You are on page 1of 40

Pakikinig

• ang pakikinig ay isang makrong kasanayan n


kinapapalooban ng sensoring pandinig at pagiisip
• isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng pandinig. Mayroong itong kumbinasyon
ng tatlong bagay: tinanaggap na tunog, nauunawaan,
natatandaan
Mga Dahilan ng Pakikinig

1. Makinig upang makakuha ng impormasyon.


2. Makinig upang masuri ng mensahe at makapagbigay ng
opinion.
3. Makinig upang masusing mapagaralan ang mensahe.
4. makinig upang lalong malinang ang kaalaman
Mga Sagabal sa mabisang pakikinig

1. Pisikal
- Ito ay tumutukouy sa ingay sa loob at labas ng silid o
kapaligiaran. tinutukoy din nito ang kinaroroonan ng
tagapakinig.

2. Sikolohikal
- Tinutukoy ditona maaring ang tagapakinig ay gustong-
gusto o hindi intresado sa paksa. Gayundin sa
tagapagsalita, maring ayaw niya rito o idolo niya ito.
5. Pagkiling sa sariling opinyon - nakabubuo tayo ng sarili
nating kaisipan habang nakikinig sa isang nagsasalita mula
sa sarili nating opinyon na wala namang matibay na
basehan

6. Pagkakaiba-iba ng pakahulugan - ang nabubuo nating


interpretasyon sa ating narinig ay maaaring iba sa
pakahulugan ng nagsasalita kaya kailangan dito ang
paglilinaw sa pamamagitan ng pagtatanong sa
tagapagsalita kung anong kaisipan o ideya ang narinig na
gustong linawin.
3. Wikang ginagamit - Dito ay maaring mataas ang lebel ng
wikang ginagamit o mataas ang lebel ng tagapakinig kaya
di magkaunawaan. Maari ring maling gamit ng salita ang
ginamit kaya hirap ang pag-intindi ng tagapakinig.

4.Pagbuo ng maling kaisipan - may pagkakataon na tayo ay


nakikipag-usap sa ating sariling isipan habang nakikinig at
sa pamamagitan nito, ang nabubuo ay kung ano ang
nabuong kaisipan natin at hindi ang kabuuang nilalaman ng
ating pinakikinggan.
7. Suliraning pansarili - hindi natin gaanong mauunawaan
ang ating pinakikinggan kung namamayani ang ating
pinakikinggan at umuukilkil sa ating isipan ang ating sariling
problema sapagkat nakapokus tayo sa problema at hindi sa
ating pinakikinggan.

8. Pagkakaiba ng kultura - posibleng mangyari na hindi natin


matanggap ang mensaheng ipinadala ng tagapagsalita
dahil sa kaibahan ng kultura.
Uri ng pakikinig
• Passiv o Marginal - pakikinig na kung saan ang
pinakikinggan ay di gaanong napagtutuunan ng pansin dahil
sa ibang gawain.

• Atentiv - pakikinig ng taimtim at puno ng konsentrasyon. Ang


layunin ng tagapakinig ay makakuha ng kawastuhan ng
pagkaunawa sa paksang narinig.

• Analitikal - layunin ng pakikinig na ito na magbigay ng husga


o reaksyon sa napakinggan.
• Kritikal - mapanuring pakikinig, pagkuha ng mensahe at
pagpapahalagang moral sa paksang narinig.

• Apresyativ o Pagpapahalagang Pakikinig - pakikinig na ginagawa


ng tao para sa sariling kasiyahan.

• Paggamot - matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na


madamayan sa pamamagitan ng pakikinig sa suliranin ng nagsasalita.

• Diskriminatibo - malaman ang pagkakaiba ng pasalita at di-


pasalitang paraan ng komunikasyon.
Uri ng Tagapakinig
• Eager Beaver

• tagapakinig na ngiti ng ngiti o tangu ng tango ngunit hindi


talaga naiintindihan ang pinakikinggan.
• Sleeper

• tagapakinig na inaantok, siya ang tipo ng tagapakinig na


nauupo sa isang sulok ng silid wala siyang tunay na
intensyong makinig
• Tiger

• tagapakinig na laging handang magreak sa anumang


sasabihin ng
• ` nagsasalita.
• Bewildered

• tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan


sa naririnig.
• Frowner

• tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at


pagdududa.
• Relaxed

• tagapakinig na hindi kakikitaan ng anumang reaksyon


habang nakikinig.
• Busy Bee

• tagapakinig na abala sa ibang gawain habang nakikinig.


• Two-Eared Listener

• tagapakinig na ginagamit ang utak sa pakikinig.


Pagbasa
kahulugan ng pagbasa

• ang pagbasa ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala at


pag unawa ng mga nakaimbak o nakasulat na
impormasyon o datos.
• ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbulo o sagisag ng
nakalimbag at pagpapakahulugan o interpretasyon sa
mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat na ilipat sa
kaisipan ng mambabasa.
Kahalagahan ng Pagbasa

1. Nadadagdagan ang kaalaman


2. napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang
talasalitaan
3. nakakarating sa pook na hindi pa nararating
4. nahuhubog ang kaisipan at paninindigan
5. nakakakuha ng mahalagang impormasyon
6. nakakatulong sa mabibigat na suliranin at damdamin
7. nagbibigay ng impormasyon at nakikita ang iba't ibang
antas ng buhay at anyo ng daigdig.
Layunin sa Pagbasa
• Nagbabasang nakakapagturo
• pagbabasang paglilibang
• Magkaroon ng kalinawan ang pagiisip tungkol sa mga
bagay na di malinaw o walng kaalaman
• magkaroon ng kapayapaan sa buhay sahil sa kaalaman
sa iba't ibang larangan
• magkaroon ng pagbabago sa paniniwala o kaugalian
• magkaroon ng bukas na isipan
Pagsulat
• Ang pagsusulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan
sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala
bilang sistema ng pagsulat). Iniiba ito sa larawang-guhit, katulad ng mga
larawang-guhit sa yungib at pinta, at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan
ng hindi-tekstuwal na tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo.

• maaaring nagsimula bilang isang kinahinatnan ng pagpapalaganap na


pampolitika ng sinaunang mga kultura, na nangailangan ng maaasahang
pamamaraan ng pagpapakalat ng kabatiran o impormasyon, pagpapanatili ng
mga kuwentang pampananalapi, pagpapanatili ng mga pangkasaysayang mga
pagtatala, at kahalintulad na mga gawain.
uri ng pagsulat
• Malikhaing Pagsulat
- pangunahing layunin nito ang maghatid ng aliw,
makapukaw ng damdamin at makaantig ng imahinasyon.
• Teknikal na Pagsulat
- layunin nito ang pag aralan ang isang proyekto, o kaya
nman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangang lutasin
ang isang problema o suliranin.
• Propesyonal na Pagsulat
- sulating may kinalaman sa isang tiyakna
larangangnatutuhan sa akademiya o paaralan.
• Dyornalistik na Pagsulat
- sulating may kaugnayan sa pamamahayag.
• Reperensiyal na Pagsulat
- Layunin ng sulating ito ng bigyang pagkilala ang mga
pinagkunang kaalamanan o impormasyon sa pag-gawa ng
tesis, konseptong papel, at disertasyon.
• Akademikong Pagsulat
- isang intelekwal na pagsulat.
- Ang gawaing ito ay makakatulong sa pagpapataasng
kaalmana ng isang indibidwalsa iba't ibang larangan
• Obhetibo
- kailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa
kinalabasan ng ginawang aral at pananliksik. Iwasan ang
pagbibigay ng personal na opinion o paniniwala hingil sa
paksang tinatalakay.
• Pormal
- Iwasan ang pag gamit ng mga salitang kolokyal o balbal.
Dahil karaniwang ginagamit sa sa akdemikong pagsulat ay
ang akademikong Filipino, nangangahulugan lamang na ito
ay pagiging pormal.
• Maliwanag at Organisado
- Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na
pagkasunod-sunod at pagkaugnay-ugnay ng mga
pangungusap na binubuo nito. Ang mga talata ay
mahalagang magtaglay ng kaisahan. Bukod sa katangiang
kaisahan at maayos na pagkasunod-sunodng mga kaisipan
ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o
mabigyang diin sa sulatin.
• May Paninindigan
- Mahalagang mapanindigan ng sumulat ang paksang nais
niyang bigyang pansin o pag-aaralan, ibig sabihin hindi
maganda ang pabago bgo ng paksa. Ang kanyang layunin
na maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya
hangang matapos niya ang kanyang isinusulat.
• May Pananagutan
- Ang mga ginagamit ng mga sangunian ng mga nakalap ng
datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na
pagkilala. Mahalagang maging mapanagutan ang
manunulat sa awtoridad na mga gingamit na sangunian.
Kahulugan ng Pagsusulat

• Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na


permanenteng panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kung
saan maari itong mulingmakuha nang walang interbensyon ng nagsasalita.
• Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolong
ginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong
pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring
makuha o mabigyang – kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit
at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.
• Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo,
ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang
isipan.
• Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha at
makagawa ng maayos na sulati; isang kasanayan.
• Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at
produkotong konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig an
gating nadarama na di natin kayang sabihin
• Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng
kaalaman at makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na
opinion.
• Ayon kay Arapoff, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa
pamamagitan ng mahusay ng pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan..
• Ito ay isang tao-sa-taong komunikasyon at paraan ng paghubog ng
damdamin at isipan ng tao.
Proseso ng Pagsususlat
• Bago Sumulat
1. Pagdedesisyon sa nais na paksa at pagtiyak sa tapik
2. Pagbibigay ng detalye ukol sa paksang napili
3. Pagsulat ng paksa sa isang pangungusap
4. Pagpili ng mga detalyeng isasama sa paksa at
pagtatama ng mga mali
5. Pag-oorganisa ng mga konsepto o ideya sa tulong ng
pagbabalangkas
• Habang Nagsusulat
1.Pagbuo ng burador o ngdraft
2.Pagrerebisa at Pag-eedit
3.Pagsulat muli para sa mas ikagaganda pa ng sulatin
Pagkatapos Sumulat
1. Pagbuo ng lagom
2. Pagbabahagi ng kaalaman sa pamamagitan ng
pagbabasa o pagpapakita ng isinulat sa iba
3. Pagpapalathala o publikasyon

You might also like