You are on page 1of 9

GAD-based iC CEBU

Lesson Exemplar

Grade Level: 10 Learning Area: FILIPINO Quarter: II Duration: 60minutes


Learning Area/s Integrated: Araling Panlipunan, TLE (ICT), Science, ESP
Integration Approach Used: (Please tick.)
√ Multidisciplinary Interdisciplinary Transdisciplinary
* Theme-based
I. 21st Century Skills to be developed (Please tick.)
√ Communication Learning and Innovation Problem Solving
√ Critical Thinking √ Information Media and Technology √ Life and Career

II. Focused Learning Competency


F10PD-IIg-h-73 natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa
mga social media
III. Focused GAD-based Principle to be Integrated
Pantay na kakayahan ng bawat isa ay binibigayng-diin
IV. Intended Learning Outcomes
Knowledge naipapaliwanag ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang
nakikita sa mga social media
Skills nakagawa ng sariling talumpati gamit ang mga popular na anyo ng
panitikan na karaniwang nakikita sa social media
Attitude maipapakita ang pagiging malikhain sa paggawa ng isang aktibidad
hinggil sa popular na anyo na panitikan na karaninwang nakikita sa mga
social media.

Values nakikita nila ang kahalagahan ng isang popular na anyo ng panitikan na


karaniwang nakikita sa mga social media
V. Learning Content/s Anyo ng panitikan na nakikita sa mga social media

Concept Ang panitikang popular ay ang makabago at


napapanahong anyo ng panitikan na nagpapakita ng
kasalukuyang pamumuhay ng lipunan. Kabilang sa
katangian ng panitikang popular ay ang pagsunod sa agos
ng panahon at pagkakaroon ng malayang sining. Ang ilan
sa mga halimbawa ng panitikang popular ay pelikula,
komiks at radyo.
Themes

Learning Materials manila paper, pentel pen,


slide deck, chalkboard

DRRE Concepts

https://brainly.ph/question/1096540
https://www.facebook.com/987667851298357/posts/pa
References nitikan-at-anyo-ng-panitikan-ang-salitang-panitikan-ay-
nanggaling-sa-salitang-/1494974187234385/

VI. Learning Experiences (5 Es)


1. Engage A. Identipikasyon: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
(10 minutes)
youtube google facebook

linkedin intagram playstore


pinterest blog snapshot

1. isang sikat na website na nagbabahagi ng mga video at nagbibigay-


daan para sa mga manggagamit o user nito na mag-upload, makita, at
ibahagi ang mga video clips.
Posibleng sagot: youtube
2. isang impormal na litrato; karaniwang ginawa gamit ang isang
maliit na hawak na camera.
Posibleng sagot: snapshot

3. isang malawak na ginagamit na search engine na gumagamit ng mga


diskarte sa pagtutugma ng teksto upang makahanap ng mga we page na
mahalaga at may kaugnayan sa paghahanap ng isang gumagamit

Posibleng sagot: google


4. ay isang sikat na libreng social networking website na
nagpapahintulot sa mga rehistradong gumagamit na lumikha ng mga
profile, mag-upload ng mga larawan at video, mensahe at makipag-
ugnay sa mga kaibigan, pamilya at kasamahan.
Posibleng sagot: facebook
5. ay isang social networking site na sadyang idinsenyo para sa pamayanan ng
negosyo. Ang layunin ng site ay pahintulutan ang mga rehistradong miyembro
na maitatag at idokumento ang mga network ng mga taong kilala at
pinagkakatiwalan nila ng propesyonal.

Posibleng sagot: linkedin

6. ay isang libre, online na application ng pagbabahagi ng larawan at


platform ng social network na nakuha ng facebook noong 2012
Posibleng sagot: Instagram
7. isang regular na na-update na website o web page, karaniwang
isang pinapatakbo ng isang indibidwal o maliit na grupo, na
nakasulat sa isang impormal o istilo ng pakikipag-usap
Posibleng sagot: blog
8. ang google play, na orihinal na ipinanganak at tinukoy ng google
bilang ang android market, ay opisyal na tindahan at portal ng google
para sa mga android para sa iyong Android powered phone, tablet o
android TV device
Posibleng sagot: play store

9. sa bilyun-bilyong mga pins sap interest. Lagi kang makahahanap ng


mga ideya upang mag-spark inspirasyon. Kapag natuklasan mo ang mga
Pins na gusto mo, i-save ang mga ito sa mga board upang mapanatili ang
mga ideya na maayos at madaling mahanap.
Posibleng sagot: pinterest

B. Paglalarawan sa mga nakikitang larawan para ang sagot nito.

Posibleng sagot: social media accounts

2. Explore IBIGAY KO, IPALIWANAG NYO! (Group Activity). Pangkatin ang klase sa
(10 minutes) 5 pankat at ungkatin nila ito kung anong claseng popular na panitikan
ito. Ipaliwanag:
3. Explain Ang panitikang popular ay ang makabago at napapanahong anyo
(8 minutes) ng panitikan na nagpapakita ng kasalukuyang pamumuhay ng
lipunan. Kabilang sa katangian ng panitikang popular ay ang
pagsunod sa agos ng panahon at pagkakaroon ng malayang sining.
Ang ilan sa mga halimbawa ng panitikang popular ay pelikula,
komiks at radyo. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol
sa kung ano ang panitikang popular ay narito.
Panitikan at anyo ng Panitikan
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung
saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang
"titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang
literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao.
Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na
babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na
pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na
pagkawili at gana.
Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng
interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. Nagsasalaysay
ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya, at mga
karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.Ito ang isang dahilan kung bakit
pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan.
MGA ANYO NG PANITIKAN
1. TULUYAN (PROSE)
2. PATULA (POETRY)
TULUYAN (PROSE) - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng
patalata.
HALIMBAWA NITO AY:
• SANAYSAY
• TALAMBUHAY
• PARABULA
• PABULA
• DULA
• MAIKLING KWENTO
• NOBELA
• TALUMPATI
• BALITA
PATULA (POETRY) - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng
pasaknong.
Halimbawa:
1. TULANG LIRIKO O TULANG DAMDAMIN (LYRIC POETRY)
–pipipahayag ang saloobin at damdamin ng makata.
- Hindi nag papahayag ng isang kwento at na naglalarawan sa isang
karakter at aksyon.
- Direktang sinasabi ng makata sa mambabasa ang kanyang sariling
damdamin, iniisip at persepsyon.
Uri ng tulang lireko
a. AWIT – tulang pasalaysay na binubuo ng tig aapat na taludtud ang
bawat saknong na ang bawat taludtud ay may lalabindalawahing pantig
at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.
-karaniwang awiting atin ang naririnig.
- karaniwang may malungkot na paksa (sad love songs)
b. SONETO– karaniwang may 14 na linya.
- Hinggil sa damdamin at kaisipan ay may malinaw na kabatiran sa likas
na pagkatao.
c. ODA – karaniwang isang lireko o tula na nakasulat bilang papuri o
dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o
nagsisilbing inspirasyon para sa oda.
d. ELIHIYA- tulang may kinalaman sa guni guni tungkol sa kamatayan.
e. DALIT – karaniwang pang relihiyon partikular na nakasulat para sa
layunin ng papuri,pagsamba o panalangin at karaniwn ay ipadala sa
isang diyos o isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa at may
kahalong pilosopiya sa buhay.
f. pastoral - tulang panitikan tungkol sa pamumuhay sa bukid
2.TULANG PASALAYSAY (NARRATIVE POETRY) – isang tula na may
balangkas maaring maikli o mahaba at ang mga kwento ay may
kaugnayan sa maaring maging simple o kumplikadong pangyayari
karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko at
ballad.
Uri ng tulang pasalaysay
A. EPIKO – isang mahabang kuwento o tula kalimitan tungkol sa isang
seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at
mga kaganapan ng makabuluhan sa isang kultura o bansa.
B. AWIT AT KORIDO – may walong sukat ang kurido ay kadalasan mga
alamat o kwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya,
Espana, Italya at Gresya tulang korido ay pasalaysay, tanyag na kurido
ay ang ibong adarna.
halaimbawa ng awit ay florante at laure
ang korida ay ibong adarna
C. KARANIWANG TULANG PASALAYSAY – ang mga paksa na ito ay
tungkol sa mga pangyayari sa araw araw na buhay.
2. TULANG PATNIGAN (JOUSTIC POETRY)
Uri nito ay
A. BALAGTASAN –tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula bilang
pangatwiran sa isang paksang pagtatalunan tanyag ditto si Francisco
balagtas
B. KARAGATAN – isang laro sa tula o pligsahan sa pagtula na kabilang sa
tinatawag na libangang itinatanghal na ang taglay na pamagat ay
nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa
dagat.
C. DUPLO - ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa
pagbigkas at pangangatwiran nag patula hango ang pangangatwiran sa
bibliya mga salawikain at kasabihan.
3. TULANG PADULA O PANTANGHAL – karaniwang tinatanghal sa teatro
ito ay patulang binibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o
melodiya ng isang awitin, nag lalarawan ito ng mga tagpong lubhang
madula na maaring makatulad o di kaya ay naiiba sa nagaganap sa pang
araw araw na buhay.

4. Elaborate Itanong ko! Sagot mo!


(5 minutes)
1. Ano ang panitikang popular?
Posibleng sagot: Ang panitikang popular ay isang anyo ng
panitikan.
Ito ay makabago at napapanahon.
Ito ay sumasalamin sa kasalukuyang pamumuhay ng mga tao sa
lipunan.
II. Ano ang katangian ng panitikang popular?
Posibleng sagot: Narito ang ilan sa mga katangian ng panitikang
popular:
Ito ay sumusunod sa agos ng panahon.
Ito ay may malayang sining ngunit nababagay sa kahit na anong
panahon o pagkakataon.
Ito ay nagbubuklod ng pansariling identidad.
Ito ay malawak at maaaring manlason ng utak.
III. Anu-ano ang mga halimbawa ng panitikang popular?
Posibleng sagot: Ang ilan sa mga halimbawa ng panitikang popular
ay mga:
Pelikula
Komiks
Radyo
Animasyon
Korean novels

5. Evaluate Gawa Ko! Action Ko!


(15 minutes)
Gumawa ng isang talumpati na may anyong tuluyan. Isagawa ito gamit
ang isa sa mga popular na social media websites.
Pamantayan sa Paggawa ng Talumpati
VII. Learning Enablement Ibahagi ang inyong tula o talumpati gamit ang iba’t ibang popular na
(2 minutes) social accounts/media

Reflection (DepED Order No. 42, s. 2016)

A. No. of learners who earned 80% in the evaluation


B. No. of learners who require additional activities for remediation
C. Did the remedial lessons work?
D. No. of learners who have caught up with the lesson
E. No. of learners who continue to require remediation
F. Which of my learning strategies worked well? Why did these work?
G. What difficulties did I encounter which my principal or supervisor can help me solve?

Prepared by

ROQUETA T. SON
Teacher 1
CAMOTES NATIONAL HIGH
San Francisco

Reviewed: Verified:

ARACELI A. CABAHUG MARY ANN P. FLORES, Ed.D.


Education Program Supervisor-FILIPINO Chief, Curriculum Implementation Division

Recommending Approval:

LEAH B. APAO, Ed.D., CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Approved:

MARILYN S. ANDALES, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

You might also like