You are on page 1of 6

ANG PAGHAHANDA NG DEBATE O PAGTATALO

Mga Layunin

a.) Naibibigay ang kahulugan ng dabate o pagtatalo.

B.) Naiisa-isa ang mga pamantayan sa pagatatalo o debate.

C.) Nakapagsasagawa ng debate ayon sa mga pamatayan.

ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPAGTALO

1.Gumamit ng iba’tibang paraan ng pagsisiyasat at pagsusuri.

2.Magharap ng iba’tibang uri patunay o katibayan.

3.Magkaroon ng maayos na paglalahad ng katuwiran.

4.Maging matalas ang isipan sa paghalata ng maling pagmamatwid at maging maagap sa paghaharap ng
ganting matwid.

5.Iwasan ang paglabag sa hinihinging kagandahang-asal at kapinuhan.

6.Pamalagiin ang pagpipitagan sa katalo at sa nakikinig. Isyu ang pinagtatalunan hindi ang katauhan ng
nagtatalong magkatunggali.

7.Sa simula pa lamang, magkaroon na agad ng pagkakasundo tungkol sa pakahulugan sa paksang


tatalakayin.

MGA DAPAT GAWIN NG KALAHOK SA PAGTATALO

1. Pagtitipon ng mga Datos-Kailangang nakahanda ang makikipagtalo sa mahahalagang datos


nakakailanganin niya sa pagmamatwid. Ang mga maaring pagkunan ng mga mahahalagang datos bilang
pang-suporta sa mga katotohanang babanggitin sa pagmamatwid ay:

b)Iba’t ibang sangguniang aklat

c)Magasin at mga lathalain, brosyur, pamplet, peryodiko

d)Mula sa sariling pagmamasid

e)Mula sa pagmamasid ng ibang tao, f)Opinyon ng may awtoridad sa paksa o isyu.

2. Pagpili ng Awtoridad-Kung kaylangang sumangguni at humingi ng opinion sa ibang tao, tiyaking ito ay
awtoridad sa paksang isasangguni. Siya ba’y may malaking kakayanan at kaalamantungkol sa paksa?
Walang bigat ang opinyon, kahit na sabihin ng bantog at dalubhasa ang doctor ng medisina kung
halimbawa’y ang isyu ay tungkol sa larangan ng edukasyon.Higit na magiging kapani-paniwala ang
opinion ng isang taong nakalinya sa edukasyon kung ang isyu ay tungkol sa edukasyon.

3.Pagpili ng Katibayan- Sa pagpili ng ilalahad na mga katibayan, tiyaking ito ay kasang-ayon at kaisa
sapagmamatwid ng iba pang gagamiting katibayan. Tiyaking ito’y naaayon sapang kalahatang karanasan
ng tao, at sa gayo’y maluwag na matanggap ng pangkalahatang publiko . Isaalang-alang din ang petsa ng
pagkakapahayag. Ito ba ang pinakabago, pinakahuling binanggit na katotohanan o katibayan.

4.Paghahanay ng mga Patunay at Katibayan

- Isaayos ang mga patunay at katibayan, kasama ng pangangatwiran, sa isang sistematiko at maayos na
pagkakabuo.

- Sikaping ang bawat bahagi ng talumpati ay tumutulong sa pagbuo ng mgapangunahin at natatanging


mga diwa. Pagsasamahin sa isang talata ang mga isipan at diwang may pagkakaugnay-ugnay sa isa’t isa.
Bigyan ng diin o emphasis ang mahahalagang kaisipan.

- Mahalagang piliin din ang mga pinakaangkop na salita na mabisa ng magpapahayag sa kaisipan at
diwang ninanais ilahad. Tandaang pumili ng mga tiyak at payak na pananalita upang matamo ang isang
malinaw na paghahanay ng mga patunayat katibayan.

DAPAT TANDAAN SA TALUMPATING PAGTULIGSA

1.Mahinahon at maliwanag nailahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban.

2.Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.

3.Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argument ng kalaban.

4.Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayang mga binanggit na katwiran sa paksangpinagtatalunan.

5.Ipaalam sa kalaban at mga taga pamahala kung may paglabag sa mga alituntunin sa pagtuligsa.

6.Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na katuwiran at katibayan

MGA TAGAPAGSALITA O SPEAKER

a. Beneficiallity – ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benipisyong


makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.
b. Practicability – ibinibigay ng talumpating tagapagsalita kung bakit possible ba opraktikal na
maisakatuparan ang hinihingi
c. Necessity – ang ibinibigay ng talumpating tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang
kailanagn at tunay na solusyon.

DAPAT TANDAAN SA PAGTATALO

1.Kailangan magkaroon ng isang kapasyahan o oposisyon na nakasaad sa isangpositibong pahayag.

2.Isalang-alang ang antas ng pang-uunawa ng mga nakikinig.

3.Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay nakahalad saisang maayos na
pagpapahayag.

4.Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran at kalaban

5.Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng kalaban


DAPAT TANDAAN SA PAGTATANONG

1.Huwag hayaan magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong.

2. Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI.

3.Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong.

4.Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang pamantayan ng pagtatanong


ang isa sa kanila.

5. Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG MAHUSAY NA DEBATER

Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa pagigingmapanghikayat


kaya’t kailangang isaalang-alang ng isang debater.

1.Nilalaman – Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debater patungkolsa panig na
kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng debate.Kailangan niyang magkaroon
sapat na panahon upang mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa paghahanda ang malawak
na pagbabasa, pananaliksik at pangangalap ngdatos at ebidensya tungkol sa paksa upang magbigay
ng bigat at patunay sakatotohanan ng kanyang ipinahahayag.

2.Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang gagamitin,
at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sa debate. Papasok
din dito ang linaw at lakas o taginting ng kanyang boses,husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba
pa.

3.Estratehiya – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at
kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon. Dito rin makikita kung gaano
kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng magkakagrupo.Mahalagang mag-usap at magplano
nang maigi ang magkakagrupo upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay
susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba.

Narito ang halimbawa ng pagtatalo patungkol sa mga napapanahong usapin.

PAKSA:

Upang Makaahon sa Hirap, Alin ang Mas Dapat Unahin:PAGTATRABAHO o PAG-AARAL?

Lakandiwa: Sa lahat ng nangarito sa aking harapan sa mga guro, magulang, estudyante’t kabataan
isang mapagpalang araw po, mga kaibigan Ang makita’t makasama kayo’y isang karangalan.
Kaming inyong mga lingkod, dito sa tanghalan ay magbibigay linaw sa isyung pagtatalunan. Magiliw
na inihahandog ang isang balagtasan upang maipamalas ang husay sa pangangatwiran.

Paksa natin ngayo’y ordinaryo’t luma na ngunit karaniwang pinagmumulan ng mga dilemma ng ating
mga kabataang hitik sa problema lalo na yaong mga kapus-palad sa pera.

Alin nga ba ang mas dapat pagtuunan ng pansin upang makaahon sa kahirapan, alin ang uunahin.
Ngayong araw ay ating titimbangin Dalawang papipilian, ating titimbangin.

Sa ating pagsisimula, narito sa aking gawing kanan Tagapagtanggol ng edukasyon,binibining


makatwiran “Pag-aaral muna” ito ang kanyang ipaglalaban Ang mas dapat daw unahin higit sa
anupaman.

Pag-aaral: Pagkat ako’y lumaki at nahubog sa paaralan Naniniwala akong edukasyonang dapat
pagtuunan Higit na bigyang pansin bago ang pagkakakitaan Pagkat sapanahon ngayon, dapat ay may
pinag- aralan

Ako nga po pala ang inyong butihing lingkod Antonette Franco po, pag- aaral angikakayod Samahan
ninyo akong itatak ng buong lugod Ang mga kaisipang sasambitin, sainyong diwang pagod

Lakandiwa: Ayan mga kaibigan, inyo nang nasilayan Anyo ng unang makata dito salabananKilalanin
naman natin ngayon, pangalawang makikipagtagisan “Trabaho Muna” ang sagotniya sa kahirapan

Pagtatrabaho: Bago ang lahat, nais ko munang magpugay Sa mga nangarito’y binabatiko ng
magandang buhay Sa mga ganitong paksa, wala ng dapat pang pag- usapanPagkat maliwanag pa sa
sikat ng araw, trabaho ang kailangan

Upang makaahon sa hirap, Reina Franco nga po pala Panig sa pagtatrabaho upangmakaipon ng pera
Sa tulad nating mahihirap, di nga ba’t mas praktikal pa? Angmakahanap agad ng trabaho para sa
pamilya.

Lakandiwa: Ngayon nagpakilala na ang magkabilang panig Inyo nang nasilayan angkanilang unang
tindig Kaya’t di na natin patatagalin pa, tensyon sa paligid Atin nangsimulan balitaktakang may himig

Nawa’y kayong lahat ay mataimtim na makinig Upang maunawaan ipinaglalaban ngbawat panig
Limiing mabuti ang bigat ng bawat tinig At mga gintong kaisipa’y iukit na sadibdib.

Pag-aaral: Pag-aaral muna ang dapat pagtuunan Kapag may pinag-aralan, trabaho’ymadali lamang Di
ngaba’t edukasyon raw ang susi sa kaunlaran? At upang magkaroonng magandang kinabukasan

Mga pangarap ay madali nang matutupad Kung bawat isa’y pag-aaral ang inaatupag Satulad nating
mahirap, di na dapat pang matuladSa mga nagtrabaho agad ngunit di naman umunlad

Sa panahon ngayon, diploma ay kailangan Upang makuha ng trabaho, iyon na angbatayan Pagkat
mas lamang, ang may malawak na karunungan At yaong nahasa nghusto sa wastong kasanayan

Paano ka magtatrabaho kung wala kang nalalaman? Makapasok ka man ngunit pawingmga
panandalian lamang. Trabahong mahihirap at walang kasiguraduhan At tiyak walangmararating ang
iyong pinaghirapan
Mas mabuti pa kung ika’y nagtiyaga at nagtanim Pagkat kalaunan iyo ring aanihin Bungang
pinaghirapan dika bibiguin Kaya’t sa kahirapan ay makakaahon rin.

Pagtatrabaho: Paano naman yaong kapus-kapalaran? Ni hindi nga natutustusan angmga


pangangailangan Paano pa kaya ang mga gastusin sa paaralan Mas mabuti pangmagtrabaho nang
may pagkakitaan

Ang mga pangarap ay ‘di naman natutunaw Ang paaralan, hindi ka naman tatakasanNgunit ang mga
gastusin sa pang-araw araw Iyan ang problema sa kasalukuyan.

Mga karunungang iyong ipinagmamalaki Hindi lang naman yan sa paaralan mahuhuliMaraming
paraan upang ika’y maging intelehente At samahan na rin ng ibayongpagpupursige.

Nag-aaral ka nga ngunit di naman matiyaga Maalam ka nga ngunit di naman hinahasaMas mabuti pa
ang magtrabaho nang may mahita Inaalam mo pa lang, akin nangginagawa.

Lakandiwa: Pahiram muna ng sandali mga kaibigan kong makata Hinga-hinga muna ngmalalim at
baka magkahika Pareho naman kayong may katwiran ukol sa paksaKaya’t nasa inyong dalawa ang
aking lubos na paghanga

Paninindigang matatag tila di yata matitibag Mga puntong magagaling, bubuyog namabibihag Mga
tagapakinig na sa katotohana’y di bulag Maaakit sumang-ayon kahit sakaloobay labag.

Pag-aaral: Ngunit paano ka uunlad sa mga pipitsuging trabaho? Natanggap ka ngangunit bilang
service crew Magkano na lang ba ang sasahurin mo? Kung puro pang-animang buwan lang ang
kontrata mo.

Ang punto ko lang naman ay iyong pag-isipan Kapag propesyonal ka’y mas magandaang kinabukasan
Permanente ang trabaho kung may pinag-aralan At di ka basta bastamasisipa nang among mayaman.

Kapag di ka nagtapos at nagtrabaho agad Kahit tumambling ka pa’y di ka uunlad Kakarampot na kita,
yan lang ba ang iyong hangad? Mangangarap ka rin lang ba’t di paisagad?

Kung panustos lang ang iyong katwiran Problema sa salapi’y medalingsolusyunanMaraming mga tao
na yan din ang pinagdaanan Ngunit nagtapos pagkat diskarte langang kailangan

Pagtatrabaho: Diskarte! Yan ang narinig kong sinambit mo. Sa palagaymo ba’y hindi yanang ginagawa
ko? Kaya nga magtatrabaho upang mabuhay sa mundo At nang makapag-impok, ‘trabaho agad’ ang
diskarte ko.

Maraming nakapag- aral na ngayon ay namomroblema Walang trabaho at sa bahay aytambay muna
May diploma nga ngunit di naman nakakapasa Tinalo pa ng mga walangpinag-aralang
kakompetensiya

Oo, ikaw nga’y armado ng kaalaman Ngunit mas pinipili pa rin ang may karanasanPagkat tayong mga
tao, natututo di lamang sa paaralan Maging sa labas, maramingmatututunan

Sinabi mong di uunlad yaong di nakapag-aral? Buksan mo iyong mga mata at magmasidsa kapaligiran
Hindi mo ba nakikita na ngayo’y mas nakakaangat pa sa buhay Mga taongnagsimula sa mababa
ngunit kalauna’y nagtagumpay
Maraming nakapagtapo na di sapat ang kaalaman Ni hindi alam kung aling deriksyon angpupuntahan
Diplomang papel tangi lamang pinanghahawakan Na wala ring halaga sagunting ng kaalaman.

Lakandiwa: Bakit ganun? Ako yata’y mas lalong nalito Tila gusto kong lagnatin sa init ngpagtatalo.
Ramdam na ramdam ko bigat ng bawat punto Magkaibang katwiran, hugotmula sa puso

Pag-aaral: Kaalamang natutunan mula sa pag-aaral Maaari pang ipagsanggalang salupit ng buhay Sa
mga pang-aapi’y di basta basta bibigay Pagkat alam ng mabuti kungsaan lulugar

Mga di nakapag-aral at nagtrabaho agad Inaapi- api at yuko ulo kung maglakad Sa utosng iba ay agad
agad pumapayag Pagkat kalakaran sa mundo sila ay bulag.

Pagtatrabaho: Ngunit pakatandaan, hindi lahat ay mangmang May mga taong dinakapagtapos ngunit
patuloy ang laban Sa buhay ay nanagana at kahit walangpinagaralan Pagkat sipag at tiyaga ang
ipinuhunan.

Kaya ka rin lang nag-aaral ay upang makapagtrabaho At mabilis na makaahon sa hirapng buhay sa
mundo Ki mag-aral ki magtrabaho, ang hahantunga’y pareho Kaya’y bakit pamag-aaral kung yun lang
din ang dulo?

Pag-aaral: Ngunit akingkatunggali, nais ko lamang ipaalala Na kapag nakapagtapos ka’ypag-asenso’y


sigurado na Mas mataas na posisyon, mas malakas ang kita Na ibigsabihin, magandang kinabukasa’y
abot kamay na.

Sa konting panahon lamang na gugugulin Magastos man sa turing kahit pa balibaliktarinMaliit na


ipinuhunan, triple ang balik sa atin Sakripisyo ng pamilya’y masusuklian din.

Pagtatrabaho: Di nga ba’t sakripisyo rin ang pagtatrabaho muna? Isinakripisyo ang pag-aaral para din
sa pamilya Ngunit mas nakapag-impok at sa buhay ay nanagana Umahonsa kahirapan at buhay ay
nag-iba

Kung uunahin ang pag-aaral, wala namang mahihita Pagkat araw araw ay sa gastusinmamomroblema
Ni walang panlaman sa tiyan pagkat walang kuwalta Maapektuhan anglahat pati pokus sa ginagawa

Lakandiwa: Matapos ninyong mapakinggan ang dalawang makata Nasa inyong mgakamay ang
paghatol ng pasya Tayog ng katwiran ay hindi maisasansala Parehong maypunto na makaahon sa
dalita

Mga binitiwang salita nawa’y maging inyong gabay Lalo na ng mga kabataan sapagdedesisyon sa
buhay Pagkat iyon ang inyong susi sa pagkamit ng tagumpay At sapatuloy na pagkapit sa baging na
matibay

Hanggang dito na lamang mga kaibigan Pansamantala’y kami muna’y magpapaalamNawa’y


nagustuhan munti naming pagtatalo Magandang araw po’t sumainyo ang buhayng kasaganaan

You might also like