You are on page 1of 19

ESTILONG

PANRETORIKA
Ang Estilo
Ang termino sa pagtataya sa wika ma pagpapahayag ay
tinatawag na diksyon. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng maingat
na pagpili sa mga gagamitinh salita na aangkop hindi lamang sa
interes ng konteksto ng pangungusap, gayundin sa mga aspektong
pangkatangiang demograpikng mga tagapakinig na naoobserbahang
kanilang pinagbabahagihan tulad ng edad, kasarian at oryentasyong
sekswal, edukasyon, organisasyon, kultural at etnikong kaligiran,
Gayundin, dapat isaalang alang ang kanilang mg sikolohikal na
paniniwala, pananaw, paguugali at pagpapahalaga.
Kahulugan ng Estilo
Ang pamamaran ng retorisyan sa paggamit
ng mga salita, parirala, at pangungusap
para maisforma ang kanyang mga idea.
Dito nakasalalay ang kaibahan ng mga
kalidad at katangiang natatangi sa kanya
sa iba ang kanyang orihinalidad. Kailangan
gawin ang pagsasalita ng may istilo para
sa paggalang sa mga tagapakinig.
Uri ng Estilo sa
Pagpapahayag
Ang estilo ng pagpapahayag ang lumilikha ng atmospera
sa okasyon, kaya naman ang okasyon ang nagdidikta sa
istilo ng pagpapahayag. Samakatuwid, dapat ibigay sa
okasyon ang tono at modo ng pananalita.
Ngunit may pagkakataong sa isang seryosong okasyon
tulad sa pagdedeliver ng euloji sa isang namaty, hindi
maiisawan minsan ang magpagkuwento ng katawa-tawang
sitwasyon kinasasangkutan ng namatay, datapwat sa
pangkalahatan, seyoso ang tono. Gayundin sa mga
okasyong masasaya maaari din naman makapagbitiw ng
seryosong mensahe sa tonong katawwa-tawa.
Estilong Pasulat
Sinasabing formal ang istilong pagsulat sapagkat pinaghahandaang
mabuti at pinakapipili ang bibitiwang salita. Karaniwan ay isusulat muna
sa anyo ng isang sanaysanay bago bigkasin kung kaya’t karaniwan na rin
dito ang tendensiyang basahin na lamang.

Halimbawa:
Nagagalak ako at matiwasay kayong nakarating sa umagang ito. Hangad
kong samantalahin ang pagkakataong ito para matalakay sa inyo ang
isang paksaing maituturing na napakamahalaga para sa ating lahat – ang
halos hindi na makatwirang pagimbulog ng halaga ng pagpapaaral sa
ating mga anak sa mga institusyon ng lalong mataas na edukasyon.
Estilong Oral
Impormal ang turing sa istilong ito sapagkat kumbersasyunal, ito
lumalabas na parang nakikipagusap lamang sa mga tagapakinig
ang tagapagsalita gamit ang pang araw-araw na wika.

Halimbawa:
Salamat sa pagdalo. Paguusapan natin ngayon ang tungkol sa
problema nating lahat ang pagtaas ng halaga ng pagppaaral sa
kolehiyo.
Ano ang mapapansin sa Estilo?

Ang Istilong Pasulat ay: Ang Istilong Oral ay:


masining, masalita at maikli at diretsahan,
maligoy ang pagsulat mas minumungkahi ang
istilong pagpapahayag
Mga Katangian ng
Epektibong Estilo
▪ Kailangan may pokus - Malinaw na ipinapakita nag layunin:
magbigay kasiyahan ba? Magpaliwang? Manggulat?
Manghikayat?
▪ Kongreto o Tiyak - Tiyak at Gawain ito makatothanan sa
pamamagitan ng mapandamdaming pananalita – nakikita,
naaamoy, nahihipo, nalalasahan, naririnig
▪ Kawili-wili - Mga matinding impak na makapupukaw sa interes
ng nakikinig ang emosyon at itensidad ng katapatan sa paks,
personal na karanasan, at interesanteng impormasyon.
Mga Katangian ng
Epektibong Estilo
▪ Orihinal - May angking kakanyahan ang mga ekspresyong
ginagamit.
▪ Pulido - Pinakinis na Mabuti. Pinagsikapang trabahuhing
paulit ulit para malinis ang pananalita at malinaw na
maintindihan ang daloy ng ipinarararting ng mga idea.
▪ May paninindigan - Kailangan nasasaloob ang paksa at
kakikitaan ng mataas na dignidad at kredibilidad upang
mapagtagumapayan ang inilahad na pagsa.
4 Paraan Upang Mapaunlad
ang Kasanayan sa Estilo
Katiyakan
Ang layunin sa pagpapahaayag ang katiyakan o
presisyon na dapat ay konkreto at ispisipik and
mga gagamiting salita, sa gayon madaling
maintindihan ng tagapakinig o mambabasa.
Sabihin ang gusto sa pananalita tumutukoy sa
eksasktong kahulugan nang hindi mangapa at
malito ang tagapakinig o mambabasa sapagkat
dinamiko ang wika, palagiang nagbabago at
nagagamit sa iba’t ibang paraan.
4 Paraan Upang Mapaunlad
ang Kasanayan sa Estilo
Kapayakan o Simplisidad
Ibagay ang pananalita sa gulang, interes, Gawain, at
mga awdyens. Kung mga kabataan ang mga
awdynes, iayon sa kanila ang mga gagamiting
salita, pamilyar at mababaw nang hindi na nila
titingan pa sa diksyunaro para maintindihan ang
ibig sabihin
4 Paraan Upang Mapaunlad
ang Kasanayan sa Estilo
Paguulit o Reiterasyon
Ito mga salit, parirala, idea o konsepto para
malinawan at magkaroon ng diin ang puntong
ipinaiintindi. Hindi naman nangangahulugan ng
tahasang paguulit ito ng mismong salita, parirala at
konsepto, kundi hinahanapan ito ng singkahulugan
o kaya’y neri-reprashe, o pamuling binibigay-diin
ang paguulit datapwat hindi na sa simpleng idea
dahil kung magkakagayon, tiyak na kababagutan
ang pagsasalita.
4 Paraan Upang Mapaunlad
ang Kasanayan sa Estilo
Kaugnayan o Koherens
Lohikal na pagkakasunud-sunod ito ng mga
tinuturing idea para malinaw na masundan ang
koneksyon. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng
mga prebyu, buod, at signal. Nagbibigay ng klu o
pahiwatig ang mga prebyu sapagkat binabalangkas
na sa simula pa lamang ang mga inaasahang
pangunahing paksang tatalakayin.
▪ Naglalaman naman ang mga buod ng mga
pagbalik-tanaw sa mga natalakay nang ideya.
▪ Maaari itong isagawa bago pa simulan ang
panigabagong paksa.
▪ Nagpapapaalala ang parang ito, samatuwid ng
mahahalagang bagay na tinalakay, at nagiiwan
ng matinding impresyon hinggil sa panayaam.
▪ Madalas na ginagamit ito bilang kongklusyon.
Mga Signal
▪ Ang mga signal naman ang mga ginagamit na salita o
parirala bilang pang transisyon o paglipat mula sa isang
ideya sa sumusunod pa.
▪ Nagpapakita ito ng direksyon sa mga tagapakinig,
gayundin ng mga pahiwatig at klu ng kabuuang istraktura
ng mensahe.
▪ Bukod sa mga nagpapakita rin ng mga relasyon ng mga
ideya ang mga pangugnay na signal.
▪ Kung magkaparalel: Hindi lamang
▪ Kundi: kung
▪ Herarkikal: Mas mahalaga kaysa nito
▪ Kung magkaiba: Kabaliktaran nito
▪ Kung magkatulad: Tulad din nito
▪ Kung may koordinasyon: Dapat isinaalang-alang ang
▪ Kung may subordinasyon: Sa susunod na antas
Sa pamamagitan ng mga paraang ito ng
paguugnay, nakikita ng mga tagapakinig
ang istruktura, ang mga tinuntong
hakbang ng tagapagsalita sa paglalahad
ng mga idea at mga relasyon nito sa
kanyang panayam.
Tanungan
Bawal ang mahiyain!
Maraming salamat
Pagpalain nawa tayo
ng Poong Maykapal.

You might also like