Professional Documents
Culture Documents
Panimula
Layunin
Nilalaman
Sa isang komunidad na gaya ng kapitbahayan, purok, sityo o paaralan, madalas magmula sa una
at pangalawang uri ang tsismis ukol sa isa o higit pang miyembro ng komunidad, subalit may pagkakaiba
sa dalawa. Sa unang uri, ang obserbasyon ay maaaring naipamahagi nang walang malisiya , at ito ay
naging tsismis lamang, dahil kumalat ng hindi nabeberipika, subalit sa pangalawa, ang pahayag ay may
kaakibat na balaking maghasik ng intriga. Ang pangatlong uri naman ay madalas kinakasangkapan ng
naghaharing-uri kagaya ng mga politiko, negosyante at dinastiyang politikal para manira ng kalaban,
lituhin ang taumbayan, o pagtakpan ang mga kabuktutan. Maging sa mga bansang English ang
bernakular na wika at kahit sa Bibliya may mga taludtod na nagbabala lalaban sa tsismis. Ang tsismis ay
mula sa salitang ESPANOL na chimes isang uri ng usapan o huntahan na posibleng nangyayari na bago pa
man dumating ang mga mananakop sa bansa (Tan, 2016).
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa sikreto at baho ng iba. Ang
mali sa pagiging tsismosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit, na maaaring nagmumula
sa kakitidan ng utak natin. Ang pangtsitsismis ay nagiging simpleng paraan upang makapanakit sa kapwa
at mga kaaway. Ang tsismis ay karaniwang ginagamit para makasakit at makapanira ng reputasyon ng
ibang tao, o kaya naman o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan, kamalian at kasalanan. Ang
madals na pinag-uusapan ng tsismis sa kumonidad ay mga sensitibong bagay tulad ng sex, pagbubuntis
ng mga hindi kasal o disgrasyada, pagiging homosexual at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din ang
iba’t-ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya naman ay pag-aaral.
Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa katotohanan.
Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na narinig nila, marami pa rin ang
naniniwala sa alternative facts. Kakaunti lamang ang mga taong nagtatanong ng totoong nangyari sa
taong pinag-uusapan, at mas kakaunti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan kung tama ang
impormasyon na kanilang nasasagap.
Ayon sa Artikulo 353, ang libelo ay isang pampubliko at malisyosong mga paratang sa isang
krimen o isang bisyo o depekto na maaaring makatotohanan o kaya ay haka-haka o anumang kilos,
pagkukulang, kondisyon, katayuan, o kalagayan na naging dahilan ng kasiraang-puri, pangalan o
pagpapasala sa isang likas o huridikal na tao, o upang masira ang alaala ng isang namayapa na (salin
mula sa Artikulo 353, RPC). Itinuturing na libelo ang isang akto kung ang mga paninira ay pinaraan sa
pasulat o broadcast na midyum, samantalang oral defamation naman kung ang gagamitin na midyum ay
pasalita. Ang Binalonan Pangasinan ay nagpapatupad ng isang ordinansa na nagpapataw ng multa sa
mga tsismoso at tsismosa. Sa ilalaim ng naturang patakaran, pagmumultahin ng mga sumusunod na
halaga:Php 300, 500 at 1000 para sa una, ikalawa at ikatlong paglabag. Bukod pa rito, ang indibidwal na
magkakasala ay kailangan na magbigay ng serbisyong pangkomunidad o community service.
Ang paksa ng usapan sa umpukan ay hindi rin planado o pinag-isipang mabuti maaaring tungkol
sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad, magkakaparehong interes ng mga nag-uumpukan, o mga
bagong mukha at pangyayari sa paligid. Minsan, sa umpukan din humihingi ng pasensiya ang mga
mambabatas na nagkainitan habang matinding nagbabalitaktakan dahil sa magkakaibang pananaw sa
mga isyu at prosesong may kinalaman sa paggawa ng batas. Sa isang komunidad at maging sa iba’t ibang
lugar sa loob nito kagaya ng paaralan at tambayan sa kanto, ang umpukan ay isang masasabing isang
ritwal ng mga Pilipino para mapanatili at mapalakas ang ugnayan sa kapuwa. Kumbaga, ang
magkakaumpukan ay sinusubukang umugnay sa isa’t isa, may pakialam sa isa’t isa, at nagbabahagi at
sumasagap ng mga impormasyon mula sa usapan ng mga magkakaumpukan bilang tanda ng kanyang
pagiging kasapi ng pamayanang kinabibilangan at kaniyang pakialam dito. Bukod sa kainan, kantahan at
paglalaro ng Bingo, isa rin sa itinatampok sa salamyaan ang umpukan na may kalahok na ring tsismisin,
talakayan, balitaktakan, biruan at iba pa na nagaganap sa isang silungan o tambayan (Petras, 2010, p.
Binigyang pansin ni Petras (2010) ang kahalagahan ng salamyaan bilang talastasang bayan kung saan
nabubuo at napapalaganap ang mga salaysay mula sa loob, namamayani ang diwa ng pagkakapantay-
pantay sa mga kalahok, at napapasigla at napapatibay ang ugnayan at samahan ng mga Marikenyong
magakakatulad ang “interes at hanapbuhay” (p. Sa karanasan ng mga boluntir sa Ugnayan ng
Pahinungod/Oblation Corps (UP/OC), ang programang pamboluntaryong serbisyo ng Unibersidad ng
Pilipinas Los Banos (UPLB), mahalagang paraan ng pakikibagay sa mga tao sa isang komunidad ang
pakikiumpok. Sa umpukan, nakikilala at nakakapalagayang-loob ng mga boluntir ang mga taong
katuwang nila sa mga gawaing pangkaunlaran sa pamamagitan ng pakikinig at pakikipagkwentuhan sa
kanila. Estratehiya naman ng ilang boluntir ng UP/OC na eksperto sa agrikultura ang makipag-umpukan
sa mga magsasaka ng isang komunidad. Dahil sa impormal na lapit at malayang daloy ng talakayan, mas
nakapagtatanong at nakapagbabahagi ng ideya ang mga magsasaka sa umpukan kaysa sesyon mismo ng
pagsasanay o seminar na karaniwang nakaistruktura sa di-pormal na edukasyon na nakakatakot sa mga
kalahok. Madalas na ginagawa ang ub-ufon sa isang itinakdang ator o dap-ayan (lugar), ng pagsasama-
sama ng mga umuli (magkabahayan) para magpakilala, mag-usap hinggil sa iba’t ibang isyu, magbigayan
ng payo, magresolba ng mga alitan, magturo ng tugtukon (customs/traditions) sa nakababata, mag-
imbita sa mga okasyon, at magtulungan sa mga problema kagaya ng pinansiyal na pangangailangan
(Protectan, 2012). Sa pamamagitan ng ubufon, patuloy silang nagkakakonekta sa kanilang tinubuang
pamayanan at sa kabuhayan, at napapanatili nila ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan. Sa
pananaliksik naman, maaaring gamitin ang umpukan bilang dulog sa pagtatanong-tanong at pakikipag-
kwentuhan kagaya ng ginawa nina Balba at Castronuevo (2017) nang pinag-aralan nila ang alitang mag-
asawa at ng mga estudyante ng sikolohiya ni Javier (2010) sa kanilang pag-aaral hinggil sa
kaligayahan/kasiyahan sa buhay ng mga Pilipino.
Ginagamit din ang “umpukan” para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang grupo o
pangkat. May mga umpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay napapalitan ng kuro-
kuro o opinion tungkol sa isang bagay o paksa. Isa pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o
debate, na maaaring kaswal na usapan lamang o maaari rin namang pormal na pakikipagtalo.
Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na nakatuon
sa tukoy na paksa. Ang pormal na talakayan ay karaniwang nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong
at sa mga palabas sa telebisyon at programa sa radio kung saan pinipili ang mga kalahok. Ang
karaniwang layon ng talakayan ay pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap ng isang tao, isang grupo,
buong pamayanan, o buong bansa para makahalaw ng aral, magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan,
maresolba ang isa o makakakawing na mga problema at makagawa o makapagmungkahi ng deesisyon at
aksiyon. Sa pareho, inaasahan na magkakaroon ng pagpapalitan at pagbabanggaan ng magkakaibang
pananaw, pagkritik sa mga ibinahaging ideya at impormasyon, at maging ang marubdob na pagtatalo-
talo lalo na kapag kontrobersiyal o sensitibo ang paksa. Sa mga mainit na pagtatalo, balitaktakan o
tuligsaan, kadalasang maingat ang mga Pilipino sa pagbibitaw ng salita at sa binibitawang mga salita
(Maggay, 2002, p.29). Ang pangkatang talakayan ay isa sa mga pamamaraan ng harapang komunikasyon
na madalas gamitin ng mga barangay health worker sa Bakun, Benguet dahil mas personal ang dulog at
mas nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga magkakausap. Halimbawa, ang talakayan sa telebisyon
sa pagitan ng mga piling eksperto, opisyal ng gobyerno at mamamayan hinggil sa isang problemang
panlipunan ay maaaring mapanood ng maraming Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa at makapagbigay
sa kanila ng kapaki-pakinabang na ideya upang harapin ang problema. Pangatlo, ang midyang
pangkomunidad ay mainam gamitin sa mga talakayan hinggil sa mga gawaing pangkaunlaran na
nakatuon sa mga tukoy na pamayanan at may dulog na partisipatori (Quebral, 1988, p.81). Ang radyong
Tambuli ay isang magandang halimbawa ng midyang pangkomunidad sa Pilipinas kung saan nagaganap
ang demokratikong talakayang na mediado sa pagitan ng mga opisyal ng lokal na pamahalan at ng mga
mamayan (Gumucio-Dagron, 2001, pp. Masigla ang talakayang pagkomunidad sa radyong Tambuli dahil
ang estasyon ay pinamamahalaan ng isang multisektoral na konseho, ang mga brodkaster ay mga lokal
na boluntir, at ang mga programa ay nakalapat saa sosyo-ekonomik, kultural, politikal at pangkaligirang
konstekto ng mga tao sa mga komunidad na pinaglilingkuran nito.
Sa kabilang dako, ang tagumpay sa talakayan katulad ng anumang sining ay mahirap biyan ng
tiyak na pagkakahulugan, bagama’t may mga mangilan-ngilang katangian ng mabuing pagtalakay ang
isinasaad sa www. Speaking.pitt.edu/instructor/classdisscussions.html katulad ng mga sumusunod:
1. Aksesibilidad. Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa kanilang partisipasyon sa talkayan sap unto
ng walng pangamba na nagingibabaw sa kanilang pagpapahayag.
2. Hindi palaban. May mga pagkakataong nagiging mainit ang talakayan subalit hindi dapat dumating
sap unto na nawawalan ng magalang na tono, paraan ng pagpapahayag ng bawat kasali sa talakayan;
mainit ang pagtalakay subalit nananatili ang paggalang.
3. Baryasyon ng ideya. Mahalaga ang baryasyon o ang pagkakaiba-iba ng pananaw ng mga pahayag
upang matamo ang higit na malalim na pagtalakay.
4. Kaisahan at pokus. Mahalaga ang pael ng dalubguro o ng tagapamagitan upang hindi mawala sa
punto ng usapin sa kabilang mga mga baryasyon ng ideyang ipinapahayag sa malayong pagtalakay.
Ang hindi pagkakaunawaan ng mga tao sa kanilang pananampalataya, teyoriya, salita at gawa
aysadyang di na maiwasan sa buhay ng tao simula pa sa unang panahon hanggang sa katapusan ng
mundo, kaya kinakailangan ang patnubay at gabay upang maiwasan ang di pagkakaunawaan kadalasan
ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng hidwaan sa isa’t-isa. Samakatuwid ang talakayan ay isang paraan
upang ang katotohanan ay mapatunayan at mapanatili sa pamamagitan ng mga katanggap-tanggap na
basehan at katibayan kung saan ito ay nararapat na ibahagi ng buong katapatan at katapangan ng bawat
panig at katunggali.
Nilalaman
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay sa isang
pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya, kumonsulta sa
mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o programa, mangungumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o
samahan, o manghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya. Halimbawa,
ang pagbubuntis ng tinedyer at kawalan ng pagpaplano ng pamilya ay mga sensitibong isyu na mas
napag-uusapan ng mga tao sa tsismisan at umpukan kaysa mga pormal nag awing pangkomunikasyon
kagaya ng pulong, seminar at pampublikong forum. Kung nais malaman ang iniisip at saloobin ng mga
tao sa isyung ito at para makapagsakatuparan ng mga angkop na dulog sa mga programang tutugon sa
mga isyung ito, ang pagbabahay-bahay ay isa sa mga mainam na estratehiyang pangkomunikasyon na
maaaring isagawa ng pamahalaan, non government organization, at iba pang samahan o institusyon na
may mga proyekto hinggil dito. Sa kabilang banda, ang pagbabahay-bahay ay madalas isinasagawa ng
mga kinatawan ng ahensiya ng pamahalaan, pribadong institusyon, o nongovernment organization na
may tiyak na layong panlipunan na nangangailangan ng kontribsyon, pakikiisa, at pakikipagtulungan ng
mga residente ng isang komunidad. Subalit sa una, kadalasang ang mga nagbabahay-bahay ay mga
tagalaas ng isang kapitbahayan at ang saklaw ng layon nila sa pagdalaw ay nakasentro sa mga isyu,
alalahanin, at programang panlipunan na saklaw ng isang buong komunidad.
Nilalaman
Ang isa pang mahalagang gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay ang Pulong bayan.
Karaniwan itong isinasagawa bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga mamayan o partikular na
pangkat upang tugunan o paghandaan ang isang napakahalagang usapin. Pinangungunahan ng lider ang
pagtalakay sa isang usapin na may kaakibat ng pagpapahalaga sa opinyon at mga mungkahi ng mga
taong kabahagi sa pag-uusap. May pagkapormal ang mga pagtalakay na nakapokus lamang sa paksa na
inihanda para sa espisipikong gawain na ito- ang pulong bayan
Ang pulong bayan ay pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa itinakdang oras at lunan
upang pag-usapan nang masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping
pangpamayanan. Madalas itong isinasagawa kapag may programang pinaplano o isasakatuparan, may
mga problemang kailangang lutasin at may mga batas na ipatutupad sa isang komunidad. Depende sa
layon, maaring ang mga kalahok sa pulong-bayan ay mga kinatawan ng iba’t-ibang sektor sa isang
pamayanan, mga ulo o kinatawan ng mga pamilya o sinomang residenteng apektado ng paksang pag-
uusapan o interesadong makisangkot sa usapin.
Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pag-usapan ang mga
suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. progresibong grupong nagmomobilisa ng
mga tao laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan o nagnenegosyo; at isang
impormal na lider o nagmamalasakit na mamamayan, nagtataguyod sa kapakanan ng mga kababayan.
KOMUNIKASYONG DI- BERBAL: Pagpapahiwatigan sa Mayamang Kalinangan
Nilalaman
Ayon kay Mehrabian, ang kabuuang epekto ng komunikasyon ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng
pormulang ito: Kabuuang Epekto = .07 Berbal + .38 Tinig + .55 Mukha Marahil ay sasabihin nating labis
naman ang pagpapahalagang ibinibigay ng pormulang ito sa mga senyas na di-berbal tulad ng tinig at
mukha. Marahil nga, ngunit kung iisipin natin kung gaano kalimit nating ginagamit ang ating mga mata
kaysa ating mga tainga, mauunawaan natin kung bakit ganito na lamang ang pagpapahalaga ni
Mehrabian sa mga senyas na di-berbal. Sa katotohanan, malaki ang pagkakaugnay ng mga senyas na di-
berbal at ng sagisag na berbal. Ang pagkakaugnay na ito ay nakikita sa paraan ng paggamit natin ng mga
senyas na diberbal.
Mga Paraan ng Paggamit ng mga Senyas na Di-Berbal
1. Ang mga senyas na di-berbal ay kapupunan ng komunikasyong berbal. Kalimitan, inuulit ng mga
kumpas o ng mga aksiyon ang mga ideyang ipinahahayag sa pamamagitan ng wika. Halimbawa maaari
nating sabayan ng kumpas na naglalarawan ang pangungusap na, “Ganito nang kataas ang aking
bunsong kapatid.” O kaya naman ay maaaring sabayan ng ngiti ang pangungusapna, “Nasisiyahan ako sa
nakuha kong marka sa pagsusulit.” Kung kumplementaryo ang gamit ng mga senyas na di-berbal at ng
wika, nagsisilbing patibay ang una sa isinasaad ng wika.
2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring gamitin sa halip na wika. Sa ating kultura, ang pagtango ng
ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang “oo”, ang pag-iling ng ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang
“hindi”. Matapos ang isang laro ng basketball, halimbawa, hindi na kailangang gumamit ng wika ang mga
manlalaro upang ipahayag kung nanalo sila o natalo. Naipapahiwatig ang kanilang kasiyahan sa
pagkapanalo o kaya nama'y kalungkutan sa pagkatalo sa pamamagitan ng galaw ng kanilang katawan.
3. Maaaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal ang isinasad ng wika. Alam na nating higit na
ginagamit ng tao ang kanyang paningin kaysa pandinig. Sa mga senyas na di-berbal at ng wika, higit na
pinaniniwalaan ng tagapakinig ang ipinahihiwatig ng una. Halimbawa, kung ang kasabay ng pangungusap
na “Masaya naman ako” ay malamlam na mga mata at pilit na ngiti, dalwang mensaheng magkasalungat
ang ikinukumunika. Nagiging suliranin ng tagapakinig kung alin sa dalawang mensahe ang dapat bigyan
ng reaksiyon.
4. Upang ayusin ang daloy ng komunikasyon. Halimbawa nito ay ang paghipo sa braso upang itulak ang
isang kalahok sa talakayan na magsalita. Ayon sa pananaliksik ni Patricio, nakatutulong ang ganitong
senyas sa daloy ng talakayan. Maraming kahulugan ang maaaring ibigay sa mga senyas na di-berbal.
Upang maging higit na mabisang kaugnay ang mga senyas na ito ng mensaheng berbal, kailangang palagi
nating isaisip ang ilang katangian nito.
1. Ang kahulugang ibinibigay natin sa mga senyas na di-berbal ay kailangang nababatay sa kabuuan ng
kontekstong pinangyayarihan nito.
2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring sinasadyang gamitin o hindi sinasadya.
3. Ang mga kahulugang iniuugnay sa mga senyas na di-berbal ay kalimitang ayon sa pinagkaisahan
ngmga taong kabilang sa isang lipunan o kaya'y kultura.