You are on page 1of 17

PAKIKIPANAYAM

PAKIKIPAGPANAYAM

Panayam- Interview

Pakikipagpulong ng kinatawan ng
pahayagan sa isang taong nais kunan ng
mga impormasyong maiuulat o
maipalilimbag.
Marami ang naniniwalang higit na
kinagigiliwan ng bayan ang mga balitang
hinango sa pakikipanayam dahil
kinadaramhan nila ito ng tuwirang
pakikipag-usap o pakikinig sa sinasabi
ng kinakapanayam.
Sa pamamagitan ng pakikipanayam
napamamalagi ng reporter na alam ng
mambabasa ang mahalagang nangyayari sa
ating paligid. Maraming mahahalagang
nagaganap sa ating pook na napakainam
ipabatid.
Sa mga paaralan ang pakikipanayam
ng mga mag-aaral na reporter ay
nakakatulong sa pagpapahatiran ng
mag-aaral, guro, magulang at
pangasiwaan.
URI NG PAKIKIPANAYAM
PORMAL NA PAKIKIPANAYAM

Ang pormal na pakikipanayam ay may


ginagawang pakikipagtipan sa kakapanayamin sa
isang takdang araw, oras at takdang lugar. Kaya
itoy laging harapang pag-uusap ng reporter at
kaniyang kinakapanayam.
DI-PORMAL NA PAKIKIPANAYAM

Ang pakikipanayam na walang


ginagawang pakikipagtipan sa isang taong
kakapanayamin. Halimbawa nito ay ang
ambush interview, pakikipanayam sa
telepono at iba pa.
MGA LAYUNIN SA PAKIKIPANAYAM

Kumuha ng impormasyon, reaksiyon at/o


kurokurong kailangan sa paghahanda ng isang
bagay na kailangan sa ilathala sa pahayagan.
Kalimitang kinukuha ang mahahalagang
impormasyong kailangan sa isang malubhang balita
sa pamamagitan ng di-pormal na pakikipanayam.
Layuning pagtatampok. Kapag nakatakdang
sumulat ng isang natatanging lathalain,
kailang makapanayam ang tao paksa, ang
mga kaibigan o magulang nito.
Layuning Pantalambuhay. Ang mga tanong na ibinibigay rito
ay naglalayong makakuha ng mga impormasyong nahihinggil
sa pinagdadaanang buhay ng isang taong makapagbibigay-
inspirasyon at kawilihan sa mambabasa. Mahirap gawin ang
ganitong uri dahil may tularang sinusunod na mahirap
iwasan. Bukod dito, mahirap itong isagawa dahil limitado
lamang ang espasyo kaya hindi lahat ng detalye ay
maibibigay.
MUNGKAHING HAKBANGIN SA
PAKIKIPANAYAM
Ihanda muna at balangkasing mabuti ang mga tanong
batay sa layunin bago magtungo sa kakapanayamin.
Magsuot ng angkop na damit.
Magdala ng notebook at panulat.
Kapag kaharap na ang kakapanayamin, magpakilala
muna nang buong pitagan at sabihin kung ano ang
pakay. Huwag magpapanggap na pulis, abogado o
kayay politiko.
Maging masigla at magkaroon ng tiwala sa sarili. Maging tiyak at
tuwiran sa mga tanong: Iwasan ang maging maligoy sa pagtanong.
Magtanong nang magtanong hanggang may maaaring itanong.
Kung may nakalimutang itanong, tumawag sa telepono o bumalik
muli.
Para hindi maging kabagot-bagot ang panayam, paminsan-minsan
ay ibaling ang pag-uusap sa mga hilig ng kapanayam.
Kung maaari mainam na buo na sa isipan ang lahat ng mga
itatanong. Maaaring magdala ng kopya kung sakaling malimutan
ang tanong.
Huwag makipagtalo sa kinakapanayam.
Kumuha ng sapat na tala ng kaniyang mga sinasabi, subalit
huwag namang sulat nang sulat habang nakikipanayam. Kung
may mga bagay na maselan, patapusin muna ang pakikipanayam
saka isulat. Kung gagamit ng tape recorder, humingi muna ng
pahintulot. Kung hindi pumayag, huwag gawing patago.
Ipahiwatig sa kinakapanayam na sanay pahintulutan ka pang
makabalik.
Huwag kakalimutang magpasalamat matapos ang panayam.

You might also like