Professional Documents
Culture Documents
Tungkulin at Gampanin NG Wikang Filipino
Tungkulin at Gampanin NG Wikang Filipino
Kahalagahan ng WIKA
Sa Sarili
➢ Nagagawang paunlarin ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng
mga butil ng kaalaman mula sa kaniyang paligid.
➢ Nagagawa rin niyang maipahayag ang kaniyang mga naisin at hangarin sa buhay na
maaaring may malaking epekto sa kaniya sa mga pampersonal na kasiyahan.
Sa Kapuwa
➢ Walang nabubuhay sa mundong ito para sa kaniyang sarili lamang. Kung kaya’t
kailangan natin ang ating kapuwa upang sa gayon ay lalo pa nating mapaunlad ang
ating kaalaman at kakayahan.
Sa Lipunan
➢ Nagkakaroon ng isang maayos na lipunan sa sandaling magkaroon ng mabuting
ugnayan ang mga tao sa isang tiyak na pamayanan. Nagagawang pagbuklurin ng
lahat ng taong nakatira sa isang lipunan sa pamamagitan ng wikang gagamitin
upang magkaunawaan, magkaintindihan at magkapalagayan dahil nakabatay ito sa
kanilang sariling kultura.
Interaksyonal
➢ Ang wika ay nakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
Instrumental
➢ Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao sa kaniyang paligid.
Regulatori
➢ Wikang ginagamit upang kumontrol ng kilos at gawi ng tao.
Personal
➢ Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.
Imahinatibo
➢ Nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. (i.e. mga tula, awit at iba
pa
Heuristik
➢ Naghahanap ng mga impormasyon, datos at gamit ng mga taong nais magkamit ng
akademikong kaalaman akademiko o personal.
Impormatib
➢ Maaaring maglarawan at maglahad ng lugar, araw, pangyayari datos o impormasyon.
Ginagamit din ito sa pagtatalumpati, pagtuturo, pagbabalita at iba pa.
Kognitibo/Reperensyal/Pangkaisipan
➢ Pagpaparating ng mensahe o impormasyon
Conative
➢ Paghimok at pag-impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos o pakikiusap
Emotive
➢ Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon.
Phatic
➢ Pakikipagkapuwa
Metalingwal
➢ Paglilinaw ng mga kaisipan
Poetic
➢ Patula, paggamit ng wika para sa sariling kapakanan
Estetiko
➢ Paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan.
Ludic
➢ Pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang katuturan o kawawaan, pagsubok sa
posibilidad ng wika habang natutuhan ito, pagbibiro.
Nag-iingat at nagpapala-ganap ng kaalaman
Nagbubuklod ng bansa
HALAGA NG WIKA
Instrumento ng Komunikasyon
Nagdidistrak
Nagbibigayngalan
Nagpapalalawak ng pananaw
“ Ang Filipinong wika ay sumapit na, ngunit ang Filipinong tao’y hindi pa.”