You are on page 1of 1

WIKA

 Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay “dila”. Ito ay
nangangahulugan ng paraan ng paghahatid ng ideya, opinion o pananaw na maaring gawin na pasulat o
pasalita.
 Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar.
 Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga signo, tunog at mga kadugtong na
batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan.
 Ginagamit ang sistemang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa paraan ng pagsasalita at
pagsusulat.
 Ang wika ay tumutukoy sa paraan ng paghahatid ng ideya, inpormasyon, kaalaman, kabatiran, kaisipan,
karunungan, lohika, mensahe, opinion, pananaw sa paraang pasalita o pasulat.

Kahalagahan ng Wika

 Ang wika ang sumasalamin sa kultura ng isang bansa.


 Ang wika ang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
 Ang wika ang instrumento upang maipahayag ang damdamin ng tao.
 Ang wika ang pangunahing simbolo ng mga gawain ng tao.
 Ang wika ang kasangkapan sa paglikha ng mga sining.

Kahalagahan ng wika sa sarili:

 Nagagawa rin niyang maipahayag ang kanyang mga naisin at hangarin sa buhay na maaaringmay
malaking epekto sa kanya tungo sa pampersonal na kasiyahan.
 Nagagawang paunlarin ng tao ang kanyan sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng mga butil ng
kaalaman mula sa kanyang paligid.

Kahalagahan ng wika sa Kapwa:

 Walang sinuman sa mundong ito ang nabubuhay para sa sarili lamang. Kung kaya’t kailangan natin ang
ating kapwa upang sa gayon ay lalo pa nating mapaunlad ang ating kaalaman at kakayahan.

Kahalagahan ng wika sa Lipunan:

 Nagkakaroon ng isang maayos na lipunan sa sandaling magkaroon ng mabuting ugnayan ang mga tao
sa isang tiyak na pamayanan. Nagagawang pagbuklurin ang lahat ng mga taong nakatira sa isang
lipunan sa pamamagitan ng wikang gagamitin upang magkaunawaan, magkaintindihan, at
magkapalagayan dahil nakabatay ito sa kanilang sariling kultura.

Kahalagahan ng wika sa bansa:

 ang wika ang kaluluwa ng isang bansa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling wika, nagkaka-isa
ang mga mamamayan. Sa pamamagitan ng wika ay nagkakaroon ng pagkakaisa ang bawat isa na
nagiging daan upang makamit natin ang kaunlaran. Ang wika rin ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng
isang mamamayan kung saang bansa siya nanggaling. Napaka swerte nating mga Pinoy sapagkat
nagkaroon tayo ng sarili nating wika, ang wikang Filipino, na maipagmamalaki natin kahit saang lugar
tayo magtungo.

You might also like