You are on page 1of 29

 

MGA GA
GAW
WAING PANGKOMUNIKASYON NG M
MGA
GA
PILIPINO

RAINIEL
GURO SAEUFENIA
FILIPINO
 

PAUNANG TANONG

• Ano-ano ang madalas na pinag-uusapan ninyo ng


iyong mga kaibigan? Kamag-aral? Guro? Pamilya?

Gaano kadalas nagaganap ang hindi


pagkakaintindihan ng iyong kausap?
• Sa iyong palagay, bakit may pagkakataong hindi
naiintindihan ng tagatanggap ng mensahe ang
ipinadadala ng tagapaghatid?
 

TSISMISAN
• UMPUKAN

TALAKAYAN
• PAGBABAHAY-BAHAY 
• PULONG-BAYAN
 

 TSISMISAN O PAGSAGA
PAGSAGAP
P NG ALIMUOM

Ang tsismis ay tumatalakay sa isang akto


ng pagsisinungaling, pag-imbento ng
kwento, pagmamalabis, bagamat kung
minsan ay may halong katotohanan.
Homosekswalid,
Karahasan,
paniningalang pugad,
pagiging
disgrasyada…
 

• Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga


tsismosa, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang

na maintriga ang mga tao sa mga sikreto at


baho ng iba.
• Ang mali sa pagiging tsismosa ng mga Pinoy ay
ang pangtsistsismis ay naging pasimpleng
paraan upang makapanakit sa kapwa at kaaway.
 

TSISMIS VS KATOTOHANAN
KATOTOHANAN
 

TSISMIS VS KATOTOHANAN

• Hindi na nakagugulat na ang madalas na paggamit


ng social media ay nagdudulot ng malawakang
pagkalat ng mga pekeng balita at tsismis sa
bansa. Ang mga Pinoy ay mabilis maniwala sa
mga nababasa online at pinagbabasehan lamang

ang mga likes at shares para sa kredibilidad. Bihira


lamang ang mga taong inaalam ang katotohanan.
 

TSISMIS VS KATOTOHANAN


Malungkot mang sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino
ang mga tsismis kaysa sa katotohanan. Kahit na may mga
mangilan-ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na
naririnig nila, marami pa rin ang naniniwala sa mga
‘alternative
‘alternative facts’.
• Kakaunti lamang ang mga taong nagtatanong ng totoong
nangyari sa taong pinag-uusapan, at mas kakaunti pa ang
mga tao na sumusubok na tingnan kung tama ang
impormasyon na kanilang nasasagap.
 

LEGAL NA AKSYON LABAN SA TSISMIS

Nasa Article 26 ng New Civil Code on Human Relations ay


nagsasabi na “ang lahat ng tao ay dapat irespeto ang dignidad,
personalidad, privacy o pagsasarili at kapanatagan ng pag-iisip

o peace of mind ng kanyang kapitbahay at ng ibang tao.


Ang mga sumusunod at katulad na gawain na hindi matatawag
na krimen pero maaaring panggalingan ng karapatan upang

magsampa ng kaso at pagbayarin ng danyos o damages at iba


pang pagbabawal ay:
 

LEGAL NA AKSYON LABAN SA TSISMIS


Pagsilip (prying) sa privacy ng katabing bahay o tirahan;
• Pakikialam (meddling) o pagdisturbo (disturbing) sa
pribadong buhay o family relation of another;
• Pang-iintriga (intriguing) upang layuan ang isang tao ng
kanyang mga kaibigan;

Pambubuwisit (vexing)
(humiliating) sa isang o
tao dahil panghahamak/pang-aalipusta
sa kanyang religious beliefs,
estado sa buhay, lugar ng kapanganakan, physical defect or
other personal condition.
 

LEGAL NA AKSYON LABAN SA TSISMIS

• Itinuturing na libelo ang isang akto kung

ang mga paninira sa pinaraan sa pasulat


o broadcast na midyum, samantalang
oral defamation naman kung ang
gagamitin na midyum ay pasalita.
 

UMPUKAN
 

UMPUKAN
• Ang ibig sabihin ng “umpukan” ay ang paggawa ng
mga tao ng isang maliit na grupo o pangkat,
pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o
pangyayari o sa anong kadahilanan na kung saan

may interes ang bawat kasama sa pangkat o


grupo.
 

TALAKAYAN
 

TALAKAYAN
• Isa pa sa mga gawaing kinahihiligan ng
mga Pilipino ay ang talakayan. Tumutukoy
ito sa proseso ng pag-uusap o
pagpapalitan ng ideya para sa isang
nararapat o mahalagang desisyon.
 

Sa kabilang dako, ang tagumpay sa talakayan katulad ng


anumang sining ay mahirap bigyan ng tiyak na
pagpapakahulugan, bagamat may mga mangilan-ngilang
katangian ng mabuting pagtalakay ang isinaad sa
www.speaking.pitt.edu/instructor/classdiscussionshtml katulad

ng mga sumusunod:

• (1) Aksesibilidad

(2) Hindi palaban


• (3) Baryasyon ng ideya
• (4) Kaisahan at pokus
 

URI NG PAGTATALAKAYAN
1. Impormal na Talakayan – ito ay malayang pagpapalotan ng
kuro-kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na mga
hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang
sampung katao.
2. Pormal na talakayan – nakabatay sa tiyak na mga
hakbang, may tiyak na mga taong mamamahala at
mamumuno ng talakaya. Nakahanda ang mga magsasalita
sa kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay ng
kuro-kuro.
 

MGA URI NG PORMAL NA TALAKAYAN


1. Panel Discussion – binubuo ng tatlo o apat na kasapi at
isang pinuno na umuupo sa harapan ng mga tagapakinig.
2. Simposyum – kahawig ng panel discussion ngunit ito ay
mayroong tiyak na paksang tatalakayin ng bawat kasapi
3. Lecture-Forum o Panayam – isang malaking pagtitipon sa
ilalim ng mga pinunong maglalahad ng mahalagang
suliranin, maaaring maglahad at magtalakay ng
maraming paksa at pagkatapos ay malayang
pagtatanong upang linawin ang paksang tinalakay.
 

• Ang talakayan ay isasagawa kung nagkakaroon


ng mga bagay na hindi napagkakaunawaan at
nangangailangan ng paglilinaw ng

magkatunggali sa layunin upang mangibabaw


ang katotohanan, kaya nararapat na ayusin ang
mga salita, linawin ang mga katibayan, iwasan
ang mga agam-agam sa salita o pananaw at
paniniwala.
 

BAKIT KAILANGAN NG TAO ANG


TALAKAYAN?
• Ang hindi pagkakaunawaan ng mga tao sa
kanilang pananampalataya, teorya, salita at

gawa ay sadyang hindi maiiwasan sa buhay ng


tao simula pa sa unang panahon hanggang sa
kasalukuyan. Kaya naman, kinakailangan ang
patnubay at gabay upang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan na kadalasan ay nagiging
sanhi ng pagkakaroon ng hidwaan sa isa’t isa.
 

PAGBABAHAY-BAHAY 
 

PAGBABAHAY-BAHAY 

Isa pa sa mga mahahalagang gawaing pangkomunikasyon ng
mga tao ay ang pagbabahay-bahay. Kinasasangkutan ito ng
indibidwal o higit na maraming indibidwal na tumutungo sa

dalawa o higit pang maraming-bahay upang isakatuparan ang


alinman sa kanilang mga layunin katulad ng pangungumusta
sa mga kaibigan o kamag-anak na matagal nang hindi nakita,
pagbibigay galang o pugay sa mga nakatatanda, paghingi ng
pabor sa isang proyekto o solicitation, at marami pang iba.
Makalipunan ang gawaing ito sapagkat personal ang
pakikitungo ng tao na tuwirang nakikipag-usap sa isa pang tao.
 

PAGBABAHAY-BAHAY 
• Isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang lugar at
tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na

maaaring makakuha ng impormasyon.


• Katulad na lamang, halimbawa, ang pagbabahay-
bahay ng mga pulis sa isang barangay upang
magsagawa ng random drug test. Naging kalakaran
din noon ang pagbabahay-bahay upang
magpakilala at magbenta ng mga bagong produkto.
 

PULONG-BAYAN
 

PULONG-BAYAN
Ang isa pang mahalagang gawaing pangkomunikasyon ng
mga Pilipino ay ang Pulong Bayan. Karaniwan itong isinasagawa
bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga mamayan o partikular
na pangkat upang tugunan o paghandaan ang isang
napakahalagang usapin. Pinangungunahan ng lider ang
pagtalakay sa isang usapin na may kaakibat na pagpapahalaga

sa opinyon at mga mungkahi ng mga taong kabahagi sa pag-


uusap. May pagkapormal ang mga pagtalakay na nakapokus
lamang sa paksa na inihanda para sa espisipikong gawain na ito
- ang pulong bayan.
 

PULONG-BAYAN

• Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan


sa isang bayan upang pag-usapan ang mga
suliranin, hakbang at maging ang mga
inaasahang pagbabago.

Dito maaaring sabihin ng mga kalahok ang


kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng
pagkakataong
pagkak ataong makapagsalita.

You might also like