You are on page 1of 9

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]

009
[PROSESO NG PAGBASA]

METAKOGNITIBONG PROSESO NG PAGBASA


LAYUNIN:
1. Nakikilala ang Metakognisyon sa pagbasa at:
2. Natutukoy ang kahalagahan ng Metakognitibong proseso ng pagbasa
3. Nababatid Interaktibo bilang proseso ng pagbasa

Panimula:
Nagbabasa ka ba para lamang makukuha ng impormasyon o para mapalawak ang
pang-unawa? paara malibang? magpalipas oras? o para matuto? ano man ang layunin mo sa
pagbabasa mahalaga na mabatid mo na may iba’t ibang paraan o teknik sa pagbasa, gayun
din ang iba’t ibang proseso ng pagbasa, isa na rito ang tatalakayin sa modyul na ito, ang
Metakognitibong Proseso ng Pagbasa.

METAKOGNITIBONG PROSESO NG PAGBASA


 Tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-
unawa. (Flavel,1976)

 Mataas na kasanayan pampag-iisip na kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong


kognito sa pagkatuto

 Metakognitibo ang mambabasa kung nauunawaan nila ang sarili bilang mambabasa at nagagamit
ang angkop na estratehiya sa pagbasa.

 Binibigyan diin ng metakognisyon ang malawak na pagkontrol sa mga proseso sa halip na sa mga
tiyak na estratehiya o gawain.

 Pagsasagawa ng mga pagpapakahulugan, pagbuo ng katanungan, pagbibigay hinuha o pagkukuro,


pagbuo ng kaisipan ukol sa binasa o sa kbuuan ay pagsasagawa ng pagsusuri.

Course Module
Tatlong Elemento ng Metakognitibong Pagbasa

1. Kaalaman sa gawain
Kinakailangan alam ng mambabasa ang kaniyang layunin sa pagbabasa o ang
nais niyang malaman mula sa testo upang alam niya kung saan nakatuon ang
lahat ng kaniyang ginagawa sa lubos na pagkaunawa sa binabasa

2. Kamalayan sa estruktura ng teksto


Natutukoy ng mambabasa ang tinutumbok ng babasahin, nauunawaan at
napupulot niya ang mahahalagang paksa at ang kaugnayan sa paksa ng mga
ito sa iba’t ibang hirarkiya.

3. Kaalaman sa estratehiya
Alam ng mambabasa ang kaniyang mga gawain bago bumasa, habang
bumabasa at pagkatapos bumasa

Mga Hakbang sa Metakognitibong Pagbasa

 Isang gawaing mental ang pagbasa, hindi ito pangmata lamang o pagtingin sa mga larawang
nakaguhit sa bawat pahina o mga nakaimpritang simbolo na tinatawag na letra, ito ay isag pagtuklas
sa mga nakapaloob na kahulugan.

 Sa pagbasa may mga prosesong sinusunod at sa prosesong ito nakapaloob ang ilan sa mga hakbang
sa metakognitibong pagbasa.

Suriin ang Dayagram sa ibaba

Habang Pagkatapos
Bago Bumasa Nagbabasa Magbasa
(pagbuo ng
mga palagay o (proseso sa (pagbibigay
hinuha) pagkuha at ng reaksyon
pag-unawa) sa binasa)
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
009
[PROSESO NG PAGBASA]

Proseso sa Metakognitibong Pagbasa

Bago Magbasa

– Pagbuo ng palagay o hinuha kaugnay sa kung ano ang paksa ng teksto, bumubuo ang
mambabasa ng palagay kung ano ang layuning nais ipaunawa nng manunulat. nagiging
batayan ang palagay ng mambabasa sa pagbuo nila ng interprestyon sa tekstong babasahin.

Habang Nagbabasa
– dito nagaganap ang proeso ng pag-unawa at pag-intindi sa nabuong palagay ng mambabasa,
nakatutulong ang mga nakalimbag na simbolo upang higit na pagtibayin ang nabuong
palagay ng mambabasa sa nais ipakahulugan ng manunulat sa loob ng teskto.

Pagkatapos Magbasa
– sa bahaging ito magbibigay ng reaksyon ang mambabasa, iuugnay at ilalangkap na niya ang
hinuha bago bumasa at ang napag-alaman niyang kaisipan o mensahe matapos niyang mabasa
ang teksto, sa bahaging ito lubos na niyang napahahalgahan ang lahat kaya handa na ang
mambabasa na iaaplay sa buhay ang mensahe ng teksto.
Ang salita ‘Metakognisyon’ ayon kay John Flavell, ito ay binubuo ng kaalamang metakognisyon at
metakognitiv na karanasan o isang tuntunin. Nangangahulugang “Pag-iisip sa Iniisip” (Thingking
about thingking) at “Pagkatuto sa papaano matutuhan” (Learning how to learn).
Tumutukoy ito sa mataas na kasanayan ng pag-iisip na kinasasangkuta ng aktibog pananaw na
maaaring gamitin upang makontrol ang isang kognitibong proseso ng pag-iisip.

Teknik sa Pagbasa
 Maaring isagawa ang pagbasa sa iba’t ibang paraan, tulad ng malakasan at sabyang pagbasa
ng tula sa harap ng madla o kaya’y pagbabasa ng tahimik sa loob ng silid-aklatan. Maari din
naman ang mabilisan pagbasa ,tulad haimbawa ang pagababasa ng dyaryo o tabloid, o di
naman kaya ang pagbasa ng mabagal tulad ng mga aklt ng siyensya at mga teknikal na aklat
na gingamitan ng termino. Ang mga sumusunod ay mga karaniwang gamiting teknik sa
pagbasa.

Course Module
1. Iskiming

– Isang teknik ito ng pagbasa nang madalian para magkaroon lamang ng impresyon sa
materyal kung dapat o di-dapat basahing mabuti. hanggad nito ang makakuha ng
pangkahalatang ideya .

– sa pagbasang ito ang pokus ay wala sa detalye kundi nasa pangkalahatang kaisipan

2. Iskaning

– Isa rin ito sa mabisang teknik ng pagbabasa, isa itong teknik ng mabilisang pagbasa na
naglalayong makakuha agad ng kasagutan sa ispisipikong tanong, kaya’y matagpuan agad
ang susing salita.

– Mahalaga ang iskaning kapag nagsasagawa ng rebuy na hindi na kailangang basahin lahat
ang detalye, iyong makakuha lamang ng mga ideya ay sapat na.

3. Kaswal

– kung ang layunin sa pagbasa ay palipasin lamang ang oras habang naghihintay at hindi
maiinip, ito ang karaniwang teknik na ginagawa. kadalasan itong ginagamit ng mga
mambabasang hindi kinahiligan ang pagbasa, sila ‘yong mga napipilitan ang sariling
samantalahin ang pagkakataong magbasa kaya magaan lamang at hindi dinidibdib ang
pagbabasa.

4. Komprehensibo

– Intensibo o mataimtim na pagbasa ang teknik na ito, iniisa-isa ang bawat detalye, inuunawa
ang bawat kaisipan o mensahe. Maingat, masinsin, matalino itong pagbabasa sapagkat
mahalaga ang lubos na pagkatuto. Sinisuri, pinupuna at pinahahalagahan ang binabasang
teksto. ito ang teknik na epektibo sa usaping pang-akademiko.

5. Kritikal

– Tinatawag din malikhain ang teknik na ito. hindi sapat dito ang maunawaan ang kahulugan
ng binabasa layunin nitong maging mapanlikha, ang makatulas ng panibagong konsepto at
makabuo ng bagong anyo na maiuugnay sa kapaligirang sosyal at kultural. tinitingnan dito
ang katunayan at kawastuhan ng konsepto.

6. Pamuling-basa

– May mga babasahing teksto na hindi naiibsan ang mapupulot na kahulugan. Napakalawak
ng naibibigay na antas ng interpretasyon nito na hindi agad nauunawaan sa minsang
pagbasa. at habang muli’t muli itong binabasa ay nagkakaroon ng bagong mahahalagang
bagay na matutklasan ang mambabasa, tinuturing na dakila ang ganitong uri ng teksto.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
009
[PROSESO NG PAGBASA]

kabilang sa mga akda ito ang likha nina: Dr. Jose Rizal, William Shakespeare, Dante Aleghiere
at ang Bibliya.

7. Basang –tala

– Ang teknik na ito ng pagbasa ay sinasabayan ng pagtatala ng mahahalagang kaisipan o


konsepto, itinatala o nilalagyan ng marka o tanda upang madaling balikan kung sakaling o
pagmama kailanngan ang impornasyon.

– Isang paraan ang pagtatala o pagmamarka sa teksto ng pag-angkin sa binasa o pagpapakita


ng kaugnayan ng mambabasa sa babasahin, o isang ekspresyon ng pagsang-ayon o
pagsalungat sa manunulat.

Iba’t ibang paraan ng pagtatala

a. Ang pagsasalungguhit ay nagpapakita ng mahalagang pangunahing punto o


mapuwersang pahayag.

b. Ang mahahalagang pahayag ay maaring ikulong sa vertical na guhit sa gilid ng marjin na


puwedeng minsan o dalawa bilang indikasyon na binibigyang diin ang sinalungguhitang
punto o linya ng pahayag.
c. Minsanan lamang gamiti ang asteriko bilangn indikasyon na pagbibigay diin sa
isandosenang pagkaimportanteng pahayag. Maari ring tupiin ang isang kanto ng pahina
o kaya’y magsingit ng papel sa pagitan ng mga pahina.

d. Pagpapakita naman ng paunlad o pagkakasunod-sunod ngn ideya ng awtor ang numero


sa marjin.

e. Isinusulat naman ang bilang ng ibang pahina sa marjin para ipakita kung saan pang
pahina makikita ang kaugnay na impormasyon.

f. Tulad saa pagsasalungguhit, binibulugan ang susing salita o parirala para ipakita ang
kahalagahan nito

g. Ang pagtatala sa marjin, sa itaas o sa ibaba ng pahina ay magpapakita ng katanungan o


kasagutang isinasaisip higgil sa nabasang pahayag.

Course Module
Tatlong Uri ng Pagtatala
Mahalaga ito para sa madaliang pagbabasa na may isyung agad ding maiisip ang tungkol sa
binabasa kaya makabubuting daglian din itongmaitala bago makalimutan,
1. Istruktural
Karaniwan ito sa pagbasang inspeksyunal. Inilalagay ito kung hindi sa pamagat, sa lugar na
kinatagpuan ng impormasyon.

2. Konseptuwal
Sa pagbasa rin itong inspeksyunal na may kinalaman ang pagtatala sa mga kaisipang iniisa-
isa ng awtor sa binasang materyal, gayundin ng sariling kaisipan ng bumabasa nito. Mga
kaliwanagan o insight nakuha sa pagbasa tungkol sa paksa, kaya’y mga pahayag o kasagutan
ito sa mga naiisip na katanungan hinggil sa kahalagahan ng binasa

3. Dayalektikal
Karaniwan ito sa pagbasang sintopikal. Kung sa konseptuwal na pagtatala isinusulat ang
bilang ng pahina sa marjinna kinatagpuan ng kaugnay na impormasyon sa ibang pahina ng
katulad na aklat.

Interaktibong Proseso ng Pagbasa


 Ito ay ugnayan ng teksto at ng mambabasa pinagtatambal nito ang mahahalagang
impormasyong kaniyang nababasa at ang dating kaalaman at kasanayan sa paghihinuha.

 Ang kasanayan sa gramatika ay higit na nakatutulong sa mambabasa upang higit ang maging
pag-unawa sa tekstong binabasa,

 daan din ang kasanayan sa talasalitaan, pagkilala sa mga salita upang maiugnay ang dating
kaalaman sa tekstong binabasa.

 Ayon kay Rumelhart (1977) ay maaring ‘itaas-ibaba’ o ‘ibaba-itaas’ na proseso, ito ang
sentisis ng dalawa. Batay pa sa kaniya, ang modelong interaktibo ay kapuwa kinapapalooban
ng mga impormasyong sensori at non-sensori sabay na nagaganap,tinawag niya itong ‘lupon
ng mga mensahe’(message-board).

Proseso ng Interaktibong Pagbasa


Ang interaktibong pagbasa ay ang pinagtambal na bottom-up at top-down mga teorya ng
pagbasa.

Sa tinawag na ‘ Lupon ng mensahe’ ni Rumelhart, Ang proseso ito ng pagbasa ay nakatuon sa


kaalaman sa mga titik at kaugnay sa mga tunog, ang kaalamang leksikal o kaalaman kung
paano nabuo o napagugnay-ugnay ang mga salita at ang mga kahulugang taglay nito, ang
kaalamang sintaktika at semantika ay sabya na nabubuo upang matukoy at maunawaan ang
ipinahahayag ng isang salita. Makikita sa dayagram ang prosesong interaktibo
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
009
[PROSESO NG PAGBASA]

PAGKILALA SA MGA TALASALITAAN GRAMAR O


MAKABULUHANG BALARILA
TUNOG

DATING KAALAMAN

KAHULUGAN
INPUT MULA SA
TEKSTO

KASANAYAN SA
PAGHIHINUHA

ORGANISAYON/KAY
ARIIAN NG TEKSTO KOHESYON

Bottom- up
 Ang proseso ng pag-unawa ay nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa(up)

 Ang pagbasa ay pagkilala ng mambabasa sa serye ng mga nakasulat na simbolo upang


maibigay ang katumbas nitong tunog.

 pinakikita ng teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa ma


salita,parirala at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto.

 Ang mambabasa ay isang pasib na kalahok lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang angkin
tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong binasa.

 tinawag din itong “data-driven” sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay nagmumula sa


tekstong binasa.

Course Module
Top-down
 Ang pag-unawa ay nagmumula sa mambabasa (Top) patungo sa teksto (down)

 Sa prosesong ito ng pagbabasa ang dating kaalaman ng mambabsa bung ng kanyang


karanasan o mga kaalaman buhat sa kapaligiran, bunga nito nakabubuo ang mambabasa ng
knayng palagay at hinuha na naiuugnay sa ideyang inilahad ng manunulat sa yeksto.

 Sentro ng prosesong ito ng pagbasa ay ang mambabasa hindi ang teksto.

 Tinatawag din itong “inside-out” dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa


mambabasa patungo sa teksto.

Kombinasyong Bottom-up at Top-down na Pagbasa


 Nagaganap ang interaktibong proseso ng pagbasa kung ang mambabasa ay bumubuo ng
kanyang palagay habang binabasa ang teksto, kapag ganito ginagamit ng mambabasa ang
top-down, naililipat ito sa bottom –up kung ang mambabasa ay tinitiyak kung tama ang
kanyang palagay mula sa tekstong binabasa.

 kung kaalaman sa talasalitaan at gramatika kasabay ng kaalaman sa istruktura ng


pangungusap, kasabay ng kaniyang mga hinuha at palagay makikita na nagagamit niya ang
kombinasyong bottom-up at top-down na pagbasa.

 sa ganitong proseso higit na magagamit ang isa sa mga teknik sa pagbasa ang komprehensibo
dito ang mambabasa ay nagtatanong, bumubuo ng opinyon at iniisa-isa ang kaugnayan ng
kanyang palagay sa tekstong binasa

Ang Estratehiya sa Metakognitiv na Pagbasa


1. Pagbuo ng layunin sa pagbasa
2. Isaayos ang pagbasa alinsunod sa layunin
3. Tukuyin ang mahahalagang ideya na nakapaloob sa binasa.
4. Iugnay ang dating kaalaman
5. Suriin ang teksto para sa kalinawan,kasapatan at konsistensi.
6. Pahalagahan ang kahinaan sa pag-unawa ng teksto
7. Suriin ang lebel ng komprehensyon
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
009
[PROSESO NG PAGBASA]

References and Supplementary Materials

Books and Journals


Pacay, Wilmor L III (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang tekto tungo sa Pananaliksik,
JFS Publishing Services, Inc.

Tanawan-Sunga Dolores, et,.al(2013) Lundayan: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik, Olympia Publishing House Taytay, Rizal

Arogante, Jose A. et.al (2010) Pinaunlad na Pagbassa at Pagsulat, Cacho Hermanos Inc.

Online Supplementary Reading Materials


https://study-everything.blogspot.com/2014/ang-proseso-mga-teorya-at-kasanayan-sa-
pagbasa.html Retrieved November 20, 2016

Course Module

You might also like