You are on page 1of 45

Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Mabuhay! Kinagagalak kong natapos mo ang iyong

Modyul 5: SINING NG PAGBASA
mga pagsasanay sa Wika at Komunikasyon. Ano
naman kaya ang ating susunod na tatalakayin?
Halina’t alamin!

LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin sa ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ang iba’t-ibang pamamaraan sa pagbasa at mga teknik nito;

2. napapahalagahan ang pagbasa sa tao at komunidad;
3. napag-isa-isa ang iba’t-ibang estilo sa pagbasa na makahuhubog sa kakayahan sa larangan ng pagbabasa;
4. makapagpakita ng higit na mataas na antas ng pagbabasa gamit ang mga piling babasahing
malinaw na naipaliliwanag ang mga uri ng pagbasa
5. natatalakay ang mga kasanayang malilinang

NILALAMAN

a. Kahulugan at Layunin ng Pagbasa

b. Proseso ng Pagbasa/Hakbang
c. Teorya ng Pagbasa
d. Uri at Estilo ng Pagbasa
e. Katangian ng mga teksto at register ng mga babasahing akademiko sa iba’t ibang disiplina

PANIMULA

Alam mo ba na isa ka sa mapapalad na tao? Dahil sa kakayahan mong makapag-isip at makapagpahayag ng iyong
iniisip at nararamdaman. Ang ating mga nakikitang nakalimbag na simbolo sa iba’t ibang lugar o ang pagbabasa sa bawat
oras ay nakakatulong sa atin upang malinang ang kaisipan at makapagkonekta sa ating mundong kinagagalawan.

Napatunayan na ang mga kaalamang nakukuha sa pagbabasa ay talinong makakamit na naging daan upang mabago
ang perspesyon at maging ang katayuan sa buhay ng isang masigasig magbasa. Nagsisimula tayong magbasa mula sa tahanan
hanggang sa patuloy na paghubog sa pagpasok sa eskwelahan. Ito ay naging libangan ng karamihan kung kaya’t marami ang
natutong makisalamuha sa kapwa. Palaging handa ang taong palabasa sa kahit ano mang hamon ang ibato sa kanya ng buhay.
Kaya halina’t magbasa at matuto!

79
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Panimulang Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang ipinapahayag. Ilagay ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng kungkatotohanan.
Kung MALI naman ang pahayag, salungguhitan at isulat sa patlang ang tamang sagot bakit mali ito.

_______________1. Ang pagbasa at pakikinig ay itinuturing nating receptive or input knowledge.

_______________2. Sa pagbasa, ang iyong utak ay maihahambing sa isang computer memory sapagkat ang utak mo’y
malaki ang kapasidad na ma-enkowdan ng maraming kaalaman at impormasyon.

_______________3. Isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease o pagka-ulianin pagdating ng ikaw ay
nagkakaedad na ay ang pagbabasa ng napakarami.

_______________4. Sa limang kasanayang pangwika, ang pagsasalita at pakikinig ang lubos na binigyang-tuon, sapagkat
ang dalawang ito ang pinakamahalagang larangang pang-akademiko na dapat mong paghusayan.

_______________5. Sa pagbasa, kinikilala mo ang mga kaalamang nakalimbag batay sa pagkakasulat ng may-akda nito.

_______________6. Sa pagbasa, kinikilala mo ang mga kaalamang nakalimbag batay sa pagkakasulat ng may akda nito.

_______________7. Ang pagbasa ay gamit sa pakikipagtalastasan.

_______________8. Sa pagbasa matutukoy ang antas ng komunikasyon kung berbal o di berbal.

_______________9. Kung ano ang basa sya rin ang sulat.

_______________10. Nakakarating ang nais ipahayag ng manunulat sa pamamagitan ng kanyang mga akda na binabasa ng
mga mambabasa.

Lesson 1: PAGBASA
Paano mo bibigyang kahulugan ang salitang PAGBASA? Anong kadahilanan ang maaari nating isaalang-alang sa
larangan n pagbabasa?? Bweno, ating pag-aralan kung ano ang ibig sabihin ng pagbabasa. Tena at magbasa.

Ang pagbasa ay isang kasanayang kinakailangang matutunan ng bawat isa. Sa paraang ito ay makakaagapay ang
sinuman sa bilis ng takbo ng buhay at magagamit niya ang kanyang natutunan sa pagbabasa tungo sa kanyang sariling
kakanyahan sa pag-unlad.
80
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Hindi sapat ang matutunan mo ang paraan ng pagbasa sapagkat ang pagbasa nang walang pagpapakahulugan o
walang pang-unawang isinasaalang-alang ay tulad lamang ng isang bagay na walang silbi. Kinakailangang maging malawak
ang ating pang-unawa sa ating mga binabasang akda at siguraduhing nauunawaan ang lahat ng iyong binabasa.

MGA KAHULUGAN NG PAGBASA

Ang pagbasa ay kompleks, daynamikong proseso ng pagdadala ng mensahe sa teksto at pagkuha ng kahulugan mula
sa teksto. Halina at tunghayan natin ang mga kahulugan ng pagbasa ayon sa iba’t ibang mga awtor.

1. Ang PAGBASA ay integratibong proseso ng pagsasanib ng apektibo, perseptwal, at kognitibong domeyn.

(Rubin at Bernhardt)

2. Ang PAGBASA ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay.
Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.(Baltazar, 1997)

3. Ang PAGBASA ay isang “psycho-linguistics guessing game” (Goodman)

Samakatwid, ang nagbabasa ay muling bumubuo ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong binasa. Sa
ganitong pagkakataon, nagbibigay ang mambabasa ng sariling paghahaka o panghuhula, pagtataya,
Pagpapatunay, pagrerebisa, o kaya may higit pang pagpapakahulugan.

4. Ang PAGBASA ay pag-uugnay sa kakayahang bumuo ng mga konsepto at kasanayan sa pagproseso ng mga
impormasyong binasa. (Coady)
Kinakailangan na lubos ang pag-unawa sa binasang teksto, at naiuugnay ang dating alam na at makabuo ng
konsepto, kasanayan at kaisipan mula sa mga naiprosesong impormasyon.

5. Ang PAGBASA ay kakayahang pangkaisipan at kakayahang intelektwal ng isang tagapagbasa. (Badayos)

6. Ang PAGBASA ng anumang uri ng katha ay nagkakabisa sa ating isip, damdamin, at asal. (Belvez et al., 2004)

Sa kabuuan, ang pagbasa ay isang dinamikong gawaing kailangang maiproseso sa utak upang mabigyan ng
kahulugan at maunawaan ang mga bagay na binasa at mabigyan ng kahulugan. Hindi sapat na nakakabasa ang isang
nagbabasa. Kinakailangan niya ang komprehensiv ability upang malapatan ng kahulugan ang anumang bagay na
kanyang nabasa.

Sa katunayan, ang matagumpay na pagbasa ay nakasalalay sa mismong pag-unawa sa proseso ng pagbasa at

nagpapahintulot na matuto ng mahuhusay na istratehiya sa pagbasa (Weaver, 1980). Madalas, tayo ay nagbabasa
upang magpalipas lamang ng oras, kaya’t hindi natin natatamo ang pang-unawang dapat na naiproseso sa ating
isipan.

Ang mahusay na pagbasa ay nakadepende sa masusing pagkilala ng mga letra, salita at kung paano binabaybay
ang mga ito. Kapag ito ay nangyari, magiging pamilyar na ang mga mambabasa sa pagkilala ng mg asalita at

81
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

magtutuloy-tuloy na ang daloy mula sa pagkakasulat, pagkakalimbag hanggang sa pagbuo ng kahulugan. (Adams,
1990)

LAYUNIN NG PAGBASA

Ang bawat isa sa atin ay may mga pansariling kadahilanan bakit nagbabasa. Napakaraming dahilan bakit nagbabasa
ang tao, at iyon ay depende sa kanilang mga pangangailangan at katayuan sa buhay. May mga taong nagbabasa dahil sa sarili
nilang kadahilanan, may mga nagbabasa naman upang makahanap ng lunas para sa ibang tao. Subalit upang tayo ay
malinawan at matukoy ang tunay na kadahilanan sa pagbabasa, ating tunghayan ang paksa sa ibaba hinggil sa layunin o
kadahilanan bakit tayo nagbabasa. Narito ang iba’t-ibang layunin o dahilan natin bakit tayo nagbabasa. Halina at tunghayan
ang ilan sa mga kadahilanan upang makapagbasa ang isang tao.

1. Nagbabasa tayo upang maaliw.

Minsan sa buhay natin nararanasan natin ang kabagot bagot na mga sandal, animo’y walang humpay na inip
kung kaya’t tayo ay gumagawa ng mga paraan upang maaliw, subalit magkaminsan, napakagastos ang mag aliw ng
sarili tulad ng pagpunta sa malls, panonood ng sine. Sa pagbasa ay naaaliw natin ang ating sarili at higit pa riyan ,
tayo ay naaaliw at natututo. Nahahasa ang ating kaalaman habang tayo ay naaaliw.

2. Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito sa ating kaisipan.

Aksidente man o sinadya ang isang pagtuklas, ito ay Mahalaga pa rin. Kung bakit tayo nagbabasa, kailangan
din nating may matutunang iba, maliban sa mga bagay na dati na nating alam. Sa pagbabasa, nakakatuklas tayo ng
panibagong kaalaman, at dagdag dunong na makukuha natin sa pagbabasa.

3. Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.

Bukod sa mga bagay na alam na natin, natutunan natin ang mga praktikal na aral dahil sa mga nababasa natin
na nagiging gabay natin sa ating buhay. Nababago ang ating mga pananaw dahil sa mga nababasa natin. Maaring
kapulutan ng aral na siyang gabay natin sa ating buhay.

4. Mapaglakbay ang ating diwa sa mga lugar ng pinapangarap nating marating.

Normal na sa tao ang magkaroon ng hangaring makapaglakbay sa ibang lugar na hindi pa niya naratating,
mga lugar na pinapangarap marating subalit nahahadlangan dahil sa mga kadahilanan tulad ng kawalan ng pondo.
Subalit sa pagbabasa, nararating natin ang mga lugar na nais nating marating ng libre at walang gastos. Bukod sa
nakakapaglakbay ka na, nahahasa pa ang iyong komprehensyon.

5. Mapag-aralan natin ang kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa
kulturang ating kinagisnan.

82
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Nalalaman at napag-aaralan natin ang iba pang kultura, napapahalagahan natin ang mga pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga kultura ng ibang lahi. Dahil dito nagiging “aware” tayo sa ibang kultura, mga kinagisnang
kaugalian at kung magkaminsan ay naaaplay din natin ang kanilang mga kultura.

MGA PROSESO SA PAGBASA

Si William S. Gray, ang tinaguriang Ama ng Pagbasa, ay naglahad ng apat (4) na proseso sa pagbasa, gaya ng mga
sumusunod:
1. Persepsyon - pagbasa sa akda o pagkilala
Ito ang unang proseso sa pagbabasa. Magiging walang saysay ang pagbasa kung walang pagkilala sa mga
nilalaman ng akdang iyong binabasa. Tulad ng pagsagot sa tanong na : ano, sino, saan, kailan, at ilan.

2. Komprehensyon - ang pang-unawa sa binasa

Ang pagbasa ng walang pang-unawa ay walang saysay. Hindi sapat ang pagbasa lamang, kailangan ang
komprehensyon. Ibig sabihin ay nauunawaan mo ang iyong binabasa sapagkat ang pangunahing layunin ng pagbasa
ay ang pag-unawa. Habang nagbabasa ay inuunawa na dapat ang iyong binabasa upang matamo ang nararapat na
pang-unawa.

3. Asimilasyon - ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga kaalaman mula sa binasa at sa mga dating karanasan
Dito napag-uugnay-ugnay at napagsasama sama ang mga nilalaman ng iyong binabasa. Naaasimila mo ang
nilalaman ng kwento.

4. Reaksyon - ang hinuha sa binasa

Mahalaga ang reaksyon sa proseso ng pagbabasa sapagkat dito malalaman kung naunawaan mo ba ang iyong
binasa or wala kang naunawaan. Maaaring ang reaksyon ay positibo o negatibo, maaaring napapahalagahan o hindi
napapahalagahan ang mga binasang akda. Ang Mahalaga ay ang iyong reaksyon sa iyong binasa upang matukoy
kung may pagsang-ayon o wala.

Lesson 2: MGA TEORYA SA PAGBASA

K a t u l a d n g i b a n g
sa tradisyunal na pagkilala sa mga nakalimbag na salita hanggang sa pag-unawa sa mga ito. Dito, ang mga mag-
aaral ay nagkakaroon ng kontrol at manipulasyon sa kanyang binasa.

f. Teoryang Bottom-Up - batay sa teoryang “stimulus response” ang sentro ng pagbasa ay ang teksto na kailangan
munang maunawaan ng mambabasa bago siya makapagbigay ng kaukulang reaksyon o interpretasyon
Proseso: Nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa (up)

g. Teoryang Top-Down - ang mambabasa ay nagiging aktibong participant sa pagbasa dahil sa taglay niyang stock
knowledge o mga nakaimbak na kaalaman bunga ng kanyang karanasan.
Proseso: Ang daloy ng impormasyong ito ay nagsisimula sa itaas patungo sa ibaba na ang ibig sabihin, ang pag-
unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.

h. Teoryang Interaktibo - learning is a two-way process. Hindi monopolyo ng mga mambabasa ang pag-unawa sa
teksto. Ito ay kombinasyon ng bottom-up at top-down.
Proseso: Ang daan sa pang-unawa ay ang komprehensiyon

83
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

i. Teoryang iskema - tumutukoy ang teoryang ito sa kalayaan ng mambabasa na magbigay ng kahulugan sa teksto.
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman
(prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng
mambabasa.

URI NG PAGBASA

Iba’t-iba ang estilo ng ating pagbabasa kung kaya’t ating alamin kung ano nga ba ang tamang istilo sa pababasa.

Paraan ng Pagbabasa
Paano ba ang iyong kaparaanan sa pagbasa? Paano ka ba magbasa? Depende sa nagbabasa kung paano niya
babasahing ang isang akda subalit sa katotohanan ay may apat na kaparaanan ang pagbabasa. Dito mo matutukoy kung paano
ka magbasa. Ito ba ay malakas, tahimik ka ba kung magbasa? Gaano ka kabilis magbasa? o mabagal ang paraan mo sa
pagbasa. Narito ang mga paraan kung paano tayo magbasa. Halina at tuklasin.

1. Malakas – ang paraan ng pagbasa na nangangailangang maiparating sa mga tagapakinig nang malinaw
at may kaayusan ang nilalaman ng isang particular na teksto. Ang tindig, lakas ng tinig, tamang bigkas ng
mga salita, kontak sa mga tagapakinig, at tamang paghawak ng aklat ang mga pangunahing kailangan sa
malakas na pagbasa. Ginagamit ang pagbigkas ng malakas kung nais ipakita ang diin at emphasis ng
mga salitang binabasa.

Halimbawa: oral reading na ginaganap sa klase

may kompetisyon sa sabayang bigkas

2. Tahimik- ito ang paraan ng pagbasa na tanging mga mata lamang ang ginagamit sa pagbabasa. Hindi
kikibot ang bibig, palatandaan ng pagkakaisa at prosesong nagaganap sa pamamagitan ng matuling
pagbasa ng tinatamaang mga letra ng lente ng mata at matuling naipoproseso sa isip para sa mabilis na
pagkaunawa. Sa ganitong paraan ng pagbasa ay dapat ding isaalang-alang ang mga sumusunod: tamang
posisyon ng katawan at pook kung saan isasagawa ang pagbabasa

Halimbawa: Tahimik na pagbasa at

paggawa ng dyornal

3. Mabilis-dito matutukoy ang “accuracy” ng pagbabasa. Ang isang mag-aaral sa kolehiyo ay nakababasa
ng dalawandaa’t limamung salita (250) hanggang tatlungdaan at limampung (350) mga salita bawat
minute. Tinatayang ang magaling na pagbasa ay nasa pagitan ng limang daan (500) hanggang pitong
daan (700) na salita bawat minute o kaya ay mas higit pa.
Halimbawa: nasusukat ang bilis ng pagbasa
sa oras na iginugol

84
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

4. Mabagal-ayon kay Austero, (2002), may mga salik na Sinasabing dahilan kung bakit nagiging mabagal
ang pagbasa tulad ng isahang salitang pagbasa (word for word reading), mabagal na perseptwal na
reaksyon, hindi agarang pagkilala at pagtugon sa babasahing, bokalisasyo, mahinang mga mata,
regresyon na nakamihasnan , kulang sa konsentrasyon, walang praktis sa pagbabasa, kawalan ng
interest, takot na hindi maunawaan ang binabasa kaya matagal ang oras na ibinibigay sa pagbasa ng
bawat salita, “habit” na ang mabagal na pagbasa, kahinaan sa ebalwasyon kung ano ang importante sa
hindi importante. Ang kagustuhang maalalang lahat ang binasa kaysa piliin lamang ang ilang bahagi ng
binasa.
Halimbawa: ang pagbasa ng mabagal ay pagkakaroon ng
malalim na pagkilala sa awtor

A. Pagbasa ayon sa Layunin

1. Masusing Pagbasa - tinataglay nito ang pagiging mapanuri at kritikal na pagbasa. Nakatuon ito sa pag-aaral ng
nilalaman at istruktura ng teksto. Sinusuri at binibigyan nito ng wastong interpretasyon ang mga tiyak na
detalye ng isang akda.

2. Masaklaw na Pagbasa - taliwas ito sa masusing pagbasa sa halip na pabaha-bahaging pagbasa ng isang teksto,
ito ay isang pag-aaral sa pangkalahatang nilalaman ng binasa na nakatuon sa pag-unawa sa pangkalahatang
nilalaman ng binasa.

B. Pagbasa ayon sa Paraan

1. Tahimik- ito ang paraan ng pagbasa na tanging mga mata lamang ang ginagamit sa pagbabasa. Hindi
kikibot ang bibig, palatandaan ng pagkakaisa at prosesong nagaganap sa pamamagitan ng matuling
pagbasa ng tinatamaang mga letra ng lente ng mata at matuling naipoproseso sa isip para sa mabilis na
pagkaunawa. Sa ganitong paraan ng pagbasa ay dapat ding isaalang-alang ang mga sumusunod: tamang
posisyon ng katawan at pook kung saan isasagawa ang pagbabasa.

2. Mabagal-ayon kay Austero, (2002), may mga salik na Sinasabing dahilan kung bakit nagiging mabagal ang
pagbasa tulad ng isahang salitang pagbasa (word for word reading), mabagal na perseptwal na reaksyon, hindi
agarang pagkilala at pagtugon sa babasahing, bokalisasyo, mahinang mga mata, regresyon na nakamihasnan ,
kulang sa konsentrasyon, walang praktis sa pagbabasa, kawalan ng interest, takot na hindi maunawaan ang
binabasa kaya matagal ang oras na ibinibigay sa pagbasa ng bawat salita, “habit” na ang mabagal na pagbasa,
kahinaan sa ebalwasyon kung ano ang importante sa hindi importante. Ang kagustuhang maalalang lahat ang
binasa kaysa piliin lamang ang ilang bahagi ng binasa.

3. Mabilis-dito matutukoy ang “accuracy” ng pagbabasa. Ang isang mag-aaral sa kolehiyo ay

nakababasa ng dalawandaa’t limamung salita (250) hanggang tatlungdaan at limampung (350) mga
salita bawat minute. Tinatayang ang magaling na pagbasa ay nasa pagitan ng limang daan (500)
hanggang pitong daan (700) na salita bawat minute o kaya ay mas higit pa.

MGA ESTILO NG PAGBASA

Bawat mambabasa ay may kanya kanyang estilo sa pagbabasa. May mga bihasang magbasa kaya’t ginagamit nila
ang iskimming, o kaya ay iskaning. Minsan naman ay ginagamit ang prebyuwing na para bang ikaw ay namimili lamang ng
iyong papanoorin; kinakailangang makita or ma preview mo ang nilalaman ng iyong papanoorin bago ka magpapasyang
85
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

manood, ganun din sa pagbabasa. Samakatwid, anuman ang iyong estilo sa pagbasa ay makakatulong sa iyo ang mga
sumusunod na impormasyon sa pagbabasa.

1. Iskiming (skimming)- istilo ng pagbasa ay gawing napakabilis ito na hindi naisasakripisyo ang pagkilala at pag-alam sa
layunin. Ito ang pinaraanang paagbasa at ginagamit sa pagpili ng material na babasahing, sa pagtingin sa teksto bago
tuluyang Basahin at sa paghahanap ng babasahing tutugon sa pangangailangan kaugnay ng paksang sinasaliksik. Sa
parrang ito ay abilis ang nagagawang pagbasa dahil sa mabilis ang paggalaw ng mga mata upang makuha ang
pangkalahatang kaisipan o impresyon. Ito rin ay isang pahapyaw na pagtingin (glance)

2. Iskaning (scanning) - Mabilis din itong tulad ng iskiming, gayunman, higit na itong nakapokus sa isang tiyak na
impormasyon sa isang pahina. Ito ay paghahanap ng isang tiyak na impormasyong sa pahina at Tinatawag na iskaning.
Hinahanap ang mga tiyak na impormasyong o sagot sa tiyak na mga tanong. Ito ay pag-iimbestiga o paghahanap sa mga
pahina ng aklat upang ganap na makuha ang tinatarget na impormasyon.

3. Prebyuwing - ang unlaping pre- ay nangangahulugang bago gawin. Ito ang dahilan kung bakit ang prebyu sa pagbasa ay
parang isang rebyu rin ng isang pelikula. Maaari na ring suriin nang bahagya ang pamagat, tauhan (kung mayroon),
panimula, wakas at kung naaayon sa binabasa, maging ang mga larawan, talahaanayan, grap, at tsart na kasama nito.

4. Kaswal - tulad ng nabanggit sa dakong una, ito na yata ang bihirang mangyari sa modernong mundo ngayon, ang
magbasa nang walang layunin kundi ang magpalipas-oras, kung itinuturing na ito’y pagbasang pansamantala o di
palagian lamang.

5. Impormatibo - tulad ng katawagan, ang layunin ay maragdagan pa ang kaalaman. Ganito ang dapat na pagbasa ng isang
pahayagan, librong pinaghahanguan ng impormasyong nauukol sa iyong asaynemnt o anumang layuning makapagbigay
ng wastong kabatiran.

6. Kritikal - istilong dapat gamitin kung ang layon ay makagawa ng isang komprehensibong report, riserts at iba pang
dokumentong nangangailangan ng matibay na batayan.

7. Muling-Basa - ang muling-basa ay kinakailangan kug nagkaroon ng iba pang bagay na dapat kumpirmahin. Makabubuti
ang ganitong estilo upang matiyak ang mga impormasyong may kaunting kalabuan pa sa mambabasa.

Lesson 3: MGA DIMENSYON SA PAGBABASA

Paano mo ba matutukoy ang antas ng iyong pagbabasa? Alam mo ba na walang nagaganap na pagbasa kung hindi
mo nauunawaan ang iyong binabasa? Samakatwid, tunay na Mahalaga at makatwiran ang pag-unawa ng isang indibidwal sa
kanyang binabasa. Ang makrong kasanayan sa pagbabasa ay matatamo lamang sa pamamagitan ng kahusayan niyang
unawaain kanyang binabasa. Hindi matatawag na marunong bumasa ang isang tao kung hindi naman niya nauunawaan ang
kanyang binabasa, sa halip ay marunong lamang siyang bumigkas at kumilala ng mga titik na nakalimbag.

Sa pagbabasang may kasamang pang-unawa lamang matatamo ang hangaring maging maalam. Paano nasusukat ang
husay ng isang tao sa pag-unawa o komprehensyon? May limang panukatan sa pag-unawa ang ginagamait o limang
dimension ng pang-unawa na makakatulong sa paglinang sa antas ng komprehensyon ng isang indibidwal. Narito at
tunghayan natin.

86
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

1. Pang-unawang Literal - ang mambabasa ay nasa antas ng paggamit ng “simple recall” ukol sa kanyang binasa na
masasabing pinakasimpleng kaganapan matapos ang pagbabasa. Naisasagawa na rito ang mga sumusunod na kasanayan.

a. Pagkilala (tauhan, katangian, panahon ng pangyayari, pook na pinangyarihan, pangunahing kaisipan)

b. Paggunita (pamagat ng binasa, pagkakasunod-sunod ng pangyayari)
c. Pagbubuo ng kaisipan (pinakabuod ng binasa)

2. Interpretasyon - matapos magbasa at nagkaroon ka sa iyong kamalayan ng mga sariling palagay o hinuha o panghuhula
ukol sa mga ipinapahayag maging ang hindi diretsong ipinapahayag ng may-akda sa kanyang isinusulat hinggil sa ano
ang posibleng mangyari o maganap.

3. Mapanuring Pag-unawa - matapos mong basahin ang akda o ano mang sulatin ay nakabuo ka na ng matibay na
pagpapasya ukol sa kung tunay na pangyayari o pantasya lamang ang nabasa, katotohanan, o opinyon lamang,
kaangkupan ng mga kaisipan sa iba’t ibang bahagi ng akda o sulatin at sa pagpapahalagang moral na ipinakita ng akda sa
kabuuan at ng mga tauhan.

4. Aplikasyon ng mga Kaisipan - ang kakayahang iugnay sa iyong personal na karanasan, sa mga kasalukuyang isyu at
kaganapan sa lipunan, maging ang sariling kasagutan kung ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa lugar ng mga
tauhang iyong sinubaybayang basahin ay kasangkot sa dimensyong ito.

5. Pagpapahalaga - alam mo nang ipahayag nang malinaw ang naging damdamin mo sa nilalaman ng seleksyon o akda.
Napukaw ba nito ang interes mo, nagalak, naiinip, natakot, nayamot, nagalit, nasuklam, nalungkot ka ba sa binasang
akda o seleksyon?

Pagpapakahulugan ng mga Kaisipan

Napakahalagang magkaroon ng kaalaman ang isang mambabasa upang malinaw na maunawaan ang kanyang binabasa.

1. Context Clues - tumutukoy sa kahulugang buhat sa pagkakagamit sa konteksto o pangungusap.

Halimbawa:
Dinaanan na siya ng bagyo at unos sa kanyang paghintay upang siya ay mahalin din ng sinisinta
Dapat nating igalang ang kanyang estado (posisyon)sa opisina

2. Kasingkahulugan - tumutukoy sa salitang pareho ng kahulugan

Halimbawa:
Matamis ang unang halik - masarap
Umaalingasaw ang kanyang lihim – nakaririmarim

3. Kasalungat - tumutukoy sa salitang kabaligtaran ang kahulugan

Halimbawa:
Nagmagandang-loob ang kanyang kuya sa pag-iigib ng tubig (napilitan)
May alinlangan sumama ang kasintahan sa kanya (walang duda)

4. Homograpo - ito ay mga salitang pareho ang ispeling at bigkas ngunit magkaiba ng kahulugan
Halimbawa:
Siya ay punong abala sa kanilang paaralan
Ang punong iyon ay matibay na gawaing lamesa.

87
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

5. Heterograpo - ito ay mga salitang pareho ng ispeling subalit magkaiba ng bigkas at kahulugan
Halimbawa:
Pito silang magkakapatid.
Mahilig maglaro ng pito si Lauro.

6. Structural clues - ito ay nagpapakita na ang kayarian ng pangungusap ay nakakaimpluwensya sa kahulugan ng

pangungusap
Halimbawa::
Ang kanyang iniirog ay nagpatiwakal kamakailanAng nagpatiwakal ay kanyang iniirog kamakailan

7. Kayarian ng salita - may mga payak na salitang maaaring lagyan ng panlapi o maaaring gawing tambalan. Maaaring
walang panlapi, pagtatambalin ang mga salita, ulitin ang pantig ng salita, o lagyan ng panlapi ang salitang-ugat.
Halimbawa:
Sutla (payak) sutlang-sutla (inuulit)
Malasutla (maylapi) malasutlang kutis (tambalan)

8. Denotasyon - kahulugang hango sa diksyunaryo

Halimbawa:
Malalim ang pang-unawa
Matalimna mga salita ang kanyang ginamit

9. Konotasyon - ito ang kahulugang iba sa karaniwang pakahulugan.Maaaring matalinghaga o may ikalawang kahulugan.
Sa palagay mo, ano ang pagkakaiba ng kahulugan ng magkatulad na salitang ginamit sa mga sumusunood na
pangungusap?

KATANGIAN NG MGA TEKSTO AT REGITER NG MGA BABASAHING AKADEMIKO

1. Ekspositori. Ang tekstong ito ay naglalayong maglahad o magbigay ng impormasyon, kabatiran at kapaliwanagan
sa mga bagay-bagay at pangyayari ayon sa hinihingi ng panahon at pagkakataon.

2. Naratib. Tekstong nagsasalaysay o nag-uugnay sa mga pangyayari sa kapaligiran ayon sa pagkakasunod-sunod.

3. Argumentatib. Tekstong naglalayong maglahad ng mga simulain o proposisyon upang mapangatuwiranan ang nais
iparating na kaalaman sa mga mambabasa.

4. Deskriptib. Naglalayon naman itong magpakita o maglarawan ng mga bagay-bagay at mga pangyayari batay sa
mga nakita, naranasan o nasaksihan.

5. Persweysib. Tekstong ang layunin ay manghikayat at papaniwalain ang mga bumabasa nito.

Antas ng Pag-unawa

Sa anumang pagbasa, tulad ng natalakay na sa unahan ng Modyul na ito, kinakailangan ag ganap na pag-unawa. Sa
kabilang banda, ang pang-unawa ay may iba’tMalikhain
ibang lebel o antas ng pagkakamit. Maittulad ito sa iang baligtad na pyramid
(inverted pyramid) na tulad ng makikita sa iba upang makita ang halaga ng bawat isa sa pagbabas at masukat ang lawak ng
Pinagsanib
pang-unawa.
Mapanuri
Makahulugan
Literal

88
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Mapapansin na ang pang-unawang “malikhain” ay nasa pinakataas na bahagi ng inverted pyramid, nangangahulugan
lamang na ito ang pinakamahalaga at ang “literal” na pang-unawa ay nasa pinakamababang parte ng pyramid, samakatwid ay
may mababaw na antas ng pang-unawa. Halina at tuklasin ang mga kahulugan ng bawat lebel sa pang-unawa.

1. Literal na pang-unawa- ito ay nasa ibabang bahagi ng pyramid sapagkat ito ang may minimum na antas ng pang-
unawa na maaaring gamitin sa isang akda. Sakop lamang nito ang mga denotatibong kahulugan kung kaya’t
masasabing hindi na gaanong kailangan pa ang malawak na pagsasaliksik. Gayunman, kailangan ang ganitong pag-
unawa sa mga bagay na kailangan ng mabilisang pag-unawa.
Halimbawa: batas trapiko, mga paskil sa lansangan atbp

2. Makahulugan ang pang-unawa kung ginagamitan ng kaukulang interpretasyon. Maaaring magkaroon ng problema
lalo pa at may mga kumplikadong akdang tulad ng Bibliya na ay iba’t-ibang interpretasyon. Kung kaya’t
iminumungkahing lapatan ito ng iba’t-ibang kasanayan.
Halimbawa: paghihinuha, paghahambing, pag-alam sa Sanhi at Bunga, atbp

3. Mapanuri ang pang-unawa kung lalapatan ng kaukulang ebalwasyon ang istilo at ideya ng awtor. Pag-ukulan ng
pansin ang pagkakaiba ng opinyon sa katotohanan, pagtukoy sa mga pangunahing kaisipan at iba pa. Dito sinusuring
maigi ang pagpapakahulugan ng mga ideyang nakapaoob sa artikulong binabasa.

4. Pinagsanib ang pang-unawa kung nailalapat ang iba pang kaalamang makatutulong sa lalo pang ikauunawa ng
binasang akda. Lalo pa itong mapahuhusay kung magagamit sa mga tiyak at tanging sitwasyon ang mga nabasa.

5. Malikhain ang pang-unawa sapagkat artistic ang pagkakaunawa ng bumabasa ng artikulo. Binabago ng
mambabasa ang kinahinatnan ng wakas sa kwento ayon sa kanyang kagustuhan. Maari ding gumawa ng isa pang
kwento ang mambabasa ng naaayon sa kanyang nais na kwento kung kaya’t artistic ang tawag sa malikhaing pang-
unawa.

89
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

BUOD

Ang PAGBASA ay kasanayan na nilinang simula pa ng ating pagkabata hanggang

sa matuto tayong umunawa ng nararamdaman at Iniisip ng ating kapwa. Dito natin
mas nabuuksan ang oportunidad na madagdagan ang kaalaman sa paghubog ng
kaisipan. Madalas nating gawin ang kasanayang ito sa bawat pagtahak natin sa pang-
araw araw na pakikisalamuha magin sa paggising at pagtulog ay dala na ang
kaanayang ito dahil sa kakayahan nating umunawa at makipag isip nang higit pa sa
ating nalalaman.

Dahil ditto, tumataas ang intelektwal na kakayahan ng isang tao kapag mahilig
itong magbasa. Nagiging libangan na nga ito ng karamihan kaya a lipunang ating
ginagalawan ay natututo ang bawat isa na magmasid at lumikha ng sariling
repleksyon sa mundong kanilang nasaksihan at natuklasan.

90
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

MGA SANGGUNIAN

Buenaventura, Sergio M, et.al, ( 2006), Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina, Tungo sa Pamamaraang
Pananaliksik sa Generasyong Elektroniko, Filipino Enterprises

Garcia, Lakandupil et.al, (2012) , Paradaym: Pananaliksik sa Wikang Filipino (Intelektwalisasyon, Disiplina, at
Konsepto), Jimcy Publishing House

Mabilin, Edwin R. et.al, Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa Esensyal na Pananaliksik

Tumangan, Alcomtiser Sr. et.al, (2006), Pagbasa at Pasulat tungo sa Pananaliksik, Grandwater Publications,

https://kupdf.net/download/fil-102-pagbasa-at-pagsulat-tungo-sa-pananaliksik_58f3e16bdc0d60514dda9829_pdf

shorturl.at/EHKS7

shorturl.at/behtT

shorturl.at/fvDKO

shorturl.at/kqGY3

91
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Pangalan: ________________________________________________Iskor: ______________

Iskedyul: _________________________ Instruktor: ________________________________

Pagsasanay #1

Panuto: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang salitang PAGBASA gamit ang isang salita lamang gamit ang
concept mapping na pagpapakahulugan upang mapalalim ang salita.

2
4
PAGBASA

3 92
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Panuto: Gamit ang mga salitang nagpapakahulugan sa PAGBASA, bigyan naman ng pagpapaliwanag bakit iyan
ang mga napili mong salita upang ilarawan ang pagbasa.

1. _______________ = __________________________________________________________

2. _______________ = __________________________________________________________

3. _______________ = __________________________________________________________

4. _______________ = __________________________________________________________

Pangalan: ________________________________________________Iskor: ______________

Iskedyul: _________________________ Instruktor: ________________________________

Pagsasanay #2

Panuto: Nasa ibaba ang ilang bahagi ng talumpating pampasinaya ng mga dating Pangulo ng Pilipinas.
Unawaing mabuti at sagutin ang ilang mga katanungan

“Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na

lakas. Hindi ko inaakala na darating tayo sa puntong ito, na ako ay
manunumpa sa harap ninyo bilang Pangulo ng Pilipinas. Hindi ko
pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng
mga suliranin ng ating bansa. “
(Benigno Simeon C. Aquino III)

“…tatlo lamang kontribusyon ng babae sa mabuting pamamahala-

Karapatang Pantao ng Kababaihan, Karapatang Pangkabuhayan ng
Kababaihan, at Karapatang Pantao ng mga Kababaihan. Mabuhay ang
mga Kababaihan”.
93
(Gloria Macapagal-Arroyo)
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

“Sa mamamayan kumukuha ng lakas ang mga paamahalaang demokratiko at isa

na rito ang administrasyong ito. Kaya kailangan nating pakinggan ang mga
hinaing ng mamamayan, damhin ang kanilang mga pulso, ipagkaloob ang
kanilang pangangailangan, at patibayin ang kanilang paniniwala at pagtitiwala sa
atin na iniluklok nila sa ating mga katungkulan”

(Rodrigo Roa Duterte)

Mga Tanong:

1. Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga talumpating pampasinaya ng mga Pangulo ng Pilipinas.

a. Benigno Simeon Aquino III

___________________________________________________________________________________________

______________________________________________

b. Gloria Macapagal Arroyo

c. Rodrigo Roa Duterte

94
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

___________________________________________________________________________________________
______________________________________________

2. Tungkol saan ang binasang mga talumpati ng mga Pangulo ng Pilipinas? Ano ang impresyon nito sa iyo bilang
isang mamamayan ng bansa? Pangatwiranin ang sagot. (Mamili lamang ng isa sa mga talumpati)

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
______________________________________________

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
______________________________________________

Pangalan: ________________________________________________Iskor: ______________

Iskedyul: _________________________ Instruktor: ________________________________
Pagsasanay #3

Panuto: Basahin at tukuyin ang pangungusap kung ito ay nagpapahayag ng positibo hinggil sa
pagbasa, isulat ang TAMA, kung negatibo naman ay isulat ang MALI sa patlang bago ang bilang.

___________1. Walang pagbasa kung walang pang-unawa.

___________2. Iskaning ang tawag sa pinaraanang pagbasa.

___________3. Iskimming naman ang tawag sa palaktaw laktaw na pagbasa.

___________4. Nagpapalito lamang sa mga mambabasa ang iskaning at iskiming.

___________5. Makakagawa ng palagay ang mga mambabasa dahil sa wakas ng kwento.

___________6. May katotohanan ang isang pahayag o katibayan kapag iyn ay mula s amga dokumentong bunga ng
isang pananaliksik.

___________7. Ang paglalahat ay paglalagom g mga kaisipan at impormasyong natutuhan o nakuha sa akdang
binasa.

95
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

___________8. Kailangang alam g mambabasa ang pamaraan ng awtor sa paghahatid ng mensahe upang lubos na
maunawaan ng mambabasa ang akdang binabasa.

___________9. Pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagsasagawa ng mga grapikong pantulong pagkatapos
nagbasa.

___________10. May mga manunulat na sadyang ibinibitin ang wakas n kanilang akda upang hayaang ang
mambabasa ang magbigay ng wakas.

Pangalan: ________________________________________________Iskor: ______________

Iskedyul: _________________________ Instruktor: ________________________________

Pagsasanay #4

Panuto: Basahing maigi ang mga katanungan sa ibaba hinggil sa pagbabasa. Sagutan ng komprehensibng
pagtalakay.

1. Bilang isang kabataang kabilang sa makabagong henerasyon sa panahon ng new normal, paano
bibigyang paliwanag ang iyong KAHINAAN sa PAGBASA? Kahinaan nga bang maituturing ito sa iyong
palagay? Bigyang linaw ang pagpapaliwanag.

_______________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________

96
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

2. Sa iyong palagay, Kung ang iyong layon sa pagbasa ay upang matamo ang higit na pang-unawa sa
pagbasa, ano ang mahalagang kontribusyon ng persepsyon, komprehensyon, reaksyon, at asimilasyon
sa pagbabasa?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

3. Isa isahin ang mga pamamaraan sa pagbasa at magbigay ng sariling okasyon o pagkakataong nagamit
na ang alinman sa mga ito, mas mainam kung makapagbibigay ng isang sitwasyong nagamit ang buong
proseso.
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

Pangalan: ________________________________________________Iskor: ______________

Iskedyul: _________________________ Instruktor: ________________________________

Pagsasanay #5

Panuto: Gamit ang sariling wika na umiiral sa loob ng klase, magkaroon ng isang impormal na debate hinggil sa
“SPEAK ENGLISH POLICY ng iyong paaralan o ng pamahalaan. Tiyaking balance ang dalawang
pangkat, Gamitin ang Istilong malaya o ayon sa inaakalang mabuti para sa mga mag-aaral na tulad mo.
Sa ganitong istilo na higit silang pamilyar tiyaking may mga pangunahing debatihan, ngunit maaai rin
sanang makipagdebate maging ang mga manonood.

_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
97

Modyul 6 – SINING NG PAGSULAT

Hello, kamusta na kayo? Ako ay nagagalak
at nasa Modyul 4 na kayo. Naniniwala ako
na makakasulat kayo ng makabuluhan at
malikhain sapagkat napanagumpayang
nyo ang kabanata ng pagbabasa.

LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin sa ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. . nasasabi ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat
2. nalilinang ang sariling pamamaraan sa pagsulat at mai-aplay ang iba’t-ibang istilong matututunan sa mga akdang
binasa;
3. nakasusulat ng sanaysay na naglalarawan sa kontekstong Pilipino bilang pagsunod sa mga hakbangin sa pagsulat; at
4. naisasagawa ng aktwal ang mga hakbangin sa pagsulat.
98
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

5. nailalahad ang mga proseso ng pagsulat

NILALAMAN
a. Kahulugan at Layunin ng Pagsulat
b. Hakbang sa Pagsulat
c. Pilosopiya ng Pagsulat
d. Multi-dimesyonal na Pananaw
e. Uri ng Pagsulat
f. Apat na Paraan ng Pagpapahayag sa Diskursong Pasulat

PANIMULA

Isang mahalagang bahagi sa buhay ng mga mag-aaral ay ang paglinang sa kasanayan sa pagsulat sapagkat hindi lamang
ito simpleng pagtataya ng ideya na minamakinilya sa kompyuter kundi may prosesong nakalangkap at mga pamantayang
dapat sudin upang maging epektibo at makabuluhan ang gawaing pangkomunikatibo at pang-akademiko.

Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng isipan, kaalaman, at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolo ng
mga tunog ng mga salita. Kakayahan ito ng tao na ipahayag sa paraang palimbag ang mga kanyang mga iniisip, nadarama, at
nalalaman.

Sa pagsulat, nilalayon ng tao na ang mga kaalamang nasa isip niya ay maipaalam at mailipat sa iba. Kung sa pagbasa tayo
ay “kumukuha”, sa pagsulat tayo naman ay “nagbibigay”. Bago natin simulan ang ating aralin sa pagsusulat, nais ko na
sagutan ninyo ang paunang pagsasanay na aking inihanda upang maebalweyt ko kayo ng maayos gamit ang pagsasanay sa
susunod na pahina.

Panimulang Gawain:

Panuto: Basahin mong mabuti ang nakatala sa ibaba upang maisagawa mo ng maayos ang iyong gawain.

1. Sa iyong palagay, bakit kailangan nating magsulat? Makabubuti ba sa iyo bilang isang mag-aaral? Bakit?
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________

99
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong magsulat para sa Pangulo ng Pilipinas, ano ang iyong nais isulat
para sa kanya? Sa palagay mo ba ay makakatulong ang iyong suhestiyon sa pangulo? Pangatwiranin ang
iyong sagot.
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________

3. Sa nalalapit na araw ng Kapaskuhan, paano mo mapapaligaya ang iyong munting pamilya sa panahon ng
epidemya? Ipaliwanag ng malinaw
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________

Lesson 1: PAGSUSULAT

100
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Sa simpleng pagpapakahulugan, ang PAGSULAT ay ang paghahatid ng mensahe ng awtor (opinyon man
o mga kaalaman) sa mga mambabasa sa tulong ng mga titik o simbolo at kalakip nito ang pagiging epektibo niya
sa paghatid ng mensahe. Ang pagiging epektibo ay nakasalalay sa paraan ng kanyang pagsulat, wikang ginamit,
linaw mga mensahe, uri ng impormasyon at iba pang mga salik.

Ang mga sumusunod ay iba’t-ibang kahulugan ng PAGSULAT na hinango sa mga dalubhasa. Nais kong iyong
limiin ang bawat pahayag at bigyang pagpapakahulugan.

Kahulugan ng Pagsulat

Ang PAGSULAT ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal, na gumagamit ng mga simbolo at

inuukit/isinusulat sa isang makinis na bagay tulad ng papel, tela o di kaya’y isang malapad at makapal ng tipak ng bato,
(Badayos, 1999).

Sa karagdagan, ang PAGSULAT ay isang kompleks na proseso na nagsisimula sa pagkuha ng kasanayan (self-
getting) hanggang sa ang kasanayang ito ay aktwal ngang nagagamit (self-using) (Rivers, 1975).

Kung kaya’t sinasabing ang PAGSULAT ay isang kasanayan sa pakikipagtalastasan na isinatitik ang mga nakalap
na impormasyon mula sa pagbasa. Ito rin ang kasanayang nangangailangan ng disiplinang mental at mataas na kaalamang
teknikal at pagkamalikhain gayon din ang sapat na kasanayan, (Recuba et al., 2003).

Ayon naman kay Kellogg (1994), ang PAGSULAT ay bahagi ng pag-iisip na lumikha, magmanipula at
makipagtalastasan sa ibang personal na simbolo ng isip. Binanggit din niya na kakambal ng utak ang pag-iisip at pagsusulat
at ang gawaing PAGSUSULAT ay may magandang bunga kaysa sa pag-aaral ng pagulutas ng problema, gawain sa
pangangatwiran at pagbuo ng pagpapasya.

Sa karagdagan, may mga argumento hinggil sa PAGSULAT tulad ng:

g. ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip
h. ang pagsulat ay isang instrument para mag-isip
i. kasama sa pagsulat ang apat na kognitibong operasyon na gumaganap ng tungkulin sa lahat ng gawaing papag-
iisip
j. ang taktak ng pag-iisip ay ang pagsisikap o pagppunpunuyagi na mag-isip.

Samantala, ayon naman kay Royo (2001) malaki ang naitutulong ng PAGSUSULAT sa paghubog ng damdamin at
isipan ng tao. Naipapahayag niya sa pamamagitan nito ang kanyang damdamin, mithiin, agam-agam, pangarap, bungang isip
at mga pagdaramdam. Sa PAGSULAT nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang kahinaan, at kalakasan, ang tayog
at lawak ng kanyang isipan at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan.
101
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Naniniwala naman sina Hugney, etl.al, (1983) na nakatutulong ang PAGSUSULAT sa paglinang ng kakayahan ng
mga mag-aaral sa loikal na pag-iisip, pagpapasya ng suliranin at napauunlad din nito ang iba pang ma kasanayang pangwika
ng mga mag-aaral katulad ng pagbabasa, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pagtatala, pakikipagtalakayan, pagsusuri at
pagpapakahulugan ng mga datos. Sa kabuuan, nahihinang ang ating kamalayan, kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
pagsusulat.

MGA LAYUNIN NG PAGSULAT

Bawat isa ay may kanya kanyang layunin bakit tayo nagsusulat sapagkat sa pamamagitan ng akademikong gawaing ito,
naipapahayag natin ang ating saloobin, ang ating ideya, ang mga naisin natin o mga obserbasyon sa paligid. Nais mong isulat
ang mga bagay bagay na iyong nakikita, nadarama, o naiisip man. Ang Mahalaga ay may iisang layunin – ang
pakikipagkomunikasyon o pakikipag ugnayan sa iyong mambabasa.

Halina’t tunghayan natin ang iba pang layunin kaugnay ng pagsulat.

1. Expressive/Ekspresibong Pagsulat ay naglalayong makapagpahayag ng impormasyon at makapaglahad ng mga datos

o mga bagay-bagay na nais ipabatid. Ang pinakasentro ng impormatibong pagsulat ay ang mismong bagay na pinag-
uusapan.

2. Mapanghikayat na Pagsulat (persuasive writing) ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang
katwiran, opinyon, o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang maimpluwensyahan ng awtor ang kanyang
mambabasa. Ang pagsulat na tulad nito ay editoryal, sanaysay, at talumpati.

3. Malikhaing Pagsulat ay mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain
o masining na akda. Kadalasan, ang pangunahing layunin ng awtor dito ay pagpapahayag lamang ng kathang-isip,
imahinasyon, ideya, damdamin o kombinasyon ng mga ito. Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.

PROSESO SA PAGSUSULAT

May iba’t ibang proseso ang pagsulat ayon sa mga manunulat. Halina at tunghayan natin ang PROSESO NG
PAGSULAT na binuo nina White at Arndt:

1. PAGLABAS NG MGA IDEYA – may iba’t-ibang gawain para matugunan ang manunulat na lumabas ng ideya sa
paksang tatalakayin sa pagsulat. Isa na rito ang pasasagawa ng malayang talakayan sa paksang napili.
Halimbawa: Ano ang masasabi ko sa paksang ito?

2. PAGGAWA NG ESTRUKTURA – pinapakita naman dito ang pag-oorganisa at muling pag-aayos ng teksto at
sinasagot nito ang tanong ng PAANO
Halimbawa: Paano ko mailalahad ang aking ideya sa paraang katanggap-tanggap sa aking mga mambabasa?

3. PAGGAWA NG BURADOR- ang burador ay nangangahulugan ng pansamantalang pagbuo ng komposisyon o

anumang isinulat na aayusin at lilinisin pa

4. PAGPOPOKUS- tumutukoy ito sa mabilisang pagsulat na ang gabay na tanong ay ANO

Halimbawa: Ano ang kauuang layunin ko sa pagsulat ng paksang ito?

5. PAGTATAYA O EBALWASYON- ang pagbuo ng talatanungan na magagamit sa pagkuha ng reaksyon o puna ay

isang paraan ng pagtataya o ebalwasyon sa sinulat na teksto.

6. MULING PAGTINGIN –ito ay muling pagbabasa ng teksto at pagingin kung tama ang ginawa. Ang kabuuang
layunin nito aymakalikha ng makabuluhan at mabisang teksto.

102
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Sa kabilang banda, ayon kay Royo (2001), malaki ang naitutulong ng PAGSULAT sa paghubog ng damdamin at isipan
ng tao. Naipapahayag niya sa pamamagitan nito ang kanyang damdamin, mithiin, agam-agam, pangarap , bungang isip at
mga pagdaramdam. Sa PAGSULAT nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaat at kalakasan, ang tayog
at lawak ng kanyang isipan at ang mga naabot ng kanyang kamalayan.

Sa kabilang banda naman ay naniniwala si Hugney ,et.al (1983) na nakatutulong ang PAGSULAT sa paglinang ng
kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal na pag-iisip, pagpapasya at paglutas ng suliranin. Napapaunlad din ntio ang iba pang
ma kasanayang pangwika ng mga mag-aaral tulad ng pagbabasa, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pagtatala
pakikipagtalakayan, pagsusuri, at pagpapakahulugan ng mga datos.

Ayon kay Isagani Cruz, ang PAGSULAT ay naituturo dahil hindi naman namamana ang kakayang magsulat at upang
maging makabuluhan at epektibo ang mga gawaing pang-akademiko at pangkomumikatibo, kailangang pag-aralang mabuti
sa kolekhiyo ang proseso ng pagsusulat. Tunghayan naman natin ang mga YUGTO SA PROSESO NG PAGSULAT.

1. PAGTATANONG at PAG-UUSISA- maraming iba’t-ibang uri ng sulatin na gawain ng mga mag-aaral tulad ng
pamanahong papel, thesis, o pananaliksik man na nagtataglay ng maraming katanungan. Dahil dito nakakabuo tayo
ng iba’t ibang paksa at hindi lamang pagtatanong kungdi kailangan pa rin ang pag-uusisa bilang pangunahing simula
sa isang masinop na pananaliksik

2. PALA-PALAGAY- kapag wala pang tiyak na balangkas at daloy sa pagtalakay sa paksang nais sulatin,
nagkakaroon muna ang manunulat ng haka haka o pala palagay. Kailangang isa isahin ang sanhi at bunga ng
pangyayari upang mapag-isipan kung paano mabubuo ang balangkas ng napiling paksa.

3. INISYAL NA PAGTATANGKA- nakapokus ang bahagint ito sa saklaw ng pananaliksik na gagawin ng

manunulat. Kailangang ayusin ang panimulang datos, pala-palagay at iba pang impormasyong para mabuo ang
balangkas. Kapag mayroon ng balangkas, makababalik na sa aklatan ang manunulat upang makuha ang kailangang
sanggunian o dili kaya ay kapanayamin ang mga taong may sapat na kaalaman tungkol sa paksa.

4. PAGSULAT NG UNANG BURADOR- maaaring isulat ang unang burador kapag nakahanda na ang mga
sanggunian at maayos na ang daloy, detalye at paksa ayon sa balangkas. Magagamit na rito ang kakayahan kaalaman
at kasanayan ng manunulat sa pagbuo ng pamanahong papel.

5. PAGPAPAKINIS NG PAPEL – babasahing muli ang burador upang makita ang mga pagkakamali sa gramatika,
pagbabaybay, paggamit ng salita at ang daloy ng pagpapahayag, impormasyong at ang nakapaloob na katwiran sa
komposisyon.

6. PINAL NA PAPEL- kapag narebisa nang mabuti ang mga nilalaman at teknikal na bahagi ng sulatin ay Maaari
nang ipabasa sa guro at sa iba pang manunuri.

Lesson 2: MGA HAKBANG SA PAGSULAT

Bago natin talakayin ang mahahalagang hakbang sa pagsulat, pagtuunan muna natin ng pansin ang ilang mga
batayang tanong na mahahalagang masagot para sa paghahanda ng isang sulatin:

1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?

2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?

103
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

3. Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?

4. Paano ko ilalahad ang mga datos kaugnay ng aking paksa?
5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?
7. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat? Kailan ko ito dapat ipasa?
8. Paano ko pa madedebelop o mapapabuti ang aking teksto?
9. Ano-ano ang mga dapat ko pang gawin para sa layunin ito?

Narito ang inihandang chart upang magin gabay sa PAGSUSULAT

BAGO SUMULAT

Sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa pagsulat.

Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang
pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa
pagsulat. Ang pagpili ng tono at perspektib na gagamitin ay
nagaganap din sa hakbang na ito.

AKTWAL NA PAGSULAT

Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito isinasagawa ang

aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o
draft, Para sa mga akdang tuluyan o prosa, kinapapalooban ito ng
mga hakbang sa pagtatalata.

MULING PAGSULAT

Ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat. Dito nagaganap ang

pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar.
Bokabulari, at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika.
Kailangan dumaan sa editing at rebisyon para maging epektib at
kompleto ang sulatin.

Sundan lamang ang gabay na makikita sa chart upang maging mas maayos ang pagsulat. Kailangan ay bago, aktwal
at muling pagsulat upang higit na organisado ang inyong susulatin.

PAGSULAT BILANG MULTI-DIMENSYONAL NA PANANAW

Anuman ang maging layunin ng pagsulat, mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na
proseso. Sa madaling sabi, binubuo ito ng iba’t ibang dimensyon. Dalawa sa mga ito ang sumusunod:
104
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

a. Dimensyong Oral

Kapag ang isang tao ay nagbabasa ng isang tekstong iyong isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. Hindi ka
man personal na kilala, o kahit pa hindi ka niya makikita, nagkakaroon siya ng ideya kung sino at ano ka, kung ano ang iyong
kaalaman at kasanayan at kung paano ka magsalita na inilalantad ng teksto mismo at ng iyong istilo at organisasyon sa teksto.

b. Dimensyong Biswal

Ang dimensyong ito ay mahigpit na naiuugnay sa mga salita o lenggwaheng ginagamit ng isang awtor sa kanyang teksto
na inilalantad ng mga nakalimbag na simbolo. Kailangang maisaalang-alang kung gayon, ang simbolong nakalimbag na
siyang pinakamidyum ng pagsulat, ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat.

Lesson3: MGA URI NG PAGSULAT

Marahil marami ka ng naisulat na sulatin subalit hindi mo lamang ito matukoy kung anong uri ang mga sulating
iyong isinulat. Naririto ang mga iba’t ibang uri ng sulatin, halina at alamin.

1. AKADEMIKO (Academic Writing)

Higit na mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat, sapagkat ito ang larangang ang lahat ng kaalaman sa
pagsulat ay rito hinuhubog, nililinang, at pinaghuhusay. Lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng

105
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

akademikong pagsulat. Ito ang pinakamataas na antas at intelektwal na pagsulat, dahil lubos na pinatataas nito ang
kaalaman ng mga mag-aaral sa iba;t ibang larangan.

2. MALIKHAING (Creative Writing)

Sa lahat ng uri ng pagsulat, ito ang pagsulat na punung-puno ng konsentrasyon at imahinasyon ng mga
manunulat. Isinusulat ang ganitong uri upang maghatid saya at aliw sa mga mamababasa sa pamamagitan ng
pagpukaw at pagsundot sa kanilang damdamin at isipan.

3. PROPESYUNAL (Professional Writing)

Ito ang pagsulat kung saan sumusulat ka kaugnay sa iyong propesyon o kasalukuyang hanapbuhay. Katulad
ng Criminology na tinuruan ka sa akademya sa paggawa ng police, investigative, at criminal report; Teacher na
tinuruan kang gumawa ng lesson plan; Doctor na gumawa ng medical analysis at report; Nurse na gumawa ng
narrative report at iba pa.

4. TEKNIKAL (Technical Writing)

Kakaiba naman ang pagsulat na ito sapagkat nangangailangan ito ng impormasyong tekniikal na
kadalasang ang layunin ay lumutas ng isang komplikadong suliranin. Ang halimbawa ng ganitong pagsulat ay ang:
City Planning and Construction Building, Feasibility Study, Trade and Commerce Correspendence at iba pang mga
katulad.

5. DYORNALISTIK (Journalistic Writing)

Ang ganito namang klase ng pagsulat ay sadyang inilaan para sa usaping pamamahayag o pag-uulat ng mga
balita. Halimbawa ng ganitong pagsulat ay ang pagsulat ng mga balita, artikulo, editoryal, kolum, lathalain, at iba
pa.

6. REPERENSYAL (Referential Writing)

Ito ang uri ng pagsulat na walang ibang layunin kundi ang magbigay ng mungkahi o magrekomenda ng iba
pang kaalaman o pagkukunang kaalaman na nararapat bigyang pinsan sapagkat may kaugnayan ito sa isinulat na
konseptong papel.

7. PERSONAL (personal writing)

Pansarili lamang ang dating ng sulating ito, walang sinusunod na balangkas o istruktura at maaari ring
impormal ang gamit ng wika, depende sa tono ng isang particular na pagsusulat. Halimbawa ng mga ganitong
sulatin ay talaarawan, dyornal, mensahe, pagbati, maging ang talambuhay.

8. TRANSAKSYUNAL (transactional writing)

Maayos ang pagkakabuo , pormal at may tiyak na pokus ang impormasyong o paksang nais na ibahagi ng
ganitong uri ng sulatin. Halimbawa nito ang mga polisiya, direksyon, sulat sa negostyo , plano, tuntunin, proposal,
ulat at iba pa.

9. PORMAL (formal writing)

May malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa
ang sulating ito. Mayroon din itong sinusunod na proseso at ginagamitan ng ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto.

10. DI-PORMAL (non-formal)

Malaa ang talakayan sa paksa ng sulating ito. Magaan ang pananalita, Masaya t may pagkapersonal na
parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa

106
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Nagsusulat ang isang tao dahil gusto niyang akapagbahagi ng kanyang naiisip
at nararamdaman, nahujubog din ng prinsipyo ang mga kultura na naranasan niya
upang mapanatili ang layunin na makapagsiwalat ng katotohanan sa sangkatauhan.

Ang PAGSUSULAT aynangangailangan ng malawak na pasasaliksik at

masusing pag-iimbestiga upang mapagtibay din ang mga kaalaman na nais niyang
ibahagi sa mga mambabasa. Naibabahagi ng awtor ang kanyang kasanayan sa mga
BUOD
mambabasa ng iyong isinulat. Sa katunayan, mabilis nating naipapahayag ang
anumang saloobin o damdamin kung idinadaan natin sa sulat. Anumang bagay na
hindi natin kayang ipahayag ng berbal ay idinadaan natin sa pagsulat na pamamaraan.

107
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

SANGGUNIAN

Buenaventura, Sergio M, et.al, Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina, Tungo sa Pamamaraang Pananaliksik sa
Generasyong Elektroniko, Filipino Enterprises, 2006

Garcia, Lakandupil et.al, Paradaym: Pananaliksik sa Wikang Filipino (Intelektwalisasyon, Disiplina, at Konsepto),
Jimcy Publishing House , 2012
108
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Mabilin, Edwin R. et.al, Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa Esensyal na Pananaliksik

Tumangan, Alcomtiser Sr. et.al, Pagbasa at Pasulat tungo sa Pananaliksik, Grandwater Publications, 2006

https://kupdf.net/download/fil-102-pagbasa-at-pagsulat-tungo-sa-pananaliksik_58f3e16bdc0d60514dda9829_pdf

shorturl.at/nCIJS

shorturl.at/tMSV2

Pangalan: ________________________________________________Iskor: ______________

Iskedyul: _________________________ Instruktor: ________________________________

Pagsasanay #1

Panuto: Alalahanin ang mga napag-aralan sa bahaging ito ng module, unawaan ang bawat pahayag at tukuyin
kung ano ang uri ng pagsulat. Piliin mula sa kahon ang mga sagot.

109
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Personal Akademiko Teknikal

Transaksyunal Profesyunal Dyornalistik
Pormal Malikhain Reperensyal
Di-Pormal Masistema Organisado

____________________1. Uri ng pagsulat kung saan inilalapat ang mga natutunan sa akademya at aktwal na
pagganap sa disiplinang tinapos.

____________________2.Pagsulat na ang layunin ay magbigay ng mungkahi at ng iba pang pagkukunang kaalamang

nararapat bigyan ng pansin.

____________________3. Pagsulat na nangangailan ng impormasyong teknikal na kadalasang ang layunin ay

lumutas ng isang komplikadong paksa.

____________________4. Ang Pagsulat na punung puno ng konsentrasyon at imahinashon ng mga manunulat.

____________________5. Ito ay naghahatid ng saya at aliw sa mga mambabasa sa pamamagitan ng pagpukaw sa

kanilang damdamin at isipan.

____________________6. Higit na mahalaga kaysa sa lahat ng kaalaman sa pagsulat sapagkat ito ang larangang ang
lahat ng kaalaman sa pagsulat ay dito hinuhubog, nililinang at pinaghuhusay.

____________________7. Nakabatay sa lahat ng pinagdaanan sa paaralan maging sa puntong pagdadalubhasaan at

pagpapakadalubhasa.

____________________8.Pagsulat ito ng mga akdang pampanitikang tinatalakay sa paraang kathang-isip lamang o

batay sa tunay na pangyayari na ginagamitan ng masining na pananalita katulad ng
idyoma, tayutay at simbolismo.

____________________9. Pagsulat na bunga ng malilikot na imahinasyon at pag-iisip ng mga manunulat na

kinabibilangan ng mga makata, kwentista, nobelista, atp.

____________________10.May kalakihan ang sakop na ideya at kadalaang nakatutok sa malaking kapakinabangan

ngunit ang babasa ay iyon lamang may kaugnayan sa ganitong usapan.

Pangalan: ________________________________________________Iskor: ______________

Iskedyul: _________________________ Instruktor: ________________________________

Pagsasanay #2

Panuto: Gamit ang mga bagay na natutunan sa moduyl hingigil sa pagsulat, basahin at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
110
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

1. Base a iyong natutunan sa Araling ito, paano mo bibigyag kahulugan ang PAGSULAT? Pangatwiranin ang
iyong sagot. Maaaring magtala ng mga sipi at tukuyin (acknowledge) ang awtor kung kinakailangan.

_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________

2. Ipaliwanag: “ Ang pagsulat ay isang masining na paraan”

3. Bakit kailangang magsulat ang isang katulad mong mag-aaral, ang tulad naming mga profesyunal, o kahit
sinuman? babae o lalake, bata o matanda, may pinag aralan o wala? Pangatwiranin ang sagot.

_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________

Pangalan: ________________________________________________Iskor: ______________

Iskedyul: _________________________ Instruktor: ________________________________

Pagsasanay #3

111
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Panuto: Buuin ang crossword puzzle sa ibaba. Bilugan at isulat sa ibaba ang mga salitang may kaugnayan sa
paksang tinalakay sa kabuuan ng modyul na ito. (10pts)

I E E F Z E K E W M M A
D S R R A R R M E E A M
G T K U R F I A O T S P
D I I I E G K N B U A U
E L U I M O I U I L K N
U J O O R I L R T I L S
O D F E I S N I A E A R
L A W S A K B G M F W I
K B S F B A O O R Y T T
E I E B I N Y P O I I O
R S R U K I E U P O M U
U T V M L N I N M P O R
H U U U U G J E I M M E
B O O I P E I R T E A T
P R E B Y U W I N G I I
R E B L O T O H E A S P
O R A S A B G N I L U M
I H K R I T I K A L S U
L U I E H U W E L A A L
E T L T E O R T U M M I

1. ________________________ 6. ________________________

2. ________________________ 7. ________________________

3. ________________________ 8. ________________________

4. ________________________ 9. ________________________

5. ________________________ 10. ________________________

Pangalan: ________________________________________________Iskor: ______________

Iskedyul: _________________________ Instruktor: ________________________________

112
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Pagsasanay #4

Panuto: Tukuyin kung sino ang nagwika ng mga sumusunod na talata o pangungusap na ito? Bilugan ang titik ng
tamang sagot sa mga sumusunod. (aytem 1-4)

1. “Ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga kasanayang pampag-iisip na lumikha, magmanipula, at

makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng isip”
a. Kellog b. Halliday c. Gihooly

2. “Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao”

a. Halliday b. Hugney c. Royo

3. “Nakatutulong ang pagsulat sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal na pag-iisip,

pagpapasaya at paglutas ng suliranin”
a. Lalunio b. Royo c. Hugney

4. “Isinasaad sa teoryang ito ang pagkatuto ay may batayang Panlipunan at prosesong interaktibo”
a. Royo b. Lalunio c. Halliday

5. Ito ay nakakaapekto sa layunin at istruktura ng mga gawain ng mga mag-aaral , ang kanilang gulang,
katayuan sa buhay at kapaligirang sosyal at cultural. Anong proseso ng pagsulat ang tinutukoy?
a. proseso ng pagbabasa
b. prosesong kognitibo sa pagsusulat
c. pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga datos

6. Ang mga sumusunod ay mahahalagang gabay sa paghahanda ng isang sulatin MALIBAN sa:
a. ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?
b. ano ang layunin ko sa pagsulat nitong akda?
c. paano ko pa mapapahusay ang aking sinusulat?
d. bakit ko kailangang isulat ito?
e. sino ang babasa ng aking teksto? para kanino ito?

7. Ang uring ito ng pagsusulat ay sadyang inilaan para sa usaping pamamahayag o pag uulat ng mga balita
a. dyornalistik b. personal c. reperensyal

8. Ang pangkalahatang layunin ng pagsulat na ito ay magbigay ng mungkahi o magrekomenda ng kaalaman

o pagkukunang kaalaman na nararapat bigyang pansin sapagkat may kaugnayan sa isinusulat
a. reperensya b. pormal c. teknikal

9. Pansarili ang dating ng sulating ito, walang sinusunod na balangkas o istruktura.

a. personal b. reperensyal c. di pormal

113
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

10. Maayos ang pagkakabuo, pormal at may tiyak na pokus ang impormasyong nais na ibahagi sa ganitong
uri ng sulatin.
a. transaksyunal b. malikhain c. personal

Pangalan: ________________________________________________Iskor: ______________

Iskedyul: _________________________ Instruktor: ________________________________

Pagsasanay #5

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa iyong “new normal” sa larangan ng online learning. Ibahagi ang
iyong mga eksperyensya. Gawing malikhain ang isusulat gamit ang mga natutunan mo sa modyul na ito.
Lagyan din ng kaukulang pamagat ang sanaysay at limitahan lamang ng 50 salita sa kabuuan.

__________________________________

______________________________________________________________________________________________________

________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________

114
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Mabuhay! Kinagagalak kong natapos mo ang iyong

Modyul 5: SINING sa PANONOOD
mga pagsasanay sa Wika at Komunikasyon. Ano
naman kaya ang ating susunod na tatalakayin?
Halina’t alamin!

LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin sa ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ang iba’t-ibang uri ng manonood at maisabuhay ito

2. napapahalagahan ang mga napapanood at matuto ng mga bagay na mabuti at ikabubuti ng nanonood
3. makapagpakita ng higit na mataas na antas ng pag-unawa gamit ang mga napapanood
4. malinaw na naipaliliwanag ang mga napanood

NILALAMAN

a. dahilan bakit nanonood

b. uri ng manonood
c. antas ng pag-uwa
d. uri ng palabas

PANIMULA

115
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Panimulang Gawain
Panuto: Panoorin ang anumang balita hinggil sa mga sumunod na paksa at magbigay ng anumang reaksyon

a. bagyong Rolly/Uysses
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
______________________________________________

b. Epidemyang Covid

c. Online Classes

116
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Lesson 1: PANONOOD

Ang PANONOOD ay isang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording, at ib pang
visual media upang magkaroon ng pag-unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito. Sa ibang pagkakataon,
higit na nauunawaan ang isang mensahe kung ito ay pinapanood kaysa sa mga bagay na nababasa.

Uri ng Panonood
1. Deskriminatibo- ito ay pagam ng opinyon o prejudie sa panunuri base sa iyon pinapanood
2. Kaswal o Panlibang- impormal na pamamaraan at hindi nagbibigay pokus sa detalye. Dito, ginagawa
lamang na pampalipas oras o libangan ang panonood.
3. Komprehensibo- nagpapahalaga lamang sa mensahe sa ibang dealye.
4. Kritikal- gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa mga detalye upang makabuo ng ganap na pag-
aanalia o pagsusuri sa paksang napapanood.

Bakit tayo nanonood?

Ang patuloy na paglinang sa makrong kasanayan sa panonood ay nakapagdudulot sa isang indibidwal na:
1. mapaunlad ang kakayahang mag inerpreta at mapalawak ang kaalamang pangkaisipan at pang-unawa.
2. Mapaunlad ang kakayahang mag interpreta at mapalawak ang kaalamang pangkaisipan at pag-unawa
3. Mapaunlad ang kakayahang mangilatis o magsuri sa katotohanan ng isang bagay.
4. Mataya ang iba't ibang elemento sa isang produksyon
5. Maging mulat sa katotohanan ng buhay.
6. Makatulong para maging alerto sa mga nangyayari sa paligid.

117
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

7. Magising ang kamalayam ng indibidwal, maaaring maging inspirasyon at maging sandigan upang
gumawa ng tama.
8. Bilang libangan

Tulad din ng ibang makrong kasanayang natalakay natin sa nakaraang mga modyul, may mga hadlang din sa
epektibong Panood, ito ang mga sumusunod:
1. karamdaman
2. maling pag-unawa sa nakita
3. kapansanan sa mata
4. kaliwanagan; mas madilm, mas malabo ang imahe
5. kasuotan ng ispiker
6. di malinaw na tsanel

Uri ng Manonood
Natutukoy natin kung ano ang uri natin bilang isang manonood sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Eager Beaver- siya ang tagapanood na ngiti nang ngiti o tango nang tango habang nanonood ngunit hindi
matiyak ang pag-unawa
2. Sleeper- siya ang tipo ng tagapanood na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na
intensyong manood
3. Tiger- siya ang tagapanood na laging handing magbigay ng reaksyon sa anumang napapanood
4. Bewildered – siya ang tagapanood na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa nakikita. Kapansin-
pansin ang pagkunoy ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan
niya ng malay sa kanyang mga napapanood.
5. Frowner- siya ang tipo ng tagapanood na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa
kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi luo ang kanyang panonood kung hindi siyas
makakabigay ng puna
6. Forwad Watcher- siya ang pinakaepektibong manonood sapagkat nanonood siya hindi lamang gamit ang
kanyang mga mata kundi magig ang kanyang utak Lubos ang partisipasyon sa gawain.

Antas ng Pag-unawa habang nanonood

1. Literal – pinakasimpleng pag-unawa
2. Interpretatibo –inaalam ang mensahe o ang konotasyon na kahulugan ng palabas
3. Mapanuri /Kritikal-pormal at factual ang pag-intindi
118
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

4. internatibo –pagbuo ng pansariling opinyon mula sa pinapanood

5. Malikhain- malawak ang pang-unawa ng nanonood

Uri ng Palabas
1. Impormatib- naglalayong maghatid o magdagdag ng bagong kaalaman sa manonood
2. Persuasive – nanghihikayat o nanghihimok ng pagsang-ayon ng maonood
3. Narrative- nagsasalayay ng pangyayari o uwento
4. Expository – nagpapaliwanag at nagbibigay ebidensya
5. Argumentative – nanghahamon ng paniniwala o ng pangkalahatang opinyon
6. Sympathetic- marunong magpahayag ng simpatiya ang manonood depende sa sitwasyon sa
napapanood

Kasanayan sa Panonood
- panghihinuha
- paghuhula
- pagwawakas
- paglalahad
- pagkilatis sa katotohanan at opinyon
- ebidensya at pangangatwiran /argument

Pamantayan sa Panonood
1. mauo ng maayos
2. isulat sa kwaderno ang lahat ng mahahalagang impormasyong ibinigay ng video presentation
3. maging mabilis sa pagsulat upang maisulat ang lahat ng mahahalagang impormasyong
4. unawaan ang mensaheng nais ihatid ng panoorin
5. humanda sa talakayan pagkatapos ng panonood

119
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

BUOD

Nanonood tayo upang tayo ay maglibang, sa katunayan nga ay higit nating

nauunawaan `napapanood natin ang isang eksena kesa sa binabasa.

120
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

SANGGUNIAN

Buenaventura, Sergio M, et.al, Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina, Tungo sa Pamamaraang Pananaliksik sa
Generasyong Elektroniko, Filipino Enterprises, 2006

Garcia, Lakandupil et.al, Paradaym: Pananaliksik sa Wikang Filipino (Intelektwalisasyon, Disiplina, at Konsepto),
Jimcy Publishing House , 2012

Mabilin, Edwin R. et.al, Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa Esensyal na Pananaliksik

Tumangan, Alcomtiser Sr. et.al, Pagbasa at Pasulat tungo sa Pananaliksik, Grandwater Publications, 2006

https://kupdf.net/download/fil-102-pagbasa-at-pagsulat-tungo-sa-pananaliksik_58f3e16bdc0d60514dda9829_pdf

shorturl.at/nCIJS

shorturl.at/tMSV2

121
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

Pangalan: ________________________________________________Iskor: ______________

Iskedyul: _________________________ Instruktor: ________________________________

Pagsasanay #1

Panuto: Alalahanin ang mga napag-aralan sa bahaging ito ng module, unawaan ang bawat pahayag at tukuyin
kung ano ang uri ng pagsulat. Piliin mula sa kahon ang mga sagot.

122
Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyong Filipino 2020

123

You might also like