You are on page 1of 2

Instructional Planning

Detailed Lesson Plan (DLP) Format

DLP Blg. 9 Assignatura: FILIPINO Baitang:9 Markahan:1 Oras: 1


MgaKasanayan: Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-opinyon Code:
(sa tingin/akala/pahayag/ko, iba pa) F9WG-Ic-d-12

Madamdaming nabibigkas ang palitang diyalogo ng napiling bahagi F9PS-Ic-d-42


ng binasang nobela
Susi ng Pag-unawa na Lilinangin: Ang Opinyon ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero
pwedeng pasubalian ng iba.Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa
impresyon,mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at
eksperimento.
Ang mga salitang ginagamit ay: sa tingin, akala, pahayag/ko
1. MgaLayunin
Kaalaman Natutukoy ang mga salitang nagpapahayag ng opinyon
Kasanayan Nakabibigkas ng may damdamin sa napiling diyalogo mula sa binasang nobela
Kaasalan Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa klase
Kahalagahan Nakapagpakita ng malasakit sa kapwa lalo na sa mahihirap
2. Nilalaman Nobela saTimog-Silangang Asya
Mga Katulong sa Bahay ni Vei Trong Phung
Salin sa Filipino ni Florentino A. Iniego
(Mula sa Vietnam)
*Mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon
3.MgaKagamitangPampagtuturo Kopya ng akda, Gawain notebook, Powerpoint presentation

4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain 1. Pagbabalik-tanaw tungkol sa napanood na telenobela.
10 mins. 2. Sasagutan ang takdang-aralin na ibinigay ng guro sa nakaraang araw. “Ang
kahirapan ay hindi hadlang sa pagtamo ng tagumpay”
3. Malayang talakayan at bahaginan ng sagot.

4.2 Mga Gawain/Estratehiya


10 mins. Gamit ang isang powerpoint presentation, magpakita ng larawan tungkol sa
kahirapan, hayaang magkomentaryo at magbigay ng opinyon ang mga mag-aaral
tungkol sa nakikita.

Isusulat sa pisara ang mga naging kasagutan ng mag-aaral.

4.3 Pagsusuri 1. Ipabasa ang bawat kasagutan na naisulat sa pisara.


5 mins. 2. Sasalungguhitan ang mga salita na naglalahad ng opinyon

4.4 Pagtatalakay 1. Pagtalakay ng piling mag-aaral hinggil sa paksang paglalahad ng opinyon.


5 mins. 2. Pagbibigay input ng guro sa paksang natalakay.

4.5 Paglalapat Mula sa napakinggang audio recording ay pumili ng diyalogo at ito ay babasahin ng
10 mins. may damdamin sa harap ng klase.

5. Pagtataya
10 mins. Gamit ang mga salitang ginagamit sa pagpapahayag ng opinyon, sagutin ito sa isang
kalahating papel:
1. Bakit kailangan pang umupa ng kasambahay ang mga tao?
6. TakdangAralin
Instructional Planning
Detailed Lesson Plan (DLP) Format

5 mins. Magsaliksik ng iba pang mga nobela saTimog-Silangang Asya.

7. Paglalagom/Panaposna Pag-usapan ang kasabihang ito.


Gawain “Ang opinyon ng isang tao ay palaging masasabing tama hangga’t ito ay nagpapakita
5mins. ng katotohanan”

Inihanda ni:

Pangalan:CLAUDINE S. PENAS Paaralan:Guinacot Integrated School


Posisyon/Designasyon:T1 Sangay:Division of Danao City
Contact Number: 09336998129 Email address: claudinepenas@yahoo.com

You might also like