Pangkomunikasyon ng mga Pilipino Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Tanong:
1. Anu-anong mga salita ang gingagamit
pang komumikasyon? 2. Paano makakatulong ang paggamit ng pang komunikasyon? 3. Magbigay ng mga halimbawa ng pang komunikasyon. Tsismisan Tsismisan Ito ay ang pag-uusap usap ng mga tao tungkol sa iba’t ibang bagay o maaaring patungkol sa tao kapag hindi sila naroroon. Sa pagtitsismisan, hindi mawawala ang mga tinatawag nating gossiper, tsismis at tsismosa. Paano ito makakatulong sa mga Pilipino? Isa sa mga naitutulong ng tsismis sa mga Pilipino ay ang pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon. Sa pagtitsismisan, hindi mawawala ang mga tinatawag nating gossiper, tsismis at tsismosa. Tsismosa (Gossiper) Ang gossiper ay tumutukoy sa isang taong mahilig magkuwento o magkalat ng sikreto ng iba. Ang mali sa pagiging tsismosa ng mga Pinoy ay pagtsitsismis na hango sa inggit, na maaaring nagmumula sa kakitiran ng isip natin. Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa sa katotohanan. Kakaunti lamang ang mga tao na nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag- uusapan at mas kakaunti pa ang mga taong sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyong kanilang nasagap. Ang tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahamak ng dignidad ay tinuturing na paninirang-puri, at may mga legal na aksyon na maaring gawin upang labanan at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng kasong libel o slander. Ang mabisang tsismis ay hindi lamang tungkol sa iyong sinasabi o tungkol kanino. Ito ay tungkol sa kung paano mo ito sinabi. Ang pagbabahagi ng nararamdaman ay maaring hikayatim ang tagapakinig na magresulta nang higit pa sa inyong pag- uugali sa pag-uuri. Tsismis Vs. Katotohanan Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa sa katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na naririnig nila, marami pa rin ang naniniwala sa mga ‘alternative facts’. Kakaonti lamang ang mga tao na nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag- uusapan, at mas kakaonti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyon na kanilang nasasagap. Hindi na nakagugulat na ang madalas na paggamit ng social media ay nagdulot ng malawakang pagkalat ng mga pekeng balita at tsismis sa bansa. Ang mga Pinoy ay mabilis maniwala sa mga nababasa nila online, at pinagbabasehan laman ang mga likes at shares para sa kredibilidad. Bihira lamang ang mga taong inaalam ang katotohanan. Legal na Aksyon Bagamat marami ang nagsasabi na ang tsismisan ay normal lamang sa mga Pilipino kaya dapat magkaroonng proteksyon sa batas gamit ang probisyon ng Saligang Batas tungkol sa kalayaang magpahayag at ng press bilangsanligan, masasabi na hindi naman ito isandaang bahagdan na pinapaboran. Anumang kalayaan at karapatan ay maykaakibat na tungkulin o responsibilidad sa tao o lipunan. Kung ang pagpapahayag ay nauuwi na sa tsismisan at mga paninirang puri, dapat itong kalusin at wakasan. Legal na Aksyon Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring makasama kung sumobra. Maaari itong makasira ng reputasyon ng isang tao at lubhang makaapekto sa kalagayan ng pinag-uusapan. Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahahamak ng dignidad ay itinuturing na paninirang-puri, at may mga legal na aksyon na maaaring gawin upang labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng kasong libel o slander. Legal na Aksyon 1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba. 2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng iba. 3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng kanyang mga kaibigan. 4. Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pangrelihiyon, mababang antas ngpamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na depekto, at iba pang personal na kondisyon. Mga Patakaran Sa ibang mga lugar sa bansa, napipilitan ang mga baranggay na magpataw ng kaparusahan at gumawa ng mga patakaran dahil sa lumalalang mga kaso ng pagtsitsismisan. Ito ay naging kaso sa Binalonan, Pangasianan na nagpatupad ng patakaran laban sa mga tsismoso. Sa ilalim ng ordinansa, ang mga tsimosa ay pagmumultahin ng P300, P500, at P1000 para sa una, pangalawa, at pangatlong pagkakasala. Bukod pa riyan, sila rin ay kinakailangan na mag community service.Ang patakaran ay ginawa upang mabawasan ang mga problema na sanhi ng pagtsitsismisan sa barangay na karaniwang humahantong sa mga away sa loob ng barangay. Sa isang panayam sa Philippine Star, sinabi ni Barangay Captain Danilo Tabucol Sr. na nakatulong ang ordinansa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga pamilya at upang mabawasan ang mga ispekulasyon na maaaaring maituring na nakapipinsala sa karakter at reputasyon ng mga tao. Umpukan Umpukan Ang umpukan ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan. Ginagamit din ang umpukan para ilarawan ang kakapalan okaramihan ng tao sa isang grupo o pangkat. May mga umpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay nagpapalitan ng kuru-kuru o opinyon tungkol sa isang bagay o paksa. Mga halimbawa: Pakiki paglaro Kwentuhan Debateng kaswal o Pormal na pakikipagtalo Pagbabahay-bahay Pagbabahay-bahay
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagbisita o
pagpunta sa iba’t-ibang tirahan upang magsiyasat at makakuha ng impormasyon. Positibong Epekto Mabilisang pagkuha ng impormasyon. Tumpak at kongkretong impormasyong ang makukuha dahil ikaw mismo ang lumalanghap ng impormasyon. Mga halimbawa: Pagsisiyasat sa taong nais bumili ng kotse o nais umutang ng malaking halaga. Nais makuha ng impormasyon tungkol sa mga nasasakupan ng isang barangay. Mga gawaing relihiyon tulad ng Saksi ni Jehova. Pagbebenta ng mga iba’t ibang produkto. Pagkalat ng mga mahalagang kaalaman galing sa barangay. Pagbibigay ng libre bakuna, gamot at pagkain. Pananaliksik o thesis. Pagkuha ng sensus para malamang ng gobyerno ang dami at estado ng Filipino. Negatibong Epekto May mga pagkakataong ito ay bias. Hindi ito epektibo kapag gusto nating kumuha ng impormasyon sapang-madaliang oras at malawakang impormasyon. Talakayan Talakayan Masinsinang palitan at talaan nang kaalaman. Ang talakayan ay isang pagtatalo o debate na itinatag sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao sa isang paksa upang makipagpalitan ng mga opinyon at punto ng pananaw. Ang salita, tulad nito, ay nagmula sa Latin discussio , discussiōnis. Halimbawa ng Dalawang Uri ng Talakayan: Pormal na Talakayan Impormal na Talakayan Talakayan Pulong bayan Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang mapag usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. Dito maaring sabihin ng kalahok ang kanilang mga saloobin at nais na ipahayag na mensahe. Ang pulong bayan ay karaniwang isang paraan na kung saan ang mga tao ay nakakagawa ng demokratikong desiyon. Ito ay paraan ng mga Pilipino upang mapagusapan nang maayos ang mga bagay. Apat na Elemento sa Organisadong Pulong: 1. Pagpaplano 2. Paghahanda 3. Pagpoproseso 4. Pagtatala Nakatala sa katitikan ang sumusunod: Paksa, Petsa, Oras, Lugar, Mga taong dumalo sa Pulong, Oras ng simula, Oras ng pagtatapos. Katitikan ng isang Pulong Bayan: Ito ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon ng bawat kasapi. Mga halimbawa: Dumalo ang grupong Batang Naujan sa ginanap na Lunduyan Forum kamakailan sa syudad ng Calapan na inorganisa ng YPAM-Oriental Mindoro na layuning mas makapagbigay ng dagdag na kaalaman sa mga usaping pang kaliksan sa probinsya. Pinagunahan ni Billy Agleron ng Youth for Peace Advocacy Movement-Oriental Mindoro ang pulong bayan. Komunikasyon Nagmula sa salitang Latin na “communis" na kahulugan ay “karaniwan" o “panlahat". Isang proseso ng pagpapalitan ng inpormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang simbolo. Ito rin ay paghahatid ng mahalagang impormasyon sa isang masining upang maging mabisa at mahusay na maipahayag ang saloobin sa kanyang kausap. Uri ng Komunikasyon 1. Berbal na Komunikasyon
Ito ay gumagamit ng makabuluhang tunog sa
pamamagitan ng pagsasalita. Ito'y tumutukoy rin sa pagpaparating ng mensahe o ideya sa pamamagitan ng salitang nagpapakita ng nga kaisipan. Mga halimbawa: Gising na! Tanghali na! Baka mahuli ka sa klase Aalis na ako Mag-ingat Umuwi ka agad Simbolisasyon Isang proseso ng pagtutumbas ng ideya, pangyayari, lugar, o bagay. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng berbal na simbolo, di-berbal na simbolo o sa magkasabay o kumbinasyunal na paggamit ng dalawa. Mga Paraan ng Pagpapakahulugan ng mga Simbolong Berbal 1. Reference- mga bagay o ideyang kinakatawanng isang salita, tiyak na aksyon, katangian ng mga aksyon at ugnayan ng bagay sa ibang bagay. 2. Komong Referens- tumutukoy sa parehong kahulugang binigay ng mga tao. 3. Kontekstong Berbal- ang kahulugan ng isang salita na matutukoy sa kaugnayan nito sa ibang salita. 4. Paralanguage- magbibigay ng kahulugan kaonotatibo. Uri ng Komunikasyon 2.Di-Berbal na Komunikasyon
Ito ay pagpapalitan ng mensahe o
pakikipagtalastasan na ang daluyan o channel ay hindi lahat lamang ng sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at ang tinig na iniaangkop sa mensahe. Mga halimbawa: Pagtapik sa balikat Mga halimbawa: Ekspresyon ng mukha Mga halimbawa: Kumpas ng kamay Uri ng Di-Berbal na Komunikasyon Pandama o Paghawak (Haptics)- Ito ay isa sa pinaka- primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob. Galaw ng Katawan (Kinesics)- Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan. a. Ekspresyon ng Mukha “Nagpapakita ng Emosyon” Paralanguage- Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita pagbibigay diin sa mga salita. Bagay (Objectics)- Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. Kabilang rito ang mga elektronikong ekwipment. Simbolo (Iconics)- Mga simbolo sa paligid na may malinawna mensahe. Hal. Sa palikuran, bawal manigarilyo atbp. Salamat sa pakikinig!