You are on page 1of 22

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T-
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
Ano ang dahilan kung
minsan ay gusto ng tao ang
magsalita kaysa sumulat?
Pagsulat – isang Sistema para
sa isang komunikasyong
interpersonal na gumagamit
ng simbolo at
isinusulat/inuukit sa isang
makinis na bagay tulad ng
papel, tela, o di kaya’y isang
malapad na tipak ng bato.
0 Mga Dimensiyon ng Pagsulat
• Ang masining at estetikong
hikayat (artistic and aesthetic
appeal)
Mga malikhaing sulatin na siyang
pinakatampok sa bahagdan kung
saan tinutuklas at minamalas natin
ang “hiwaga” sa gamit ng wika.
• Ang paggamit ng wika kung nais
nating magbigay ng ulat katulad ng
uri ng wikang ginagamit sa mga
pahayagan. Expressive purpose –
Samuel (1988)
Mga katuturan ng Pagsulat
• Isang pansariling pagtuklas ng kakayahan
• Pamamaraan sa intellectual inquiry
• Paraan ng paghuhunos ng
nararamdamang saloobin o damdamin at
nagpapaalab ng puso’t isip
• Malikhaing Gawain na pinaghuhusay sa
papel
• Paraan ng pakikipagkomunikasyon sa
kapwa
• Isang proseso ng pagbibigay sustansiya sa mga
bagay na para sa iba ay walang kabuluhan
• Isang discovery process kung saan ang isang
malayang hakbang tungo sa katapusan
(generating),
-pag-aayos - arranging
-pagpapaunlad – development
-paghuhugis – shaping
-pagbasang muli – re-reading,editing, at
revising
• Ang pinakagamiting dimension hinggil sa
hikayat ng pagsulat ay ang functional
purpose Kabilang sa dimensyong ito ang
pagsulat ng liham patnugot ng isang
pahayagan
- Kabilang ang pagsulat ng liham patnugot sa
isang pahayagan.
- Ginagamit ng mga guro para sa panimulang
gawaing magagamit sa paglinang ng mga
kasanayang hinggil sa paglalahad ng mga
detalye,pakiusap,pagsusumamo, at iba pa.
Mga Uri ng Sulatin
Personal na sulatin – Impormal,
walang tiyak na balangkas, at
pansarili. Ito ang pinakagamiting
uri ng sulatin ng mga bata dahil
nagagawa nilang iugnay ang
anumang paniniwala, damdamin,
pag-iisip, o di kaya’y tungkuling
taglay nila sa kanilang sarili.
Transaksiyonal – pormal, maayos
ang pagkakabuo, at binibigyang-
pokus ang impormasyon o
mensaheng nais ihatid dahil
komunikasyon ang pangunahing
layunin ng ganitong sulatin.
Malikhaing Sulatin – masining na
paglalahad ng nag-iisip o nadarama
at karaniwang binibigyang-pansin
ang wikang ginagamit sa sulatin.
Ito’y ginagawa ng ilang tao bilang
midyum sa paglalahad ng kanilang
sariling pananaw sa mga bagay sa
paligid o di kaya’y isang libangan.
Personal na Transaksiyonal na Malikhaing
Sulatin Sulatin Sulatin
Shopping (Grocery Liham-Pangangalakal Tula
list) Panuto Maikling Kwento
Tala Memo Awit
Talaarawan Plano Anekdota
Dyornal Proposal Biro
Diyalogo Patakaran/Tuntunin Bugtong
Liham Ulat Lathalain
Mensahe Adbertisment Nobela
Pagbati Papel-Pananaliksik Dali
Talambuhay
Kumuha ng sipi o kopya ng limang
iba’t-ibang uri ng adbertisment na
matatagpuan sa pahayagan o magasin.
Pagkatapos, gumawa ng talaan ng mga
mensaheng ipinahihiwatig ng mga ito
at suriin kung paano mahihikayat ang
mga mambabasa na bilhin ito.

Pakihanda para ating talakayan.


Ugnayang Pagbasa at Pagsulat – Ang
pagsasanib ng pagbasa at pagsulat ay
dumaraan sa proseso ng ekspresyon at
klaripikasyon – mas maraming
naisusulat sa papel, mas maraming
pagkakataon ang mga mag-aaral na
magwasto (revise), mag-isip muli (re-
think), at maglinaw (clarify) ng sinasabi
ukol sa paksang isinusulat.
Mga Pamantayan na Isinaalang-alang
sa Ugnayang Pagbasa-Pagsulat
1. Kaisahan
• Ang bawat pangungusap ay
kailangang tumatalakay sa
pangunahing paksa. Hindi
bumabaktaw ang ideya nang walang
signal ang bawat talataan. Ginagamit
nang wasto ang mga salita sa
pagbubuo at pagpapatuloy ng
pagpapahayag ng kaisipan ng bawat
pangungusap. Ginagamit ang
pangatnig, pang-angkop, at pantukoy
rito.
2. Kasapatan
• Ang nakalap na mga datos ay may
sapat na kakayahang punoin ang
diwa ng paksang tatalakayin.
3. Kaugnayan
• Ang mga pangungusap ay nag-
uugnay sa bawat isa sa paraang
lohikal.
4. Kalinawan
• Malinaw ang mga pangungusap,
hindi magulo ang pagpapaunlad, at
nauunawaan ang gustong sabihin.
5. Diin
• Nabibigyang-diin ang paksa na nais
talakayin sa pagpapahayag.
Prosesong pagdulog sa Pagsulat
1. Pre-writing (Bago sumulat)
• Ang buong klase ay maaaring dmaan muna sa
brainstorming o malayang palitan at talakayin
ang mga kuro-kuro at pala-palagay. Narito ang
pagtatala sa pisara ng mga talasalitaan,
pangyayari, at pamagat.
• Marahil, mula rito ay Malaya nang makapag-
isip at makapagtatala ang mga estudyante ng
kanilang kaalaman at karanasang may
kinalaman sa paksa.
• Dito rin mapagpasyahan kung ano ang
susulatin ng estudyante, ano ang layunin sa
pagsulat, at ang estilong kanyang gagamitin.
2. Drafting (Pagsulat)
• Naisusulat na rito ang unang burador na
ihaharap ng bawat estudyante sa isang
maliit na grupo upang magkaroon ng
interaksyon kung saan tatalakayin ang
mga mungkahing pagbabago o mga
puna(feedback)
3. Revising
(Pagsusuri/Pagwawasto/Muling-sulat)
• Sa bahaging ito ginagawa ang mga
pagbabago sa pamamagitan ng
pagdaragdag, pagkakaltas, at paglilipat-
lipat ng mga salita, pangungusap o
talata. Bilang pangwakas na hakbang,
pagtutuonan na ang mekaniks ng sulatin
tulad ng baybay, bantas, at grammar.
Mga Pananaw at Gawain ng Pagsulat
1. Pre-writing Ang pagsulat ay isang
prosesong sosyal o panlipunan.
2. Nalilinang ang kasanayang meta-
cognitive ng mag-aaral sa pagsulat dahil
nasasanay siyang mag-isip, magbalak,
mag-uri, at magpalit ng mga ideyang
isinulat.
3. Ginagamit ang pagsulat bilang pagtataya
sa pagsulong ng wika.
4. Sa pagsulat ang mag-aaral ay lumilikha
ng kahulugan sa tekstong isinulat niya
batay sa dating karanasan at kaalaman.
5. Nakatutulong ang pagsulat sa paglinang
ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
lohikal na pag-iisip at pagtulas ng
ADIOS!
HASTA LA PROXIMA!!

You might also like