Professional Documents
Culture Documents
Introduksiyon
“No man is an island,” isang pupolar na linya mula sa awiting Ingles. Ano ang
ipinahihiwatig ng nasabing linya? Walang taong kayang mamuhay nang mag-isa.
Kailangan niyang makisalamuha sa kapwa.
Pangkalahatang Layunin:
Aralin 1 – TSISMISAN
Mahilig ka bang makinig o makiusyuso sa mga nagaganap sa iyong kapaligiran?
Makatotohanan ba ang narinig mong balita o baka balitang kutsero lamang?
Napakahilig ng mga Pilipino sa tsismis at likas ito sa atin kaya isa ito sa mga gawaing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino.
Sa araling ito, ating palalimin ang ating pagkaunawa sa gawaing
pangkomunikasyon na tsismisan.
Pagtalakay sa Paksa
Pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila naroroon sa isang
tsismisan. Dahil dito, ginagamit upang malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng pag-
uugali sa mga grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa bawat isa. Tinutulungan
din tayo sa pamamagitan ng pagpapaalam ng matututunan ang mahahalagang
impormasyon nang hindi na kailangang makipag-usap sa bawat miyembro ng grupo.
Narito ang mga nakahiligang paksain sa isang tsismis at ang epekto nito.
Buod ng Aralin
Ang tsismisan ay itinuturing na isang pagbabahaginan ng impormasyong di-tiyak
na isang uring pag-uusap sa pagitan ng dalawang tao o higit pang magkakilala o
magkapalagayang-loob. Tsismosa/tsismoso ang tawag sa taong nagsasagawa ng
tsismis. Mas umigting pa sa kasalukuyan ang pakikisangkot ng mga tao sa tsismisan
dulot ng social media. May kaukulang batas ang ating pamahalaan upang
maprotektahan ang mga taong biktima ng tsismis, gaya ng kasong libel, slander at
cybercrime.
Aralin 2. UMPUKAN
Uso ba sa inyo ang pag-uumpukan sa inyong komunidad? Isa ito sa mga gawaing
malimit na maganap sa komunidad maging sa tahanan.
Sa araling ito, tatalakayin ang umpukan bilang gawaing pangkomunikasyon ng
mga Pilipino.
Aralin 3. TALAKAYAN
Ginagawa ba ang talakayan sa klaseng iyong dinaluhan? Ano ang karaniwang
pinapaksa ninyo? Kadalasan, ito ang isa sa mga pamamaraan ng guro sa pagtuturo sa
klase. Hindi lamang ito sa loob ng silid-aralan nagaganap kundi maging sa komunidad.
Sa araling ito, pag-aralan natin ang talakayan bilang isa sa mga gawaing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino.
Pagtalakay sa Paksa
Ang talakayan ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng
pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita,
pagpapaliwanag at pangangatuwiran.
Pormal at di-pormal ang uri nito kung saan pinag-uusapan ang isang tiyak na
paksa na may tagapagsalita at maaaring ang kasapi ay magbahagi at makinig sa mga
impormasyong pinag-uusapan.
1. Impormal na Talakayan. ´Ito ay malayang pagpapalitan ng kuro-kuro hinggil sa
isang paksa at walang pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng
lima hanggang sampung katao.
2. Pormal na Talakayan. Nakabatay ito sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na
mga taong mamamahala at mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga
kalahok sa kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay ng kuro-kuro.
Mga halimbawa ng talakayan:
1. Pangklasrum na talakayan.
Ang talakayang ito ay kadalasan
ginagampanan ng mga mag-aaral sa isang klase
na may isang guro bilang tagapatnubay.
2. Simposyum. Ang talakayang ginagamit
kadalasan ng mga ahensya sa
pamahalaan sa layuning may mahalagang ipapaalam
sa mga kabaranggay o isang target na komunidad.
3. Panahon ng Homilya Simbahan.
Ang talakayang ito ay ginagawang
panrelihiyon sa paghahatid ng
banal na balita sa loob ng simbahan.
4. Sesyon ng mga Opisyal. Ito ay nagaganap
kadalasan sa pagdiskuyon ng mga
taong politiko sa paksang patungkol
sa kanilang pamamahala at kaunlaran
ng bayan o barangay.
5. Asembleya. Ang talakayang ito ay
pangkalahatang gamitin sa lahat ng
uri ng pangkat, ahensya, institusyon,
at iba pang maramihang kasapi para sa
pagsisiwalat ng impormasyon.
6. Pagdinig sa Senado. Ang talakayang ito
ay para lamang sa mga senador tungkol
sa mga paksa o isyung panlipunan
alinsunod sa kaniyang tungkulin.
7. Telebisyon/Panradyong talakayan at iba pa.
Tumutukoy ito sa iba’t ibang talakayang
programang panradyo at pantelebisyon na
naririnig at napapanood sa midya.
Buod ng Aralin
Ang talakayan ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase at sa iba pang pook na
maaaring pormal o di-pormal. Sa pamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatuwiran.
Maraming uri ng talakayan na nakadepende sa layunin at sa pook na pagdadausan.
Buod ng Aralin
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawain kung saan pumupunta sa iba’t ibang
lugar at tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring maging daan sa
pagkuha ng mga impormasyon. Maraming uri ang pagbabahay-bahay, nakadepende sa
layunin.
Pagtalakay sa Paksa
Ang pulong-bayan ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan
upang pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang
pagbabago.
Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapag-usapan nang maayos ang mga
bagay-bagay. Ito ay isang pormal na pakikipag-ugnayan o pakikipagkomunikasyon ng
pangkat ng mga tao sa isang komunidad. Dito, maaaring sabihin ng mga kalahok ang
kanilang saloobin at lahat ay binibigyan ng pagkakataong makapagsalita.
Tinatalakay rito ang pagsang-ayon, pagbabahagi ng mga impormasyon,
pakikipagkasunduan sa alinmang mga bagay para sa ikakaunlad ng pangkat at
pamayanan. Isang halimbawa ng pulong-bayan ay ang SONA. Ito ang tamang pag-
uulat ng Pangulo ng Pilipinas sa sambayanan tungkol sa pangkalahatang kalagayan ng
bansa sa aspektong ekonomiya, panlipunan, politika, iba pa.
Buod ng Aralin
Ang pulong-bayan ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan
upang pagusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang
pagbabago. Isa sa pinakaraniwang halimbawa nito ang SONA ng pangulo ng Pilipinas.
Pagtalakay sa Paksa
Ang ekspresyong lokal ay isang likas at ordinaryong wika ngunit naiiba sa anyo
at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya. ´Ito ay mga parirala o pangungusap na
ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang
kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng
ibang mga taong hindi bihasa sa lengguwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa
ibang wika.
Halimbawa:
Manigas ka!
Bahala na si Batman. (Bahala na.) Malay mo.
Sayang. (Sayang naman.)
Hay naku.
Susmaryosep! Anak ng !