You are on page 1of 3

AKROSTIK

Kilala ang wika, at


Obligasyon ng bawat isa’y
Masusing pagsusuri,
Ugnayan ng tao’y
Nagbibigay-daan sa pag-unlad,
Ito'y instrumento ng kasiyahan,
Kasangkapan ng puso't isipan,
Ang komunikasyon, sa ating lahat,
Sa wikang Filipino,
Yakapin ating kultura,
O ibahagi sa iba, ang wika
Na ipinaglabang tapat ng mga bayani

SITWASYONG PANG-KOMUNIKASYON

PULONG BAYAN

1.) ITO AY MAAARING ISANG OPISYAL O PORMAL NA PAGPUPULONG NA


IDINARAOS SA ISANG BAYAN O LUGAR.

2.) ITO AY MAY OPISYAL NA BALANGKAS AT PROSESO PARA SA PAG-APRUBA


NG MGA DESISYON.

3.) MAY ESTRUKTURA O ORGANISADONG AGENDA NA SINUSUNDAN. ITO


AY PINANGUNGUNAHAN NG ISANG FACILITATOR O TAGAPAMAHALA NANG
MAGING ANG MAAYOS TAKBO NG PAGPUPULONG
TALAKAYAN

1.) ITO AY MAY MAS MALAWAK NA KAHULUGAN AT MAAARING HINDI


PORMAL NA PAGTITIPON NG MGA INDIBIDWAL UPANG TALAKAYIN
ANG IBA'T IBANG MGA ISYU, IDEYA, O KAGANAPAN
2.) ITO AY MAAARING ISANG OPISYAL O PORMAL NA PAGPUPULONG NA
IDINARAOS SA ISANG BAYAN O LUGAR.
3.) ANG MGA PARTISIPANTE AY MALAYANG MAKAPAGPAHAYAG NG
KANILANG MGA IDEYA, OPINYON, AT OBSERBASYON

TSISMISAN

1.) Ang "tsismisan" ay ang pag-uusap o pagkukuwento tungkol sa ibang


tao, maaaring totoo, maaaring hindi, o may halong pagpapalaki.
2.)May layunin na maibahagi ang balita o kwento tungkol sa ibang tao,
na maaaring magkaroon ng halong intriga o haka-haka.
3.)Maaaring mangyari kahit saan at kahit kailan, lalo na sa mga
pampublikong lugar o sa mga pribadong kaganapan kung saan
maaaring pag-usapan ang ibang tao.

UMPUKAN

1.) Ang "umpukan" ay isang pagtitipon ng mga tao, sa isang lugar o


pook, para pag-usapan ang iba't ibang bagay o mga pangyayari.
2.)Maaaring magkaroon ng iba't ibang layunin depende sa konteksto,
maaaring ito ay para sa trabaho, proyekto, pagdiriwang, o simpleng
pakikipag-socialize.
3.)Maaaring maging formal na organisado o impormal na spontanyo.
Maaaring ito ay sa isang opisina, kapihan, o simpleng pagtitipon ng
mga kaibigan.
PAGBABAHAY-BAHAY

1.) Ang "pagbabahay-bahay" ay ang pagsusuyod o pagbisita sa mga


bahay-bahay ng mga tao sa isang komunidad.
2.)May layuning makipag-usap sa mga tao sa komunidad, magbahagi ng
impormasyon, o makipagkita sa mga kaibigan at kapitbahay.
3.)Literal na pagpunta sa mga bahay ng mga tao, karaniwang may
layuning makipag-usap, magtanong, o magbahagi ng impormasyon.

You might also like