You are on page 1of 8

Kakayahang

Pragmatiko
Ang pragmatiks ay isang sangay ng lingguwistika
na inilalarawan bilang pag-aaral ng ugnayan ng
mga anyong lingguwistiko at mga gumagamit nito.
Ayon kay Noam Chomsky, ang kakayahang ito ay
tumutukoy sa kaalaman kung paano naiuugnay
ang wika sa sitwasyon na pinaggagamitan nito.”
Ang PAGSUSURING PRAGMATIK ay nakatuon sa
kung ano ang pakahulugan sa sinasabi o isinulat
kaysa mismong kahulugan ng mga salita, parirala,
at pangungusap.
PAUL GRICE (GRICEAN
PRAGMATICS)
Para sa kanya, ang bawat
mensahe ay mayroong kahulugan
para sa mga tagapagsalita (speaker
meaning).
Patakaran sa Talastasan
TUNGKOL SA DAMI (MAXIMS OF QUANTITY)
Kailangang gawing impormatibo at naayon sa hinihingi ng
pagkakataon ang kontribusyon ng nagsasalita sa usapan.
TUNGKOL SA URI (MAXIMS OF QUALITY)
Hindi dapat magbigay ng impormasyon tungkol sa isang
bagay nang hindi nalalaman kung totoo, o kung kulang ang
patunay.
TUNGKOL SA PAGIGING AKMA (MAXIMS OF RELEVANCE)
Ipinapalagay ng nakikinig na makabuluhan sa paksang
pinag-uusapan ang sinasabi ng nagsasalita.
TUNGKOL SA PAMAMARAAN (MAXIMS OF MANNER)
Ipinapalagay na maliwanag at hindi malabo ang sinasabi ng
nagsasalita at hindi nito ipinagkakait ang anumang bagay na
mahalaga sa usapan.
Patakaran sa Talastasan
TUNGKOL SA DAMI (MAXIMS OF
QUANTITY)
Kailangang gawing impormatibo at
naayon sa hinihingi ng pagkakataon ang
kontribusyon ng nagsasalita sa usapan.
A: Ano ang inalmusal mo?
B: Kumain ako ng pagkain.
C: Kape, sinangag, at pritong bangus.
TUNGKOL SA URI (MAXIMS OF QUALITY)
Hindi dapat magbigay ng
impormasyon tungkol sa isang bagay
nang hindi nalalaman kung totoo, o kung
kulang ang patunay.
A: Naniniwala ka bang nakabubuti sa
kalusugan ang paninigarilyo?
B: Siguro, sa tingin ko hindi ito
nakabubuti.
TUNGKOL SA PAGIGING AKMA (MAXIMS OF
RELEVANCE)
Ipinapalagay ng nakikinig na
makabuluhan sa paksang pinag-uusapan ang
sinasabi ng nagsasalita.
A: Maganda ba ang kasintahan mo?
B: Mabait.
C: Oo.
TUNGKOL SA PAMAMARAAN (MAXIMS OF
MANNER)
Ipinapalagay na maliwanag at hindi
malabo ang sinasabi ng nagsasalita at
hindi nito ipinagkakait ang anumang
bagay na mahalaga sa usapan.
A: Mahal mo ba ako?
B: Bakit mo natanong?
C: Siyempre naman.
D: Oo.

You might also like