You are on page 1of 7

Filipino 11

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at kulturang Pilipino


Unang Kuwarter - Linggo 1

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: _____________________


Pangkat at Taon: _____________________________________ Iskor: ______________________

Paksa: Katuturan at Kabuluhan ng Wika

Kompetensi at Code:
 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika F11PT-Ia-85

Konsepto o Ideya:

Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa paksang mga konseptong
pangwika: wika, wikang pambansa, wikang panturo, wikang opisyal.
Sa pangunguna ng kanilang lider na si Angelo Carrtte, pinag-uusapan nila ang paksang tatalakayin
ng kanilang pangkat, ang tungkol sa mga konseptong pangwika. Kasama sa pangkat sina Maxine,
Stephanie, Nathalie, Angela, at Messiah.

Angelo Carrtte: Handa na ba kayo sa tatalakayin natin para sa klase bukas? Pag-usapan natin at isa-
isahin ang mga ito.
Maxine: Sige ako ang mauuna. Wika ang napunta sa akin. Gaya ng napagkasunduan natin, gagawan ng
handout ang tatalakayin kaya’t kumuha na kayo ng tig-iisa para sasabayan ninyo ako.
Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa
komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng tunog. Binubuo ng sagisag
ang isang wika. Sa nabanggit na depinisyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa tao. Bagaman
ang mga hayop ay mayroon ding paraan sa komunikasyon, hindi tinatawag na wika ang mga ito.
Not For Sale

Samakatuwid, ang wikang tinutukoy sa pagtatalakay na ito ay ginagamit ng tao sa pakikipag-


ugnayan sa kanyang kapwa tao.
Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan sa
pakikipagtalastasan. Kailangang malaman ang mga pangkalahatang katangian ng wika.
Angelo Carrtte: Mahusay! Talagang malawak ang naging pananaliksik ni Maxine. Si Stephanie naman.
Wika rin ang itinakda sa iyo, di ba?
Stephanie: Tama ka. Narito naman ang iba pang kahulugan ng wika. Ginawan ko ito ng tsart.

Wika: Depinisyon
Gleason Webster Emmert Sapiro Lachica Hemphill Linggwistik
(1961) (1974) at (Sapiro sa 1998 ( Hemphil sa ong
Donagby Ruzol Ruzol 2014:15) paliwanag ni
Ang wika ay Ang wika 1981 Peng 2005
2014:15) Ang wika ay isang
masistemang ay isang Ang wika
balangkas ng sistema Ang wika Ang wika ay ay masistemang Ang wika ay
mga ng ay isang isang lakas at nagpapa- kabuuan ng mga isang
sinasalitang komunika sistema makataong sagisag na sistema ng
ng mga hayag ng arbitraryong
tunog na syon sa pamamaraan sinsalita o
sagisag kultura ng pagpapakah
pinili at pagitan ng paghahatid binibigkas na
na pana ulugan sa
isinasaayos ng mga ng mga pinagkaisahan o
sa paraang tao sa bimubuo kaisipan,damd hon, pook kinaugalian ng tunog at
arbitraryo na pamamag ng mga amin,at o bansa. isang pangkat ng simbolo,
ginagamit sa itan ng tunog o hangarin sa mga tao, at sa kdong
pakikipagko mga pasulat pamamagitan pamamagitan nito’y paraan ng
munikasyon pasulat o na letra ng isang nagkakaugnay, pagsulat at
ng mga pasalitang kusang-loob nagkaka-unawaan pahiwataig
taong simbolo na kaparaanan at nagkakaisa ang na galaw o
kabilang sa na lumikha ng mga tao. kilos ng tao
na ginagamit

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
isang kultura tunog. sa
komunikasyo
n.

Angelo Carrtte: Mahusay rin. Kung susuriin ang mga kahulugang inilahad tungkol sa wika, iisa ang
pinatutunguhan nito, na ginagamit ito sa masistemang paraan upang mapahayag ng tao
ang kaniyang kaisipan at damdamin nang maayos at may layunin.

Si Nathalie naman ang magtatalakay sa konseptong pangwika na wikang pambansa.

Nathalie: Okey, handa na ako.

Wikang Pambansa
Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang wikang Pambansa na
ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop. At kung ang
bansa ay multilingguwal na tulad ng Pilipinas, dapat lang asahan na ang wikang pambansa ang
magiging tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan na may kani-kanilang
katutubong wikang ginagamit. Bukod dito, ito rin ang pambansang daluyan ng komunikasyon tulad
ng telebisyon, radyo, at mga pahayagan, gayon din naman ang mga kilalang politiko, komentaresta,
mga manunulat at makatang gustong maabot ang buong bansa.

Angelo Carrtte: Wow! Hindi nagpatalo si Nathalie Pakinggan naman natin si Angela sa
pagtatalakay niya.

Angela: Handa na ako. Gamit ang wikang panturo upang magtamo ng mataas na antas ng
edukasyon.
Not For Sale

Wikang Panturo

Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang wikang panturo.


Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon. Mahalaga ang
mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang makaagapay sa akademikong pag-unlad.
Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong
Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng 1987, Sek. 6 kaugnay ng wikang panturo na:

Sek.6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.Samantalang nililnang, ito ay dapat


payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at ibang pang mga
wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang
itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo
sa sistemang edukasyon.

Angelo Carrtte: Napakakomprehensibong ng talakay mo, Angela. Sige, si Messiah naman ang
pakinggan natin para sa huling konseptong pangwika – ang wikang opisyal.

Messiah: Okey, ako naman.

Wikang Opisyal

Tinatawag na wikang opisyal ang pangunahing wikang ginagamit sa edukasyon, sa


pamahalaan, sa politikal, sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Sek.7 ng Artikulo XIV ng
Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles.”

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
Tinatanggap din ang Ingles ay isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong
gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin
ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang wikang opisyal.

Angelo Carrtte: Nakatutuwa naman at talagang handang-handa na tayo para sa talakayan bukas.
Maidaragdag na, “dahil sa ang wika ay buhay, patuloy na umiinog ito sa mga pagbabagong
makaharap nito. Maging kahulugan o depinisyon ay may iba’t ibang pahayag tungkol dito.”
Sige, bukas na natin alamin. Tayo na. Umuwi na tayo at maghanda para bukas.

Lahat: Tama ka! Para maging maayos ang pagtatalakay natin bukas.

Katangian ng Wika
Lahat ng nilikha sa mundo ay may katangian o kalikasang taglay. Tulad ng mga tao
at iba pang mga bagay sa mundo, nagtataglay rin ng mga katangian o kalikasan ang wika.
Kung babalikan ang kahulugan ng wika ayon kay Henry Gleason, nakapaloob sa
kahulugang kaniyang ibinigay ang tatlong katangian.
Una, ang wika ay may masistemang balangkas. Binubuo ng mga makabuluhang
tunog o ponema ang wika na nakalilikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama
sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala,
pangungusap at talata.
Ponema Morpema Sintaks Semantika
-pinakamaliit na - pinakamaliit na yunit ng salita na
-pagsama-sama ng mga -ang pag-aaral ng
yunit ng tunog ng nagtataglay ng kahulugan Not For Sale

salita upang makabuo mga kahulugan ng


wika  Salitang-ugat ng pangungusap isang salita
 Panlapi
-21 ponema
 Morpemang ponema

Tunog Salita Pangungusap Kahulugan


Pangalawa, ang wika ay sinasalitang tunog. Ito ang mga tunog na nalilikha ng
ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o
pinanggalingang lakas ng enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng
tunog o artikulador at mino-modify ng resonador.
Pangatlo, ang wika ay nagbabago. Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng
mga bagong bokabularyo dahil sa dinamiko ang wika.
Pang-apat, ang wika ay nakabatay sa kultura. Magkakaugnay ang wika at kultura
at hindi maaaring paghiwalayin. Katulad ng nabanggit, ang kultura ang nagpapayaman sa
wika samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng mga
gawaing nakapaloob sa kultura.
Panlima, ang wika ay arbitraryo. Pinagkakasunduan ng anumang wikang gagamitin
ng mga grupo ng tao bilang sariling pagkakakilanlan sa paggamit ng wika na ikinaiiba nila
sa iba pang komunidad para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sapagkat bawat
indibidwal ay may sariling katangian, kakayahan at kaalamang hindi katulad ng sa iba.

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
Gawain 1
Alamin ang kahulugan ng mga konseptong pangwika: wika, wikang pambansa, wikang
paturo, at wikang opisyal sa tulong ng mga sitwasyong inilahad, naranasan o maaring maranasan.

Salita Pagpapaliwanag sa kahulugan sa tulong ng mga sitwasyon.

1. Wika

2. Wikang pambansa

3. Wikang panturo

4. Wikang Opisyal

Gawain 2

Bumuo ng isang poster na nagpapakita ng kahulugan ng wika.Ipaliwanag sa bahaging ibaba


ang kahulugan nito sa dalawang pangungusap lamang. Gawin ito sa isang buong papel.

Pamantayan sa pagmamarka:
Pagkamalikhain-------------------------------------- 5
Not For Sale

Kaangkupan sa pagpapakahulugan ng wika-- 5


Kalinisan at Kaayusan----------------------------- 5
Kabuuan 15

Gawain 3

Bilugan ang titik ng salita o pariralang makabubuo sa diwa ng mga sumusunod na pahayag.

1. Ang wika ay ________ kaya’t ang wika ay nagbabago.


A. sinasalitang tunog C. arbitraryo
B. masistemang balangkas D. dinamiko
2. Anong wika ang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang pang-sekundarya?
A. Bisaya at Filipino C. Ingles at Filipino
B. Pilipino at Ingles D. Pilipino at Bisaya
3. Ang pahayag na ________ ang wika ay patunay na nalilikha ng ating aparato ang pagsasalita ng
wika.
A. pinipili at isinasaayos C. ginagamit
B. sinasalitang tunog D. nagbabago
4. . Bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa paggamit ng wika na
ikinaiiba sa iba pang komunidad dahil sa ang wika ay _______.
A. pinipili at isinasaayos C. nagbabago at nabubuo
B. sinusuri at sinasalita D. nakabatay sa kultura
5. .Alin sa mga pahayag ang hindi totoo?

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
A. Lahat ng wika ay ginagamit ng lipunan bilang instrumento ng komunikasyon.
B. Lahat ng wika ay may sariling sistema ng tunog na may epekto sa pagpapakahulugan.
C.Lahat ng wika ay hindi dapat mapagkasunduan upang may pag-aaralan o magsasaliksik pa.
D..Lahat ng bansa ay may kanya-kanyang wika upang magamit sa pagkakilanlan ng isang angkan.

6.Ginagamit ang wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t ibang wikang
kinagisnan. Ang Filipino rito ay wika bilang _________.
A. wikang Pambansa C. Linggwa Franca
B. wikang oipsyal D. wikang panturo
7. Ipinapahayag sa Sek 7 artikulo bilang ______ ng Saligang Batas ng 1987 na ang Wikang Opisyal
sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, gagamitin din ang
wikang Ingles.
A. XV B. XIV C. XII D. XVI
8. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo.
A. Ilokano B. Tagalog C. Bisaya D. Filipino
9.Ayon sa kay __________ , ang wika ay wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang
tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo .
A. Sapiro B. Gleason C. Hutch D. Otanes
10. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Ang pinakamaliit na yunit ng tunog ay tinatawag na.
A. ponema B. morpema C. sintaks D. semantika
11. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pinakatamang ayos?
A. Ipinasyal ng kapatid ko, mga panauhin sa bayan na kararating lamang.
B. Panauhing kararating lamang ay pinasyal ng mga kapatid ko sa bayan.
Not For Sale

C. Panauhing ipinapasyal ng mga kapatid sa bayan ay kararating lamang.


D. Ipinasyal ng kapatid ko ang mga panauhing kararating lamang sa bayan.
12. Pinag-isa ang ating mga ninunong Katipunero ng wikang Tagalog, ang kanilang wikang opisyal
sa pakikipaglaban sa mga kastila, samantalang ang mga propagandista naman ay ang wikang
Kastila na naging wika nila sa pagpapahayag ng makabayang diwa sa La Solidaridad. Ano ang
tinutukoy ng pahayag?
A. Wika ang nagbubuklod ng bansa. C. Wika ay lumilinang ng malikhaing pag-iisip
B. Wika ay instrumento ng komunikasyon D. Wika ang nagpapalaganap ng kaalaman
13. . Kapag ipinatutupad ang paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo sa asignaturang
Agham at Matematika, at wikang Filipino naman sa iba pang asignatura ay tinatawag itong
konseptong pangwika na _______.
A. Bilingguwalismo C. Wikang Opisyal
B. Multilingguwalismo D. Wikang Pambansa
14. Ang tawag sa wika na ginagamit sa pormal na edukasyon.
A. Wikang Opisyal C. Wikang Panturo
B. Wikang Pambansa D. Wikang Pandaigdig
15. Bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa paggamit ng wika na
ikinaiiba sa iba pang komunidad dahil sa ang wika ay ________.
A. nagbabago C. nakabatay sa kultura
B. arbitraryo D. pinipili at isinasaayos

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
Sanggunian

Bernales, R., et al. Wika at Komunikasyon. Mutya Publishing House, Inc., 2013

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. 2016.

Magdalena O. Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon


City: Vibal Group Company, 2016.

Nuncio, R, et al. Sidhaya 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Quezon City: C & E Publishing, Inc. 2016

Susi sa Pagwawasto

Not For Sale

Gawmabubuo Gawain 3

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
Not For Sale

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale

You might also like