You are on page 1of 3

Kakayahang Pragmatiks

ANO ANG PRAGMATIKS?


- ang pragmatiks ay isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang pag-
aaral ng ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at mga gumagamit nito.

AYON KAY YULE,1996:

Yule

“Binibigyang-pansin dito ang gamit ng wika sa mga kontekstong panlipunan


gayundin kung paano lumilikha at nakauunawa ng kahulugan ang tao sa pamamagitan
ng wika.”
Nakatuon ang larangan ng pragmatiks sa komunikatibong aksyon sa loob
ng kontekstong sosyokultural., sa madaling salita, binibigyang pansin ang kaangkupan
ng gamit ng wika sa isang partikular na sitwasyon.

PARA KAY FRASER 2010:


“nakapaloob sa kakayahang ito ang pagpaparating ng mensaheng
ninanais---kasama ang lahat ng iba pang kahulugan---sa anumang kontekstong sosyo-
kultural.”

PARA KAY CHOMSKY:

Chomsky

“Ang kakayahang ito ay tumutukoy sa kaalaman kung paano naiuugnay ang


wika sa sitwasyon na pinaggagamitan nito.”

SANG-AYON NAMAN KINA BADAYOS AT MGA KASAMA 2010:


Ang pragmatiks ay kinapapalooban ng tatlong pangkalahatang kakayahan sa
komunikasyon:
1. Ang gamit ng wika sa iba’t ibang layunin gaya ng pagbati, pagbibigay
impormasyon, pagnanais, paghiling, at pagbibigay pangako.
2. Paghiram o pagbabago ng wikang gagamitin batay sa pangangailangan o
inaasahan ng tagapakinig at/o sitwasyon.
3. Ang paggamit ng tuntunin sa isang talastasan at mga naratibong dulog gaya ng
pagkukuwento, pagbibigay ng ulat, at iba pa.

PRAGMATIKS SA KOMUNIKASYON

Saligan ng larangan ng pragmatiks ang pag-aaral ng wika mula sa pananaw ng


mga gumagamit nito, partikular ang kanilang pagpipilian, ang mga balakid na
nararanasan sa paggamit ng wika sa isang interaksiyonal na konteksto,

tinataya sa teoryang pragmatiks na ang isang mahusay na diskurso ay palaging


nakabatay sa kinalalagyang sitwasyon ng mga taong sangkot sa isang usapan.

mahalagang elemento ng kakayahang pragmatik ang pag-alam sa kumbensiyon


ng sosyolinghuwistika upang maisakatuparan nang may kaangkupan ang gamit ng wika
sa isang konteksto.
Makakamtam ito sa pamamagitan:

* PAG-ALAM SA LAYUNIN NG PAKIKIPAG-USAP *UGNAYAN NG MGA


SANGKOT SA USAPAN
*PAKSA NG USAPAN
*SITWASYONG UMIIRAL SA USAPAN

Ang pagsusuring pragmatik ay nakatuon sa kung ano ang pakahulugan sa


sinasabi o isinulat kaysa mismong kahulugan ng mga salita, parirala, at pangungusap.

Ang pagsusuring pragmatik sa kahulugan ng mga pahayag at nauugnay sa pag-


aaral ng mga bagay na nailalahad ng tagapagsalita/manunulat at binibigyang
pagpapakahulugan ng tagapakinig/mambabasa.

PAUL GRICE (GRICEAN PRAGMATICS)


para sa kanya, ang bawat mensahe ay mayroong kahulugan para sa mga
tagapagsalita (speaker meaning)

GRICE

Paul Grice

Panukala niya na ang talastasan o usapan ay nararapat nakasalalay sa


pinagbabahaginang principle of cooperation.

Hindi dapat magbigay ng impormasyon tungkol sa isang bagay nang hindi


nalalaman kung totoo, o kung kulang ang patunay.
TUNGKOL SA DAMI (MAXIMS OF QUANTITY)
Kailangang gawing impormatibo at naayon sa hinihingi ng pagkakataon ang
kontribusyon ng nagsasalita sa usapan.

TUNGKOL SA URI (MAXIM OF QUALITY)


Hindi dapat magbigay ng impormasyon tungkol sa isang bagay nang hindi
nalalaman kung totoo, o kung kulang ang patunay.

TUNGKOL SA PAGIGING AKMA (MAXIM OF RELEVANCE)


Ipinapalagay ng nakikinig na makabuluhan sa paksang pinag-uusapan ang
sinasabi ng nagsasalita.

TUNGKOL SA PAMAMARAAN (MAXIM OF MANNER)


Ipinapalagay na maliwanag at hindi malabo ang sinasabi ng nagsasalita at hindi
nito ipinagkakait ang anumang bagay na mahalaga sa usapan.

You might also like