You are on page 1of 102

MGA GAWAING

PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
Mga Layunin:
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas ng lipunan;

2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang


mabisang wika sa kontekstwalisadong komunikasyon sa mga
komunidad;

3. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong


pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino;

4. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng


pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng
komunikasyon sa pang-araw-araw na
pakikipagsapapalaran ni Juan dela Cruz
sapagkat nag-iiwan ito ng kakintalang
maaring magdulot ng karanasang
magpapatakbo ng kanyang buhay.
❑ Paksa ng mga Gawaing Pangkomunikasyon
1. Tsismisan
2. Umpukan
3. Talakayan
4. Pagbabahay-bahay
5. Pulong-bayan
6. Komunikasyong di-berbal
7. Mga ekspresyong local
A. TSISMISAN:
❑ Pakikipagkwento ng Buhay-buhay ng mga Kababayan
Gaya nga ng sabi ni Rico Blanco sa kanta niyang
“Chismis”, ang tsismis ay ang pambansang marijuana
ng bansa.

❑ Parte na ito ng kulturang Pilipino. Bawat barangay ay


mayroong isang grupo ng mga tsismoso/a na nagkikita
araw-araw para pag-usapan ang mga ‘balita’.
❑ Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang
mga Pilipino, ngunit may mas negatibo na konotasyon
ng salitang tsismis kumpara sa Ingles na may
katumbas na ‘gossip’.

❑ Ang gossiper ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig


makipagkwentuhan o magkalat ng sikreto ng iba
samantalang ang tsismosa ay kilala bilang sinungaling
at mapag-imbento ng kwento.
❑ Paminsan-minsan lamang kung magsabi ng
katotohanan at kung totoo naman ang mga
kwento ay madalas namang exaggerated
❑ Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga
tsismoso/a, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila.

❑ Natural lamang na maintriga ang mga tao sa mga


sikreto at baho ng iba. Ang mali sa pagiging tsimoso/a
ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit na
naging pasimpleng paraan na upang makapanakit sa
kapwa at mga kaaway.
❑ Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para
makasakit at makapanira ng reputasyon ng ibang tao,
o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan,
kamalian, at kasalanan. Ang madalas na pinaguusapan
na tsismis sa komunidad ay mga sensitibong bagay
tulad ng sex, paagbubuntis ng mga hindi kasal o
‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal, at pambababae,
ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t ibang bagay
tulad ng estado sa buhay o kaya naman sa pag-aaral.
B. Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay
ng Tsismis

❑ Sa Kodigo Sibil sa Artikulo 26 na ang mga


sumusunod na akto, bagamat hindi maituturing
na krimen ay maaaring makabuo ng isang
dahilan ng aksyon o cause of action para sa mga
danyos, pagtutol at iba pang kaluwagan.
1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o
ugnayang pampamilya ng iba;
3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang
indibidwal ay iiwasan ng kanyang kaibigan;
4. Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang
paniniwalang pangrelihiyon, mababang antas ng
pamumuhay, luugar ng kapanganakan, pisikal na
depekto at iba pang personal na kondisyon
❑ Ito ay sinang-ayunan sa Kodigo Penal ng Pilipinas sa
Artikulo 353, ang Libelo na isang pampubliko at
malisyosong mga paratang sa isang krimen o sa isang
bisyo o depekto na maaaring makatotohanan o haka-
haka, anumang kilos, pagkukulang, kondisyon
katayuan o kalagayan na dahilang ng kasiraang-puri,
ngalan o pagpapasala sa isang likas na tao o upang
masira ang alaala ng isang namayapa na (Salin mula sa
Article 353, RPC).
❑Sa barangay, may karampatang multa ang
bawat tsismis. 300, 500 at 1000 sa una,
ikalawa at ikatlong paglabag na may
kaakibat na community service.
UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at
Malapitang Salamuhaan
❑Ang umpukan ay tumutukoy sa isang maliit
na grupo ng taong nag-uusap hinggil sa mga
usaping ang bawat kasapi ay may interes sa
pag-uusapan na maaaring may kabuluhan
sa kani- kanilang personal na buhay,
katangian, karanasan o kaganapan sa
lipunan.
❑Mapapansin sa Kabanata 1 ng Noli Me
Tangere, inilarawan ang maraming
umpukang naganap sa pagitan ng mga
panauhin tulad ng asal ng katutubong
Pilipino, monopolya ng tabako,
kapangyarihan ng Kapitan Heneral at
marami pang iba.
❑Hindi maitatatwa na impormal ang
naturang umpukan sapagkat malayang
nakapagpapahayag ng kani-kanilang sloobin
ang bawat kasapi. Ito ay maaaring maganap
sa kalye tulad ng mga tumatambay sa tabi
ng kalsada, sa tindahan o kahit sa harap
lamang ng bahay.
❑Maaari rin itong makita sa trabahong
pinapasukan na kalimitang paksa ay
tungkol sa sahod, polisiya, pamumuno at
promosyon.
TALAKAYAN: Masinsinang
Talaban ng Kaalaman
❑Ang talakayan ay tumutukoy sa proseso ng
pagpapalitan ng ideya o kaisipan para sa
isang nararapat o mahalagang desisyon.

❑Mayroong nakatalagang tagapangasiwa sa


naturang gawain kung kaya’y higit na
pormal ang gawaing ito kumpara sa
umpukan.
❑ Ito ay kadalasang nararanasan sa loob ng isang
klase dahil dito nagkakaroon ng puwang o
pagkakataong maipahayag ng mga mag-aaral na
maibahagi ang kani-kanilang saloobin o
natutunan sa naturang paksa sa loob ng isang
oras na kaakibat ang tulong ng dalubguro sa
naturang aralin upang tulungan sa
pagpapaliwanag ang mga mag-aaral.
❑ Sa talakayan hindi maiiwasan ang pagkabagot
ng bawat isa lalo na’t purong guro ang
nagsasalita sa harapan kung kaya narito ang
katangian ng mabuting pagtalakay.

1. Aksesibilidad. Pagiging komportable ng mga


mag-aaral sa pagtanong at pagsagot sa mga
katanungan na walang pangamba.
2. Hindi Palaban. Minsan nagkakaroon ng kainitan
ang talakayan kung kaya hindi dapat dumating sa
punto na ang respeto sa loob ng klase ay mawala
bagkus ipahayag ito nang maayos at sa paraang
mahinahon na may wastong paggalang.
3. Baryasyon ng Ideya. Magkaroon ng
pagkakaiba-iba ng ideya na maaaring maging
instrumento ng mas mainam pang
pakahulugan na nakabatay sa mga sagot ng
bawat isa.
4. Kaisahan at Pokus. Ang dalubguro ang
tagapamagitan ng impormasyon o kaisahan sa
klase kung kaya’t marapat lamang na handa
siya sa pagpapanatili ng kaisahan at pokus sa
klase.
PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-
kapwa sa kanyang Tahana’t
Kapaligiran
❑ Kinasasangkutan ito ng indibidwal o higit
pang indibidwal patungo sa dalawa o higt
pang maraming bahay upang
maisakatuparan ang naturang mithiin tulad
ng pangungumusta, pakikiramay, paghingi
ng pabor para sa proyekto at marami pang
iba.
❑ Makalipunan ang gawaing ito dahil
tuwirang nakikipag-usap ang isang tao.
❑ Ang pagbabahay-bahay ay tradisyong
nagpamalas ng mabuting pagpapakilala at
pagtanggap ng mga panauhin na
pinatutunayan sa mahahalagang okasyon
sa buhay ng tao tulad ng pista, pasko, araw
ng mga poatay at kaluluwa at kaarawan.
❑ Sa kabilang dako, ang ebolusyon ng
tradisyon ng pagbabahay-bahay ay
nagpapakita na ang dating makalipunang
konsepto ay nagiging di-makalipunan dahil
nawala na ang personal na
pakikipagtalakayan.
❑ Karaniwang mabilis ang daloy ng
komunikasyon dito dahil na rin sa layuning
maraming bahay ang kakailanganing
mapuntahan sa loob ng isang araw ngunit
ang iba nama’y pinahahalagahan ang
kalidad ng pakikipag-usap sa mga taong
pinupuntahan.
PULONG BAYAN: Marubdob
na Usapang Pampamayanan
❑ Karaniwan itong isinasagawa sa isang partikular
na grupo bilang isang konsultasyon sa bawat
kasapi at paghahanda sa darating na okasyon o
aktibidad.

❑ Lider ang nangunguna sa naturang pulong


upang pangasiwaan ang maayos na daloy ng
pagpupulong tulad ng pagbibigay ng suhestiyon,
mungkahi o opinyon.
❑ Malaki ang papel ng pulong sa pagsasagawa ng
regulasyon at batas na nais ipatupad lalo na’t
may direktang epekto ito sa mga mamamayan.

❑ Bahagi ng proseso ng regulasyon ang


konsultasyon sa tao o publiko at inbalido ang
anumang batas na maaprubahan kung walang
isinagawang pagsangguni sa mga mambabatas.
Mga Dapat Iwasan Sa Pulong
1. Malabong layunin sa pulong – dapat malinaw
ang layunin sa pulong, ang may iba’t ibang paksa
ang pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong
ay nakawawalang gana sa mga kasapi.

2. Bara-bara na pulong – walang sistema ang


pulong. Ang lahat ay gustong magsalita kaya
nagkakagulo, kaya dapat ang “house rules”
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay – hindi
na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami
ng agenda at pinag-uusapan. Pagod na ang
isip ng nagpupulong.
4. Pag-atake sa indibidwal – may mga kasama sa
pulong na mahilig umatake o pumuna sa pagkatao
ng isang indibidwal. Nagiging personal ang
talakayan, kaya’t daihil dito nagkakasamaan ng
loob ang mga tao sa pulong.
5. Pag-iwas sa problema – posible sa isang
pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang
problema ng organisayon.

Sa halip, ang binabangit nila ay iba’t iba at


walang kabuluhang bagay para maiwasan ang
tunay na problema.
6. Masamang kapaligiran ng pulong – masyadong
maingay o magulo ang lugar ng pinagpupulungan
kaya hindi magkarinigan. Minsan naman ay
napakainit ng lugar o maraming istorbo gaya ng
mga usyoso na nanonood, nakikinig o nakikisali,
magkakalayo ang mga kinanalagyan ng mga
kasamahan, dapat ang pinuno ay nakikita at
naririnig ang lahat.
7. Hindi tamang oras ng pagpupulong – ang
miting ay hindi dapat natatapat sa
alanganing oras – tulad halimbawa ng
tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras ng
trabaho ng mga manggagawa.
EKSPRESYONG LOKAL: Tanda ng
Masigla at Makulay na Ugnayan
❑ Ang ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang
nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng
damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla,
pagkataranta, takot, dismaya tuwa o galak.

❑ May mga ekspresyon din ng pasasalamat, pagbati o


pagpapaalam. Sa talastasang Pilipino, ito ang
nagbibigay kulay sa mga kwento ng buhay at
sumasalamin sa kamalayan at damdamin ng mga
Pilipino.
Iba’t iba ang ekspresyong lokal na laganap sa
bansa. Narito ang mga halimbawa:

1. Tagalog – “Bahala ka sa buhay mo”; “Tanga!”;


“Nakupo”; “Inay ko!”; “Dyusko o Susmaryusep”.

2. Ilocano – “Alla” o namangha; “Gemas” o


nasarapan at “Anya metten!” o ano bay an!”
3. Bicolano – “Dios mabalos” o pasasalamat;
“Garo ka man” o pagkadismaya; “Inda ko sa
imo” o ewan ko sayo at Masimut o Lintian” o
sobrang galit.

4. Bisaya – “Ay, Tsada” o maayos sa paningin;


“Samok ka!” o magulo ka; “Paghilum!” o
manahimik ka; “Ambot” o medyo inis o galit.
Isa rin sa mga di-tuwirang ekspresyon ang
pagpapahayag ng biro kaya mayroon tayong
birong totoo, may halong hibla ng katotohanan
at halos walang katotohanan pero
naghahamon o nang-uuyam o fishing tulad ng
“Joke lang”, “Charot”, “Echos”, “Charing” at
marami pang #charotism
C. Komunikasyong Di-Berbal
ng mga Pilipino
Iba’t ibang Anyo ng Komunikasyong Di-Berbal

Ang komunikasyong di-berbal ay maaring


matagpuan sa iba’t iba nitong anyo katulad ng
mga sumusunod na paksa ng mga pagtalakay.
1. Kinesika – pinapatunayan lamang sa bahaging
ito na ang bawat kilos ay may kaakibat na
kahulugan na maaaring bigyang interpretasyon
ng mga taong sa kanyang paligid. Ekspresyon
ng mukha tulad ng pagkunot ng noo at pagtaas
ng kilay.
2. Proksimika – gamit ang espasyo,
pinaniniwalaang ang agwat ng tao sa
kapwa ay may kahulugan na maaaring
mabuo sa pananaw ng tagatanggap ng
mensahe tulad ng nag- uusap na malapit
ang distansya.
3. Oras (Chronemics) – oras ang
pinapahalagahan sa uring ito na nahahati sa
apat: teknikal o eksaktong oras, pormal na
oras o kahulugan ng oras bilang kultura,
impormal na oras o oras na walang katiyakan
at sikolohikal na nakabatay sa estado sa
lipunan at mga personal na karanasan.
4. Paghaplos (Haptics) – karaniwang kinabibilangan ng
paghaplos o pagdampi na maaaring bigyang pakahulugan
ng taong tumatanggap ng mensahe sa paraan ng
paghaplos nito tulad ng pagtapik sa balikat na waring
nakikiramay o pagbati.

5. Paralanguage – tumutukoy sa di-linggwistikong tunog


na may kaugnayan sa pagsasalita tulad ng intonasyon,
bilis at bagal sa pagsasalita o kalidad ng boses.
6. Katahimikan – ang katahimikan katulad ng
pgsasawalang kibo, pagbibigay ng blangkong sagot
sa isang text message ay maituturing na mga
mensahe sa isang akto ng komunikasyon. Ang mga
ito ay mga di-berbal na komunikasyon na ang
kahulugan ay nakabatay sa pananaw ng taong
tumatanggap nito.
7. Kapaligiran – Ang anumang kaganapan sa kapaligiran
ay maaring bigyan ng pagpapakahulugan ng mga taong
tumitingin dito. Ang pisikal na anyo ng pagdarausan isang
paliham ay pagpapaalala kung gaano pinaghandaan ng
tagapangasiwa ang mahalagang okasyon sa araw na iyon.
Ang kaayusan ng lugar ng pagdarausan ng gawain ang
makatutulong upang malaman kung ang magaganap na
talakayan ay pormal o impormal.
YUNIT IV_MGA NAPAPANAHONG
ISYUNG LOKAL AT
INTERNASYUNAL
Ang ayos ng pagtatalakay ay idinesenyo sa
paraan ng mahigpit na madaling
mauunawaan ng bawat mag-aaral ang bawat
konteksto ng mga usapin; pagbibigay ng
depinisyon, pagpapaliwanag at pagbibigay ng
halimbawa.
A. IBA’T IBANG ISYUNG PANLIPUNAN SA
PILIPINAS
1. Pang-aabuso sa Kapangyarihan
Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na
magampanan ng isang lider ang tungkulin na
inaasahan sa kanya ng mga tao sa kanyang
kapaligiran.
➢ Kung wala ito, walang pwersang
makapagbibigay ng pangil para sa mabuting
pagtanggap ng lipunan sa maayos na
implimentasyon ng isang tungkulin.

➢ Ang kapangyarihan ay maaaring ipatupad sa


dalawang kaparaanan, ministerial na
pagpapatupad at diskresyunal na pagpapatupad.
➢ Sinasabing ang kapangyarihan na ipatupad ang
tungkulin ay ministerial kung ang isang
namumuno ay walang ibang nararapat na gawin
kundi ipatupad ang isang polisiya.
Halimbawa
➢ 1. Pagtupad sa tungkuling pangbatas trapiko
para sa maayos na transportasyon ng bawat
mamamayang Pilipino
➢ 2. Ang mekanikong pagpro-proseso ng income tax
return;

➢ 3. Pagpro-proseso ng legal na titulo ng lupa mula


sa orihinal na may-ari tungo sa bumili nito;

➢ 4. Pagtanggap ng pamahalaan sa buwis na


ibinabayad ng mamamayan;
➢ Ang diskresyunal na paggamit ng
kapangyarihan ay tumutukoy sa paggamit
ng opsyon o diskresyon ng isang namumuno
o kawani ng pamahalaan na ipatupad o
hindi ipatupad ang isang tungkulin subalit
may pagsaalang-alang sa mga legal na
pamantayan.
Ang kapangyarihang ito ay kailangang gamitin
nang ayon sa katwiran, walang kinikilingan, at
hindi mapang-api o nakapananakit ng iba
Halimbawa:

➢ 1. Pagpili ng Pangulo ng Pilipinas sa mga


magiging kasapi ng gabinete ng ehekutibo;
2. Pagpasok ng Lokal na Pamahalaan sa kasunduan sa
isang pribadong kumpanya;

3. Pagbili ng mga kagamitang makatutulong sa


pagpapatupad ng isang polisiya
Ang pag-abuso sa kapangyarihan o diskresyon ay
tumutukoy sa hindi angkop na paggamit ng
kapangyarihan o mga pasilidad sa mga desisyon na
kailangan niyang ibigay.
Halimbawa:
1. Pagtatalaga ng Pangulo ng Pilipinas sa kanyang asawa
o mga anak bilang gabinete ng ehekutibo.
➢ 2. Ang kapangyarihan ng pamahalaan na
pumasok sa isang kasunduan ay mahalagang
mekanismo para sa episyente at epektibong
paglilingkod sa bayan.
2. Pakikipagsabwatan
➢ Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na
magampanan ng isang lider ang tungkulin na
inaasahan sa kanya ng mga tao sa kanyang
kapaligiran.

➢ Kung wala ito, walang pwersang makapagbibigay ng


pangil para sa mabuting pagtanggap ng lipunan sa
maayos na implimentasyon ng isang tungkulin.
➢ Ang diskresyunal na paggamit ng
kapangyarihan ay tumutukoy sa paggamit
ng opsyon o diskresyon ng isang namumuno
o kawani ng pamahalaan na ipatupad o
hindi ipatupad ang isang tungkulin subalit
may pagsaalang-alang sa mga legal na
pamantayan.
2. Pakikipagsabwatan
➢ Ang sab’watan ay tumutukoy sa ugnayan ng
dalawa o higit pang indibidwal o grupo na
nagkaisa na isakatuparan nang palihim ang
isang gawain na siyang ugat ng limitasyon
ng iba upang tuparin ang kinakailangan o
nais nilang gawin.
➢ Ito ay isang krimen ng pandaraya,
panloloko sa iba para sa kanilang mga
karapatan upang makuha ang isang adhika
na labag sa batas na karaniwan ay sa
pamamagitan ng pandaraya o paggamit ng
hindi patas na kamalayan.
3. Pandaraya sa Halalan
➢ Ipinagkakatiwala ng taong bayan sa mga pulitiko ang
kinabukasan ng bawat mamamayan sa pamamagitan
ng kanyang boto sa pambansa at lokal na halalan.

➢ Ang bawat balota ay sumisimbolo ng pag-asa sa


pagkakaroon ng magandang bansa at pananalig na ang
suportang kanilang ibinibigay sa pamamagitan nito ay
makabuluhan at kailanman ay hindi pagsisihan.
Narito ang ilang mahalagang konsepto na may kaugnayan
sa pandaraya sa eleksyon

➢ 1. Pandaraya sa eleksyon (electoral fraud). Tumutukoy


ito sa illegal na panghihimasok sa proseso ng eleksyon
sa pamamagitan ng pagdadag ng boto sa pinapaborang
pulitiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o
pareho.
➢ 2. Manipulasyon ng eleksyon (election
manipulation). Ito ay isang uri ng
pandaraya na makikita bago maganap ang
halalan kung ang komposisyon ng mga
manghahalal ay nabago. Ang lantarang
manipulasyon ay itinuturing na paglabag sa
prinsipyo ng demokrasya.
3. Mahalaga ring matutunan ng mga mag-
aaral ang konsepto ng disenfranchisement o
ang pagtanggal ng karapatan ng isang tao na
bumoto. Isnasagawa ang metodong ito kung
ang kandidato ay naniniwala na ang isang
botanti o grupo ng butanti ay sumusuporta sa
kalabang Partido.
4. Manipulasyon ng dimograpiya.
Maraming mga pagkakataon na kayang
kontrolin ng mga kinauukolan ang
komposisyon ng mga manghahalalal
upang maka tiyak ng isang resultang
pumapaborta sa sinusuportang politiko.
Intimidasyon. Tumutukoy ang
intimidasyon sa lakas o puwers na
ibinibigay sa mga botanti upang sila ay
bumoto pabor sa isang partikular na
kandidato o kaya ay pigilan sila na
makibahagi o maki isa sa pag boto.
Karahasan o Pananakot na Paghahasik ng Karahasan.
Ipinapakita nito na ang mga botanti sa isang partikular
na demograpiko o mga kilala na taga suporta na isang
partikilar nakandidato direktang tinatakot na mga
tagasuporta ng kalabang partido upang ibasura nito ang
pagsuporta na hindi makabubuti sa sinusupotang
kandidato. Inilalarawan nito ng mga kriming katulad ng
pag patay, pananakit, mga pagpapasabog at iba pa.
Mga Pag-atake sa Lugar ng Halalan. Madalas
na nagiging target ng pag-atake at mga
karahasan ang lugar na aktwal na
pinagdarausan ng local o nasyunal na halalan.
Inilalarawan ito ng bandalismo, paninira ng
kagamitan o ari-arian, mga pananakot na nag
bubunga ng pangamba ng botante na tumungo
sa lugar na pagdarausan ng halalan.
Mga Pagbabantang Legal. May mga pagkakataon
na sinasamantala ng maga politiko ang kawalan ng
kaalaman ng isang indibidwal sa kanyang
karapatan na makiisa sa local at pambansang
halalan sa pamamagitan ng pagboto.
Pamimilit. Ipinakikita nito na ang demograpiko na
may control sa balota ay sinusubukang hikayatin
ang iba na sumunod sa kanila. Sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga lumalaban sa higit na
nakararami, ang mga ito ay naiimpluwensyahan na
palitan ang kanilang mga naunang desisyon sa
kung sino ang kanilang iboboto.
Pamimili ng Boto. Ang isang actor ay
maituturingna pamimili ng boto kapag ang isang
partido politikal o kandidato ay ng hihingi ng boto
sa mga botante kapalit ng salapi, mga
kinakailangang kagamitan o kaya mga serbisyo.
4. Pagnanakaw sa Kaban ng Bayan

Kadalasan na ang tiwalang ibinigay ng taong bayan sa mga


pulitiko na kanilang inuluklok sa pwesto upang mamahala sa
bayan ay nawawalan ng saysay dahil sa pagkasilaw sa mga
kayamananng dapat sana ay ilalaan upang mapagsilbihan nang
wasto ang taong bayan. Ang suliraning ito ay matagal nang
kinahaharap ng maraming bansa sa mundo na pinaniniwalaang
ugat ng pagkakalugmok sa kahirapan ng bawat mamamayan.
Ang pagnanakaw ay matatagpuan sa marami nitong anyo at
maituturing na krimen sa ilalim ng Kodigo Penal na Pilipinas at
ilang mga umiiral na espesyal na batas (special laws).
(a) Panunuhol (Bribery) at Korapsyon ng Opisyal ng Gobyerno
(Corruption of Public Officer)

Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas ang


direktang panunuhol (direct bribery) ay maaaring isampa sa
kahit na sinongopisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa paggawa
ng isang akto na maituturing na krimen, kaugnay ng kanyang
opisyal na tungkulin, bilang konsiderasyonsa kahit na anong
hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang opisyal,
personal man o sa pamamagitan ng iba.
(b) Maling Paggamit ng Pondo o Ari-arian ng Bayan

Sa ilalim ng Artikulo 217 ng Kodigo Penal ng Pilipinas ay


binigyan ng depinisyon ang krimen ng maling paggamit ng
pondo o ari-arian ng bayan. Inilatag din sa parehong probisyon
ang pagpapalagay (presumption) sa ganitong krimen. Sinasabi
sa artikulong ito na kahit sinong opisyal ng gobyerno, sa
pamamagitan ng kanyang tungkulin sa tanggapan, ay may
pananagutan sa pondo at mga ari-arian ng publikokung ito ay
kanilang gagamitin sa pinaglalaanan, o sa pamamagitan ng
pondo at ari-arian ng publiko, buo man o bahagdan.
(c) Pandarambong o Plunder

Ang pandarambong ay marring kinukundina sa sistema ng pamamahala


sa Pilipinas sa bisa ng RA 7080 ay itinuturing na isang krimen ang akto
ng opisyal ng gobyerno na direkta o sa pamamagitan ng
pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng pamilya o mga kamag-anak sa
pamamagitan ng kasalan o sa dugo, kasama sa negosyo, mga
nasasakupan o iba pang tao ay humahakot o nagkakamit ng yaman na
kinuha sa masama gamit ang pinagsama o sunod-sunod na hayagan o
mga gawaing criminal na inilalarawan sa RA 7080 sa tinipong halagang
umaabot sa 50,000,000.00 na may parusang reclusion perpetua hanggang
kamatayan sa sinumang nagkasala sa batas. Mga halimbawa nito ay
paglustay ng pondo o kaban ng bayan na ipapasa sa kamag- anak.
(d) Graft at Korapsyon

Ang usaping ito ay matagal ng hinahanapan ng solusyon ngunit


hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito natitibag o napaglalabanan.
Ang graft at korapsyon ay magkaibang konsepto sa pagkuha ng personal
na benepisyo mula sa transaksyong pamahalaan. Ang korapsyon ay
tumuukoy sa maling gamit sa pinagkukunan ng pamahalaan para sa
personal na benepisyo habang ang graft naman ay tumutukoy sa maling
gamit ng impluwensya para sa personal na benepisyo na laganap sa ilalim
sa RA 3019 o Anti-graft and Corrupt Practices Act na mga kasanayang
may kaugnayan sa korupsyon ng mga opisyal ng gobyerno at
idineklarang labag sa batas.
5. Sistemang Padrino o Palakasan

Isa ito sa di mamatay-matay na isyu na hanggang ngayon ay laganap pa


rin sa iba’t ibang ahensiya o institusyon. Ang mga nakaluklok sa
kapangyarihan ang karaniwang nagiging saksing bulag at bingi sa
hustisya na dapat ibigay sa taong bayan mapagbigyan lamang ang mga
taong pinagkakautangan ng loob na palasak sa pampubliko at
pampribadong sektor na nagkakaroon ng posisyon sa pinakamadaling
paraan sa basbas ng nasa kapangyarihan.
6. Ang Konsepto ng Kabayanihan ng mga Pilipino

Ang kabayanihan ay inilalarawan ng kagitingan at kalapangan sa


pagharap ng hamon ng buhay na mababasa sa iba’t ibang mitolohiya na
ang pagsasakripisyo ng buhay ay isa sa mga akto ng kabayanihan sa
bayan ngunit sa paglipas ng panahon ay naging malawak na ang konsepto
nito sa punto na hindi lamang sa digmaan nakikita bagkus sa pagsasama
sa panlahat na kahusayang pangmoralidad na sinangayunan ni Dr. Xeus
Salazar sa artikulo ni Lacuata na isinalin ni Vibar (2013) na ang isang
bayani ay nakikipagtulungan nang walang anumang bayad sa gawaing
pangkomunidad.
7. Rebolusyong Pangkalikasan

Makikita ang kultura ng pagdadamayan sa buong mundo para


sa agarang pagbangon ng isang bansa subalit ang pagsusumikap
na makatulong ng iba ay kailanagan din ng kasamang disiplina
ng taong tinutulungan at maayos na sistema buhat sa kanyang
pamahalaan.
Mga halimbawa ng dahilan ng kalamidad ay ang paggalaw ng
mundo (lindol), may kaugnayan sa panahon, mga pagbaha,
pagguho ng putik o lupa, at taggutom.
Narito ang iba’t ibang isyung may kinalaman sa kalikasan.

a) Tamang Pagtatapon ng Basura

Matindi ang pakikibaka ng mundo sa hamon ng usapin sa


wastong pagtatapon ng basura na isang malaking hamon hindi
lamang sa mundo kundi maging sa bawat indibidwal tulad ng:

1. Ang solidong basura ay karaniwang itinatapon o ibnabaon sa


mga landfill sites na maaaring makapaminsala sa lugar.
2. Ang mga nabubulok na basura ay maaaring magbunga ng
mikrobyo, masangsang na amoy o di kaya’y simsimin ng tubig
sa ilalim ng lupa.

3. Ang usok na nagmumula sa mga sinusunog na basura ay


nakapagdaragdag din ng polusyon sa kapaligiran.
b) Pagbabago ng Klima (Climate Change)

Ang pagbabago ng klima ay isinisisi sa pagtaas ng greenhouse


gases na siyang nagpapainit o nagpapalamig sa mundo na
sinasabing nakapagbubunga nga mga sakuna katulad ng
pagbaha at tagtuyot na dahilan ng kamatayan ng tao na
maaaring makapagdudulot ng polusyon na maaaring
makapagdulot ng masama sa kalusugan tulad ng cholera,
malaria, dengue at iba pang sakit.
c) Pagkaubos ng Likas na Yaman

Maraming mga dahilan kung bakit nauubos ang likas na yaman


ngunit isa pinakahalimbawa nito ay pagmimina na
pinangungunahan ng mga higanteng kapitalista o mga
negosyante. Ang pag-unlad din ng turismo ay isa sa mga
nakitang dahilan ng Department of Tourism at Department of
Environment and Natural Resources dahil sa pagrami ng mga
turista at ang pagtaas ng kita ng isang ahensya ay may kaakibat
na epekto sa likas na yaman.
8. Konsepto ng Kahirapan

Isa sa mga sakit ng lipunan ang kahirapan na hindi nalulunasan


sa kasalukuyan na inilalarawan sa kawalan ng pag-aaring
materyal na maaari gamitin upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay.
Ang kahirapan ay tinitingnan sa dalawang kategorya:

• ang Ganap na Kahirapan na tumutukoy sa mga sitwasyong


ang isang indibidwal ay napagkakaitan ng mga payak na
pangangailangang pantao tulad ng maiinom na tubig, maayos
na kasuotan, maginhawang tirahan at pangangalagang
pangkalusugan;
• ang Relatibong Kahirapan naman ay inilalarawan ng
sitwasyong ang tao ay di sapat na salapi kung ihahambing sa
ibang tao sa kapaligiran na ang pinagkukunan ng suplay at
naapektuhan ng balakid tulad ng lantarang pagnanakaw o
korupsyon sa gobyerno, mga hindi makatwirag kondisyon ng
pagpapautang ng gobyerno at marami pa.
Mayroon naming dalawang teorya ang kahirapan.
• Ang una ay ang indibidwalistikong pananaw na isinisisi sa
indibidwal ang kakayahan na pagbangon sa kahirapan tulad
ng katamaran, kawalan ng sapat na edukasyon,
kamangmangan at mababang pagtingin sa sarili;

• habang sa istrukturang pananaw, nakikita ng tao ang kailang


pagkasadlak sa kahirapn bunsod ng sistemang pang-
ekonomiya na lalong pinaigting ng kakulangan sa kanilang k
Ayon naman sa artikulo ni Dr. Phil Bartle na isinalin ni Vitan
III. Dionisio, kanyang inisa-isa ang limang malalaking sangkap
ng kahirapan na kinabibilangan ng mga sumusunod: Kawalan
ng kaalaman, Sakit, Kawalang Pagpapahalaga, Hindi
mapagkakatiwalaan at Pagiging palaasa sa kapwa. Binigyang-
diin na masosolusyunan lamang ang suliranin sa kahirapan
kapag aalisin ang limang sangkap ng kahirapan sa bawat
pamilyang Pilipino.
9. Usaping Pangkalusugan
(a) Malnutrisyon

Ang malnutrisyon ay isa sa mga kinakaharap na problema ng


bbansa bunsod na rin ng kahirapan at kawalan ng wastong
pagkain. Dagdag pa rito ang kawalan ng sapat na kaalaman
ngbtao sa kahalagahan ng nutrisyon sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
(b) HIV o Human Immunodeficiency Virus

Isa sa pinakapangunahing usapin hinggil sa kalusugan ang HIV


o Human Immunodeficiency Virus na isang espektro ng
kondisyon na sanhi ng inpeksyon. Walang makikitang sintomas
ng sakit ang taong may ganitong uri ng sakit maliban sa
simpleng trangkaso. Habang patuloy ang inpeksyon ay higit
nitong sinasalakay ang immune system na di kalaunan’y
mararanasan ang mga sakit na tuberculosis, opportunistic
infections at tumor. Tinatawag na AIDS o Acquired
Immunodeficiency Syndrome ang pinakahuling estado nito na
kinasasangkutan ng pagbaba ng timbang.
(c) Dengue

Nagmula ang sakit na dengue sa isang virus ng dengue na dala


ng kagat ng lamok sa isang tropikong bansa tulad ng Pilipinas.

You might also like