.
13. Pagmamalabis o Hyperbole
-lubhang nagpapakita ng kalabisan na imposibleng mangyari sa
kalagayan ng tao, bagay o pangyayari. “ sobrang paglalarawan”
Halimbawa:
■ Bumabaha ng dugo sa lansangan.
14. Paglilipat Wika o Transferred Epithet.
- gumagamit ng pang – uri upang bigyang paglalarawan ang mga bagay.
halimbawa:
■ Ang masayang larawan ni pedro ay nagpapakita ng kanyang
emosyon.
15. Tanong Retorical o Rhetorical
- pahayag na anyong patanong na hindi naman nangangailangan ng
sagot.
Halimbawa:
■ Wala na bang pag- asa na makaahon tayo sa kahirapan nang dahil
sa mga sunod-sunod na problema natin?
■ Kailan ba masusupil ang paggamit sa ipinagbabawal na gamot?
16. Pagdaramdam o Exclamatory
- Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang damdamin.
■ Kailan lamang ay sumasayaw ka sa kaligayahan at punong-
puno ng buhay, ngayon ay isa ka nang malamig na bangkay at
ni bakas ng dati mong kasiglahan ay wala na akong makita.
■ 17. Tambisan o Antithesis
- Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa
kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita.
■ Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay na bagay.
Marami ang tinawag pero kaunti ang napili.
■ siya ay isang taong sala sa init. sala sa lamig ayaw ng tahimik
ayaw rin ng magulo, nayayamot sa mayaman at nayayamot din
sa mangmang .isang nakalilitong nilalang
18. Salantunay o Paradox
- ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan
ng paggamit ng sangkap na animo'y di totoo sa biglang basa o
dinig.
Halimbawa:
■ Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay.
■ Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan.
19. Pangitain o Vision Imagery
-ito ay nagpapahayag ng mga laman ng isip na animo'y tunay na
kaharap o nakikita sa nagsasalita.
Halimbawa:
■ Naiisip ko na maging mapayapa ang lahat.
■ Nakikita kong mananalo ako sa kompetisyon.
20. Paghahalintulad o Analogy
- ito ay pagtutulad ng dalawang bagay , lugar, o ideya na
magkatumbas.
Halimbawa:
■ Ang dalaga ay parang isang bulaklak, at ang binata ay parang
isang bubuyog.
■ Ang tingin na paruparo sa bulaklak.
■ Damdamin ng binata sa dalaga ang katulad".
ANG MALIKHAING
PAGSULAT LAYUNIN AT
KAHALAGAHAN NG
PAGSUSULAT
Taga pag ulat:
Bb. Airen L. Banga
Kahalagahan ng Pagsulat

■ Ang mga tao sa ibat-ibang lugar at sa ibat ibang


panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at
nagkakaisa. Ang aspeto ng ating kultura ay
napapanatiling buhay sa pamamagitan nito.
■ Natutuhan natin ang kasaysayan ng ating lahi; ang
mga paniniwala at matatayog na kaisipan ng ating
mga ninuno at ang mga pagbabago at pagsulong ng
ating bansa
Kahalagahan ng pagsulat ayon kay
Arrogante (2000)
Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig
sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban
may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang
pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang
naibsan sila ng isang mabigat na dalahin
Kahalagahang Pansosyal

Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang


katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa
isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon.
Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang
isang mamayang sosyal ay sandatang panulat ang
ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin
tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
Kahalagahang pang ekonomiya

■ Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para sisay


mabuhay, madaling salita ito’y nagiging kanyang
hanapbuhay pang araw araw na gawain niya ang
pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat isular,
lalo na kapag may hinahabol na deadline.
Kahalagahang Pangkasaysayan

■ Ang panulat ay mahalaga sa pagrereserba ng ating


kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay
nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na
henerasyon
Layunin ng malikhaing Pagsulat

■ Magbigay aliw sa mambabasa


■ Makapukaw ng damdamin at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mamababasa ng mga
ideya mula sa mga karanasan
■ Layunin din nitong maipahayag ng isang manunulat
ang kanyang saloobin at nais iparating sa mga
mambabasa
MARAMING
SALAMAT😀

You might also like