You are on page 1of 12

ARALIN 3

Kakayahang
Pangkomunikatibo ng mga
Pilipino
(Kakayahang Sosyolingguwistiko)
Mga Dapat Isaalang-
alang sa Epektibong
Komunikasyon
Ayon sa lingguwistang si Dell Hymes,
magiging mabisa lámang ang
komunikasyon kung ito ay isasaayos, at
sa pagsasaayos ng komunikasyon, may
mga bagay na dapat isaalang-alang.
Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING
bilang acronym upang isa-isahin ang mga
dapat isaalang-alang upang magkaroon
ng mabisang pakikipagtalastasan. Binuo
niya ang modelo upang makatulong sa
pagsusuri ng diskurso..
S-(Setting)
Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o
nakikipagtalastasan ang mga tao.
Mahalagang salik ang lugar kung saan
nag-uusap ang mga tao. Katulad ng
pananamit, ikino-konsidera din natin ang
lugar na pinangyayarihan ng
pakikipagtalastasan upang maiangkop
ang paraan ng ating pananalita.
P-(Participant)
Ang mga taong nakikipagtalastasan. Isinasa-
alang- alang din natin ang ating kausap upang
pumili ng paraan kung paano siya kakausapin.
Hindi natin kinakausap ang ating guro sa
paraang ginagamit natin tuwing kausap natin
ang ating mga kaklase o kaibigan. Sinisikap
nating magbigay-galang sa ating guro habang
sa ating mga kaklase o kaibigan ay kaswal o
kampante ang ating pamamaraan.
E-(Ends)
Mga layunin o pakay ng
pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng
konsiderasyon ang pakay o layunin
sa pakikipag-usap.Samakatwid,
nararapat na isaalang-alang ang
layunin natin upang maiangkop natin
ang paraan ng ating
pakikipagtalastasan.
A-(Act sequence)
Ang takbo ng usapan. Bigyang-pansin din ang
takbo ng usapan. Minsan ay nag-uumpisa tayo
sa mainit na usapan at kapag mahusay ang
nakikipag-usap ay madalas ito humahantong
sa mapayapang pagtatapos. Kung minsan
naman ay biruan na nagbubunga ng
pagkapikon at alitan. Ang isang mahusay na
komyunikeytor ay nararapat lamang na
maging sensitibo sa takbo ng usapan.
K-(Keys)
Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng
setting o pook, nararapat ding
isaalang-alang ang sitwasyon ng
usapan, kung ito ba ay pormal o di
pormal. Wala sigurong makagugusto
kung mga salitang balbal ang
gagamitin natin sa isang pormal na
okasyon.
I-(Instrumentalities)
Tsanel o midyum na ginamit, pasalita
o pasulat. Dapat isaisip ang midyum
ng pakikipagtalastasan. Iniaangkop
natin ang tsanel na gagamitin sa kung
ano ba ang sasabihin natin at kung
saan natin ito sasabihin.
N-(Norms)
Paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung
tungkol saan ang usapan. May mga
sensitibong bagay na kung minsan ay limitado
lámang ang ating kaalaman. Sa mga ganitong
sitwasyon, suriin muna natin kung ang ilalahad
natin ay tama o hindi. O di kaya minsan ay
may mga paksang eksklusibo, kagaya ng
sinasabi ng mga nakatatanda, may mga
“usapang pangmatanda,” “usapang
pambabae lamang,” at “usapang panlalaki
lamang.”
G-(Genre)
Diskursong ginagamit, kung
nagsasalaysay, nakikipagtalo, o
nangangatwiran. Dapat iangkop ang
uri ng diskursong gagamitin sa
pakikipagtalastasn. Minsan dahil sa
miskomunikasyon sa genre ay hindi
nagkakaunawaan ang magkausap
SALAMAT SA
PAKIKINIG:>

You might also like