You are on page 1of 4

Ang pagbasa

Pagtugon sa damdamin at kaisipan sa mga titik


na nasa pahina
Sining ng paghihinuha ng impormasyon

Isang mental na gawain sa pag-unawa ng


tekstong binabasa

Isang proseso ng pagtanggap at pag-iinterpreta


ng mga impormasyong nakatala sa anyo ng wika sa
pamamagitan ng mga nakalimbag na simbolo (letra)
Bakit tayo nagbabasa?
pagbasa
pangkasiyahan
pangmoral
Pampaglalakbay-diwa
Pangkaalaman
pangkasaysayan
Mga Pangkaraniwang Dahilan ng Katamaran sa Pagbasa
1. Interes sa Paksa
2. Dami ng paksang babasahin/pahina
3. Viswal at tekstwal na grafiks
4. Font Size at Font Style
5. Lighting at Positioning
6. Awtor at Pamagat
7. Pwersahan/Patuluyang Pagbasa
8. Pampisikal na Hadlang
Kategorya ng
Mambabasa

Pamamaraan sa Pagbasa
Kasanayan/kaugalian sa pag-aaral
Bilis/bagal sa pagbasa
Reaksyon
intelektwal
emosyunal

Komprehensyon
Persepsyon
Istilo

sa Pagbasa
Iskiming
Iskaning
Prebyuwing
Kaswal
Impormatibo
Kritikal
Muling-basa
Pagtatala

Lawak ng Karanasan sa Pagbabasa


A. BILIS AT KAAYUSAN SA PAGBASA
ang bilis ng pagbabasa ay ayon sa layunin ng bumabasa
at sa materyales na babasahin.
Ang maglilibang ay walang kailangan tandaan kayat
higit na mabilis ang pagbabasa kaysa isang mag-aaral
na naglalayong matuto at matandaan ang binasa.

Bilang ng Salita Bawat


Minuto (SBM)

Mabagal na Mambabasa

99 pababa na SBM

Katamtamang
Mambabasa

100 175 na SBM

Mabilis na Mambabasa

176 pataas na SBM

Mapapabilis ang pagbabasa nang tahimik sa


pamamagitan ng mga sumusunod:

1.Pangalagaan ang kundisyon ng paningin. Tiyaking may


wastong liwanag at tahimik ang kapaligiran.
2.Palawakin ang talasalitaan.
3.Basahin ang buong kaisipan. Hindi paisa-isang salita lamang.
4.Ituloy ang pagkilos ng mata buhat kaliwa pakanan. Sundan
ang bantas, ang kuwit, tuldok, pananong o pandamdam upang
maliwanagan ang dalang ideya.
5.Kung nagbabasa nang tahimik, huwag ikibot ang labi.
6.Magsanay sa pagbasa ng mabilis.

Magiging maayos ang pagbabasa nang malakas kung:


1.Hahawakan ang aklat nang may sapat na layo buhat sa
mukha.
2.Lilinawin ang pagbigkas ng mga salita.
3.Sapat ang lakas ng tinig.
4.pag-uukulan ng pansin ang mga bantas upang mabatid kung
saan ang diin, kung saan itataas o ibababa ang tinig kung saan
hihinto.
5.Layon sa binabasa ang tinig at ekspresyon ng mukha.
6.Huwag kakalimutang tumingin sa nakikinig.
B. PAG-UNAWA AT PAGPAPANATILI SA ISIPAN NG
BINASA:
Siyasatin ang materyales na babasahin. Tingnan ang
pamagat at nilalaman (Table of Contents) kung ayon
sa layunin ng pagbabasa.
Kailangang may malawak na talasalitaan .
May sapat na kabatiran sa tayutay at idyoma.
Kailangang mukha ang mga pahiwatig at
matatalinghagang pakahulugan sa mga
pangungusap.
Itala ang mga bagay na mahalaga at nais
matandaan.
C. MATAMANG PAGSUSURI SA NILALAMAN

Dapat mabatid o makilala kung awtoridad sa paksa


ang pinanggalingan ng pahayag.
Kung may sapat na batayan at matamang pag-aaral,
pagsubok o pagsasaliksik na ginawa hinggil sa paksa.
Mapagtimbang-timbang kung totoo o likhang isip
lamang ang binasa.
Suriin sa isip kung nakamtan ang layunin sa
pagbabasa. Kung nakapaglibang o mau mga bago at
mahahalagang bagay na napadagdag sa kaalaman.
Magkaroon ng hustong sikolohiya sa pagbabasa.

MGA SAGABAL SA MABISANG PAGBASA:


1.Kalagayan ng pag-iisip ang mababang kaisipan ay ay
sagabal sa mabisang pagbasa. Maaaring pagmulan ito ng
kabiguang mag-ugnay ng mga sagisag sa mga salitang ginamit
ng may-akda at ang kawalan ng kakayahang tumugon sa mga
bagay na nabasa at mahinang pagsasaulo ng mga bagay na
nakita.
2.Pagbasa ng walang direksyon kailangang maunawaan
ng isang tao kung bakit siya bumabasa. Ano ang layunin niya sa
pagbasa? Bumabasa ba siya ng pahayagan upang malaman
lamang ang mga balita sa kasalukuyan? Bumabasa ba siya ng
mga aklat sapagkat kinakailangan sa kanyang pagpasok sa
paaralan?
3.Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para bang
magkakatulad ang kanilang pagkakasulat mahalagang
unawain ang nilalaman, ang bawat pangngalan, pang-uri,
pandiwa at pang-abay.mahalagang mahalaga sa isang
bumabasa ang lubos na kaalaman sa ibat-ibang bahagi ng
pananalita. Huwag basahin ng minsanan lamang, manapay ulitulitin.
4.Kawalan ng wastong pamamaraan sa pagbasa batay sa
layunin. Unahin muna ang magdadali bago tanguhin ang
mahihirap. Katulad halimbawa ng mga aklat , sagutin muna ang
mga katanungang madadali. Ihuli ang mahihirap.

5.Hindi paggamit ng mga pananda (Marginal - Notations)


madaling maunawaan ang diwa ng binabasa kung gagamit ng
mga pananda. Madaling maunawaan ang binabasa kung
isasalin sa sariling pananalita , mga parirala at mga
pangungusap ang mahahalagang diwang nais ipahayag.
6.Sagabal sa mabisang pagbasa ang pagkaroon ng kaba
o nerbiyos. Ang iba pang maaaring maging sanhi ng
kakulangan sa katatagan ng damdamin ay pagod, pag-aalaala,
kakulangan ng kawilihan, kakulangan sa pagtitiyaga, kawalan
ng sigla at hindi normal na saloobin o hilig sa pagbasa.
Bakit nga ba kailangang magsasalita ng Tao?
Upang bigyang ekspresyon ang kanyang damdamin o
saloobin;
Upang maibahagi ang iniisip sa iba;
Hindi mabubuhay ang tao ng walang kausap;
Makapagkalat na informasyon;
Isang global na komunidad ang mundo kayat kailangan
nating makipagtalastasan.
Layunin ng Pagsasalita
A. Magpabatid
B. Magganyak o manghikayat
C. Manlibang
Katangiang Dapat Angkinin ng isang Efektibong
Tagapagsalita
1. May sapat na kaalaman sa paksa.
2. May malaking tiwala sa sarili
3. May tantyadong angkop na kilos at kumpas
4. May maayang tinig at mapitagan.
Katangian ng isang Mahusay na Tagapagsalita

1. Responsable- may karapatan ang tao sa pagsasalita,


kailangang maintindihan ng mananalumpati na may obligasyon
at pananagutan siya sa kanyang sasabihin.
2. Nagpapakita ito ng personal na kwalipikasyon ng
tagapagsalita - ang isang tagapagsalita ay kinikilala ng mga
tagapakinig at umaani ng papuri.
3. May Layunin may layunin ang bawat tagapagsalita at ito
ay kailangang maabot niya.
4. Tumutukoy sa mahalaga at kapaki-pakinabang na
paksa - kailangang may tunguhin ang anumang papaksain sa
mahalaga para sa mga tagapakinig.
5. Kailangan ang mga magagaling na materyal sa
pagbuo ng talumpati - ang pananaliksik, riserts, interbyu,
obserbasyon, dokumento at datos ay mahalagang kasangkapan
sa paghahanda ng talumpati.
6. Kailangang analitikal nagkakaroon ng bigat o timbang
sa mga tagapakinig ang isang mahusay na analisis sa paksa.
7. Mahusay na plano sa pagdedeliber ng talumpati
maayos, malinaw na pamamaraan ay metodo sa pagsasalita.
8. Humihikayat at tumatawag ng pansin kailangang
maging interesado ang tagapakinig. Magiging mabisa para sa
mga tagapakinig ang isang tagapagsalita kung ito ay may paguugnay sa damdamin ng mga tagapakinig. Lalo pa kung amg
tagapagsalita ay may malakas na sense of Humor.
9. Gumagamit ng tamang boses at kilos ng katawan
kailangang makakuha ng reaksyon mula sa tagapakinig.
Katamtamang lakas, hindi gumagaralgal ang boses at
ninenerbiyos, hindi paos, makinis na deliberi at kontroladong
pagkilos ay tumutukoy sa epektibong daloy ng komunikasyon.
10. Mahusay na diksyon, lengguwahe at istilo mahusay
na pagpili ng mga salita at ang tamang diksyon ay esensyal sa
pagbabahagi ng kaalaman.
SPEAKING ni Dell Hymes

S - etting (Saan nag-uusap?)


P articipants ( Sino ang Kausap?)
E nds (Ano ang layunin ng pag-uusap?)
A cts Sequence (Paano tatakbo ang usapan?)
K eys ( Formal ba o Informal ang Usapan?)

I nstrumentalities (Ano ang midyum ng Usapan?)


N orms (Ano ang paksa ng usapan?)
G Genre (Ano ang genrang gagamitin sa
pakikipag-usap)

You might also like