You are on page 1of 26

YUNIT I:

TUNGO SA

AUGUST 2022
MABISANG
KOMUNIKASYON
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Komunikasyon ang daan upang
makipag-ugnayan nang may maayos
na pag-unawa sa kausap. Pasalita o
pasulat man ang komunikasyon,
kailangang ito ay maging mabisa.

Saan mang lugar mapunta ang isang


indibidwal, pakikipagkomunikasyon
ang pinakamabisa niyang instrumento
upang magtagumpay ang layunin niya
sa pang-araw-araw na buhay.
pang-araw-araw na buhay.

Ipinahayag ni Hartley na, “Ang


komunikasyon ay di lamang kabuuang
pahayag ng kaalaman at damdamin,
bagkus ito ay isa ring batayang prosesong
panlipunan.”
Pangunahing pangangailangan ito sa pag-
unlad ng indibidwal, sa patuloy na pagbuo
at pagpapanatili ng isang pangkat o lipi sa
isang tiyak na lugar o lipunan.

Ayon naman kay Webster at ng iba pang


dalubhasa, ang komunikasyon ay
pagpapahayag, paglalahad o pagbibigay
ng impormasyon sa mabisang paraan:
isang pakikipag-ugnayan, pakikibagay
niya sa kaniyang kapuwa at kapaligiran.
ARALIN 1
Mga Konseptong Pangwika
(Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang
Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili,
Opisyal)
karanasan, kapuwa tao, ibang tao, paligid, mundo,
obhetibong realidad, panlipunang realidad, politikal, Ang taong ayaw
umangkin ng
ekonomik at kultura. sariling wika ay
ayaw ng
pagkakakilanlan.
Wika rin ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng
isang lahi, lipi at lipunan. Ibig sabihin, nasa wika ang
tanging paraan upang maisalin ang kaalaman,
karanasan, at alaala ng isang lahi o lipi at lipunan sa
iba.
ARALIN 1
Mga Konseptong Pangwika
(Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang
Opisyal)
Ipinahayag ni Hutch, isang sistema ng mga tunog, arbitraryo na
ginagamit sa komunikasyong pantao ang wika.
Isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na
Ang taong ayaw
lugar para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng berbal at umangkin ng
biswal na signal para makapagpaliwanag ang kahulugang ibinigay sariling wika ay
naman ni Bouman tungkol sa wika. ayaw ng
pagkakakilanlan.
Ang mga dalubhasa, lingguwista, at mga mananaliksik ay nagkakatulad
o nagkakaugnay ang mga ideya tungkol sa kung ano ang wika. Sabi
nga ni Santiago, malalim at komprehensibo dapat ang pag-aaral sa
wika. Ayon nga sa mga guro ng wika, “Wika ang ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon, at kapag maayos ang komunikasyon, tiyak na
may unawaan, at kapag may unawaan, may pag-unlad ang isang
bansa.”
T 1. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang tsek (4)
U sa kulom ng mapipiling sagot

K TANONG
a) Alam ko ba ang kahalagahan ng wika sa
OO HINDI

L araw-araw na takbo ng aking buhay?


b) Dapat bang may wikang pambansa ang

A mayayaman?
c) Isa lang ba ang wika dapat salitain?
d) Daan ba sa pag-unlad ang pagkakaroon
S ng maraming wika?
e) Hindi ba kailangan ang wika sa
I pagkikipagkomunikasyon?
f) Tatak ba ng isang lahi ang wika?

N
2. Mga Pokus na Tanong

a. Paano matutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng


mga konseptong pangwika?
b. Paano maipaliliwanag ang kahulugan ng iba’t ibang
konseptong pangwika sa tulong ng mga sitwasyonal na halimbawa?

3. Hinuha o Maaring Sagot sa mga Pokus na Tanong


LINANGIN
Tunghayan Mo!
Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral
tungkol sa paksang mga konseptong pangwika: wika, wikang
pambansa, wikang panturo, wikang opisyal

Sa pangunguna ng kanilang lider na si Angelo Carrtte, pinag-


uusapan nila ang paksang tatalakayin ng kanilang pangkat ang mga
konseptong pangwika. Kasama sa pangkat sina Maxine, Stephanie,
Nathalie, Angela, at Messiah

Angelo Carrtte: Handa na ba kayo sa tatalakayin natin para sa


klase natin bukas? Pag-usapan natin at isa-isahin ang mga ito

Maxine: Sige, ako ang mauuna. Wika ang napunta sa akin gaya ng
napagkasunduan natin, gagawan ng handout ang tatalakayin kaya't
kumuha na kayo ng tig-iisa para ma sabayan ninyo ako.
Ayon sa mga dalubwika, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng
tao sa ko munikasyon. Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng tunog at
paraan naman ng ating pagsulat at iba pang anyo ng sagisag o hudyat na ginagamit
sa komunikasyon. Ang pasenyas na wika ang tinutukoy na sagisag. Sa nabanggit na
depinisyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa tao. Bagaman ang mga hayop ay
mayroon ding paraan ng komunikasyon, hindi tinatawag na wika ang mga ito.
Samakatuwid, ang wikang tinutukoy sa pagtalakay na ito ay ang ginagamit ng tao
sa pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapuwa tao.

Ipinahayag ni Otanes (1996), na ang wika ay isang napakasalimuot na


kasangkapan sa pakiki pagtalastasan. Kailangan nating malaman ang mga
pangkalahatang katangian ng wika.
Angelo Carrtte: Mahusay, talagang malawak ang naging pananaliksik ni Maxine. Si
Stephanie na man, wika rin ang itinakda sa iyo di ba?

Stephanie:Tama ka. Narito naman ang iba pang kahulugan ng wika. Ginawan ko
naman ito ng tsart.
GELASON SAPIRO HEMPHILL
Ang wika ay masistemang Ang wika ay isang likas Ang wika ay isang masis
balangkas ng mga sina at makataong temang kabuuan ng mga
salitang tunog sa paraang pamamaraan ng sag isag na sinasalita o
arbitraryo na ginagamit sa paghahatid ng mga binibigkas na pinagkaisahan
pakikipagkomunikasyon kaisipan, damdamin, at o kinauga lian ng isang
ng mga taong kabilang sa mga hangarin sa pangkat ng mga tao at sa
isang kultura. pamamagitan ng isang pamamagitan nito'y
kusang-loob na nagkakaugnay, nag
kaparaanan na lumikha kakaunawaan at
ng tunog. nagkakaisa ang mga tao.

Angelo Carrtte: Mahusay rin. Kung susuriin ang mga kahulugang inilahad tungkol sa wika,
iisa ang pinatutunguhan nito, na gi nagamit ito sa masistemang paraan upang maipahayag ng
tao ang kaniyang kaisipan at damdamin nang maayos at may layunin.

Si Nathalie naman ang magtatalakay sa konseptong pangwika na wikang pambansa.

Nathalie: Okey, handa na ako.


Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang wikang
pambansa na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa
mamamayang kaniyang sakop. At kung ang bansa ay multilingguwal na tulad
ng Pilipinas, dapat lamang asahan na ang wikang pambansa ang magiging
tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba't ibang pangkat sa kapuluan na may
kani-kanilang katutu bong wikang ginagamit. Bukod dito, ito rin ang
pambansang daluyan ng komunikasyong tulad ng telebisyon, radyo, at mga
pahayagan, gayon din naman ang mga kilalang politiko, komentarista, mga
manunulat at makatang gustong maabot ang buong bansa.

Angelo Carrtte: Wow, hindi nagpatalo si Nathalie. Pakinggan


naman natin si Angela sa pagtalakay niya.

Angela: Handa na ko..


Wikang Panturo
Gamit ang wikang panturo upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.

Ang wikang mapipili bilang wikang pambansa ay magagamit bilang wikang


panturo hang gang sa unibersidad. Sa edukasyong pang-unibersidad, ang bilis ng pag-
unawa ay isang malaking bentaha sapagkat ito'y nangangahulugan nang higit na
mabilis na pag-unlad na akademiko. Ang pag-unawa ay bumabagal kundi man
lubusang nahahadlangan kung ang wikang panturo ay hindi kontrolado ng mag-aaral.

Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng


1987, Sek. 6 kaugnay ng wikang panturo na:

Sek. 6- Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at iba pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang edukasyon.
Angelo Carrtte: Napakakomprehensibo ng talakay mo, Angela.
Sige, si Messiah naman ang pakinggan natin para sa huling
konseptong pangwika-wikang opisyal.

Messiah: Okey, ako naman.


Wikang Opisyal
Tinatawag na wikang opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa
edukasyon, sa pamahalaan, at sa politika, sa komersiyo at industriya.

Ipinahayag naman sa Sek. 7 ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng


1987 na: "Ukol sa mga la yunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang itinatadhana ang
batas, Ingles."
Angelo Carrtte: Nakatutuwa naman at talagang
handang-handa na tayo para sa talakayan bukas.
Maidaragdag ko na, "dahil sa ang wika ay buhay,
patuloy na umiinog ito sa mga pagbabagong
mahaharap nito. Maging sa kahulugan o depinisyon
ay may iba't ibang pahayag tungkol dito." Sige bukas
na natin alamin. Tayo na at umuwi na tayo at
maghanda na para bukas.
Lahat: Tama ka, para maging maayos ang pagtalakay
natin bukas.
Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng Iba't Ibang Konseptong Pangwika
S
A. Isang kasanayan ito sa paglinang ng talasalitaan. Dahil teknikal ang
I mga salitang lilinangin, upang maunawaan ito, kailangang ipaliwanag
M ang kahulugan nito. Malaking tulong ang mga halimbawang sitwasyon
upang mabigyan ng kahulugan ang nasabing mga salita.
U 1. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga konseptong pangwika: wika, wikang
L pambansa, wikang pan turo, at wikang opisyal sa tulong ng mga
sitwasyon.
A
SALITA SITWASYON (PAGPAPAKAHULUGAN)
N
a. Wika Halimbawa
b. Wikang Pambansa Halimbawa
M c. Wikang Panturo Halimbawa
O d. Wikang Opisyal Halimbawa

!
B. Paano maipaliliwanag ang kahulugan ng
iba’t ibang konseptong pangwika sa tulong
ng mga halimbawang sitwasyon?
Paano magiging daan ang wikang Filipino sa pambansang kaunlaran? Hanapin ang
B mga katugunan na inilahad sa kasunod na sanaysay. Paano magiging daan ang
wikang Filipino sa pambansang kaunlaran? Hanapin ang mga katugunan na inilahad
A sa kasunod na sanaysay.

S Ang Wikang Filipino sa Pambansang Pagpapaunlad


ni Ponciano B. P. Pineda
A Matalik na magkaugnay ang wika at kultura. Taglay ng wika ang kultura ng
H lipunang pinag-uga tan ng wikang iyon. Ang isang kultura'y maipapahayag ang katapat
sa wikang kakambal ng na turang kultura. Subuking ilipat ang isang wika sa lupaing
I dayo. Ihasik at palaganapin ang wikang iyon, at makikitang kasamang sisibol at
yayabong sa naturang wika ang kulturang kakambal.
N Ang wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Tunay ngunit hindi
kasangkapang mekanikal lamang. Higit dito ang kalikasan at kagamitan ng isang wika.
Ito'y tagapagdala ng mga ideya. Iniimpluwensiyahan nito ang ugali ng tao, ang
M kaniyang isip at damdamin. Ang wika'y instrumento sa paglikha ng makabuluhan at
malikhaing pag-iisip. Samakatuwid, upang magamit sa sukdulan ang wika, dapat itong
O hawakan nang buong husay, angkining ganap. Ang mahina at di ganap ding bunga ng
! naturang paggamit nito.
Tunay na napakahalaga ng wika sa karunungang pantao, at ang karunungan
ay napakahalaga sa tao. Ang pagkakaroon ng wika ay isang katangiang ikinaiba ng tao
sa iba pang mga kinapal ng Diyos. May wika siyang kasangkapan sa kaniyang lipunang
pinamamayanan ng katuwiran at ganting pakinabang.
Sagisag ang wika, durungawan ng kultura ng lipunan ang wika. Ito ang
dahilan kung bakit ang sariling wikang panlahat ay pinili ng mga makabagong lipunan
na tagapagpahayag ng kanilang pambansang pagkakakilanlan at buklod pa rin ang
pagkakaisang panlahi. Ang sariling wikang panlahat ay buklod ng pambansang
pagkakaisa at pahayag ng pagkakakilanlan. Tayo ay nasa panahon pa ng pagpapaunlad
at pagpapalaganap ng ating wikang pambansa-Filipino. Mahaba pa ang landas na
tatahakin natin bago maging lubos ang ating hangarin na ang Filipino'y maging
tagapamansag ng ating mga pambansang mithiin, isipan at damdamin. Sapagkat
hanggang sa ngayon ay watak-watak pa rin tayo, pangkat-pangkat. Tayo'y hindi pa
isang tunay na pambansang bayan. Ang ating likas na pagkakatulad-tulad sa wika,
kaugalian at heograpiya ay pinalubha ng pagsikil ng mga kulturang banyaga sa ating
mga likas na katangian.
Sa kabutihang-palad tayo'y nagmamadali ngayon sa pagtatayo ng sarili
nating karangalang panlahi. Pinagsisikapan nating maiwaksi ang ano mang
banyaga na pumipinsala sa ating ka purihan. Ibig nating kilalanin tayo ng
daigdig bilang tayo, ang tunay na tayo, hindi malabong larawan ng mga
umaalipin sa atin. Tayo'y nagbabalikwas, nagbabagong puri.

Itinatangis ng ating matatanda ang di-umano'y pagkawala sa ating


kabataan ng mga kahalagahang pamanang yaman. Ang nais nila'y mapasigla ang
mga iyon. Ngunit hindi maga ganap ang pagbabalik sa sarili sa paghahangad
lamang. Kailangang suysuyin ang ugat na da hilan. Sa ganang akin ang
pagkawalang tinutukoy ay likha ng sistema ng edukasyon na ang pan gunahing
kasangkapan ay wikang Amerikano. Ang humigit-kumulang 75 taon ng
sistematikong Amerikanisasyon ng batang Filipino ay sapat upang siya'y maging
estranghero sa tinubuang lupa. Tinutukoy ko ang mga mag-aaral.
Bukod doon, ang bahagi ng mga mamamayang hindi nakapag-aral,
at kung nakapasok man sa paaralan at natuto lamang bumasa at sumulat ay
binubuo naman ng isang antas ng mga mamamayang hiwalay sa una, na
bumuo naman ng isang pangkat ng kakaunting pribiliheyo. Samakatuwid ang
wika at kulturang Amerikano (Kastila noong una) ay lumikha ng estratipi
kasyong sosyal. Tumalamak sa sensibilidad ng lahi ang "karamdamang" ito.
Subukin mong taya hin ang hangarin at pangarap ng isang hinubog sa wika at
kulturang dayuhan at masasalat mo ang katotohanan: nais niyang mangibang
bansa upang makapagtamasa ng magandang buhay at ikintal sa kanilang
pahat na isip ang kaalamang sinalik sa pamamagitan ng kaniyang pinag
sanayang wika; makikita mong nagmamadali siya sa pagtakas sa mga
kahirapang dinaranas ng kaniyang bayan at mga kababayan. Nais niyang
maging kaganapan ang mga katotohanang ipinaranas sa kaniya ng kulturang
banyaga sa bisa ng wikang banyaga.
Gusto nating lumakas bilang bansang Malaya. Ang isang daan ay ang wikang
Filipino. Ang kailangan natin ay isang kasangkapan ng komunikasyon para sa lahat ng
ating mga mama mayan-kasangkapang simple, abot ng lahat, gamitin, mabisa at di
kumukupas. Sa kabila ng kahabaan ng panahong ginagamit ang wikang Amerikano
bilang kasangkapan ng instruksyon, ito'y bigo pa rin bilang daluyan ng
pakikipagtalastasan o pagtatalastasan sa masa. Sa gayon nalikha ang guwang kung di
man kawalan ng komunikasyon. Bunga nito'y humina ang pamaha laan. Isipin na
lamang ang magagawa sa pagsulong ng nagkakaisang lakas ng sambayanan kung
pakikilusin sila ng makabuluhang kabatirang dala ng lengguwaheng abot ng kanilang
kakayahan, tulad sa kanilang isip at damdamin.

Ang wikang Filipino sa katutubong wika, na pinayaman ng mga sangkap


lingguwistiko mula sa mga wikang katutubo rin at banyaga ay tugon sa pambansang
pagsulong. Ito'y sariling wika, tagapagdala ng kulturang sarili, tagapagsalaysay ng
impluwensiyang dayuhang iniakma sa mga katangian, kaugalian at idyosinkrasyang
Filipino.
Pansinin ang mauunlad na bansa. Kung nais mong makuha ang siyensya at
teknolohiya ng bansang iyon, gawin mo sa pamamagitan ng kaniyang sariling wika. Ang siyensya
at teknolohi ya ng isang bayan ay di maiwasang bahagi ng kabuuan ng kultura ng bayang iyon.
Kailangang maging gayon tayo pagdating ng araw. Hindi tayo maaaring manatiling manghihiram,
manggagaya, mangongopya sa siyensya at teknolohiya at sa lahat ng bagay sa buhay sa habang
panahon.

Sa ating pakikipag-ugnayan sa iba't ibang dako ng daigdig lalo na ang Timog-


Silangang Asya, sa panahong ito ay napatunayan na nating hindi sapat ang kahusayan sa
dayuhang wika ng ating mga kinatawan. Dala ng kahihiyan o baka naman ng tunay na pananalig,
ay ipinasailalim sa Filipino ang mga kasunduan. Sa paanong di-gayon, ang kasulatang
nilalagdaan ng bawat panig ay sa kani-kanilang wikang pambansa nasasanay. Ito'y katunayan ng
kanilang nasyonalismo, ng kanilang identidad. Sinasabi na ang panitikan ay tala ng
pinakamatayog na kaisipan at karangalan ng isang tao o lahi. Maidaragdag dito na higit na
kapani-paniwala ang talang iyon kung sa wika ng tao o lahing iyon nasusulat. Sa ating panahon
ang malaking bahagi ng panitikan ng lahi'y yaong mga nasusulat sa wikang banyaga. Kung ito'y
pag-aaralan ng isang manunuri na hindi lubusang makakanluran at nakakaunawa sa isang dako ng
mga obrang nasusulat sa mga katutubong wika, mapatutunayan niya na ang panitikan sa
dayuhang wika ng asiwa, hindi naglalarawan ng tunay na ugali, karanasan, isipan, at damdaming
Filipino.
Dahil sa sistemang kolonyal na umiiral dito sa Pilipinas
sa kahabaan ng panahon, nag-ugat at nabuhay ang
piyudalismong kultura na sumiil sa mabilis na pagsibol ng
ating wika at kalinangan. Unti-unting nabaon ang mga
katangian ng ating lahi. At tayo'y naging mga kanluranin sa
lupang silangan. Hanggang sa panahong ito'y patuloy ang
ganitong kalagayan dahil sa di nabubuwag na mga sistemang
dayuhang gumagapos sa atin, bukod sa malakas na bisa ng
mass media.

Ngayon ay kailangan nating balikan ang ating sarili sa


piyudalismong kultura na aking binang git. Sa gawaing ito ang
Filipino ay gamitin nating kasangkapan.
Tunay na masaklaw at malalim ang tungkulin ng wikang Filipino sa
pagbuo ng bansa. Ito'y kaakibat ng pag-ibig sa bayan at mga kababayan,
kakambal ng karangalang panlahi, isa sa mga palatandaan ng pagkalas sa
kaalipinang pangkaisipan at pandamdaming kagagawan ng mga manlulupig.
Tagapagbuo ng diwang makalipunan at daan ng katarungan at
pagkakapantay-pan tay ng lahat ng mamamayan-mamahirap, mamayaman,
mamarunong, maging mangmang. Filipino ang dapat gamiting kasangkapan
kung nais ipadama sa sambayanan ang kapangyarihan ng mga kaisipan. At sa
Filipino mabubuklod ang lahat ng mga Filipino.
Kung wala ang wikang Filipino, walang nasyonalismong Filipino,
kung walang nasyonalis mong Filipino, walang Bagong Lipunang
makikipagtagalan sa mga panahon; at kung walang Bagong Lipunan ang
Bayang Filipino'y walang katubusan.
-Mula sa Filipino sa Nagbabagong Panahon (Batayang Aklat sa Sining ng
Komunikasyon Para sa Kolehiyo)
New Day Publishers, 2003
Gamit ng Wika Ayon sa Antas
May iba’t ibang antas ang wika na ginagamit sa pagsulat ng sanaysay.
5. Masining o Pampanitikan - Pinakamataas na antas ng wika.
Halimbawa: salamisim, kadaupang-palad, at iba pa

4. Teknikal - Gamit sa iba't ibang disiplina/sitwasyong pang-akademiko.


Halimbawa: Accountancy, Internet, Computer, at iba pa

3. Diyalektal/Lalawiganin - Mga salitang ginagamit mula sa lalawigan. Halimbawa:


vakul (Batanes), malong (Maranao), tupig (Pangasinan), at iba pa

2. Kolokyal - Karaniwang pakikipag-usap ng isang indibidwal.


Halimbawa: edukasyon, kontrol, kaklase, at iba pa

1. Balbal-Pinakamababang antas ng wika. Halimbawa:


dyowa, erpats, mudra, at iba pa
Mga Pahayag/Salita na Ginagamit sa Pagbibigay ng
Opinyon
Sa pagbibigay ng opinyon o kuro-kuro, karaniwang gumagamit ng mga pahayag na: naniniwala
ako, sa aking palagay, buo ang aking paniniwala, ayon sa, dapat bigyang-pansin, at iba pa.
Sa mga salita naman: dapat, wari, dahil, kaya, subalit, ngunit, at iba pa.
Sinasabi na ang isang kuro o hakang personal ay sariling paniniwala ng isang tao
tungkol sa isang bagay, kaya't walang maling opinyon. Maaari itong ibatay sa isang katotohanan
Batayan
o karanasan.ng Pagkakasulat ng Sanaysay
 Nakita - Mga pangyayari sa paligid na nakita at iuugnay sa isang paksa o isyu na bibigyan ng
opinyon.
 Napanood - May layuning gawin ang kasanayang ito. Mula sa pinanood, maaaring magbigay ng
reaksiyon o opinyon sa mga pangyayari.
 Narinig-Maaaring batay sa anumang narinig, maging maingat lamang na huwag madagdagan o
mabawasan sapagkat baka malihis ang ideyang isusulat.
 Nabasa - Komprehensibong batayan na nakasalalay kung paano naunawaan ang akdang binasa.
 Karanasan - Pinakaepektibong batayan sapagkat malapit sa damdamin, saloobin, at naranasan ng
susulat.

You might also like