You are on page 1of 3

URDANETA CITY

UNIVERSITY College of Arts & Sciences


Owned and operated by the City Government of Urdaneta

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Ang PANANALIKSIK:

P Pormal na pagsulat May sinusunod na pormat , kung minsan ay


naayon sa institusyong kinabibilangan
A Akma sa Panahon Umaayon sa kasalukuyang panahon,
gayundin ang panahong kasangkot sa paksa
ng pananaliksik
N Nagagamitan ng haypotesis Tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa
isasagawang pag-aaral
A Angkop na Metodo/Pamamaraan Tamang disenyo, dulog, o estratehiya para sa
napiling paksa
N Napapalawak ang Kaalaman Mula sa kuryosidad ay nabuo ang mga
katanungan kaya’t nagkaroon ng interes na
siyang dahilan para mangalap ng mga
kaalaman tungo sa paghanap ng katotohanan
para maliwanagan ang mga maling
pangangatwiran o fallacy
A Anti-plagiarism Kilalanin ang mga awtor ng mga akdang
pinaghahanguan ng mga kaisipan o
impormasyong
L Laging mangalap ng mga bagong datos Mahalaga ang mga dating impormasyong
ngunit sa bilis ng takbo ng panahon
kailangang tanggapin na may mga bagong
ideya dahil sa pag-usbong ng mga
makabagong mapanaliksik na kaisipan
I Interpretasyon ay obhektibo Dapt kunin ang mga datos sa mga di
kumikiling o di kinikilingang batas
K Kwalitatibo o Kwantitatibo Kuwantitatibo kung ang resulta ay nasusukat
ng estadistika at kuwalitatibo kung ibayong
pagsusuri ang ginagawa upang
mapatotohanan ang kahalagahan sa sarili na
umaayon sa mga teorya o pagdulog
pampanitikan na umaangkop sa paksang
pinag-aaralan
S Solusyon sa Suliranin Makakalap ng mga solusyo sa mga suliranin
na nakikita sa kapaligiran kaya may
sinusuond na sistematikong paraan tulad ng
obserbasyo, paglalarawan, klasipikasyon ,
prediksyon, paghihinuha, pagtataya, pagbuo
ng palagay at eksperimentasyon
I Ideyal ang mga abot kamay na Ang mga datos na nagmula sa tabi tabi ay
impormasyon higit na mainam kaysa sa paksang matatayog
pero hirap sa pagkalap ng mga datos
K 3K (kasanayan, kontrolado, katapangan) Nalilinang ang apat na makrong kasanayan ,
(075) 600 - 1507
San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Your brightfuture starts here ucu.edu.ph | univpresidentofficial@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY College of Arts & Sciences
Owned and operated by the City Government of Urdaneta

pinipili ang mga baryabol at akmang


instrumentong gagamitin at kailagan ng lakas
ng loob para sa iakatatagumpay ng gawain
KATANGIAN NG MANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay sadyang nakikisangkot (Alejo, et.al, 2005) Dapat alam mo ang nangyari sa
paksang iyong pinag-aaralan upang maintindihanmo ang kalikasan nito. Halimbawa , para
maunawaan ang buhay ng mga taong grasa, kailangan mong maging taong grasa, mismo-
namamaluktok matulog sa mga basurahan, nakukulapulan ng dumin, nagdidikit ang buhok, nag-
aamoy burak, pinandidirihan, at itinatatwa ng lipunan.

PAGKAMASIGASIG
Kailangang pagtiyagaan at pagsikapang makuha ang mga aklat, dyornal, magasin, tesis at
disertasyon na makakatulong sa paksang pag-aaralan. Maliban dito, mahalaga at nakatutulong din
sa iyo ang iba’t-ibang institusyo, media, at mga taong may kaalaman sa paksang pag-aaralan. Kung
hindi ka masigasig sa paghahanap ng tamang impormasyon, maaaring mahilaw ang pagtalakay
mo sa gagawing pananaliksik.

PAGKAMAALAM
Hindi matatawag na pananaliksik ang iyong isinasagawa kung hindi ito dumaraan sa
proseso ng pagsusuri o pag-aanalisa. Sa prosesong kinasasangkutan ng mga ito, kailangan mo
ang malalim at masusing pagsusuri sa mga resulta, paraan , interpretasyon sa mga pag-aaral na
isinasagawa. Hindi nagiging matagumpay ang iyong pananaliksik kung hindi ito masusing
natalakay gamit ang iyong kritikal na pag-iisip

PAGKAMAPAMARAAN
Kailangan marunong ka ring dumiskarte. Kung hindi mo mahanap ang impormasyong,
kailangang gumawa ka n paraan para makita o makuha mo ang mga ito. a bahaging ito
mapapatunayan ang pagiging mapamaraan mo bialng isang mananaliksik.

PAGKAMASIYASAT
Maging maingat sa pagsisiyasat ng mga impormasyong kakailanganin at gagamitin mo sa
iyong pananaliksik. Ang mga impormasyong nakuha mo ay tinitimbang na mabuti kung nararapat o
di nararapat isama. Sinusuri mong mabuti ang interpretasyon ng mga datos kung ito ay may
kaugnayan o may kabuluhan sa paksang iyong pinag-aaralan. Hindi lahat ng datos ay magagamit
mo kaya pinipili lamang ang may kaugnayan sa isinasagawang pananaliksik.

PAGKAMASINOP
Pagkatapos mong makuha lahat ng impormasyong kailangan mo sa gagawing
pananaliksik, sikapin mong maging maayos at orgganisado ang pagtatala ng mga impormayon.
Pag-ingatan mo ang mga talang ito para hindi maaksaya ang panahon sa muling paghahanap kung
sakaling nawala ang mga dokumentong kailangan. May mga pagkakataong binabalik balikan ang
mga datos na kakailanganin sa pag-aaral kaya kailangang maging masinop ka sa pagtatago ng
mga ito.

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Your brightfuture starts here ucu.edu.ph | univpresidentofficial@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY College of Arts & Sciences
Owned and operated by the City Government of Urdaneta

PAGKAMARANGAL
Ang mga awtoridad o eksperto at ang mga manunulat na ginamit sa pananaliksik ay dapat
kinikilala. Mahalagang isulat ang pangalan ng mga taong ito upang hindi ka maparatangang
nangongopya lamang sa iniulat ng ibang tao. Bukod ditto, dapat responsible ka rin bilang
mananaliksik sa bawat datos na kinuha hanggang sa mabuo ang isinasagawa mong pag-aaral.
Pinaninindigan mo ang lahat ng Pagpapatunay na ginamit sa pananaliksik at ang mga ebidesy ay
balido.

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Your brightfuture starts here ucu.edu.ph | univpresidentofficial@gmail.com

You might also like