You are on page 1of 31

MGA BATAYANG

KAALAMAN SA
PAGBASA

DEPINISYON
Ang pagbasa ay pagkuha at pagkilala ng
mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas nang
pasalita.
Ito rin ang pag-unawa sa wika ng awtor
sa pamamagitan ng mga nakasulat na
simbulo
Paraan din ito ng bahagi ng pagkikilala,
pagpapakahulugan at pagtataya sa mga
simbulong nakalimbag Austero :1999

Ayon kay Goodman, ang pagbasa ay


isang psycholinguistic guessing game. Sa
pagbasa kasi, ang isang mambabasa ay
bumubuo muli ng kaisapan hango sa
textong kanyang binasa

KAHALAGAHAN NG PAGBASA
1. Nakapagpapalawak ng pananaw at
paniniwala sa buhay
2. Nakapagpapatatag sa tao na harapin ang
mga di-inaasahang suliranin sa pangarawaraw
3. Nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga
babasahin
4. Nagbibigay ng impormasyon na
nagiging daan sa kabatiran at
karunungan.

5. Nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan


6. Nakapagdudulot ng ibat ibang
karanasan sa buhay
7. Nagsisilbing susi sa malawak na
karunungan na natipon ng daigdig sa
mahabang panahon.

4 NA HAKBANG SA PAGBASA
Ang pagbaba ay isang gawaing mental. Ang
apat na hakbang ng pagbasa ayon kay
WILLAM S. GRAY ay ang mga sumusunod:
1. PERSEPSYON O PAGKILALA Ito ay
kakayahan sa pagbigkas ng salita at
pagkilala ng mga nakalimbag na
simbolo.
2.

PAG-UNAWA Pag-intindi sa mga


kaisipang ipinahahayag ng mga simbulo.

4 NA HAKBANG SA PAGBASA

3.

REAKSYON Pagpapasiya sa
kawastuhan, kahalagahan at kahusayan
ng teksto.

4.

ASIMILASYON Pagsasama-sama at
pag-uugnay-ugnay ng binasang
konteksto sa karanasan ng mambabasa.

Upang mailarawan pa nang higit ang presesong ito,


pansinin natin ang ilan sa mga paglalarawan sa pagbasa
na inilahad ni Badayos.

a)

b)

c)

Ang pagbasa ay walang kahingiang imposible


para hindi ito maisagawa ng isang mambabasa
Ito ay proseso ang pag-iisip. Utak ang
ginagamit dito hindi ang mga mata na
tagahatid ng mensahe or imahen sa utak.
Ang epektib na mambabasa ay isang interaktiv
na mambabasa. Sa pagbabasa, ang isang
mambabasa ay nakakagawa ng interaksyon sa
awtor, sa teksto at sa kanyang sarili mismo.

d.

e.

f.

Maraming ibat ibang hadlang sa pagunawa, bukod pa sa mga hadlang sa


pagbasa. Hindi dapat ipagkamali ang
isat isa.
Ang magaling na mambabasa ay
sensitib sa kayariang balangkas ng
tekstong binasa.
Ang mabilis na pagunawa sa teksto ay
nakapagpapabilis sa pagbasa.

MGA PANANAW sa PROSESO NG


PAGBASA
Upang lalong matugunan ang
kahalagahan ng pagbabasa kailangang
magkaroon ng isang matatag na pagunawa sa proseso ng pagbasa ang isang
mambabasa. Merong tayong tatlong (3)
teoryang makakatulong para magkaroon
ng matatag na pag-unawa sa pagbasa.
Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-up)
Teoryang Pataas-Pababa(Top-Down)
Teoryang Interaktiv

TEORYANG IBABA-PATAAS
(BOTTOM-UP)
Ayon sa teoryang ito, ang pagbabasa
ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbulo upang maibigay
ang katumbas nitong tunog. Ang
pagkatuto ng pagbasa ay nagsisimula sa
yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa
salita, parirala, pangungusap ng buong
teksto bago pa man ang
pagpapakahulugan sa teksto. Ang
imformasyon sa pag-unawa ay hindi
nagmumula sa mambabasa kundi sa
teksto.

TEORYANG PATAAS-PABABA
(TOP-DOWN)
Ang teoryang ito ay bunga ng pagaaral ng mga mananaliksik noong 1920.
naipapakita sa kanilang mga pag-aaral
na lalong nauunawaan ang isang teksto
kung naiuugnay niya ito sa kanyang
dating kaalaman.
Sa teoryang ito ang pag-unawa ay
nagsisimula sa isip ng mambabasa tungo
sa teksto. Ang pananaw na ito ay
impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na
naniniwalang ang pagbabasa ay holistik.

TEORYANG INTERAKTIV
Ito ay kumbinasyon ng ibaba-pataas at
itaas-pababang proseso ng pagbasa.
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang
teksto ay kumakatawan sa wika at
kaisipan ng awtor at pag-unawa nito,
ginagamit ng mambabasa ang kanyang
kaalaman sa wika at kaisipan ng awtor
at pag-unawa nito, ginagamit ng
mambabasa ang kanyang kaalaman sa
wika at sariling kaisipan. Ito ay
nagbibigay diin sa pagunawa bilang
isang proseso.

TEORYANG ISKIMA
Mahalagang ang tungkuling
ginagampanan sa pagbasa ng dating
kaalaman ng mambabasa. Ito ang
batayang paniniwala ng teoryang iskima.
Bawat bagong impormasyong nakukuha
sa pagbabasa ay naidaragdag sa dating
nang iskima, ayon sa teoryang ito.
Samakatuwid, bago pa man basahin ng
isang mambabasa ang teksto, siya ay
may taglay nang ideya sa nilalaman ng
teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.
Maaaring binabasa niya na lamang ang

MGA TEKNIK NG PAGBASA

Ayon kay Badayos, may mga teknik sa


pagbasa na dapat isaalang-alang:
1. Iskaning
. Mabilis na teknik ito ng pagbasa na ang
pokus ng mambabasa ay makuha
lamang ang mga espesipikong
impormasyon.

2. Iskiming
Gaya ng iskaning, ang iskiming ay
mabilis na teknik din ng pagbasa, subalit
pangkalahatang impormasyon naman
ang ating hinahanap.
3. Kaswal
Ang teknik na ito ay tinatayang pang
ubos oras lamang ng pagbasa. Sa
madaling sabi, wala kang tiyak na
layunin at intensyon kaugnay sa iyong

4. Kritikal
nangangahulugang pagsusuri at
pagsasala ng mga impormasyong iyong
natatanggap. Ibig sabihin, ikaw ay
lumilikha ng sarili mong pamantayan
upang paniwalaan o hindi paniwalaan
ang isang bagay na nabasa mo.
5. Komprehensibo
tumutukoy sa pagkuha ng lahat ang
detalye maging ito man ay maliit o

6. Pribyuwing
Ang mambabasa ay tanging kinukuha
lamang ang lahat ng mahahalagang
impormasyon ng isang babasahin.
7. Replektib
Replektib na teknik ang pagbasa kung
maisasabuhay ng isang mambabasa ang
kanyang binabasa at nauunawaan niya
ito nang lubos.

8. Muling Basa
Tinatawag ito sa Ingles na rereading at
tumutulong sa mga mambabasa na
maging pamilyar sa mga detalye ng
binabasa tungo sa lubos na pag
unawa.

9. Pagtatala
Notetaking naman ito kung tawagin sa
Ingles na malaki ang naiaambag sa
mambabasa. Nagagawa kasi nitong
mabigyang emphasis o haylayt ang
iyong binabasa. Kadalasan itong
isinasagawa sa pamamagitan ng
pagsasalungguhit sa teksto, paglalagay
ng asterisk, paggamit ng haylayter at iba
pa.

ANG APAT NA ANTAS NG PAGBASA

1. Literal na Pang-unawa
Ang pang-unawang ito ay ang
kakayahang pansinin ang katotohanan o
opinyon sa binasa. Mahalaga ang
kakayahang ito upang malaman ang
pinakadiwa ng binabasa batay sa mga
patunay o saliksik.

2. Pagbasa sa Pagitan ng Salita


(Inferential Level)
ang kakayahang maintindindihan o
unawain ang kaakibat na kahulugan ng
mga nakalimbag na salita.

3. Pang-unawang Kritikal
nangangailangan ng malawak na
kaalaman sa paksang binabasa upang
mapagtanto at makabuo ng matatag na
pananaw.Ang mga bagay na maaaring
makatulong sa bumabasa sa larangang
ito ay ang pagsasaalang-alang kung sino
ang may akda, ang paninindigan nito,
mga karanasan at ang may kinalaman o
patungkol sa may akda.

4. Malikhaing Antas ng Pagbasa


(Creative Level of Comprehension)
ang kakayahang maiugnay sa buhay ang
mga binasa. Sa antas na ito, nagaganap
ang pagbabago sa buhay o pananaw ng
isang mambabasa, ito ang
pinakamahalagang antas ng
pagbabagong naidudulot.

MGA DAPAT TANDAAN TUNGO SA MABISANG PAGBASA

1. Pumili ng lugar na makakaramdam


ng komportabilidad.
2. Tiyakin na walang hadlang ang
lugar na pinili.
3. Iwasang magbasa sa lugar na
sobrang komportable.
4. Alamin ang oras kung saan alerto
ang isipan.
5. Tiyakin na laging may oras sa
pagbabasa. Gawin itong habit kung

6. Laging isaisip ang layunin kung


bakit nagbabasa upang lalong
tumaas ang motibasyon sa
pagbasa.
7. Magkaroon ng barayti ng
babasahin upang hindi ito
kasawaan.
8. Ang diretsong tatlong oras na
pagbasa ay mainam. Subalit,
matapos ang tatlong oras, maglaan
ng dalawampung minutong break.

9. Sa tuwing nagbabasa, iwasan ang


paghawak sa susunod na pahina ng
binabasa. Nagbubunsod ito ng
pagmamadali sa pagbabasa na
maaring magresulta sa mababang
antas ng komprehensyon.
Nagtataglay ito ng epektong
sikolohikal.
10. Laging tandaaan, mataas ang
posibilidad na kaunti lamang ang
maunawaan sa tuwing binibilisan ang

11. Iwasan ding bilangin o tingnan kung


gaano karami ang pahinang babasahin.
Nagdudulot din ito ng hindi magandang
saloobin tungo sa mabisang pagbasa.

12. Para sa mga magbabasa nang tahimik,


siguraduhing iwasan ang sumusunod:
a. Lipping

Madalas na paggalaw na labi na kung


minsan ay nagiging hadlang sa mabisang
pagbasa. Upang maiwasan ito, kumuha
ng bolpen o lapis at itapat ito sa iyong
labi sa paraang horizontal. Gawin ito sa
loob ng isa hanggang dalawang linggo
hanggang sa tuluyan na itong maalis.

b. Tongue Warbling

Madalas na paglalaro ng dila sa


loob ng bibig na nagdudulot ng
tunog at nagsisilbing hadlang din sa
mabisang pagbasa.

c. Jawing

Madalas na paglalaro naman ito ng


panga dulot din ay hadlang

MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!

You might also like