You are on page 1of 2

Paksa: Discourse Analysis and Pragmatics

Pangalan: Manlutac, R-jay John C.


Kurso at Seksyon: BSCS 2-2
Araw at Oras: Huwebes 8:30 n.u. – 11:30 n.u.

Discourse Analysis - Pag-unawa sa pangunahing istruktura ng isang


kontrobersyal na interaksyon o masusing paglalarawan ng kombersyon.

Dalawang Uri ng Diskurso:


Istruktural - Ay nangangahulugang isang particular na yunit ng
lenggwahe/wika. Paraan ng pagsasalita ng mga tao
Fangsyonal - Isang tiyak na pokus sa gamit ng wika kung saan maaari itong
humantong sa lalong malawak o pangkalahatang pagsusuri sa fangsyon ng
wika.

Pragmatics -ay isang kailangang-kailangang batis (source) para sa discourse


analysis,imposibleng masuri ang isang diskurso nang walang matibay na
basikong kaalaman ukol sa phenomena ng pragmatics at sa mga paraan
kung paano ito kumikilos at nagsasagawa ng interaksyon -HUSSEIN

Pragmatiks - ay isang sangay ng lingguwistika na inilarawan bilang pag-aaral


ng ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at mga gumagamit nito.

Yule (1996) - Binibigyang-pansin dito ang gamit ng wika sa mga kontekstong


panlipunan gayundin kung paano lumilikha at nakauunawa ng kahulugan ng
tao sa pamamagitan ng wika.

Fraser (2010) - Nakapaloob sa kakayahang ito ang pagpaparating ng


mensaheng ninanais kasama ng iba pang kahulugan sa anumang
kontekstong sosyo-kultural.

Chomsky - Ang kakayahang ito ay tumutukoy sa kaalaman kung paano


naiuugnay ang wika sa sitwasyon na pinaggagamitan nito.

Paul Grice (Gricean Pragmatiks) - Ang bawat mensahe ay mayroong


kahulugan para sa tagapagsalita. Para maituring ng isang kahulugan ang
mensaheng nabanggit,nararapat na may rason o dahilang iisipin ang
tagakinig, na may intensiyon ang tagapagsalita sa pagpapahayag ng
kahulugang ito. Gumawa si Grice sa pagitan ng natural at di natural na
pagpapakahulugan.

Principle of Cooperative:
TUNGKOL SA DAMI (MAXIMS OF QUANTITY)
Kailangang gawing impormatibo at naayon sa hiningi ng pagkakataon ang
kontirbusyon ng nagsasalita sa usapan.

TUNGKOL SA URI (MAXIM OF QUALITY)


Hindi dapat magbigay ng impormasyon tungkol sa isang bagay nang hindi
nalalaman kung totoo o kung kulang ang patunay.

TUNGKOL SA PAGIGING AKMA (MAXIM OF RELEVANCE)


Ipinapalagay ng nakikinig na makabuluhan sa paksang pinag-uusapan
ang sinasabi ng nagsasalita.

TUNGKOL SA PAMAMARAAN (MAXIM OF MANNER)


Ipinapalagay na maliwanag at hindi malabo ang sinasabi ng nagsasalita
at hindi nito ipinagkakait ang anumang bagay na mahalaga sa usapan.

You might also like