You are on page 1of 5

MASUSING Paaralan Cabuyao INHS Baitang 9

BANGHAY- Guro Asignatura Filipino


ARALIN Petsa at Oras Markahan Una

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at
A. Pamantayang Pangnilalaman pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing
B. Pamantayan sa Pagganap panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga
akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya
F9PD-If-42 Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag
C. Mga Kasanayang
ng mga ideya at opinyon sa napanood na debate o
Pampagkatuto/Layunin
kauri nito
II. NILALAMAN/PAKSA

Panitikan: Kay Estela Zeehandelar


Sanaysay – Indonesia
Isinalin sa Filipino ni Ruth Elynia S. Mabanglo

III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro………………….. pp 25-29
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral……pp 56-66
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo.


 Pantulong na Biswal
 TV o laptop

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral
- Di ko po alam ang huling pinag-aralan kaya po wala ako balik-aral

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

 Magpapakita ang guro ng isang larawan.


 Magtatanong ang guro Dapat ba o Di-Dapat ibalik ang istasyong Abs-Cbn?
 Sisikapin ng mga mag-aaral na makapagbigay ng kanilang mga sariling ideya o
saloobin tungkol sa inilahad na tanong ng guro.

 Maaaring palitan ng guro ang larawan o paksa na nais pagtalunan

Pahina 1 of 5
 Pag-uugnay ng naging gawain sa tatalakayin

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


 Ipapapanood sa mag-aaral ang isang video mula sa Youtube

https://www.youtube.com/watch?v=R-UgUAV4sck

D. Pagtalakay ng Bagong Konspeto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan Blg. 1


 Pagtalakay sa nilalaman ng video
 Pag-iisa-isa ng mga pangyayari
 Pagtalakay sa paraan ng pagpapahayag ng ideya o opinyon ng mga kalahok sa
napanood na video
E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan Blg. 2
ALAMIN NATIN….

 Ang PANGANGATWIRAN ( Pakikipagdebate) ay isang uri ng paghahayag


na ang pangunahing layunin ay magpatunay ng katotohanan at
pinaniniwalaan at ipatanggap ang katotohanang iyon sa nakikinig o
bumabasa. Ang isang nangatngatwiran ay dapat magtaglay ng sapat na
kaalaman tungkol sa paksang pinangangatwiranan. Kailangang ang katwiran
ay nakabatay sa katotohanan upang ito ay makahikayat at makasakit nang
hindi namimilit.

 Sa isang mabisang pangangatwiran, mahalagang isaalang-alang ang


sumusunod:

1. Malalim na kaalaman at pagkaunawa sa paksang ipagmamatuwid


2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
3. May sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay sa
pagmamatuwid.
4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang
makapanghikayat.
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan at bukas na kaisipan sa
pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.

 Isang Paraan para maipakita ang kasanayan sa pangangatwiran ay sa


Pahina 2 of 5
pamamagitan ng PAKIKIPAGDEBATE.

 MGA HAKBANG SA PAGHAHANDA SA PAKIKIPAGDEBATE


1. Pangangalap ng Datos- ito ang katotohanang gagamitin sa pagmamatuwid
at kinukuha ang mga ito sa napapanahong aklat, sanggunian, magasin, at
pahayagan.

2. Ang Dagli- ito ang balangkas ng inihandang mga katwiran. Sa maikling


salita, ito ay pinaikling pakikipagdebate.

3. Pagtatanong- bahagi ng pakikipagdebate ang pagtatanong. Narito ang lang


paalala sa pagtatanong sa debate.

a. Magtanong lamang ng mga tanong na ang sagot ay oo o hindi.


b. Huwag payagang magtanong ang kalaban kung ikaw ay nagtatanong.
Maaaksaya ang iyong oras sa pagtatanong.
c. Kung lumalabag sa alituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat
ipaalam sa tangapangasiwa ng debate.

4. Panunuligsa- may panunuligsa ( rebuttal ) din sa debate. Narito naman


ang dapat tandaan sa panunuligsa.

a. Ilahad ang mali sa katwiran ng kalaban.


b. Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban.
c. Ipaliwanag ang kahinaan ng katibayan ng kalaban.
d. Ipaalam kung labas sa buod ang katwiran o katibayan ng kalaban.
e. Magtapos sa pagbubuod ng sariling katwiran at katibayan.

F. Paglinang sa Kabihasaan

1. Gawaing Pagpapalalim ( Pangkatan)


 Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Magsasagawa ng isang pagtatalo o
debate sa klase.
Pangkat 1: Lakas ng Kababaihan sa Lipunan at ang kanilang halaga
Pangkat 2 : Lakas ng Kalalakihan sa Lipunan at ang kanilang halaga
 Sundin ang hakbang sa pagsasagawa ng pagtatalo o debate gayundin ang mga
natutuhan sa tinalakay kanina sa Alamin natin.

 Rubric

Mga Pamantayan Laang Laang


Puntos Puntos
Katanggap –tanggap at makatotohanan ang mga 5
impormasyon at katibayang inihain.
Napaniwala at nahikayat ang mga nakikinig na panigan 5
ang iniharap na pananaw.
Nagamit nang wasto at batid ang takdang oras na laan 5
sa pagbibigay ng patunay, pagtatanungan at
pagtuligsa.
Kabuuang Puntos 15

Pahina 3 of 5
5- Napakahusay 2- Di-gaanong mahusay
4- Mahusay 1- Sadyang di-mahusay
3- Katamtaman

2. Gawaing Paglinang sa Kabihasaan

 Magbibigay ang guro ng karagdagang feedback batay sa isinigawang debate o pagtatalo.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay


 Sa iyong palagay, bakit mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral ang masining na
paraan ng pangangatwiran o pakikipagdebate?
 Saang aspeto ng iyong pagkatao nakatulong nang malaki ang pangangatwiran o
pakikipagdebate?

H. Paglalagom/ Paglalahat
 Ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa isang mabisang pangangatwiran o
pakikipagdebate?

I. Pagtataya ng Aralin
 Panuto: Ipapanood sa mga mag-aaral ang isang video na mula sa Youtube. Isang
halimbawa ng Debate.Suriin ang paraan ng pagpapahayag ng ideya o opinyon ng mga
kalahok sa iyong napanood.Isulat ang sagot sa patlang.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

https://www.youtube.com/watch?v=JUr6ubcvkYA

J. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
mga gawaing pagpapahusay (remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang nag ing epektibo?
Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro Bat superbisor?

Pahina 4 of 5
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang guro?

Pahina 5 of 5

You might also like