You are on page 1of 4

Lesson 7 PAGSASALITA

 Ang pagsasalita ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala
at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
 Ito ay isa sa mga makrong kasanayan na may layuning ipahayag ang kaisipan, paniniwala at
saloobin. Ang kaisipang ito ay maaaring pagbibigay impormasyon o kabatiran samantalang ang
saloobin ay pagpapahayag kung ano ang nadarama.
 Maaari ring sabihin na ang pagsasalita ay pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan o mensahe sa
pamamagitan ng berbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong tunog at tamang
gramatika, upang malinaw na maipahayag ang damdamin at kaisipan
 Ang taong mahusay magsalita ay higit na may malaking pagkakataon na pakinggan ng kanyang
tagapakinig.
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita
 Tinig  kaalaman
 Bigkas  kasanayan
 Tindig  tiwala sa sarili
 Galaw  kahandaan
 kumpas ng kamay
Mga Katangian ng Isang Epektibong Tagapagsalita
 authoritative  anekdotang maaaring kapulutan ng aral o
 attitude makapukaw ng mag ideya at karanasan sa
 audience tagapakinig.
 animation  Appearance
 atypical
Kasanayan sa Pagsasalita
1. Pakikipag-usap
- Ang ano mang pagpapalitan ng mga kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga salita ay
tinatawag na pakikipag-usap. Ito ay maituturing na isang sining kaya naman mayroong mahusay
kausap at mayroon ding walang kalatoy-latoy.
- May iba't ibang layunin kung bakit tayo nakikipag-usap. Maaaring nakikipag- usap tayo upang
lumikha ng mga ugnayan sa ating kapwa, maaari rin upang ipahayag ang ating damdamin o kaisipan
tungkol sa mga napapanahong isyu o minsan naman bilang pampalipas oras. Nagagamit din ito
bilang instrumento sa pagtuturo upang mabatid natin ang mga kamalian sa pagbigkas.
- Ang pakikipag-usap ay magagamit sa iba't ibang layunin ngunit !aging tandaan na ang paksa ang
pinakamahalagang salik sa pag-uusap. Mas madaling magkaunawaan ang dalawang nag-uusap kung
alam nila pareho kung tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan.
- Ang pakikipag-usap ay maaaring gamitin bilang instrumento sa pagtuturo na may layuning tulad ng
pagtuklas sa mga kamalian sa pagbigkas, pag-alam sa lawak ng talasalitaan ng mga mag-aaral o kaya
naman ay pagpapagamit ng natutunan sa wika. Maaari rin nitong malinang ang kasanayan sa
pakikinig at mahasa sa pagdadala ng isang usapan.
2. Pagtatalumpati
- Isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito
ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.
- Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng
tagapakinig. 
- Ang talumpati  ay isang uri ng akda na tumatalakay sa napapnahong isyu o paksa na ang layunin ay
bigkasin sa harap ng madla na handang making.
4 na pangunahing uri ng talumpati
a) paglalahad o impormatibo
b) demonstratibo
c) panlibang
d) paghikayat
4 na paraan na pagbigkas ng talumpati
a) Pagsasaulo
b) Pagbasa ng isinulat na talumpati
c) Pagbikas ng biglaan mula sa inihandang balangkas (extempo)
d) Pagbigkas ng hindi pinaghandaan (impromptu)
3. Pagtatalo o Pakikipagdebate
- Ito ay pormal na pangangatuwirang pasalita ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang
paksang pinagkaisahang talakayin, alinsunod sa mga tanging tuntunin. Ito ay nagbibigay ng
kasanayan sa tama at mabilis na pag-iisip, pagtatangi sa tama't maling katuwiran at sa maayos at
mabisang pagsasalita.
- Proposisyon ang tawag sa paksang pinagdedebatihan o pinagtatalunan. Ito ay isang pangungusap
lamang na naglalayong patunayan ng panig ng sang-ayon sa pamamagitan ng mga pangangatuwiran
o argumento. Nagsasaad ito ng isang bagay na maaaring tutulan at panigan kaya maaaring
pagtalunan.
Tiyakin ang paksang pagtatalunan o ang proposisyon ay may mga katangiang:
 Walang kinikilingan. Dapat na magkasinlakas ang magkabilang panig na nagkakasalungatan ng
palagay.
 May larangang hindi gaanong malawak at hindi rin gaanong makitid.
 Napapanahong paksa.
 Nangangailangan ng mga katibayang batay sa katotohanan.
 Hindi pa nabibigyan ng pasiya.
 Malinaw at tiyak ang pinagdedebatihan.
 Umaakit sa isang pagtatalo.
Paraan ng Pagdebate
Sa pagsasagawa ng isang Oxford-Oregon na pakikipagdebate, isaalang-alang ang mga sumusunod na
katangian:
 Binubuo ng dalawa o tatlong kasapi ang bawat pangkat.
 Walo o sampung minuto ang oras ng talumpati.
 Pagkatapos ng talumpati ng bawat isa, mayroon munang tatlong minutong pagtatanungan.
 Pagkatapos ng lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan, mayroon namang pagtuligsa o
tinatawag na rebuttal ang mga kasapi subalit limang minuto naman ang pagtuligsa at pagbubuklod ng
puno ng bawat koponan.
4. Pakikipanayam
- Interview kung ito ay tawagin sa Ingles. Ito ay pakikipag-usap o pakikipagpulong ng isang taong
kumakalap ng impormasyon sa isang taong makukunan niya ng impormasyong iyon. Madalas ang
taong ito ay itinuturing na eksperto ng paksang pinag-uusapan. Isinasagawa ito upang makakuha ng
tuwirang impormasyon kahit maaaring makagawa ng isang mabuting ulat batay sa mga nakasulat na
kagamitan.
- Magiging makabuluhan ang pakikipanayam kung matutukoy kung sino ang nararapat na
kapanayamin. Hindi basta-basta makikipanayam, dapat lamang kapanayamin ang mga may sapat na
kaalaman ukol sa paksang pinag-aaralan. Kailangan ding nakatitiyak taong magsasagawa ng
panayam tla ang kanyang kakapanayamin ay hindi mag-aatubili sa pagbibigay ng kinakailangang
impormasyon. Bukod dito, dapat ding matiyak na may sapat na panahon ang kakapanayamin sa
isasagawang panayam.
Maaaring mauri sa dalawang malalaking pangkat ang pakikipanayam:
1) Ayon sa Paksa
May tatlong uri ang pakikipanayam na ito:
Aktuwal na pakikipanayam - ang mga tanong sa uring ito ay sumasaklaw lamang sa mga impormasyon,
kuro-kuro at reaksyong nais malaman ng nagtatanong at ang mga iyon ay nagbibigay linaw sa isang bagay o
isyu;
Nagtatampok - Masigla at kawili-wili ang uring ito dahil naglalaman ng paglalarawan at pagpapahalaga sa
mga taong kilala o sikat gaya ng artista, politiko, lider, o kaya'y isang taong nasasangkot sa isang
kontrobersyal na pangyayari;
Patalambuhay - ang mga tanong sa uring ito ay naglalayong makakuha ng impormasyon kaugnay ng
pinagdaanang buhay ng isang taong ipinalalagay na makapagbibigay ng inspirasyon at kawilihan sa
mambabasa. Ang uring ito ay may kahirapang gawin.
2) Ayon sa Pagkalap ng Impormasyon
- Ang payak na pagtatanong sa isang taong nais pagkuhanan ng bagay-bagay ay tinatawag na
impormal na pakikipanayam. May mga pagkakataon na mahirap itong isagawa lalo na kung lubhang
abala sa mga gawain ang taong nais.
- Malimit, kailangang makipagtipan muna sa isang takdang oras, araw at tiyak na lugar upang
maisagawa ang pagtatanong. Isinasagawa ang pagtatanong nang harapan, sa telepono, sa liham o ng
mga nabanggit.
5. Pagtatalakayan
- May pagkakataon na ang mga pagtatanong ay di-gaanong nakapagbibigay ng hamon sa nakikinig o
sa tinatanong lalo na kung ang oo o hindi lamang ang sagot sa tanong. Kung sa ganito lamang
magwawakas ang pagtatanong, para bang napigil at di-nabigyan ng pagkakataon ang isang tao na
makapagpahayag pang kanyang sariling kuro-kuro at pagpapasya lalo na kung ang paksa ay may
kaugnayan sa isang mabigat na suliranin.
- Nahahasa ang kakayahan ng isang tao sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatuwiran dahil sa
pagtatalakayan. Mabisa ring paraan ang pagtatalakayang lumilinang sa kasanayan sa pakikinig,
matalas na pang-unawa at pagkukuro sa sinasabi ng nagsasalita.
Layunin ng Pagtatalakayan
 Isinasagawa ang pakikipagtalakayan upang matamo ang mga sumusunod na layunin:
 Magkaroon ng malawak na kaalaman sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid.
 Magkaroon ng higit na kaliwanagan ang isang suliranin o paksa.
 Magkatulungan sa paglutas ng isang suliranin sa mapayapang paraan.
 Makapagpahayag ng sariling kuro-kuro sa pamamagitan ng mabisang pakikipag-usap.
 Maisaalang-alang at mapahalagahan ang pagiging maginoo, magalang, matimpi, mahinahon at
pagkakaroon ng bukas na isipan.
Mga Uri ng Pagtalakay
1) Di-Pormal na pagtalakay o Spontaneous Discussion .:... Ito ay nagaganap sa araw- araw sa loob ng
silid-aralan. May mga paksang lilinawin at kadalasang ang guro ang nagbibigay nito. Malayang
nagkakapalitan ng kuro-kuro ang mga mag-aaral kahit na walang pormal na mga hakbang na
sinusunod. Ang mga ganitong uri ng pagtalakay ay nagaganap din sa mga pulong na may
mahalagang paksa na nililinaw o mahalagang isyung tinatalakay ngunit walang pormal na
palatuntunang sinusunod.
2) Pormal na pagtalakay o Planned Discussion - Nakabatay ang pagtalakay sa tiyak na mga hakbang,
may tiyak na mga namamahala at namumuno sa talakayan. Inihahanda ng mga magtatalakay ang
kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay ng kuro-kuro.
Ang mga halimbawa ng pormal na talakayan ay ang mga sumusunod:
Panel Discussion - Isang pangkat na binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang pinuno na umuupo sa
harapan. Bawat kasapi ay may takdang panahon upang magtalakay ng kanilang paksa. Pagkatapos na
makapagpahayag ang lahat ng kasapi ay susundan ito ng malayang talakayan. Bibigyan din ang mga
tagapakinig ng pagkakataong makapagtanong o makapagbigay ng reaksyon kaugnay ng kanilang mga
narinig.
Simposyum - Katulad ng panel discussion na ang tanging kaibhan ay ang pagkakaroon ng tiyak na paksang
tatalakayin ng bawat kasapi sa panel.
Forum - Ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng mahalagang suliranin.
Sa uring ito, paksang inilalahad at tinatalakay na pagkatapos ng lahat ng paglalahad ay binibigyan ng laya
ang mga tagapakinig na linawin ang paksang tinatalakay. Karaniwang ang paksa ay tungkol sa pag-aaral o
pananaliksik na isinagawa ng panauhing tagapagsalita.
Balagtasan - Tagisan o palitan ng katuwiran sa pamamagitan ng patulang pagpapahayag. Mayroong
lakandiwa na siyang gumaganap bilang tagapagbukas at tagapamagitan sa mga makatang tumatalakay ng
kanilang panig kaugnay ng paksang pinag-uusapan.
6. Pagkukuwento
- Ang pagkukuwento ay isang sining na dapat bigyan ng sapat na pansin dahil ito ay hindi lamang
basta paghahatid ng kuwento kaugnay ng buhay, tao o pangyayari bagkus ay may tiyak na layunin
tulad ng pagbibigay kaalaman, paghahatid ng kaaliwan, kasanayan sa pagharap at pagsasalita sa
maraming tao at pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
- Mahalagang malaman ang mga elemento o salik nito upang makita nang ganap ang kaibahan nito sa
ibang uri ng pabigkas na pakikipagtalastasan.
Ang pagkukuwento ay kailangang:
 May tagapagsalaysay o narrator at mga tagapakinig;
 May isang kuwentong tinutumbok na isasalaysay at naglalaman ng mensahe;
 Gumagamit ng wastong paggalaw o kumpas, ekspresyon ng mukha, paiba-ibang tinig upang
makaakit ng mga tagapakinig;
 Gumagamit ng sound effects at minsa'y background music upang mas !along makatotohanan ang
pagsasalaysay.
Paraan ng Paghahanda sa Pagkukwento
 Maglaan ng panahon sa pakikinig o panonood upang mapag-aralan ang wastong pagbigkas,
ekspresyon ng mukha at paglikha ng impact.
 Pag-aralan nang husto ang kuwentong isasalaysay at balangkasin sa isip ang mga bahagi nito.
 Ihanda ang kasuotang bagay sa paksa ng kuwento, musika at iba pang kakailanganing props sa
pagsasalaysay.
 Isalaysay ang kuwento sa paraang nakikipag-usap lamang at sikaping maging masigla sa
pagsasalaysay.
 Iwasan ang pagmamadali sa pagsasalita at bigkasin nang malinaw ang mga salita.
 Gawing katamtaman ang lakas ng hoses at sikaping tumingin sa mga tagapakinig habang
nagsasalaysay.
 Tiyaking may maiiwang mensahe o kaisipang maaaring pagtuunan ng pag-iisip ng mga tagapakinig.

You might also like