You are on page 1of 30

PAGSULAT SA

FILIPINO SA
PILING LARANGAN
(AKADEMIK)
TALUMPATI
• Ito ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng
mga tagapakinig o audience.

• Isang uri ito ng pagdidiskurso na may layuning:


a. maglahad ng impormasyon sa madla
b. manghikayat kaugnay ng isang paksa.
• Ang talumpati ay kinapapalooban ng iba’t
ibang personal na kakayahan na
humuhubog sa personalidad ng
nagsasagawa nito tulad ng pagpapahayag
ng ideya nang may organisasyon, talas ng
pagsusuri at epektibong paggamit ng
wika.
• Kailangang isaalang-alang ang paggamit
ng mga salita, ang katotohanan at higit sa
lahat ay ang lalim ng nilalaman ng isang
talumpati kaysa sa husay nito sa
pagdeliber o paglalahad.
URI NG TALUMPATI

Batay sa NILALAMAN
Batay sa PAMAMARAAN
URI NG TALUMPATI BATAY SA
NILALAMAN AT PAMAMARAAN
Nahahati sa iba’t ibang uri ang talumpati at ito
ay nakabatay sa nilalaman at pamamaraan.
BATAY SA NILALAMAN
IMPORMATIBO
Layunin nitong maglahad ng impormasyon tungkol sa
isang partikular na paksa. Ang kabuuang diskurso
nito ay maglahad at magpaliwanag upang
maunawaan ng mga tagapakinig ang paksang
tinatalakay.
• Sa ganitong uri ng talumpati, maaaring maging paksa
ang mga sumusunod:
– Paliwanag tungkol sa proseso na tutungo sa resulta o pagbuo
ng produkto;
– kronolohiya ng isang pamamaraan pang-organisasyon;
– Mga konsepto gaya ng teorya, prinsipyo, paniniwala o
ideya.

• Mahalaga rin ang pagbibigay ng halimbawa, analohiya at


paghahambing.
• Mahalaga rin ang paglilimita sa paksang tinatalakay
upang mabigyang diin o pokus ang nilalaman ng
talumpati.
Maaari ring magbigay ng ilang halimbawa na kaugnay ng
paksang tinatalakay katulad na lamang ng pagbabahagi ng
sariling karanasan.

Wika nga ng isang tula ni Francisco Balagtas, “O, pag-ibig na


makapangyarihan, pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat,
masunod ka lamang”. Isang napakatainhagang pananalita na nagpaparating ng
labis na kapangyarihan sa puso ng isang umiibig. Walang masama sa
kapangyarihan ng isang pag-ibig lalo na kung gagamitin ito sa positibong
pananaw at pamamaraan.
• Iwasan din ang pagiging teknikal sa
pagsulat at paglalahad ng talumpati.
Hanggat maaari, gawing personal ang
bawat nilalaman nito ngunit
napapanatili pa rin ang pagiging
impormatibo.
IMPORMATIBONG TALUMPATI
BATAY SA NILALAMAN
MAPANGHIKAYAT (persweysib)
Kadalasang nakatuon ito sa paksa o isyung
kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon.
Sa uring ito, naglalahad ng kanyang posisyon sas isang
partikular na usapin ang nagtatalumpati batay sa
kanyang pagsusuri sa isyu.
• Mahalagang mahikayat o mapaniwala ng
nagtatalumpati ang mga tagapakinig sa pamamagitan
ng pag-iiwan ng mga kritikal na tanong.

• Ang mensahe ng talumpati ay dapat iangkop sa


kaalaman, interes, pagpapahalaga, atityud, at mga
paniniwala ng target ng tagapakinig.
• Maaaring maging sentro ng talumpating ito ang
pagkuwestyon sa katotohanan, sa isang pagpapahalaga,
o kaya ay sa polisiya.
• PAGKUWESTYON SA KATOTOHANAN
Katulad ito ng impormatibong talumpati sapagkat
naglalayon itong maglahad ng mga katotohanan.
Maaaring magpakita ng taliwas na pananaw ngunit
ito ay upang tunggaliin ito para suportahan ang
kanyang posisyon.
• PAGKUWESTYON SA PAGPAPAHALAGA
Nakasentro ito sa personal na paghatol sa kung ano
ang tama o mali, mabuti o masama, o kaya ay etikal
at hindi. Kailangang pangatwiranan sa pamamagitan
ng isang tanggap na istandard o paniniwala.
• PAGKUWESTYON SA POLISIYA
Layunin ng pagdulog na ito na hikayatin ang mga
tagapakinig na magpasyang umaksyon o humatol sa
isang paksa. Mahalagang maglatag ng mga plano
upang mahikayat ang tagapakinig na sumuporta dito.
Maliban sa 2 uri ng talumpati, tinukoy pa ni Bernales, et
al ang iba pang uri tulad ng:
- Talumpating Pampalibang
- Talumpating Pampasigla
- Talumpating Nagbibigay-galang
- Talumpating Papuri
Serbisyong Kronolohikal, Pagtatalaga sa Katungkulan, Pamamaalam-
Paghahandog, Pagmumungkahi o pagsuporta sa Kandidatura
BATAY SA
PAMAMARAAN
IMPROMPTU (DAGLIANG TALUMPATI)
Tinatawag ding biglaang talumpati.
Isinasagawa ito nang walang ano mang paghahanda.
Nakabubuti ito upang masukat ang lalim at lawak ng
kaalaman ng isang indibidwal sa partikular na paksa kahit
walang paunang pagbabasa hinggil dito.
• Sa biglaang talumpati, nahahasa rin ang kahusayan
sa organisasyon ng mga ideya, talas ng pagsusuri,
at pagbibigay-diin sa mahahalagang aspekto ng
isang isyu.
• Sa pagbuo ng dagliang talumpati, mahalagang sundin ang mga sumusunod
na batayang hakbang:
a. Sabihin ang tanong na sasagutin o paksang magiging sentro ng
talumpati at ang layunin nito.
b. Bigyang diin ang mga pangunahin at mahahalagang punto.
c. Suportahan ang pangunahing punto ng mga ebidensya o patunay.
d. Ibuod ang iyong pinakamahalagang punto at ipakita kung paano nito
nasagot ang tanong o layunin ng talumpati.
BATAY SA
PAMAMARAAN
EKSTEMPORANYO (PINAGHANDAAN)
Ang talumpating ito ay maingat na inihahanda,
pinagpaplanuhan at ineensayo bago isagawa. Madalas na
memoryado o sinasaulo ang uring ito. Kumbersasyonal ang
katangian ng talumpati at kailangang ispontanyo ang dating
sa mga tagapakinig.
TALUMPATI
BATAY SA
BATAY SA PAMAMARAAN
NILALAMAN

BIGLAAN/ EKSTEMPORANYO/
IMPORMATIBO MAPANGHIKAYAT DAGLIAN PINAGHANDAAN
MGA GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI
Tinipon ng forbes.com sa pamamagitan ni Jeff Schmitt ang mga
gabay sa pagsulat ng talumpati.
1. Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya.
2. Magsulat kung paano ka nagsasalita.
3. Gumamit ng kongkretong salita at halimbawa.
4. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit
sa talumpati.
5. Gawing simple ang pagpapahayag ng buong
talumpati.
NARITO ANG ILANG GABAY SA
PAGSASAGAWA NG DAGLIANG TALUMPATI
• Maglaan ka ng ilang oras sa paghahanda
Huminga nang malalim. Dahan-dahan tumayo at lumakad
patungong tanghalan. Gamitin ang oras na ito sa pagbuo ng
mga ideya na gagamitin mo sa pagbigkas. Mag-isip din ng
magandang panimula
•  Magkaroon ng tiwala sa sarili

Tingnan ang buong paligid at ngumiti sa mga


tagapakinig. Tumindig nang maayos. Huwag
ilalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa.
Magsalita at kumilos nang may tiwala sa sarili.
• Magsalita nang medyo mabagal

Ang pagsasalita sa mabagal na paraan ay


nakatutulong sa iyo na mag-isip kung ano ang
susunod mong sasabihin. Nakakatutulong din ito
para mabawasan ang iyong nerbyos.
•   Magpokus

Magpokus sa paksa habang nagsasalita. Iwasang


mag-isip ng negatibo dahil sa kawalan ng
kahandaan. Magsalita nang tuwiran sa mga
tagapakinig at ibagay o iangkop ang sarili sa
nakikitang reaksyon ng mga tagapakinig.
Panatilihing nakapokus ang paningin sa mga
tagapakinig. Iwasang magpaligoy-ligoy sa
pagsasalita.

You might also like