You are on page 1of 25

Inihanda ni G. Arnold Kevin A.

Rivera
 Paano ka nakikipag-usap sa iyong magulang, guro, at iba pang
nakatatanda? Katulad lamang ba ito ng pakikipag-usap mo sa
iyong mga kaibigan at kaklase?
 Sa lahat ba ng lugar at pagkakataon ay Malaya kang magsalita
nang magsalita ng anomang nais sabihin o may sitwasyong
nangangailangan ng pagtitimpi?

 Ang mga tanong na ito, at marami pang iba, ang siyang


nagsasaalang-alang natin sa paglinang ng kakayahang
sosyolingguwistiko.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong
Komunikasyon

Ayon sa lingguwistang si Dell Hymes,


magiging mabisa lamang ang
komunikasyon kung ito ay isasaayos, at
sa pagsasaayos ng komunikasyon, may
mga bagay na dapat isaalang-alang.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong
Komunikasyon

Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING


bilang acronym upang isa-isahin ang mga
dapat isaalang-alang upang magkaroon
ng mabisang pakikipagtalastasan. Binuo
nya ang modelo upang makatulong sa
pagsusuri ng diskurso.
 S-(Setting)

- Ang lugar o pook kung saan nag-uusap


ang mga tao. Mahalagang salik ang lugar
kung saan nag-uusap ang mga tao.
Katulad ng pananamit, ikino-konsidera din
natin ang lugar na pinangyayarihan ng
pakikipagtalastasan upang maiangkop ang
paraan ng atin pananalita.
 P- (Participant)
Ang mga taong nakikipagtalastasan.
Isina-alang-alang din natin ang ating
kausap upang pumili ng paraan kung
paano siya kakausapin. Hindi natin
kinakausap ang ating guro sa paraang
ginagamit natin tuwing kausap natin
ang ating mga kaklase o kaibigan.
 E- (Ends)

-Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. Dapat


bigyan ng konsiderasyon ang pakay o layunin sa
pakikipag-usap. Hindi ba’t tayo ay hihingi ng pabor
ay gumagamit tayo ng paraan na nagpapakita ng
pagpapakumababa? Samakatwid, nararapat na
isaalang-alang ang layunin natin upang maiangkop
natin ang paraan ng ating pakikipagtalastasan.
 A- (Act Squence)

- Ang takbo ng usapan. Minsan ay nag-


uumpisa tayo sa mainit na usapan at
kapag mahusay ang nakikipag-usap ay
madalas itong humahantong sa
mapayapang pagtatapos.
 K- (Keys)

-Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting


o pook, nararapat ding isaalang-alang ang
sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal
o di pormal. Wala sigurong makagugusto
kung mga salitang balbal ang gagamitin
natin sa isang pormal na okasyon.
 I- (Instrumentalities)

- Tsanel o midyum na ginamit, pasalita


o pasulat. Dapat isaisip ang midyum ng
pakikipagtalastasan. Iniaangkop natin
ang tsanel na gagamitin sa kung ano ba
ang sasabihin natin at kung saan natin
ito sasabihin.
N- (Norms)

- Paksa ng usapan. Mahalagang alamin


kung tungkol saan ang usapan. May mga
sensitibong bagay na kung minsan ay
limitado lamang ang ating kaalaman. Sa
mga ganitong sitwasyon, suriin muna natin
kung ang ilalahad natin ay tama o hindi.
 G- (Genre)

- Diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay,


nakikipagtalo, o nangangatwiran. Dapat iangkop
ang uri ng diskursong gagamitin sa
pakikipgtalastasan. Minsan dahil sa
miskomunikasyon sa genre ay hindi
nagkakaunawaanang magkausap.
Binuo ni Dell Hymes ang
modelong ito upang itaguyod
ang pagsusuri ng diskurso
bilang serye ng usapan sa
isang kontekstong kultural.
Ang kakayahang
SOSYOLINGGUWISTIKO ay ang
pagsaalang-alang ng isang tao sa
ugnayan niya sa mga kausap, ang
impormasyong pinag-uusapan, at
ang lugar ng kanilang pinag-
uusapan.
Isinasa-alang-alang din ang
impormasyong pinag-uusapan,
ito ba ay tungkol sa iba-ibang
paniniwala, tungkol sa politika, o
tungkol sa iba-ibang
pananampalataya.
Bahagi ng kakayahang
sosyolingguwistiko ang pagkilala sa
mga pagbabago sa wika at pag-
aangkop ng gamit nito ayon sa lunan o
sitwasyon.
Sa mga naunang aralin ay natalakay
natin na natin ang mga varayti ng
wika. Ang mga varayti na ito ay
nagpapahiwatig ng:
Pormalidad at impormalidad ng
sitwasyon

Maaaring maging pormal o impormal ang


pananalita depende sa kung sino ang
kinakausap.
Ugnayan ng mga tagapagsalita

May pagkakapareho sa paraan ng


pagsasalita ang mga magkakaibigan.
Nailalangkap din nila ang mga biruan at
pahiwatigan na hindi mauunawaan ng hindi
kabilang sa kanilang grupo.
Pagkakakilalang etniko at pagkakapaloob
sa isang pangkat

Gumagamit ng lokal na wika at/o diyalekto


sa kausap na nagmula sa kaparehong bayan
ng tagapagsalita.
Awtoridad at ugnayang
pangkapangyarihan

Tinitiyak ang pormalidad at kaangkupan ng


salita sa harap ng guro, magulang, at iba
pang nakatatanda at may awtoridad.
 Kailangang alam at magamit ng nagsasalita ang
angkop na wika para sa hinihinging pagkakataon. Dito
makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay
lang magsalita kompara sa isang katutubong
nagsasalita ng wika. Madalas ang isang mahusay lang
magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng
salitang gagamitin na maaaring magbigay ng
impresyon sa tagapakinig na siya’y walang galang,
mayabang, o naiiba.
Ang isang taong may ganitong uri ng
kakayahan ay inaangkop ang wika sa
kanyang kausap, kung ang kanyang kausap
ba ay matanda o bata, propesyonal o hindi
pa nakapagtapos, lokal ba o dayuhan.
Iniaangkop din niya sa lugar na pinag-
usapan, tulad ng kung nasa ibang bansa o
lugar ba sya na hindi masyadong
nakauunawa ng kanyang wika.
 S-(Setting)
 P- (Participant)
 E- (Ends)
 A- (Act Squence)
 K- (Keys)
 I- (Instrumentalities)
 N- (Norms)
 G- (Genre)
Maraming Salamat sa Inyong Pakikinig!

You might also like