You are on page 1of 22

Mga Konseptong Pangwika 1

Saint

Columban College
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
7016 Pagadian City

STUDENT’SLEARNINGMODULE
Student’s Name: ___________________________ Date: ____________________
Grade & Section:______________ Subject: Fil 11-Komunikasyon

Content Standard : Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit
ng wika sa lipunang Pilipino.
Performance Standard : Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad.
Learning Competencies: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at
gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
Learning Content: Mga Konseptong Pangwika
Learning Resources:
Marquez, S. (2016). Komnikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura, Quezon Ave., Quezon
City, Sibs Publishing House, Inc.
Taylan, D. (2016). Komnikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura, Nicanor Reyes, Sr. St.,
Manila, Philippines, Rex Books Store
Core Values: Napahahalagahan ang wika at kulturang ng Pilipino

Modyul Bilang 1.1 Laang Panahon: 1 Linggo Layunin: Sa katapusan ng aralin na ito, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagawa ng pagguhit na nagpapakita ng kahulugan at kabuluhan sa katangian ng
wika.
2. Napaliliwanag sa sariling kaalaman, pananaw at karanasan ang konseptong pangwika.
3. Nabibigyan ng halaga ang pagkakaiba-iba ng Wikang Pambansa, Wikang Panturo at
Wikang Opisyal.

I. INTRODUKSYON

Panagdait sa Dios ug tanang Kabuhatan! Magandang buhay!


Kumusta kayo sa araw na ito? Sana ay nasa mabuti kayong
kalagayan at malakas na pangangatawan upang kayo ay
makagagawa ng mga aktibidad sa bawat aralim na ito at sa
susunod pa. Mahalin at yakapin ninyo ang new normal na
pagkatuto upang ang gawain ay hindi mahirap gawin at magiging
laro-laro na lamang ito kung mahal ninyo ang inyong trabaho
upang hindi kayo mabagot at mahirapan nang sa gayun ay di’
ninyo namalayan na tapos n’yo na ang modyul na ito. Halina‘t
tayo’y magsimula na upang matuto!
1|Page
Mga Konseptong Pangwika 2

A. Pagganyak:
Panuto: Sulatan ng salitang “Wika” ang isang linya na nasa ibabaw ng bilog. Pumili ng
isang bagay na makikita mo sa iyong paligid na maihahambing mo sa wika at isulat ito sa isa
pang linya na nasa ibabaw ng isa pang bilog. Pagkatapos ilista ang mga katangian,
dekripsyon o depenisyon ng wika at ng bagay na pinaghambing mo, ayon sa iyong
pagkakaunawa nito. Isulat sa bilog na nasa gilid ang mga katangian na naiiba o hindi
pagkakatulad nila. Sa bilog na nasa gitna ng dalawang bilog ay isulat ang pagkakatulad o
kapareho ng wika at sa bagay na napili mo.

B. Transisyon:

Ang wika ay isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao,


dahil sa wika ay nagkakaunawaan at nagkakalapit-lapit ang mga tao sa daigdig. Ito ang
kasangkapan upang maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang anumang kanyang naiisip,
nadaram at nakikita tungkol sa kanilang paligid. Ang aralin na ito ay magpapaunawa sa
iyo kung ano ang wika upang mas lalo mo pang mabigyan ng pansin ang wika, buhayin o
gamitin ang wikang atin at pahalagahan ang wikang pinaglaban ng mga bayani hanggang
kamatayan.
2|Page

PAGPAPALIWANAG Basahin Mo! Ito ay nagbabago kasabay


ng pagbabagong
nagaganap sa daigdig

Ang wika ay
Mga Konseptong Pangwika 3

MGA KATANGIAN NG WIKA May isang


maaaring pormal na Komunikasyon Kaugnay ang Ito ay iba’t ibang larangan
ginagamit sa Dinamiko kultura ng
edukasyon o di ang wika sining,
pormal na ginagamit sa paniniwala,
palengke Malikhain at kaugalian,
natatangi karunungan at kinagawian

Gamit sa lahat Ang wika ay hindi


ng uri ng magkatulad at nay kani
disiplina o kaniyang katangian dahilan
propesyon upang mamukod at maiba
Mahalagang gamit ang particular na

wika
wika sa gamit sa bawat didiplina o
pakikipagtalastasan o propesyon
pakikipag-usap

May lebel o antas

Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa paksang mga
konseptong pangwika: Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal. Sa
pangunguna ng kanilang lider na si Angelo Carrtte, pinag-uusapan nila ang paksang tatalakayin
ng kanilang pangkat, ang tungkol sa mga konseptong pangwika. Kasama sa pangkat sina
Maxine, Stephanie, Angela at Messiah.

Handa na ba kayo sa tatalakayin natin para sa


klase bukas?

Angelo Carrtte
Ako ang mauuna. Wika ang napunta sa akin. Gaya ng napagkasunduan natin,
gagawan ng handouts ang tatalakayin kaya’t kumuha na kayo ng tig-iisa para
masabayan ninyo ako. Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog
o sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao ay
tinutukoy na sistema ng tunog. Binubuo ng sagisag ang isang wika. Sa
nabanggit na depinisyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa tao. Bagaman
ang mga hayop ay mayroon ding paraan ng komunikasyon, hindi maituturing
na wika ang mga ito. Samakatuwid, ang wikang tinutukoy sa pagtatalakay ay
ginagamit ng tao sa pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa tao.

Maxine

3|Page
Mga Konseptong Pangwika 4
Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na
kasangkapan sa pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika ay nakapokus
sa kapakinabang na idudulot sa magaaral na matutunan ang wika upang
makapaghanapbuhay,makapamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan
nang lubusan ang kagandahang buhay sa kanyang ginagalawan.

Maxine
Mahusay, talagang malawak ang naging
pananaliksik ni
Maxine. Si Stephanie naman, wika rin itinakda sa iyo, di ba?

Angelo Carrtte

Tama ka. Narito naman ang iba pang kahulugan ng wika.


Isinaayos ko ito sa pamamagitan ng isang tsart.

Stephanie
Gleason (1961) Sapiro Hemphill
(Sapiro sa Ruzol 2014:15) (Hemphill sa Ruzol 2014:15)

Ang wika ay Ang wika ay isang lakas Ang wika ay isang


masistemang at makataong masistemang kabuuan ng
balangkas ng mga pamamaraan ng mga sagisag na sinasalita
sinasalitang tunog na paghahatid ng mga o binibigkas na
pinipili at kaisipan, damdamin at pinagkaisahan o
isinaayos sa paraang hangarin pamamagitan kinaugalian ng isang
arbitraryo na ng isang kusangloob na pangkat ng mga tao at
ginagamit sa kaparaanang lumikha sa pamamagitan nito
pakikipagkomunikasy ng tunog. ay
on ng mga taong nagkakaugnay,
kabilang sa kultura. nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang mga tao.

Stephanie
Wow! hindi nagpatalo si Stephanie. Pakinggan naman
natin si Angela sa pagtatalakay niya.

Angelo Carrtte

Ang gamit ng wikang panturo ay magtamo ng mataas na


antas ng edukasyon.
Angela
Wikang Panturo - Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin
bilang Wikang Panturo. Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas
na antas ng edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang
panturo upang makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan
ang pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong
Pangwika ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang-batas ng 1987, kaugnay ng wikang
panturo na: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nilinang,ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at ibang pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang pang-edukasyon.

Angela

4|Page
Mga Konseptong Pangwika 5

Napakakomprehensibo ng talakay mo, Angela. Sige,si


Messiah naman ang pakinggan natin para sa huling
konseptong pangwika. Ang Wikang Opisyal…

Angelo Carrtte Okey, ako naman.

Messiah

Wikang Opisyal- Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang


ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at
industriya. Ipinahayag naman sa Artikulo XIV seksyon 7 ng Saligang-batas
ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana ang
batas, Ingles.” Tinatanggap din ang Ingles na isa sa wikang opisyal
maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at
edukasyon. Hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa
nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang Wikang Opisyal.

Messiah
Nakatutuwa naman at talagang handang-handa na tayo
para sa talakayan bukas, Maidaragdag na, dahil sa ang
mga wika ay buhay, patuloy na umiinog ito sa mga
pagbabago. Maging kahulugan o depinisyon lumalawak
din at nagbabago. Sige, bukas na natin alamin.Tayo na.
Umuwi na tayo at
maghanda para bukas.

Angelo Carrtte

Tama, para maging maayos ang pagtatalakay natin


bukas.

Messiah
Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino:Vibal,Inc ,2016 p.4-6

Naunawaan na ba! Magaling! Pagkatapos napagalaman na


natin ang aralin, subukan mo nating sagutan ang mga aktibidad
na nasa ibaba!

5|Page

II. INTERAKSYON A. Aktibidad sa Pagkatuto:


Mga Konseptong Pangwika 6

Panuto: Sa loob ng bawat bilog, iguhit ang larawan na nagpapakita ng bawat katangian ng
wika.

KATANGIAN
NG
WIKA
Magaling! Ngayon natapos mo nang sagutan ang aktibidad ay handa ka na sa ating
pasulit.!

6|Page
Mga Konseptong Pangwika 7

Pasulit:
Panuto: Ipaliwanag na ayon sa iyong sariling pagkaunawa ang mga sumusunod na konseptong
pangwika base sa pagpapaliwanag ng panel discussion sa ibabaw.
Dalubhasa sa Pag-aaral ng Wika Sariling Pagpapaliwanag

1. Sapiro

2. Hemphill

3. Gleason

4. Hutch

5. Otanes

III. INTEGRASYON
A. Paglilipat Kaalaman:
Panuto: Kompletuhin ang pahayag sa ibaba sa loob ng 1 minuto.

Nalaman ko sa aralin na ito ay…


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

7|Page
Mga Konseptong Pangwika 8

B. Repleksyon
Panuto: Bigyan ng sariling pagpapahalaga ang kaisipan ng mga natutunan sa Wikang
Pambansa, Wikang Panturo at Wikang Opisyal.

Wikang Panturo Wikang


Pambansa • . Opisyal
•.
•.
•.
•.
Wikang •.

Sobrang napakagaling! Tapos na tayo sa ating aralin.


Sana ay hindi kayo nagsawa kung di ay napamahal sa inyo
ang pagkatuto at ang asignaturang ito. Hanggang sa
susunod na talakayan na naman! Maraming Salamat!
Inihanda ni: Jasell Hope Gajete-Labayo
Guro

8|Page
Mga Konseptong Pangwika 9

Modyul Bilang. 1.2 Time Frame: 1 Linggo Layunin: Sa katapusan ng aralin na ito, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakabubuo ng sariling pahayag batay sa wika sa sariling kaalaman, pananaw at mga
karanasan. sa sitwasyong isinaad
2. Naiaangkop ang pakikipagkomunikasyon batay sitwasyong kinasasangkutan. 3.
Napahahalagahan ang adbentahe ng Multilingguwaslismo sa Monolingguwalismo, at
Bilingguwalismo.

I. INTRODUKSYON

Panagdait sa Dios ug tanang Kabuhatan! Magandang buhay! Kumusta kayo sa araw


na ito? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at malakas na pangangatawan upang
kayo ay makagagawa ng mga aktibidad sa bawat aralim na ito at sa susunod pa. Mahalin
at yakapin ninyo ang new normal na pagkatuto upang ang gawain ay hindi mahirap
gawin at magiging laro-laro na lamang ito kung mahal ninyo ang inyong trabaho upang
hindi kayo mabagot at mahirapan nang sa gayun ay di’ ninyo namalayan na tapos n’yo
na ang modyul na ito. Halina‘t tayo’y magsimula na upang matuto!

“Bago tayo magpatuloy sa ating bagong leksyon. Magkakaroon muna tayo ng maikling
pagbabalik tanaw sa ating nakaraang leksyon.”

Bakit mahalaga na malaman natin bilang Pilipino ang ating wika at kultura?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

A. Pagganyak:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa pahayag na nasa ibaba.

“I want to make Shopping sa Gaisano Mall, mura kasi doon.”


“Manood naman tayo ng sine to have some relaxation sa ating pag-aaral kay dami kasing
activities to be pass on time.”
“huwag mong hakwakan jiyan, it is dirty.”

Ano ang napansin mo sa mga pahayag na ito? Tama ba ang pagkakagamit ng wika?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
.
B. Transisyon:
Napansin natin sa ibabaw na mga pahayag ay nagagamit ang konsepto ng
bilingguwalismo ngunit isa lamang itong maling paniniwala. Ang paggamit ng wika sa
pakikiagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ng isang katangiang natatangi lamang sa
tao. Nagaganit ng tao ang wika upang makapagpahayag ng kanyang karanasan, kaisipan,
damdamin, hangarin at iba pa batay sa pangangailangan at sa angkop na sitwasyon o
pagkakataon kaya naman masasabing ang wika ay natatangi lamang sa tao at hindi sa iba
pang nilalang. Sa aralin na ito ay matututunan natin kung bakit mahalaga na maraming
wikang kayang wikain ng isang tao hindi lamang salita.

9|Page
Mga Konseptong Pangwika 10

PAGPAPALIWANAG:
Basahin Mo!
MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO

Monolingguwalismo
Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa isang
bansa tulad ng mga bansang England, Pransya, South Korea at Hapon. Iisang wika ang
ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. May iisang wika ding umiiral
bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan
sa pang araw
araw na buhay.

Bilingguwalismo
Maituturing mo ba ang sarili mo na bilingguwal? Bakit? Anong pagkakahulugan ang
maibibigay mo para sa salitang bilingguwalismo? Binibigyan ng pagpapakahulugan ni Leonard
Bloomfield (1935) – isang Amerikanong lingguwista. Ang bilingguwalismo ay ang paggamit o
pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang kanyang katutubong wika.
Pahayag naman ni John Macnamara (1967) – isa pa ring lingguwista “Ang bilingguwal ay isang
taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na markong kasanayang pangwikang kinabibilangan
ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika”.
Tulad kay Uriel Weinreich (1953) – isang lingguwistang Polish-American, sinasabing ang
paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong
gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo


Makikita sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon para sa
bilingguwal o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na
iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalan man o sa kalakalan.

Multilingguwalismo
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika at
wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monilingguwal. Karamihan sa ating mga Pilipino ay
nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo o wikang
kinagisnan. Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE). Ipinatupad ng Deped
ang K to 12 Curriculum ang paggamit ng unang wika bilang panturo partikular sa kindergarten at
Grades 1,2, at 3. Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang unang wika ang gagamitin sa
kanilang pagaaral. Base sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa
ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral. Mahalaga ang unang wika
sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na
pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika. Walong (8) Wikang Panturo sa unang taon ng
MTE_MLE - Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, at
Waray. Wikang Panturo MTE-MLE -Tausug, Maguindanaoan, Meranao at Waray. Wikang
Panturo MTEMLE pagkalipas ng isang taon may labing siyam na ang wikang ginagamit ng MTB
MLE -Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon ,Kinaray-a ,Yakan ,Surigaonon. Samantalang Filipino at
Ingles ang gagamiting wikang panturo sa mas mataas na antas ng elementarya, gayundin sa
sekundarya at sa kolehiyo. Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino III “We should become tri
lingual as a country. Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and
connect to our country. Retain your dialect and connect to your heritage.”

-Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino:Phoenix,Inc,2016 p.29-33

“Naunawaan na ba! Magaling! Pagkatapos napagalaman na natin ang


aralin, subukan mo nating sagutan ang mga aktibidad na nasa ibaba!”

10 | P a g e
Mga Konseptong Pangwika 11

II. INTERAKSYON
A. Pampagkatutong Aktibidad:
Panuto: Ano-anong wika ba ang nasasalita at nauunawaan mo? Subukang ipahayag ang
reaksyon mo para sa sumusunod na mga sitwasyon gamit ang TATLONG wikang alam mo?
Isulat sa mga bilog ang pagpipilian mong sabihin depende sa sitwasyon na angkop dito.

1. Nagkita kayo ng isang kaibigang matagal mo nang di nakikita. Sa ilang wika mo


naipahayag ang iyong mga ideya? Alin sa mga ito ang iyong

Unang wika(L1) Ikalawang wika (L2) Ikatlong wika (L3)

2. Ang iyong kapit-bahay ay bagong lipat sa inyong lugar. Mais mo sana itong makausap
tungkol sa aso mong nawawala.

Unang wika(L1) Ikalawang wika (L2) Ikatlong wika (L3) 3. Sumakit ang ulo at katawan

mi tila magkakalagnat ka.

Unang wika(L1) Ikalawang wika (L2) Ikatlong wika (L3) 4. Inanyayahan ka ng isang

kaibigan para sa kanyang party pero hindi ka makakapunta.

Unang wika(L1) Ikalawang wika (L2) Ikatlong wika (L3)


Magaling! Ngayon natapos mo nang sagutan ang aktibidad ay handa ka na sa ating
pasulit.!

11 | P a g e
Mga Konseptong Pangwika 12

B.Pagtataya
Panuto: Isulat sa nakalaang patlang sa gilid ng letrato kung ito ba ay monolingguwalismo,
bilingguwalismo at multilingguwalismo ang ginamit sap ag-uusap ng mga tauhan sa
larawan. At isulat sa ibabang bahagi ng larawan ang pakikipagtalastasan o pag-uusap ng mga
tauhan base sa isasaad na sitwasyon.

1. Si Pedro ay isang
Maranao na
nagtitinda sa
palengke ng
Pagadian, ano ang
wikang kanyang
gagamitin upang
kausapin ang mga
mamimili? Ano ang
kanyang sasabihin sa
mga mamimili
upang maibenta ang
mga tinda niya galling sa bukirin sa Dinas para maging adbentahe niya ito sa ibang
nagbibinta sa loob ng mercado.

____________________________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Si Ana ay isang OFW sa Saudi Arabia at nagtatrabaho siya bilang katulong ng isang
mayamang mag-asawa. Hanbang siya ang naglilinis ng kwarto may nakita siyang pera sa
higaan ng anak ng kanyang amo at tinago niya ito sa kabenet nito. May tumawag sa kanya sa
selpon na nakikiusap na padalhan ng pera at sinabi niyang gagawa na lamang siya ng paraan
upang mapadalhan ng pera ang pamilya, iyon ay narinig ng kanyang among lalaki. Sinabihan
siya nito na bibigyan siya ng cash advance at alimutan na niyang sabihin sa amo ang kanyang
nakitang pera. Isang araw nagkagulo na ang lahat sa bahay dahil nawawala ang perang sana
ay ededeposit na sa bangko. Ano kaya ang wikang ginamit niya upang magalit ang kanyang
amo? Ano ang kanyang
sinabi sa amo?

_________________________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Si Ana ay isang Pilipino at dalagang probinsyana na taga-Margos, Zamboanga del Sur. Tatak
sa kanya ang pagiging Pinay sa kanyang balat at ganda dahil siya ay kayumanggi. Isang araw
may nakilala siya sa facebook na isang Amerikano at di nagtagal nagging magkaibigan sila
nito hanggang sa niligawan siya nito at nahulog na rin ang kanyang loob dahil sa mga
matatamis nitong ngiti at pag-aalala sa kanya. Ano ba ang gagamitin ni Ana na wika? Anong
mga salita ang gagamitin niya upang maiparamdam sa lalake ang na pareho sila na
nararamdaman. Ano ang sasabihin
ni Ana?

__________________________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

12 | P a g e
Mga Konseptong Pangwika 13

III. INTEGRASYON
A. Paglilipat Kaalaman:
Panuto: Masasabi bang monolingguwal, bilingguwal o multilingguwal ka? Pumili ng isa
at ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagpupuno ng mga linya sa ibaba

Masasabi kong ako ay __________________________dahil____________

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_____________________________________________________________

B. Repleksyon:
Panuto: Masasabi mo ba na mas lamang ang multilingguwal kaysa monolingguwal? Bakit
edbentahe ito? Bakit mahalaga sa iyo na mas maging adbentahe ang kaalaman sa panahon
natin ngayon?
Sobrang napakagaling! Tapos na tayo sa ating
aralin. Sana ay hindi kayo nagsawa kung di ay
napamahal sa inyo ang pagkatuto at ang
asignaturang ito. Hanggang sa susunod na
talakayan na naman! Maraming Salamat!

Prepared by: Jasell Hope Gajete-Labayo


Guro

13 | P a g e
Mga Konseptong Pangwika 14

Module No. 1.3 Time Frame: 1 Linggo Layunin: Sa katapusan ng aralin na ito, ang
mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagawa kaagad ang dalawang halimbawang pangungusap sa Homogeneous at
Heterogeneous ng wika.
2. Naibabahagi ang sariling kaalaman upang maipost sa Facebook ang tungkol sa
Homogeneous at Heterogeneous
3. Nagagamit nang maingat ang wika batay sa sitwasyon o konteksto.

I. INTRODUKSYON

Panagdait sa Dios ug tanang Kabuhatan! Magandang buhay! Kumusta kayo sa araw


na ito? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at malakas na pangangatawan upang
kayo ay makagagawa ng mga aktibidad sa bawat aralim na ito at sa susunod pa. Mahalin
at yakapin ninyo ang new normal na pagkatuto upang ang gawain ay hindi mahirap
gawin at magiging laro-laro na lamang ito kung mahal ninyo ang inyong trabaho upang
hindi kayo mabagot at mahirapan nang sa gayun ay di’ ninyo namalayan na tapos n’yo
na ang modyul na ito. Halina‘t tayo’y magsimula na upang matuto!

Bago tayo magpatuloy sa ating bagong leksyon. Magkakaroon muna tayo ng maikling
pagbabalik tanaw sa ating nakaraang leksyon.

Ano ba ang monolingguwalismo, bilingguwalismo at multilingguwaliso?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

A. Pagganyak:
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba at isulat ang sagot sa espasyong nakalaan.

Bilang isang mag-aaral, mahalaga bang malaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng isang
wika sa iba’t ibang lahi o kultura? Bakit?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

B. Transisyon:
Ang mga salita ay may maraming baybay at intonasyon depende sa etniko at
kulturang iyong kinabibilanagan. Sa aralin na ito matututunan natin ang kaibahan ng
Homogeneous at Heterogenous.

14 | P a g e
Mga Konseptong Pangwika 15

PAGPAPALIWANAG
Basahin Mo!
ANG HETEROGENEOUS AT HOMOGENEOUS NA WIKA
Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang
porma o estandard na anyo nito o kaya tumutukoy sapagkakaroon ng iisang porma o kaya ay
pagkakaroon ng iba't ibang porma o barayti.

Heterogeneous Na Wika
Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita. Mula sa salitang heterous (magkaiba) at genos
(uri/lahi) nabuo ang heterogeneous.Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng tao, ayon
sa lipunan na kanyang ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na natamasa
at interes sa buhay, nagkaroon ng ibat-ibang barayti ang ating wika. Una ay ang permanenteng
barayti kung saan ay nakasama dito ang mga idyolek at dayalektong uri ng wika. Sa Tagalog ang
pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat lugar dito ay may ibat-ibang katangian ng
wika mayroong Tagalog Batangas, Tagalog Laguna, Tagalog Quezon.

Homogeneos na Wika
Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at
intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan. Halimbawa: Ang
panghihiram natin ng mga salitang dayuhan at pagbibigay ng sariling kahulugan dito. Halimbawa
nito ay kung paanong ang salitang "gimmick" na nasa wikang Ingles ay may kahulugang "pakulo
o paraan ng pagpukaw ng atensyon." Habang ngayon nagkaroon ito ng kahulugan na
"pamamasyal kasama ng mga kaibigan."

Naunawaan na ba! Magaling! Pagkatapos napagalaman na natin ang aralin, subukan mo


nating sagutan ang mga aktibidad na nasa ibaba!

II. INTERAKSYON
A. Pampagkatutong Aktibidad:
Panuto: Magbigay ng sariling kaalaman patungkol sa homogeneous at heterogeneous. Isulat
ito sa ibaba bahagi bilang post sa Facebook na naglalayong magbigay ng impormasyon sa
mga tulad mong kabataan.
15 | P a g

e
Mga Konseptong Pangwika 16

B. Assessment Technique:
Panuto: Magbigay ng tig-dadalawang halimbawang pangungusap sa homogeneous at
heterogeneous. Isulat ito sa nakalaang espasyo sa ibaba.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

III. INTEGRASYON
A. Paglilipat Kaalaman:
Panuto: Magbigay ng banat sa homogeneous at heterogeneous na wika. Isulat ito sa espasyo
na nasa ibaba.

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

B. Repleksyon:
Panuto: Bakit mahalagang matutunan ang homogeneous at heterogeneous na wika?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Sobrang napakagaling! Tapos na tayo sa ating aralin.
Sana ay hindi kayo nagsawa kung di ay napamahal sa
inyo ang pagkatuto at ang asignaturang ito. Hanggang
sa susunod na talakayan na naman! Maraming
Salamat!

Inihanda ni: Jasell Hope Gajete-Labayo


Guro

16 | P a g e
Mga Konseptong Pangwika 17

Module No. 1.4 Time Frame: 1 Linggo Layunin: Sa katapusan ng aralin na ito, ang mga
mag-aaral ay inaasahang: 1. Naiuugnay ang usapan ng mga tauhan sa larawan na ipinakita sa
barayti ng wika. 2. Nakagagawa ng halimbawang pangungusap na nabuo sa pamamagitan ng
mga barayti ng wika.
3. Nisaalang-alang ang paggamit ng angkop na barayti ng wika sa pakikipagkomunikasyon.
I. INTRODUKSYON

Panagdait sa Dios ug tanang Kabuhatan! Magandang buhay! Kumusta kayo sa araw


na ito? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at malakas na pangangatawan upang
kayo ay makagagawa ng mga aktibidad sa bawat aralim na ito at sa susunod pa. Mahalin
at yakapin ninyo ang new normal na pagkatuto upang ang gawain ay hindi mahirap
gawin at magiging laro-laro na lamang ito kung mahal ninyo ang inyong trabaho upang
hindi kayo mabagot at mahirapan nang sa gayun ay di’ ninyo namalayan na tapos n’yo
na ang modyul na ito. Halina‘t tayo’y magsimula na upang matuto!

Bago tayo magpatuloy sa ating bagong leksyon. Magkakaroon muna tayo ng maikling
pagbabalik tanaw sa ating nakaraang leksyon.

1. Ano ba ang pinagkaiba ng heterogeneous at homogeneous?


.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

A. Pagganyak
Panuto: Ang mga sumusunod ay mga trabaho na kadalasan natin ngayong napapanood o
nakakasalubong sa daan. Isulat sa bawat patlang ang mga wika o wikain nila na angkop sa
kanilang trabaho o hanap-buhay.

1. Abogado ____________________________________________ 2. Mangingisda


____________________________________________ 3. Drayber
____________________________________________ 4. Doktor
____________________________________________ 5. Masahista
____________________________________________ 6. Guro
____________________________________________ 7. Magsasaka
____________________________________________ 8. Tindera
____________________________________________ 9. Artista
____________________________________________ 10. Pulis
____________________________________________

17 | P a g e
Mga Konseptong Pangwika 18

B. Transisyon:
Nagkaroon ka na ba suliranin kung paano mo mauunawaan ang sinasabi ng ibang tao.
Nakaranas ka ba ng diskriminasyon sa tuwing hindi mo maiintindihan ang pinag-uusapan
ng iyong mga kaklase. Sa aralin na ito matututunan natin barayti ng wika na kung saan
mabibigyan tayo ng kaisipan kung bakit magkakaiba ang wika ng bawat tao sa mundo at
may mga wikang naaayon sa propesyon at mga wikang sinasambit ng iyong mga iniidolo.

PAGPAPALIWANAG
Basahin Mo!
BARAYTI NG WIKA

Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong


makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito,
kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at
pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito. Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng
partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o
bayan..Gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba
angpunto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na
salitapara sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng pangungusap na siyang nagpapaiba sa
dayalek ng lugar.Kahit na iisa ang wika ay may natatanging paraan ng pagsasalita ang bawat
isa.Lumulutang ang mga katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Ang
sumusunod ay halimbawa ng barayti ng wika.

IDYOLEK
Walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito nang
magkaparehongmagkapareho. Itinuturing din itong inbidibwal na dayalek ng isang tao na
makikita sa punto at paraan ng kanyang pagsasalita, vokabulari at iba pang aspektong pangwika.
Hal:Magandang gabi, bayan" ni Kabayan Noli de Castro
SOSYOLEK
Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng
wika. Kapansin-pansin kung paano makikitang nagkakapangkat-pangkat angmga tao batay sa
ilang katangian. Ayon kay Rubrico(2009), ang sosyolek ang pinakamahusay na palatandaan
ngistratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng
mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na
kanilangkinabibilangan. Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan
niyangmatutunan ang sosyolek na ito.
Hal:Gay Linggo - "Hay naku ka gurl, nakakajines ka"

ETNOLEK
Barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo.Ang salitang etnolek ay nagmula sa
mga salitang etniko at dialek.Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng
pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.Halimbawa: Vakuul =tumutukoy sa gamit ng mga
Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan Bulanon= full moon Ang paggamit ng mga Ibaloy
ng SH sa simula, gitna at dulo ng salita tulad ng shuwa(dalawa) sadshak (kaligayahan), pershen
(hawak).
Hal:Panghihiram ng salita - Ang paghiram natin ng salitang credit card mula sa mga banyaga

PIDGIN
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native language’ o
katutubong wikang di pag-aari ninuman.Nangyayari ito kapag may dalawang taong
nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di
magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.
Hal: Chinese Filipino“Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt”. (Suki, bumili ka na ng paninda
ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)

18 | P a g e
Mga Konseptong Pangwika 19

CREOLE
Ang wikang nagmula sa pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika na ng batangisinilang sa
komunidad ng pidgin. Nagamit na ito ng mahabang panahon, kaya’t nabuo ito hangggang sa
magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod na ng karamihan. Ito ngayonang creole, ang
wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar.
Hal:Buenas dias. (Chavacano) (magandang umaga.)

REHISTRO o JARGON
Ang wikang nabuo dahil sa ibat-ibang propesyon na umiiral sa isang lipunan. Nauunawaan
lamang ng isang tao ang salitang may kaakibat na kahulugan sa propesyon na mayroon ang isang
tao o kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
Hal: Muhon – sa isang karpentero at ang Transcendental phenomenon - sa isang philosopher

Naunawaan na ba! Magaling! Pagkatapos napagalaman na natin ang aralin, subukan mo


nating sagutan ang mga aktibidad na nasa ibaba!

II. INTERAKSYON
A.Pampagkatutong Aktibidad:
Panuto: Isulat sa patlang na nasa gilid ang usapan ng dalawang tauhan na nasa larawan na
angkop sa lugar at panahon.

Mag-aaral at Guro sa paaralan


__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
Magkaibigan sa paaralan

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

Ina at Anak sa loob ng kusina

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

19 | P a g e
Mga Konseptong Pangwika 20

Magkaibigan na bakla sa Plaza

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

Ikaw at si Vice Ganda

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

Magaling! Ngayon natapos mo nang sagutan ang


aktibidad ay handa ka na sa ating pasulit.!

B. Pasulit:
Panuto: Gumawa ng talahanayan ng halimbawang pangungusap na nabuo sa pamamagitan ng
sumusunod na mga barayti ng wika.
Barayti ng Wika Halimbawang Pangungusap Kahulugan sa
Filipino
Idyolek

Sosyolek

Dayalek

Pidgin

Creole

Rehistro

20 | P a g e
Mga Konseptong Pangwika 21

III. INTEGRASYON
A. Paglilipat Kaalaman:
Panuto: Gamitin sa tatlong pangungusap ang mga sumusunod na salita at tukuyin ang
pagkakaiba ng kahulugan batay sa larangan o pagkakagamit nito.
1. gabi Kahulugan
a._____________________________________________ _______________________
b._____________________________________________ _______________________
c._____________________________________________ _______________________

2. Tubo
a._____________________________________________ _______________________
b._____________________________________________ _______________________
c._____________________________________________ _______________________

3. Puno
a._____________________________________________ _______________________
b._____________________________________________ _______________________
c._____________________________________________ _______________________

B. Repleksyon:
Panuto: Umisip at magbigay ng tatlong dahilan na dapat isaalang-alang sa paggamit ng
angkop na barayti ng wika sa pakikipagkomunikasyon.

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
________________________________________________________________

C. Sintesis:
Ano ang alam mo na? Ano ang gusto mong Ano ang nalaman mo
malaman? pagkatapos?
(Isulat mo ang alam mo (Isulat ang gusto mo (Isulat ang mga bagay na
na bago pa man ang pang malaman tungkol napag-alaman mo sa mga
aralin.) sa aralin.) aralin.)

Sobrang napakagaling mo dahil nasagutan mo ang lahat


ng mga aktibidad! Ngayon ay natapos na tayo sa ating
modyul bilang 1. Sana ay hindi kayo nagsawa sa
pagbabasa at pagsagot. Yakapin mo ang pagkatuto para sa
kinabukasan mo at mahalin ang asignaturang Filipino
dahil atin to! Hanggang sa susunod na modyul. Nawa’y
manatili kayong malusog at masaya. Paalam sa ngayon!

Inihanda ni: Jasell Hope Gajete-Labayo - 09092394463


Guro

21 | P a g e

You might also like