Professional Documents
Culture Documents
Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang
mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking
kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood ng
isang tao dahil nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng
damdamin at maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang mga
kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at
panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa iba.
Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa
kundi pangangatwiran at pag-iisip.
Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
krunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at
nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan:
7.Nagbibigay ng inspirasyon at nakikita ang iba’t ibang antas ng buhay at anyo ng daigdig.
PROSESO NG PAGBASA
1. Pagkilala sa mga Salita (word perception) - Kakayahang umunawa sa iba’t ibang kahulugan ng
salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas.
Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang
nililinang at kailangang malinang dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang mahusay at
epektibong mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong binabasa, nagagamit ang mga
estratehiya at teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na pangyayari at
iniuugnay ang dating kaalaman at karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng binabasang
teksto.
Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o uri: (A)
Kasanayan sa Bilis at (B) Kasanayan sa Pang-unawa.
Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng mambabasa sa pagbabasa ng
teksto. Ito ay ang bilang ng salitang nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may
katamtamang bilis ay nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang mahusay na mambabasa
nakababasa ng 500 – 600 salita bawat minuto. Ang napakahusay na mambabasa na may bilis ay
nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto. Ang bilis sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa
layunin ng mambabasa at kahirapan ng binabasa.
Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan ang binabasa, kaya pang-
unawa ang siyang mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa. Ang pang-
unawa ay karaniwang inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-unawang natamo ng
mambabasa sa pagsusumikap niyang maunawaan nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay na
mambabasa ay nakatatamo ng 70 – 90% na pag-unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga tekstong nasa
malayang antas.
Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung ano ang
gusto mong malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding magkaroon ka
ng lubos na pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang kuwento, editoryal, ang
isang kolum; ang pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa agham, matematika, pilosopiya – ang
bawat isa’y naglalahad ng iba’t ibang suliranin. Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng
estilo, talasalitaan at pamaraan ng paglalahad. Dahil dito, makabuluhan ang pag-aakma ng bilis sa
pagbasa sa uri ng teksto.
1. Malabong paningin.
2. Kakulangan sa kaalamang panlingguwistika.
3. Kakulangan sa kaalaman sa pagsusuri at pag-unawa sa bagong salita o malalim na salita na
ginamit sa loob ng parirala, sugnay, pangungusap, talata, kwento, at sanaysay.
4. Kakulangan sa kaalaman, impormasyon at karanasan na may kaugnayan sa impluwensyang:
Pangpisikal,pangkapaligiran, panlipunan at kaalamang paksa.
Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga
proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa
at ang pag-unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985).
Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-
unawa sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa
pagtalakay sa konsepto ng pagbasa.
Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan
ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart: (A)teoryang
itaas-pababa (top-down), (B)teoryang ibaba-pataas (bottom-up), (C) teoryang iskema, at (D)
teoryang interaktibo.
Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon
nang dating kaalaman at karanasan.
Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na
ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.
Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman
(schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.
Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-
akda sa teksto.
Ito ay salungat sa teoryang top-down. Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa
sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang
simbolo. Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na nangangahulugang ang pag-
unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta
sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan. Ang
kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel
o tabula raza.
3. TEORYANG INTERAKTIBO
Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon
ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998).Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-
down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa
kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.Samakatuwid, nagkakaroon ng
epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa
estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga
pananaw.
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging
dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano
ang alam na o hindi alam ng mambabasa.
Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at
Pearson, 1984).Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang
maunawaan ang binasang teksto. Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.
Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.sa
kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang
kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin. Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang
mga hinuha o palagay ng mambabasa ay tama, wato, kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid,
ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang
teksto mismo. Dahil dito, dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang
nilalaman ng kanyang isipan.
1. ISKANING
Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak
tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang
salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa
pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung
nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number ng lotto. Ang scanning ay isang
uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular na impormasyon sa aklat o sa
anumang babasahin.
2. ISKIMING
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o
kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang
impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong
papel, riserts at iba pa. Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang
magagawa ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga
pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw
ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.
3. PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang
estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at
pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga sumusunod:
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may
inaantay o pampalipas ng oras.
5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan
kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa
layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang
kaalaman.
6. MATIIM NA PAGBASA
Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa
para
matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.
Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o
pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o
masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.
8. PAGTATALA
Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng
impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging
mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.
METAKOGNISYON SA PAGBASA
Prosesong Metakognisyon
• Kaalaman ng mambabasa sa kanyang sariling kahinaan at kalakasan sa pagbasa
• Kaalaman ng mambabasa kung aling estratehiya ang angkop na gamitin ayon sa sitwasyon
• Kaalaman ng mambabasa sa pagsubaybay sa kanyang pag-unawa kung kailan siya hindi
nakauunawa
MGA ESTRATEHIYA SA PAGBASA
Ang Pinatnubayang Pagbasa – Pag-iisip o Direct Reading – Thinking Activity (DRTA) ay isang
estratehiya sa pagbasa na binuo ni Russell Stauffer (1969) kung saan ang mambabasa ay
nagbibigay ng kanilang sariling hula o palagay tungkol sa teksto. Dito makikita ang tuwirang
interaksyon sa pagitan ng mambabasa at ng teksto.
SURVEY (PAGSUSURI)
● Ito ang paraan upang masanay ang kaalaman ng estudyane sa mga malalawak na balangkas,
pamagat ng kabanata, simula, paksa, at buod.
● Kailangang malaman ng estudyante kung anong uri ng teksto ang binabasa bago makapili ng
estratehiyang gagamitin.
QUESTION (PAGTATANONG)
● Ang mga tanong ay nagiging batayan sa pagkuha at paglilinaw ng dahilan ng pagbasa.
● Ang mga tanong na nabubuo ay nagiging batayan sa pagbabalik-aral.
● Ang mga tanong bago bumasa ay makakahikayat upang hanapin ng mga estudyante ang mga
sagot habang sila’y nagbabasa
READ (PAGBASA)
RECITE (PAGSAGOT)
● Ito ay pagsubok saa sarili upang sagutin ang mga tanong na hindi ibinatay sa mga naisulat.
Kapag hindi makasagot ay saka na titingin sa teksto o aklat.
● Ang sariling sagot sa mga tanong ay nakatutulong sa konsentrasyon ng estudyante.
● Iminumungkahi na ang pagsagot ay gawin pagkatapos ng pagbasa.
● Ang pagpapahayag sa sariling salita ay mas epektibo kaysa sa pagsasaulo dahilan sa ang mga
bagong kaalamang galing sa sariling salita’y hindi madaling malimutan.
Ang anumang tekstong binabasa o sinusulat ay lalong nagkakaroon ng kahulugan dahil sa paggamit
ng iba’t ibang hulwarang organisasyon ng teksto. Ang hulwarang ito ay maaaring nagbibigay ng
depinisyon o katuturan ng isang salita, isyu o tema. Gayundin, maaari naming gamitin ang pag-iisa-isa
o enumerasyon batay sa pangangailangan ng teksto.
A. PAGBIBIGAY-KAHULUGAN O DEPINISYON
Ito ay paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay-kahulugan sa isang salita. Ito rinay paglilinaw
sa kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan. Bawat disiplina o larangan ay may tiyak na
mga salitang ginagamit kaya’t kailangang ipaliwanag ito sa pamamagitan ng depinisyon.
May dalawang uri ng depinisyon: (1) maanyong depinisyon, at (2) depinisyong pasanaysay.
1. Maanyong Depinisyon
2. Klase o Uri (genus) – ang kategoryang kinabibilangan o pangkat na binubuo ng mga katulad na
bagay
Halimbawa: Ang parabula ay isang maikling kuwento na naglalayong mailarawan ang isang
katotohanang moral o espirituwal sa isang matalinghagang paraan.
2. Depinisyong Pasanaysay
Ito ay isang uri ng depinisyon na nagbibigay ng karagdagang pagpapaliwanag sa salita. Ito ay kawili-
wili, makapangyarihan at makapagpapasigla kaya higit itong binabasa ng mga mambabasa. Walang
tiyak nah aba ito basta’t makapagpapaliwanag lamang sa salitang binibigyang kahulugan.
Halimbawa:
Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang sumunod o sumuway sa sariling kalooban. Ang
tinatawag nating malaya ay yaong panginoon ng kanilang kalooban.
Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng diyos sa tao; dahil sa kalayaan ay nakaiilag tayo sa
masama at makagagawa ng inaakala nating magaling……
Gayundin naman may dalawang dimension ang pagbibigay ng depinisyon, ang DENOTASYON at ang
KONOTASYON.
Ang DENOTASYON ay kahulugan mula sa diksyunaryo o dili naman kaya ay salitang ginagamit
sa pinakasimpleng paraan.
Halimbawa: Malapad ang papel na ginamit niya sa ilustrasyon na iyan.
Sa kabilang dako, ang KONOTASYON naman ay nagbibigay ng di-tuwirang kahulugan sa isang
salita. Ito ay maaaring pansariling kahulugan ng isang tao kung kaya’t nagkakaroon ng pangalawang
kahulugan ang salita.
Halimbawa: Malapad ang papel niya sa may-ari ng kompanya.
B. PAG-IISA-ISA O ENUMERASYON
Ang paglilista o enumerasyon ay tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya, katotohanan o detalye
tungkol sa pangunahing ideya. Ang ayos ng mga detalye o ideya ay maaaring magkapalitan na hindi
mababago ang kahulugan.
C. PAGSUSUNOD-SUNOD
Madalas tayong nagkukuwento ng mga pangyayaring nasaksihan o naranasan subalit kung minsan
hindi malinaw ang paghahatid natin ng mensahe dahil na rin sa kakulangan ng mga detalye o kaya
naman ay napaghahalo-halo natin kaya’t maging ang kausap natin ay nalilito kung nababago ang mga
pangyayari. Ang bawat kuwento ay binubuo ng mga sunod-sunod na pangyayari: simula, gitna, at
wakas. Bawat manunulat ay may kanya-kanya ring estilo ng pagkukuwento minsan ay pabalik na
nagsisimula sa gitna, patungo sa simula o tinatawag na “flashback.”
Ang pagsusunod-sunod ay naglalayon ding ipabatid sa mga mambabasa ang isang paksa sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon sa pamamaraang (a) sekwensyal, (b)
kronolohikal at (c) prosidyural.
1. SEKWENSYAL
Halimbawang Teksto
Isang araw, habang naglalakad akong papunta sa eskuwelahan, may narinig akong nagsisigaw ng
“Snatcher! Snatcher!” At bigla na lamang na may bumangga sa akin. Isang batang lalaki, mga 13-taong
gulang at mahigpit ang hawak sa tangan-tangang bag. Hinawakan ko siya sa dalawang balikat habang
nagpupumiglas. Bigla akong napatitig sa kanyang mga mata, natigilan ako, dahil bigla kong naalaala
ang batang si Nicolas.
Noong una kong nakilala ang batang si Nicolas ay 10 taon lamang siya. Nag-aaral, masunurin at
masayahin. Subalit nang huli ko siyang makita ay nalaman kong may tatlong taon na palang patay ang
kanyang ama. Huminto siya sa pag-aaral dahil hindi raw kaya ng kanyang ina na pag-aralin pa silang
magkakapatid. Noon niya naisipan ang magtinda ng diyaryo. Nagbarkada at naging laman ng kalye sa
buong maghapon si Nicolas. At ngayon sa murang gulang na 13 ay marunong nang manigarilyo at
uminom ng alak. Natuto na rin siyang mandukot.
Isa lang si Nicolas sa maraming batang lansangan na inyong nakikita. Minsan lahat silay ay puno ng
pangarap sa buhay. Ngunit ngayon, wala na silang pakialam kung ano man ang kanilang maging
Hindi likas na masasama ang mga batang ito; mga biktima lamang ng masamang kapalaran. May
karapatan din silang mabuhay sa ating lipunan upang matupad ang kanilang pangarap at harapin ang
isang magandang kinabukasan.
2. KRONOLOHIKAL
Halimbawang Teksto
Singapore
Matatagpuan ang Republika ng Singapore sa kipot ng Malacca, isang maliit ngunit maunlad na bansa
sa timog-silangang Asya. Ito ay nakakawing sa Malaysia sa pamamagitan ng lansangang likha ng tao
sa ibabaw ng tubig. Batay sa mga ulat ng Malay, noong 1160 A.D. matapos ang isang bagyo, si Utama
(isang pinunong Malay) ay napagawi sa isang bayan na kung tawagin ay Temasek. Dito ay nakakita siya
ng isang hayop na korteng-leon kaya’t naisipan niyang binyagan ang lugar bilang Singa-pura o
“Lunsod ng Leon”.
Noong 1819, itinatag ni Sir Thomas Stamford Raffles ang makabagong Singapore. Dahil sa
magandang lokasyon ng bansa, hinimok niya ang Britain na bilhin at sakupin ang teritoryo. Naging
bahagi ang Singapore ng Straits Settlements, na noong 1867 ay napaloob bilang kolonya ng Britain.
Sa panahong ito, umunlad ang Singapore bilang isang pangunahing sentro ng kalakalan at
internasyonal na malayang daungan sa pagbubukas ng Suez Canal.
Subalit hindi rin nakaligtas sa pananakop ng mga Hapon ang Singapore. Ang isla ay nasakop mula
1942 hanggang sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ika – 3 ng Hunyo, 1959 nang magsarili ang Singapore. Apat na taon ang lumipas nang sumali ang
bansa sa Pederasyon ng Malaysia. Subalit nang magkaroon ng mga alitan ng pederasyong Malay at
minoryang Tsino, ang Singapore ay tumiwalag at naging malayang bansa noong ika – 9 ng Agosto,
1965.
Kilala ngayon ang Singapore hindi lamang sa pagiging isang industriyalisadong bansa kundi sa
pagkakaroon din nito ng pinakamalinis na lunsod sa buong mundo.
3. PROSIDYURAL
Pagsusunod-sunod ng mga hakbang o prosesong isasagawa. Katulad nito ay mga resipe sa pagluluto,
proseso sa pagkukumpuni ng mga kagamitang elektrikal at iba pa.
Halimbawa:
Paano Bumoto sa Automated Election System?
D. PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST
Sa hulwarang ito ng organisasyon ng teksto, kailangan ang maingat na pagbasa sa teksto upang
mabatid ang nilalaman nito at lubusang maunawaan ang layunin nito. Pang-uri at pang-abay ang
karaniwang ginagamit na salita upang higit na mapalutang ang gagawing paghahambing at
pagkokontrast.
Halimbawang Teksto
Mahiwaga ang buhay ng tao. Katulad nito ay alon sa dagat na hindi natin tiyak kung kailan mag-
aalimpuyo. Maraming paghamon ang dumarating sa buhay ng tao na hinahanapan niya ng solusyon.
Di tulad ng alon na walang makapipigil kapag ito ay dumaluyong. Ang tao ay may sadyang
katangian upang makontrol ang mga bagay na maaaring magdulot ng hindi maganda sa
kanyang sarili at kapwa.
E. SANHI AT BUNGA
Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga. Halimbawa, nakuha
mo ang pinakamataas na grado sa pagsusulit dahil nag-aral kang mabuti. Unang binanggit ang bunga
at sumunod naman sanhi. Tandaan na hindi lahat ng pagkakatao’y nauuna ang sanhi sa bunga. Isiping
lagi ang ganito: Anong ideya o pangyayari ang naunang naganap (sanhi)? Ano ang kinalabasan
(bunga)?
Sa komunikasyon, madalas tayong nagbibigay o naglalahad ng sanhi at bunga. Layunin nitong ipakita
na kaya naganap ang isang pangyayari ay may dahilang nauna pa kaysa rito. Sa gawaing ito, kailangan
nating pag-aralan at tingnang mabuti ang isang pangyayari. Dito’y kailangan ang likas na pagkukuro at
matalinong paninindigan sa pagpapasya at pagpapakahulugan sa mga bagay na nakikita at nababasa
natin.
Halimbawang Teksto
Kung dumarating ang malalaking baha, lahat ay napipinsala. Ang mga pananim ay nasisira. Ang mga
kalye ay lalong nasisira. Maraming bahay, kasama ang mga kasangkapang nababad, ay baha ang
F. PROBLEMA AT SOLUSYON
Binibigyang pansin sa hulwarang ito ang pagtalakay sa ilang problema o suliranin at paglalapat ng
solusyon o kalutasan. Ang mga problema at solusyon sa teksto ay maaaring lantad o ipinahihiwatig
lamang. Inihahayag ditto ang kaisipang dapat malutas at sa dahan-dahang eskalasyon ng mga
pangyayari o sitwasyon ay makikita ang paraan upang ito’y matugunan o matumabsan ng aksyon.
Sa mga akdang pampanitikan tulad ng kuwento, matutukoy ang problema sa dinaranas na suliranin ng
pangunahing tauhan. Ito ay lalong magpapatibay sa pagkakahawak ng manunulat sa atensyon ng
kanyang mambabasa na maaasahang hindi titigil hangga’t hindi niya nakikita kung ano ang nagging
kalutasan ng suliranin. Ito rin ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-
wili at kapana-panabik ang mga pangyayari kayat sinasabing ito ang sanligan ng akda.
Tunghayan ang halimbawa ng tekstong naglalahad ng mga bahagi ng maikling kuwento at bigyang-
pansin kung papaano nabigyang solusyon ang problema o suliranin nito.
Halimbawang Teksto:
PANANALIKSIK / SAYENTIPIK
Dengue Fever
Ang dengue fever ay isang uri ng sakit na dala ng lamok na carrier ng arbovirus. Naging alarming ang
dengue, hindi lamang dito sa Pilipinas magin sa ibang panig ng mundo, lalo na sa parting Middle East,
Far East Africa at dito sa Asya. Kung minsan ang kapabayaan at ang kakulangan sa kaalaman ang
nagiging sanhi ng kamatayan ng isang may sakit na dengue.
Paano makaiiwas sa sakit na dengue? Una sa lahat, huwag kang pakagat sa lamok. Maging maingat
sa paligid at mga bagay na maaaring pamahayan ng lamok.
Ano-ano ang mga paraan para di pamahayan ng lamok? Narito ang ilang paraan:
Ang pangunahing ideya ay paksang pangungusap na batayan ng mga detalyeng inilahad sa teksto. Ito
ay maaaring matagpuan sa introduksyon, katawan o kongklusyong bahagi ng teksto. May mga
pagkakataon naman na ang pangunahing ideya ay hindi tuwirang binangggit sa teksto.
Samantala, ang pansuportang ideya ay mga detalyeng may kaugnayan sa paksang pangungusap
upang lubusang maunawaan ang kaisipan ng teksto. Ang pagtukoy sa mga pansuportang detalye ay
malaking tulong upang matukoy ang paksa at pangunahing ideya ng teksto.
Halimbawang Teksto
Pangunahing Ideya:
● Karapatang mabuhay
● Karapatang maging mahalaga
● Karapatang maging maunlad
Layunin (objective) – tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat o awtor
sa kanyang mambabasa. Ito ay maaaring manghikayat, mang-impluwensiya, mangaral,
magtanggol, mang-aliw, manlibang, magbigay ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o
prinsipyo, magturo ng kabutihang asal at iba pa. ang isang teksto ay maaaring may dalawa o higit
pang layunin depende sa hangarin ng manunulat.
Pananaw (point of view) – ito ay tinatawag ding punto de vista. Sa maluwag na pagtuturing,
masasabing ito ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda. Gayunman, sa pagtalakay ng
anomang akda o teksto, ito ang sumasagot sa tanong na “Sino ang nagsusulat o nagkukuwento?”
Unang panauhang pananaw – ako, ko, akin, atin, natin, tayo, kami
Ikalawang panauhang pananaw (tagamasid) – ikaw, mo, ka, iyo, kanila, kita, kayo, inyo, ninyo
Ikatlong panauhang pananaw – siya, niya, kanya, sila, nila, kanila
Halimbawang Teksto
Saan nga ba sa mundo makakakita ng isang dayuhan sa sariling bansa? Meron ba? Nais kong ibahagi
sa inyo kapwa ko Pinoy ang isang simpleng artikulo. Simple pero parang mahirap gawin ng karamihan
sa atin, pero kung kakayanin, baka sakaling magawa. Hindi ito makukuha sa puro daldalan lang or
walang kabuluhang pagtatalo, kumilos tayo, ngayon na.
Madalas mangibang bansa ang mga Pilipino. Natural, kahit papaano, mag-iiba ang kanilang ikikilos.
Sa ibang bansa, kapag sila ay nagkasala, pinarusahan sila ayon sa batas. Sa Pilipinas, kapag
nagkasala ang Pinoy, ayaw niyang maparusahan kasi sabi niya mali raw ang batas. Ang galing
mangatwiran. Lalo na kung ang batas ay hindi positibo sa kanila.
Sa ibang bansa, pinag-aaralan muna ng Pinoy ang mga batas bago siya pumunta roon, kasi takot
siyang magkamali.
Sa Pilipinas, kapag nagkamali ang Pinoy, sorry kasi hindi raw niya alam na labag sa batas iyon. Kasi
naman, hindi nga inaalam, at kahit alam na, kunwari hindi batid lalo na kung nahuli.
Sa ibang bansa, kahit gaano katas ang bilihin at tax sa USA okey lang, katuwiran natin doble kayod
na lang. samantalang sa Pilipinas, kahit tripling kayod pa…ayaw magbayad ng tax. Pero ang lakas
nilang ipagsigawan ang dapat gawin sa gobyerno sa kanila.
Sa Singapore, kapag nahuli kang nagkalat o nagtapon ng basura sa hindi tamang lugar, magbabayad
ka ng 500 Singapore dollars. Sabi ng Pinoy, okey lang kasi lumabag ako sa batas. Korek! Saka wala
sila sa sariling bansa.
Sa Pilipinas, kapag nagkamali ang Pinoy katulad ng ganito, sabi ng Pinoy, ang lupit naman ni Bayani
Fernando, mali naman ang pinaiiral niyang batas eh, akala mo kung sino siya. Ayun nag-rally na ang
Pinoy, gustong patalsikin si Bayani Fernando kahit na alam niyang mali siya.
Sa ibang bansa, hindi maidikit ng mga Pinoy ang bubblegum kahit saan o itapon man lang, takot silang
mahuli at maparusahan.
Sa Pilipinas, taos-puso pang idinidikit ng mga Pinoy ang bubblegum kahit saan, at madalas ay sa mga
ilalim pa ng upuan o mesa. Tingnan mo ang kinauupuan mo ngayon o kaya ay damhin ng iyong palad,
baka may makapa kang bubblegum ngayon. Kapag sila ay nahuli, sasabihin pa “TRIP LANG.”
Sa ibang bansa, bawal manigarilyo sa loob ng mga pampublikong sasakyan. Ang mga Pinoy, sagrado
ang pagsunod sa ganitong batas.
Sa Pilipinas, nakadikit na nga sa loob ng sasakyan ang “Bawal Manigarilyo” ang drayber ng sasakyan
ang walang hinto sa kakahithit ng sigarilyo. Parang naisip ko tuloy, maraming drayber ang hindi
tumuntong ng Grade 1 at hindi marunong magbasa.
Sa ibang bansa, kapag nakita ka ng drayber na lilipat sa tamang daan, kusa silang hihinto at
padadaanin ka. Madidismaya nga lamang sila kapag hindi ka naman tumawid. Kaya kung wala kang
balak tumawid, huwag kang lalapit sa tamang daanan dahil ganoon kabait ang mga drayber sa ibang
bansa, pagbibigyan ka kahit nagmamadali sila.
Sa Pilipinas, maraming tangang drayber o parang lahat yata ay may LBM, kasi nagmamadali, kahit
may lumilipat na, mabilis pa rin ang pagtakbo ng mga sasakyan, hindi man hihinto kung hindi mo pa
sila bibigyan ng senyales ng paghinto. Minsan, nakatawid kana sa kalahating daan, kailangan mo pang
hintayin ang paghinto sa kabilang daan.
Naalala ko tuloy noong isang araw, kailangan ko pang pumunta sa tamang tawiran para doon tumawid.
Pinagtawanan ako ng aking mga kasama at sabi “bakit ka pa pumunta doon ang layo, pwede naming
tumawid dito wala namang sasakyan.” Ang sagot ko sa kanila “kakaunti na nga lamang kaming
sumusunod sa tama, mababawasan pa kami.”
Bilang pagwawakas, alam kong marami sa inyo ang natatawa sa mga binanggit ko, marami sa inyo
ang nakapag-reflect at marahil ay tinamaan kahit kaunti lamang. Mamaya, babaguhin ang sarili dahil
may epekto pa ang mga sinabi ko. Pero ang tanong ko lang, hanggang kalian ang pagbabago? Bukas?
Sa buong linggo? Isang buwan? Isang taon? O ngayon lang?
Bakit ang Pinoy, puwedeng maging law abiding citizen sa ibang bansa nang walang angal pero sa sarili
nating baying Pilipinas na sinasabi ninyong mahal natin, eh hindi natin magawa, BAKIIITTTTT?
Halimbawang Teksto
Ang Paninigarilyo
Ang paninigarilyo ay isang kasanayan kung saan sinusunog ang isang sangkap,
pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob sa bilot ng sigarilyo, at nilalanghap at nilalasahan ng usok.
Pangunahing ginagawa ito bilang isang anyo ng paggamit ng droga bilang isang libangan dahil sa may
nicotine na nailalabas ito at ginagawang madaling masipsip ng mga baga. Maaaring ginagamit ito
bilang bahagi ng rituwal, upang hikayatin ang kawalan ng ulirat at ispirituwal na kaliwangan. Ang
sigarilyo ang pinakakaraniwang kaparaanan ng paninigarilyo sa ngayon, at pangunahing ginagawa ng
mga pagawaan ngunit maaaring din gawin mula sa hiwa-hiwalay na tabakong nirolyo sa papel sa
pamamagitan ng kamay.
Mauubos ang tao dahil sa Paninigarilyo
Limang milyong tao ang namamatay taon-taon dahil sa sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Sa loob
lamang ng limang taon, 30 – milyon ang namamatay. At kung hindi maihihinto ng smokers ang
masamang bisyo, maaaring mauubos ang mga tao sa mundo. Nakakakilabot na ang pagkaubos ng
sangkatauhan ay dahil lamang sa bisyo. Karaniwang ang mga sakit na emphysema, sakit sa puso at
bronchitis nakukuha sa paninigarilyo. Ang ganitong problema ay hindi naman dapat ipagwalang-bahala
Ipagpalagay na hindi mo pa nabasa ang isang akda o teksto. Magagawa mo kayang mabigyang
kahulugan ang pamagat nito? Sa paanong paraan? Makabubuo ka ng maraming hinuha habang
nagbabasa.
Ang hinuha o palagay at implikasyon ay halos nagbibigay ng iisang kahulugan. Nagkakaiba lamang
ang mga ito batay sa kung sino ang gumagawa o tumatanggap ng ideya o kaisipan. Ang manunulat at
tagapagsalita ay nagpapahiwatig o nagbibigay ng implikasyon; ang mambabasa o tagapagsalita ang
nagpapalagay o nagbubuo ng hinuha.
Sa paghihinuha, epektibong maipapahayag kung gagamitin ang mga panandang: siguro, marahil,
baka, waring, tila, sa aking palagay, sa tingin ko, maaaring, at iba pa.
Ang paghula ay isang kasanayang naglalayong hulaan ang kalalabasan ng pangyayari o kuwento.
Madalas itong gamitin sa pagbabasa ng kuwento o nobela. Ang may-akda o manunulat ang nagbibigay
ng implikasyon o mga pahiwatig sa akda na bumuo ng paghuhula o prediksyon ang mga mambabasa.
Kaugnay ng pagiging interaktibo ng tao, karaniwan nang Gawain ang pagbibigay ng sariling pananaw
o ideya hinggil sa kanyang nabasa, narinig, napanood o naranasan. Sa pagbibigay ng tiyak na
pananaw sa mga ito, karaniwang humahantong sa pagsasang-ayon o pagtutol.
Halimbawang Teksto
Bilang isang guro sa mahabang panahon, karaniwan ko nang marinig sa mga estudyante ang mga
komentong “mahirap ang Math”, “ayaw ko sa Math”, “pinakaayaw ko sa lahat ng mga asignatura ang
Math”, “waterloo ko ang Math” at iba pang mga negatibong mga salita kapag nabanggit ang Math.
Alam ng lahat na ang math ay isa sa mga mahahalagang asignatura sa kurikulum mula elementarya,
sekondarya hanggang kolehiyo. Ginagamit ito ng lahat ng tao sa pagharap ng pang-araw-araw na
pamumuhay mula sa paggising sa umaga hanggang sa bago ito matulog.
Pinapatotohanan ng mga pag-aaral na ang pagkuha ng test na may takdang oras at ang hayagang
pagkapahiya ang mga kinikilalang dahilan ng pagkakaroon ng negatibong pagtingin sa math. Dagdag
pa ang mga regular na ginagawa sa traisyonal na paraan ng pagtuturo ng math. Ang mga ito ay ang
labis na pagdikta sa mga estudyante, lantarang pagpapahiya at pagsunod sa mga “deadline”. Sa
ganitong pagkakataon, kinakailangan ang pagrebisa ng mga metodolohiya sa pagtuturo. Dapat
bigyang pansin ang pagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataon na makibahagi at magpakita o
magsabi ng kanilang saloobin tungkol sa araling pinag-uusapan.
Pangangailangan ng mga estudyante ngayon ang matutuhan ang mga praktikal na math. Ang mgaralin
ay dapat batay sa kung ano ang gagamitin ng mga estudyante sa pang araw-araw na pamumuhay.
Lubos nilang matutuhan ang mga aralin kung sila’y mabibigyan ng mga gawaing magtuturo sa kanilang
mag-isip, magsiyasat, magbigay ng kongklusyon at gumawa ng ebalwasyon.
Dapat hikayatin ang mga estudyante na harapin ang math sa positibong pananaw para maibsan ang
tensyon, pagkabalisa at takot sa math. Ang positibong pananaw ay may malaking impluwensiya sa
pag-abot sa minimithing tagumpay. Ang humor sa pag-aaral ng math ay malaki rin ang maitutulong.
Gustong-gusto ng mga estudyante lalo na ng mga bata ang “cartoons” at mga biruan. Puwedeng
gamitin ang cartoon sa pagsisimula ng bagong konsepto o aralin sa klase. Mas madaling maunawaan
at matandaan ang mga aralin kung maipipresenta ang mga ito sa kongkretong pamamaraan.
Halimbawa, pagmanipula ng mga kongkretong bagay para ituro ang isang konsepto, paggamit o
pagpapakita ng mga larawan, simbolo o modelo para mas lubos na maunawaan ang isang “abstract”
na konsepto.
Sa kabuuan, ang “math anxiety” ay totoo at nararanasan ng maraming estudyante. Nangyayari ito sa
kadahilanang hindi nabibigyan ng matamang atensyon at konsiderasyon ang iba’t ibang estilo ng
pagkatuto ng mga mag-aaral. Kinakailangan ng mga guro na rebisahin ang mga tradisyonal na paraan
ng pagtuturo na kadalasang hindi nagtutugma ang mga metodolohiya sa estilo ng pagkatuto ng mga
estudyante. Ang mga aralin ay puwedeng ituro sa iba’t ibang paraan. Halimbawa, ang bagong konsepto
ay maaaring ituro sa pamamagitan ng pag-arte, paggugrupo, mgalarawan, modelo, at teknolohiya. Ang
Ang pagbubuod ay isang paraan ng papapaikli ng anomang teksto o babasahin. Ito ay paglalahad ng
mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi sulating orihinal o
hindi kailangang maging sariling akda. Wala kang isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa
paksa. Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit na
katotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-akda.
Sa pagbubuod ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Kung maikling kuwento
ang binubuod o nilalagom, kailangan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat
padampot-dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi. Kailangang maging malinaw ang
pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang ekspositori , maaaring ilahad ang mga dahilan at
katuwirang ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad.
● Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
● Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng
talata.
● Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
● Gumamit ng sariling pananalita.
● Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.
Halimbawang Teksto
Orihinal
Sa India, naniniwala ang mga tao na may isang diyosang pumapatnubay sa mga batang nagnanais
matuto. Ang diyosang ito ay tinatawag nilang Saraswati.
Isang gabi, habang nakaupo sa kanyang bulaklak ng lotus at nag-iisip kung bakit tila hindi interesado
ang mga tao sa lupa na tumuklas ng karunungan, naulinigan si Saraswati ang ganitong pag-uusap.
“Prem, anak, madilim pa bukas ay kailangang gumising ka na. Hindi biro ang lalakbayin mong sampung
kilometro patungo sa eskuwelahan at sampung kilometro pabalik.”
“Huwag kayong mabahala, Ina,” sagot ng batang lalaki. “Mag-iingat po ako sa daan.”
Buod
Naniwala ang mga taga-India na may diyosa ng karunungan, si Saraswati, na pumapatnubay sa mga
batang ibig matuto.
Isang gabi, napakinggan ni Saraswati ang pag-uusap ng batang si Prem, na ulila na sa ama, at ng
kanyang ina. Papasok si Prem sa paaralan kinabukasan at nag-aalala ang kanyang ina sa tigre at iba
pang hayop sa gubat na daraanan ni Prem patungo sa paaralan. Ngunit sinabi ng bata na
papatnubayan siya ni Saraswati, na bumulong sa sariling matutupad ang sinabi ni Prem.
● Basahin at unawain ang pamagat at sab-seksyon ng teksto upang matukoy ang layunin nito.
● Pansinin at unawain ang legend at scales na ginamit.
● Tingnan kung ang grap ay mayroong nakasaad na mga tala sa paligid, itaas o ibabang bahagi.
Tuklasin ang mga kahulugan nito batay sa legend.
● Suriing mabuti ang bawat bahagi.
1. MAPA
● ang mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay nagtuturo sa mga
palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay direksyon.
● ang pagbibigay ng direksyon ay isang uri ng pagpapaliwanag. Tulad ng pagpapaliwanag ng
paggawa ng isang bagay, nangangailangan ito ng katiyakan, kapayakan at kaliwanagan. Kailangan
din ang maliwanag na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na kailangang sundin.
2. TSART
● Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng hanay batay
sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.
3. GRAP
Ang grap ay mauuri sa sumusunod: (a) larawang grap, (b) linyang grap, (c) bar grap, at (d) bilog na
grap.
4. TALAHANAYAN (TABLE)
Ang talahanayan ay naglalahad ng datos sa tabular na anyo. Sistematikong inilalagay sa mga hanay o
kolum ang mga nalikom na datos.
Halimbawa:
Cebuano Taga-Cebu, Negros, Leyte at ilang bahagi ng Mindanao 14, 092, 547