You are on page 1of 13

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

SOSYOLINGGWISTIKO
• MGA DAPAT ISAALANG ALANG
UPANG MAGKAROON NG
MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN
S.P.E.A.K.I.N.G

• Magiging mabisa lamang ang


komunikasyon kung isaayos, at sa
pagsasaayos ng komunikasyon, may
bagay na dapat isaalang-alang.
SETTING

• Ang Lugar o pook kung saan nag-uusap o


nakikipagtalastasan ng mga tao mahalagang salik ang
lugar kung saan nag-uusap ang mga tao. katulad ng
pananamit, ikino-kosidera din natin ang lugar na
pinangyarihan ng pikikipagtalastasan upang maiangkop
ang paraan ng pananalita
• Halimbawa,Kapag tayo ay nanonood ng isang pormal ng
palatuntunan, hindi tayo nakikipag-usap sa iba na parang
tayo ay nasa kalsada lamang o nasa isang kasayahan
PARTICIPANT
• Ang mga taong nakikipagtalastasan. isinasa-alang din
natin ang ating kausap upang pumili ng paraan kung
paano siya kakausapin. hindi natin kinakausap ang ating
guro sa paraang ginagamit natin tuwing kausap natin ang
ating mga kaklase o kaibigan.
• Sinisikap nating magbigay-galang sa ating guro habang
sa ating mga kaklase o kaibigan ay kaswal o kampante
ang ating guro
ENDS

• Mga Layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. dapat


bigyan ng konsiderasyon ang pakay o layunin ng
pakikipag-usap. hindi ba’t kung tayo ay hihingi ng pabor a
gumagamit tayo ng paraan na nagpapakita ng
pagkukumbaba? at kung nais din nating kumbisihin ang
kausap ay iba ang ating pamamaraan.
• Samakatuwid,nararapat na isaalang-alang ang layunin
natin upang maiangkop natin paraan ng ating
pakikipagtalastasan
ACT SEQUENCE

• Ang takbo ng usapan. bigyan-pansin din ang ang takbo


ng usapan. minsan ay nag-uumpisa tayo sa mainit na
usapan at kapag mahusay ang pakikipag-usap ay
madalas ito humahantong sa mapayapang pagtatapos.
• kung minsan naman ay biruan na nagbubunga ng
pagkapikon at alitan. ang isang mahusay na
komyunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo
sa takbo ng usapan.
KEYS

• Tono ng pakikipag-usap. katulad ng setting o pook,


nararapat din isaalang-alang ang sitwayon ng usapan,
kung ito ba ay pormal o di-pormal. wala sigurong
makakagusto kung mga salitag balbal ang gagamitin natin
sa pormal na okasyon.
INTRUMENTALITIES

• tsanel o midyum na ginagamit, pasalita o pasulat.


dapat isaisip ang midyum ng pakikipagtalastasan.
inaangkop natin ang tsanel sa gagamitin sa kung
ano ba ang sasabihin natin at kung saan natin ito
sasabihin.
NORS

Paksang usapan. mahalagang alamin kung tungkol saan


ang usapan. may mga sensitibong bagay na kung minsan
limitado lamang ang kaalaman.
Sa mga ganitong sitwasyon, suriin muna natin kung ilahad
natin ay tama o hindi. o di kaya minsan ay may mga
paksang ekslusibo, kagaya ng sinasabi ng nakatatanda,
may “usapang pangmatanda”,”usapang pambabae”lamang,
at “usapang panlalaki lamang”.
GENRE

• Diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay,


nakikipagtalo, o nangangatwiran. dapat iangkop ang uri
ng diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasan. minsan
dahil sa miskomunikasyon sa genre ay hindi
nagkakaunawan ang magkausap.
THE END

You might also like